CHAPTER 173Huminga muna ng malalim si Vin bago nagpasyang pumasok sa loob ng abandunadong bahay kung nasaan si Bella. Wala na syang choice kundi ang pumasok sa loob dahil hindi pa rin lumalabas si Glaiza. Kasama pa rin nya ang kanyang mga magulang pati na rin sila Mark at Ian. Pagkapasok nila ay agad nilang nakita si Nicole na prenteng nakaupo roon habang nakangiti sa kanila. Marami rin ang mga tauhan neto sa paligid nila. Naikuyom naman ni Vin ang kanyang kamao dahil sa galit."Ang tagal nyo naman pumasok rito. Kanina ko pa kayo hinihintay," sabi ni Nicole."Nasaan si Bella?" agad na tanong ni Vin."Wag kang mainip Vin. Andyan lang naman si Bella," sagot ni Nicole."Bakit mo ba eto ginagawa ha? Bakit ba hindi ka na lamang manahimik sa ibang bansa? Hindi ka na lamang sana nagbalik pa rito," galit na sabi ni Vin."Kumalma ka Vin. Hindi mo ba nakikita kalmado rin ako rito. Sa tanong mo na bakit ko ba eto ginagawa well simple lang naman ang sagot ko dyan gusto ko lang naman na gumanti
CHAPTER 174"Please Nicole. Wag mong gawin yan. Nagmamakaawa ako sayo. Kung gusto mo sasama na lamang ako sayo wag mo lang sasaktan si Bella. Please," pakiusap na ni Vin kay Nicole ng makita nila na may hawak na etong baril."Sasama ka sa akin Vin? Talaga?" nakangiti pa na sabi ni Nicole."Oo Nicole. Sasama ako sayo. Pakawalan mo lang si Bella. Please," pakiusap pa ni Vin. Bigla namang tumawa ng malakas si Nicole."Tapos ano? Tapos tatakasan mo ako? Tapos babalik ka ulet kay Bella? No way. Mas mabuti pa na mawala na lamang sya sa landas ko mas matutuwa pa ako roon," sagot ni Nicole habang unti unti na syang lumalapit kay Bella.Titig na titig naman sila Vin at mga kasama nya kay Nicole dahil baka bigla na lamang netong iputok ang hawak netong baril."Please Nicole," sigaw pa ni Vin.Hinawakan naman muli ni Nicole si Bella sa buhok neto at itinutok ang baril sa ulo ni Bella. Binitawan naman na si Bella ng dalawang tauhan ni Nicole. Napapapikit na lamang ng mariin si Bella dahil sa ta
CHAPTER 175"Mommy?" naiiyak ng bigkas ni Nicole ng makilala nya ang kanyang ina. Kahit na may sama sya ng loob rito dahil sa pag iwan sa kanila noon ay gustong gusto pa rin nyang makita at mayakap ang kanyang ina."Oo anak. Ako eto ang mommy mo. Please Nicole ibaba mo na yang hawak mong baril. Gusto na kitang mayakap anak. Please Nicole. Pwede naman nating pag usapan na lang yan," umiiyak ng sabi ni Claire kay Nicole. Alam na rin kasi ni Claire ang kundisyon ngayon ni Nicole kaya nag iingat din sya dahil baka kung ano pa ang magawa neto."Nicole please listen to mom," sigaw rin naman ni Sarah."Mommy!" umiiyak ng sabi ni Nicole pero nanatiling nakatutok pa rin ang baril na hawak neto sa ulo ni Bella pero unti unti ng lumuluwag ang pagakakasabunot nya kay Bella.Wala pa rin tigil sa pag iyak si Bella at nakikinig lang din sya sa pag uusap ng mga naroon. Sila Vin naman at ang mga kasama nya ay tahimik lamang din na nanonood sa tagpo sa muling pagkikita ni Nicole at ng ina neto.Nang ma
CHAPTER 176"BELLA," sigaw ni Vin."NICOLE," sigaw naman ni Lyndon.Nanatili naman sila sa mga pwesto nila habang nakatitig sila kila Bella at Nicole ng marinig nila ang putok ng baril. Hindi nila alam kung saan nanggaling ang putok ng baril na iyon pero ng tumingin sila sa pwesto ng dalawa ay parehas etong natigilan. Hindi nila alam kung sino ba ang natamaan nang pumutok ang baril pero malinaw sa pandinig nila na halos sabay ang pagputok na iyon.Nagkatitigan naman sila Bella at Nicole. Parehas pa na may mga luha ang kanilang mga mata. Bigla naman bumagsak sa sahig ang baril na pinag aagawan nila kaninang dalawa kaya ang mga naroon ay napatingin doon.Maya maya ay biglang bumagsak si Bella sa sahig habang hawak hawak ang tyan nya at may bahid na ng dugo ang damit nya. Kaya naman nanlaki ang mata ni Vin dahil doon at nagpumilit syang magpumiglas sa mga tauhan ni Nicole. Sila Sarah naman ay napapapikit ng mariin ng makitang bumagsak si Bella"BELLAAAA," galit na sigaw ni Vin. "Bitawan
CHAPTER 177"S-sorry sa n-nagawa ko," sabi pa ni Nicole kasabay ng pagpatak ng luha nya."Sshhh. Dadalhin ka namin sa ospital Nicole ha," sabi Claire sa anak habang mahigpit nyang hawak sa kamay eto. Maya maya pa ay bigla nang huminga ng malalim si Nicole kasabay non ang pagbagsak ng isa nyang kamay at unti unting pagpikit ng nga mata nya."Nicole," sabi ni Lyndon at tinapik tapik pa nya si Nicole sa pisngi. "Nicole anak. Please wake up," sabi pa ni Lyndon."No Nicole. Please anak please gumising ka," sigaw din ni Claire at hindi na nya napigilan pa na mapahagulhol."Nicole wake up please," umiiyak na rin na sabi ni Sarah.Napalingon naman sila Vin at ang mga kasama nya sa pwesto nila Nicole ng marinig nila na humahagulhol na ang ina neto. "Bella lumaban ka ha. Please. Wag kang susuko," baling ni Vin kay Bella. Kahit nahihirapan na si Bella ay tumango tango naman sya rito.Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang ambulansya. Agad nilang kinuha si Bella at Nicole at inilagay sa st
CHAPTER 178Pagkaalis naman ni Sarah ay nagsidatingan na rin sila Viela at Vanessa. Maya maya ay dumating na rin sila Myca, Colleen, Kate at Bernard."Kumusta si Bella?" tanong ni Myca pagkarating nya roon."Hindi pa lumalabas ang doktor simula kanina hija. Kaya hindi pa rin namin alam kung ano na ba ang lagay ni Bella," si Valerie na ang sumagot ng hindi umimik si Vin. Tahimik lang naman na nakaupo si Vin habang nakapikit at patuloy ang paglandas ng luha nya sa kanyang pisngi. Hinayaan na lamang sya muna ng mga kasama nya roon dahil alam naman ng mga eto kung gaano kasakit para kay Vin ang mga nangyayare. Pareparehas na lamang silang natahimik muli.Ilang oras din silang naghintay doon hanggang sa lumabas na ang doktor na galing sa operating room kaya lahat sila ay napalingon dito at si Vin naman ay dali daling lumapit dito."Dok kumusta po si Bella? Kumusta po ang lagay nya?" agad na tanong ni Vin sa doktor."Matagumpay naman naming natanggal ang bala ng baril na tumama sa pasyente
CHAPTER 179Pagkalabas ni Vin ng ICU ay agad namang pumasok si Valerie sa loob ng ICU. Nagbihis din muna sya ng gown na isinusuot doon. Pagkabihis nya ay agad na syang lumapit kay Bella. Natutop pa ni Valerie ang bibig nya dahil sa nakikita nyang kalagayan ni Bella ngayon. Hinawakan naman nya ang kamay neto at bahagya pa nya iyong pinisil."B-Bella ako eto ang Mama Valerie mo. Alam kong naririnig mo ako. Bella lumaban ka ha. Hinihintay ka naming lahat. Hinihintay namin ang paggising mo kaya lumaban ka ha. Lumaban ka para sa sarili mo at para na rin kay Vin," sabi ni Valerie kay Bella at hindi na nya napigilan pa ang paglandas ng kanyang mga luha."Bella hindi kakayanin ni Vin kapag nawala ka sa kanya kaya please lumaban ka. Andito kaming lahat na nagmamahal sayo kaya please gumising ka na ha. Mahal na mahal ka namin hija," pagpapatuloy pa ni Valerie. Hinahawakan pa nya ang ulo ni Bella at hinalikan nya eto sa noo."Maghihintay kami na magising ka Bella. Kaya sana gumising ka na," sab
CHAPTER 180Limang araw na rin ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Bella. Nanatili pa rin si Vin doon at nagrequest na rin ang pamilya neto ng isa pang room kung saan pwedeng magstay si Vin habang nasa ospital dahil hindi nila eto mapilit na umuwi. Hindi rin naman pwede magtagal sa loob ng ICU si Vin dahil minomonitor pa rin ang lagay ni Bella."Vin anak kumain ka na muna. Ilang araw ka ng ganyan e. Saka matulog ka na rin muna. Tingin mo ba kapag nagising si Bella matutuwa syang makita ka sa ganyang kalagayan? Anak hindi matutuwa si Bella nyan dahil pinapabayaan mo na ang sarili mo," sabi ni Valerie kay Vin. Kaunti lamang kasi palagi kung kumain si Vin at minsan nga ay hindi pa neto kinakain ang dinadala nilang pagkain dito. Ang pagtulog naman neto ay madalas na idlip lamang dahil ang gusto ay palaging makikita si Bella."Ma bakit ang tagal naman yata magising ni Bella?" tanong ni Vin sa kanyang ina at hindi na nya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi na nya kasi ala