CHAPTER 191Nagsasayaw naman ngayon sila Vin at Bella sa unahan. Eto ang unang sayaw nila bilang mag asawa. Nakahawak si Bella sa balikat ni Vin habang hawak naman ni Vin sa bewang si Bella."Bella mahal na mahal kita. Grabe hindi ko akalain na asawa na kita ngayon. Sobrang saya ko dahil sa wakas isa ka ng ganap na Mrs. Bella Rodriguez De Villa," sabi ni Vin habang patuloy sila na nagsasayaw na dalawa. Napangiti naman si Bella rito."My Billionire Boy Best Friend is now my husband. Sobrang saya ng puso ko ngayon Vin dahil matapos ang lahat ng nangyare sa atin natuloy din sa wakas ang kasal natin. Matapos ang lahat ng pagsubok na yon sa ating dalawa ikaw at ikaw pa rin pala ang nakalaan para sa akin. Mahal na mahal kita Vin," nakangiti pa na sabi ni Bella kay Vin."Ngayon pwede na kitang tawaging wife. Pangako Bella bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Marami na tayong pinagdaanan at lahat ng yon nalagpasan natin kaya kung may dumating
CHAPTER 192 Masayang masaya ang bagong kasal na sila Vin at Bella dahil sa wakas ay natuloy na nga ang kanilang kasal. Ipinagpapasalamat nila na nalagpasan nila ang lahat ng pagsubok na dumaan sa kanila na magkasama. Dumating man sa punto na kamuntik ng sumuko ang isa sa kanila ay nanatili pa rin naman ang pagmamahalan nilang dalawa kaya sa huli ay sila pa rin ang nagkatuluyan. Ngayong araw naman ang alis nila Vin at Bella papuntang Korea para sa kanilang honeymoon. Gagamitin na nila ang regalo sa kanila ni Sarah na trip to Korea dahil sayang din naman daw iyon. Five days silang mananatili sa Korea na dalawa at sagot na lahat ni Sarah ang expenses nila roon kasama na ang hotel na tutuluyan nila at maging ang pocket money nilang dalawa ay sinagot na rin ni Sarah. Hindi na nga sana nila tatanggapin ang pocket money na binibigay ni Sarah pero mapilit eto at sinabihan sila na magtatampo sya kaya wala na ring nagawa pa ang dalawa kundi ang tanggapin na lamang iyon. "Mag ingat kayo roo
CHAPTER 193Pagkarating nila Vin at Bella sa Korea ay agad na rin silang dumiretso sa hotel kung saan sila mag stay para makapagpahinga. Hindi pa rin kasi sila nakakapagpahinga ng maayos pagkatapos ng kanilang kasal dahil marami pa silang inasikaso. Isang linggo na rin kasi ang nkalipas ng ikasal silang dalawa. "Mabuti pa na kumain na muna tayo para makatulog na tayo ngayon para naman may lakas tayo kapag naglibot libot tayo rito sa Korea at nang masulit naman natin etong regalo sa atin ni Sarah," sabi ni Vin kay Bella."Oo nga. Mabuti pa nga dahil nakakapagod pala talaga ang byahe papunta rito," sagot ni Bella. Kumain naman na sila at hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin silang dalawa dahil sa pagod. Magkayakap pa silang natulog na dalawa.Dahil sa pagod sa kanilang byahe ay mataas na ang araw nang magising sila Vin at Bella kinabukasan."Good morning wife," bati ni Vin kay Bella na napikit pikit pa."Good morning hubby," sagot naman ni Bella. Agad namang kinintalan ng magaan na
CHAPTER 194Pagkarating nila ng Pinas ay agad silang sinalubong ng mga magulang ni Vin. Sila Leonard at Valerie lamang ang nagsundo sa kanila dahil may mga pasok na sa trabaho ang mga kaibigan nila.Agad naman na lumapit sila Vin at Bella sa mga magulang ni Vin at saka sila humalik sa pisngi ng mga eto. Tinulungan naman ni Leonard si Vin sa mga dala ng mga eto na maleta."Kumusta ang honeymoon nyo? May laman na ba?" agad na tanong ni Valerie na ngingiti ngiti pa kila Vin at Bella na kasasakay lamang ng kanilang sasakyan."Malalaman din natin yan Ma," sagot naman ni Vin at inakbayan na nya si Bella dahil napansin nya na namumula na ang pisngi neto. Alam nya na nahihiya na naman eto dahil sa kanilang pinag uusapan.Dumiretso naman na sila sa bagong bahay nila Vin. Eto ang regalo sa kanila ng mga magulang ni Vin noong kasal nila. Eto rin ang pinagkaabalahan nila pagkatapos ng kasal nila dahil excited agad sila na bumili ng mga gamit nila sa bahay nila. Gusto pa nga sana ng ina ni Vin na
CHAPTER 195"Hubby pwede ba na itigil mo muna dyan. May bibilhin lamang ako," sabi ni Bella at itinuro pa nya ang isang convenience store. Agad naman na itinabi ni Vin ang sasakyan nya. "Hintayin mo na lamang ako rito ha. Saglit lang ako," sabi ni Bella at hindi na nya hinintay pa na sumagot si Vin at dali dali na syang pumasok sa loob ng store.Pagbalik ni Bella sa kanilang sasakyan ay ngingiti ngiti pa eto. Nagtataka naman na tiningnan ni Vin ang kanyang asawa dahil ngayon lang nya eto nakitang bumili ng siopao at hindi lang isa kundi tatlo pa. Agad na rin naman silang dumiretso sa kanilang opisina. Akma sanang bubuksan ni Vin ang kanyang laptop ng bigla siyang pigilan ni Bella."Saglit lang," sabi ni Bella. Kunot noo naman na tinitigan ni Vin si Bella. Si Bella naman ay dali daling kinuha ang binili nya kanina na siopao. Tatlong siopao iyon na malalaki. Takang taka naman na tinitingnan ni Vin ang kanyang asawa."Bakit?" tanong na ni Vin."Pwedeng bang kainin mo ang mga eto? Gusto
CHAPTER 196Kinabukasan ay maagang pinuntahan ni Valerie ang mag asawang Vin at Bella sa bahay ng mga eto. Hindi kasi sya mapakali dahil gusto nyang malaman kung buntis na nga ba talaga si Bella. Nang tanungin nya kasi eto tungkol sa buwanang dalaw neto ay ang sagot ni Bella ay isang buwan na syang hindi dinadatnan kaya mukhang tama nga ang hinala nya na buntis nga eto pero hindi nya na muna iyon sinabi kay Bella.Bumili na rin si Valerie ng pregnancy test kit para makasigurado bago nya isama si Bella sa pagpacheck up."Good morning," bati ni Valerie kay Vin ng makababa eto sa hagdan. Kanina pa sya naroon pero hindi na muna nya inabala pa ang mag asawa kaya hinintay na lamang nya na magising ang mga eto. "Good morning Ma," bati rin naman ni Vin at humalik pa sya sa pisngi ng ina. Nagtataka naman na tiningnan ni Valerie si Vin"Bakit ganyan itsura mo? Nasaan si Bella?" tanong ni Valerie."Nasa kwarto pa po Ma. Mukhang masama na naman ang pakiramdam nya," sagot ni Vin na nakahawak pa s
CHAPTER 197Sa sobrang excited ni Vin para sa check up ni Bella ay napakabilis netong kumilos kaya hindi rin naman nagtagal at agad na rin silang pumunta sa isang OB - Gyne clinic para sa check up ni Bella.Pagkarating nila roon ay maraming test pa ang pinagawa kay Bella at isa na roon ay ang transV ultrasound. Ilang oras din silang nanatili roon para hintayin ang resulta ng mga test ni Bella. Maya maya ay tinawag na ang pangalan ni Bella saka sya pinapasok sa loob upang makausap ang doktora na sumuri sa kanya."Good afternoon. Mrs. Bella De Villa right?" bungad ng doktor pagkaupo nila sa loob ng clinic ng doktor. Tumango tango naman si Bella sa doktor."Good afternoon din po dok," sagot ni Bella."Base dito sa mga test na ginawa sayo ay your six week pregnant. Congratulations," nakangiti pa na pagbabalita ng doktor kila Bella. Maluha luha naman sila Bella at Vin dahil sa sinabi ng doktor. Sobrang saya nila ngayon dahil sa wakas ay magkakaanak na sila. Pagkakasal pa lamang nila ay hi
AUTHOR'S NOTEMaraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumubaybay at sumuporta sa pagmamahalan nila Vin at Bella. Dito ko na po tatapusin ang love story nila Vin at Bella pero wag po kayong mag alala dahil mababasa nyo pa rin po silang dalawa sa love story ng kanilang mga kaibigan na isusunod ko sa story na eto. Dito ko na rin po idudugtong ang story ng mga kaibigan nila.Sana po ay subaybayin at suportahan nyo pa rin po ang idudugtong ko rito na love story nila Mark at Kate.Maraming salamat po ulet sa mga nagbabasa rito na kahit na first time ko pa lamang po makapagsulat ng story ay sinuportahan nyo pa rin po ako. Maraming Salamat po. ^_^~~ ANNE ~~