CHAPTER 194Pagkarating nila ng Pinas ay agad silang sinalubong ng mga magulang ni Vin. Sila Leonard at Valerie lamang ang nagsundo sa kanila dahil may mga pasok na sa trabaho ang mga kaibigan nila.Agad naman na lumapit sila Vin at Bella sa mga magulang ni Vin at saka sila humalik sa pisngi ng mga eto. Tinulungan naman ni Leonard si Vin sa mga dala ng mga eto na maleta."Kumusta ang honeymoon nyo? May laman na ba?" agad na tanong ni Valerie na ngingiti ngiti pa kila Vin at Bella na kasasakay lamang ng kanilang sasakyan."Malalaman din natin yan Ma," sagot naman ni Vin at inakbayan na nya si Bella dahil napansin nya na namumula na ang pisngi neto. Alam nya na nahihiya na naman eto dahil sa kanilang pinag uusapan.Dumiretso naman na sila sa bagong bahay nila Vin. Eto ang regalo sa kanila ng mga magulang ni Vin noong kasal nila. Eto rin ang pinagkaabalahan nila pagkatapos ng kasal nila dahil excited agad sila na bumili ng mga gamit nila sa bahay nila. Gusto pa nga sana ng ina ni Vin na
CHAPTER 195"Hubby pwede ba na itigil mo muna dyan. May bibilhin lamang ako," sabi ni Bella at itinuro pa nya ang isang convenience store. Agad naman na itinabi ni Vin ang sasakyan nya. "Hintayin mo na lamang ako rito ha. Saglit lang ako," sabi ni Bella at hindi na nya hinintay pa na sumagot si Vin at dali dali na syang pumasok sa loob ng store.Pagbalik ni Bella sa kanilang sasakyan ay ngingiti ngiti pa eto. Nagtataka naman na tiningnan ni Vin ang kanyang asawa dahil ngayon lang nya eto nakitang bumili ng siopao at hindi lang isa kundi tatlo pa. Agad na rin naman silang dumiretso sa kanilang opisina. Akma sanang bubuksan ni Vin ang kanyang laptop ng bigla siyang pigilan ni Bella."Saglit lang," sabi ni Bella. Kunot noo naman na tinitigan ni Vin si Bella. Si Bella naman ay dali daling kinuha ang binili nya kanina na siopao. Tatlong siopao iyon na malalaki. Takang taka naman na tinitingnan ni Vin ang kanyang asawa."Bakit?" tanong na ni Vin."Pwedeng bang kainin mo ang mga eto? Gusto
CHAPTER 196Kinabukasan ay maagang pinuntahan ni Valerie ang mag asawang Vin at Bella sa bahay ng mga eto. Hindi kasi sya mapakali dahil gusto nyang malaman kung buntis na nga ba talaga si Bella. Nang tanungin nya kasi eto tungkol sa buwanang dalaw neto ay ang sagot ni Bella ay isang buwan na syang hindi dinadatnan kaya mukhang tama nga ang hinala nya na buntis nga eto pero hindi nya na muna iyon sinabi kay Bella.Bumili na rin si Valerie ng pregnancy test kit para makasigurado bago nya isama si Bella sa pagpacheck up."Good morning," bati ni Valerie kay Vin ng makababa eto sa hagdan. Kanina pa sya naroon pero hindi na muna nya inabala pa ang mag asawa kaya hinintay na lamang nya na magising ang mga eto. "Good morning Ma," bati rin naman ni Vin at humalik pa sya sa pisngi ng ina. Nagtataka naman na tiningnan ni Valerie si Vin"Bakit ganyan itsura mo? Nasaan si Bella?" tanong ni Valerie."Nasa kwarto pa po Ma. Mukhang masama na naman ang pakiramdam nya," sagot ni Vin na nakahawak pa s
CHAPTER 197Sa sobrang excited ni Vin para sa check up ni Bella ay napakabilis netong kumilos kaya hindi rin naman nagtagal at agad na rin silang pumunta sa isang OB - Gyne clinic para sa check up ni Bella.Pagkarating nila roon ay maraming test pa ang pinagawa kay Bella at isa na roon ay ang transV ultrasound. Ilang oras din silang nanatili roon para hintayin ang resulta ng mga test ni Bella. Maya maya ay tinawag na ang pangalan ni Bella saka sya pinapasok sa loob upang makausap ang doktora na sumuri sa kanya."Good afternoon. Mrs. Bella De Villa right?" bungad ng doktor pagkaupo nila sa loob ng clinic ng doktor. Tumango tango naman si Bella sa doktor."Good afternoon din po dok," sagot ni Bella."Base dito sa mga test na ginawa sayo ay your six week pregnant. Congratulations," nakangiti pa na pagbabalita ng doktor kila Bella. Maluha luha naman sila Bella at Vin dahil sa sinabi ng doktor. Sobrang saya nila ngayon dahil sa wakas ay magkakaanak na sila. Pagkakasal pa lamang nila ay hi
AUTHOR'S NOTEMaraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumubaybay at sumuporta sa pagmamahalan nila Vin at Bella. Dito ko na po tatapusin ang love story nila Vin at Bella pero wag po kayong mag alala dahil mababasa nyo pa rin po silang dalawa sa love story ng kanilang mga kaibigan na isusunod ko sa story na eto. Dito ko na rin po idudugtong ang story ng mga kaibigan nila.Sana po ay subaybayin at suportahan nyo pa rin po ang idudugtong ko rito na love story nila Mark at Kate.Maraming salamat po ulet sa mga nagbabasa rito na kahit na first time ko pa lamang po makapagsulat ng story ay sinuportahan nyo pa rin po ako. Maraming Salamat po. ^_^~~ ANNE ~~
CHAPTER 198 (Mark&Kate)Pagkatapos ng party sa bahay nila Vin at Bella ay nag kanya kanya na rin ng uwi ang magkakaibigan. Si Myca ay kasabay ni Bernard dahil may pupuntahan pa raw ang nga eto habang sila Colleen at Ian ay magkasama rin at naka motor lamang ang nga eto at may dadaanan pa rin daw. Magtataxi na lamang sana si Kate pauwi ng bigla syang hilahin ni Mark para isabay. Aayaw pa sana si Kate pero wala na syang nagawa ng hilahin na sya ni Mark papunta sa sasakyan neto at saka sya pinasakay."Kate hanggang kelan mo ba ako iiwasan?" tanong ni Mark kay Kate. Nag iwas naman ng tingin si Kate rito. Napabuntong hininga na lamang si Mark saka nya pinaandar ang sasakyan nya. Nakatanaw lamang naman si Kate sa bintana ng sasakyan ni Mark pero napakunot na lamang ang noo nya ng mapansin nya na iba na ang dinaraanan nila."Mark saan tayo pupunta?" tanong na ni Kate. Hindi naman umimik si Mark."Mark ano ba? Saan mo ba ako dadalhin? Hindi rito ang daan pauwi sa bahay," sunod sunod na tano
CHAPTER 199Pagkapasok ni Kate sa kanilang bahay ay dumiretso kaagad sya sa kanilang kwarto ni Colleen. Pasalampak pa syang nahiga sa kanyang kama.Wala pa roon sila Myca at Colleen dahil kanina ay nagsabi ang mga eto na may pupuntahan pa at kasama ng mga eto ang kani kanilang mga nobyo.Napabuntong hininga na lamang si Kate dahil sa mga iniisip nya. Bigla kasi syang nakunsensya sa ginagawa nya kay Mark na pag iwas dito. Mabait na tao naman si Mark at palagi pa etong nagsasabi sa kanya na handa etong maghintay kung kelan sya magiging handa na pumasok sa isang relasyon.Matagal naman na nyang pinag iisipan na subukan na magmahal ulet pero pinangungunahan sya ng takot dahil baka masaktan na naman sya. Masyado kasing naging masakit para sa kanya ang unang karanasan nya sa kanyang unang nobyo.Hindi naman namalayan pa ni Kate na nakatulugan na pala nya ang pag iisip ng tungkol kay Mark.*********Pakahatid naman ni Mark kay Kate ay uuwi na sana sya ng bahay nila pero naisip nya na bumalik
CHAPTER 200Lumipas pa ang mga araw at naging busy na si Kate sa school kung saan sya nagtuturo. Mayroon kasing gaganapin na event sa school nila kaya abalang abala sya ngayon."Ma'am Kate may naghahanap po sa inyo," tawag ng isa ring teacher kay Kate. Agad naman na napalingon si Kate sa labas ng kanilang faculty room. Nagulat pa sya ng makita nya si Mark doon kaya agad nya etong linapitan."M-Mark a-anong ginagawa mo rito?" kandautal pa na tanong ni Kate dahil hindi nya inaasahan na pupunta eto rito."Hi Kate. Hindi kasi kita maabutan sa bahay nyo e. Kaya dito na lamang kita pinuntahan. Flowers and chocolates nga pala," nakangiti pa na sabi ni Mark saka nya iniabot kay Kate ang dala nya. "S-salamat," sagot ni Kate saka nya tinanggap ang iniaabot ni Mark sa kanya. Natuwa naman si Mark dahil tinanggap ni Kate ang binigay nya akala nya kasi iiwasan na naman sya neto."Hindi ka pa ba pauwi? Para isabay na kita," tanong ni Mark rito dahil tapos na rin naman ang klase nila Kate pero naroo