Share

Chapter 201

CHAPTER 201

Pagkapasok naman ni Kate sa kanilang bahay ay agad syang sinalubong ng dalawa nyang kaibigan at hinila pa sya ng mga eto paupo sa sofa.

"Kate ano yun? May hindi ka ba sinasabi sa amin," agad na bungad ni Colleen na kinikilig pa dahil sa nakita nya.

"Oo nga naman Kate. Ano yun? Kayo na ba ni Mark?" sabat naman ni Myca.

"Tsk. Tumigil nga kayong dalawa. Hindi kami ni Mark. Okay!" sagot ni Kate at tatayo na sana sya ng hilahin sya ni Colleen paupo ulet.

"E ano nga yun? Bakit magkasama kayo? Bakit may pahatid na?" sunod sunod pa na tanong ni Colleen. Iiling iling naman si Kate sa mga kaibigan nya.

"Kumain kami sa labas tapos hinatid na nya ako rito. Yun lang yun," balewalang sagot ni Kate.

"Sandali nga Kate. Bakit ba hindi mo na lamang pagbigyan si Mark? Mabait naman si Mark gwapo pa. Ano pa ba ang hinahanap mo?" sabat na ni Myca.

"Oo nga naman Kate. Matagal ka ng liniligawan ni Mark. Binasted mo na nga yan e pero tingnan mo andyan pa rin sya," sabi ni Colleen. Napabuntong hini
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status