CHAPTER 201Pagkapasok naman ni Kate sa kanilang bahay ay agad syang sinalubong ng dalawa nyang kaibigan at hinila pa sya ng mga eto paupo sa sofa."Kate ano yun? May hindi ka ba sinasabi sa amin," agad na bungad ni Colleen na kinikilig pa dahil sa nakita nya."Oo nga naman Kate. Ano yun? Kayo na ba ni Mark?" sabat naman ni Myca."Tsk. Tumigil nga kayong dalawa. Hindi kami ni Mark. Okay!" sagot ni Kate at tatayo na sana sya ng hilahin sya ni Colleen paupo ulet."E ano nga yun? Bakit magkasama kayo? Bakit may pahatid na?" sunod sunod pa na tanong ni Colleen. Iiling iling naman si Kate sa mga kaibigan nya."Kumain kami sa labas tapos hinatid na nya ako rito. Yun lang yun," balewalang sagot ni Kate."Sandali nga Kate. Bakit ba hindi mo na lamang pagbigyan si Mark? Mabait naman si Mark gwapo pa. Ano pa ba ang hinahanap mo?" sabat na ni Myca."Oo nga naman Kate. Matagal ka ng liniligawan ni Mark. Binasted mo na nga yan e pero tingnan mo andyan pa rin sya," sabi ni Colleen. Napabuntong hini
CHAPTER 202"Alam ko na nasaktan ka Kate sa nagdaan na relasyon mo pero bakit hindi mo muna subukan na buksan ang puso mo kay Mark. Mabait naman si Mark at kilala na talaga natin sya noon pa," sabi ni Colleen."Oo nga naman Kate. Subukan mo lang. Malay mo si Mark talaga ang nakatadhana para sayo. Tingnan mo nga kahit binasted mo na sya noon ay hindi pa rin sya sumusuko sayo at nandyan pa rin sya sinusuyo ka kahit na lagi mo syang iniiwasan," sabi naman ni Myca. Tumango tango naman si Kate sa kanila."Pag iisipan ko muna ang bagay na yan dahil natatakot na akong masaktan ulet. Baka hindi ko na kayanin kapag nangyare ulet yon sa akin," sagot ni Kate."Ikaw ang bahala. Pero payo lang namin sayo hindi naman masama na subukan mo rin. Alam naman namin kung gaano ka kamahal ni Mark kaya wala namang masama kung pagbigyan mo rin sya. Minsan talaga kailangan nating sumubok o masaktan para mahanap natin ang tamang tao na nakalaan para sa atin," sagot ni Myca."Tama si Myca, Kate. Tingnan mo sila
CHAPTER 203Lumipas pa ang mga araw at madalas ng bisitahin ni Mark si Kate sa eskwelahan kung saan eto nagtuturo. Ipinagpapasalamat naman nya na sa mga ngdaang mga araw ay hindi na sya muling iniiwasan pa ng dalaga. Sumasama na rin eto sa kanya kapag inaaya nyang lumabas hindi katulad noon na lagi na lamang etong tumatanggi at nagdadahilan sa kanya.Araw ng linggo ngayon at nagpasya ang magkakaibigan na bisitahin sila Bella at Vin sa bahay ng mga eto. Namimiss na kasi nila si Bella dahil hindi na talaga nila eto nakakasama dahil nga sa buntis eto."BELLA," sigaw ni Myca pakarating nila sa bahay nila Bella at nagtatatakbo pa sya na lumapit kay Bella.Ngingiti ngiti naman si Bella na napalingon sa mga kaibigan nya na bagong dating lang. Medyo malaki na rin ang tyan ni Bella dahil mag aanim na buwan na ang tyan neto."Namiss ko kayo. Dalasan nyo naman ang pagpunta rito," sabi kaagad ni Bella sa mga kaibigan nya."Namiss ka rin namin Bella. Mas lalo ka atang gumaganda ngayon ah," sagot n
CHAPTER 204Nasa bahay naman nila ngayon si Mark at naghahanda na syang pumasok sa opisina dahil ngayon ang simula ng training nya sa kanilang kumpanya. Ipinasok na kasi sya ng kanyang ama roon dahil kailangan na rin nyang matuto sa paghawak ng kumpanya. Kagaya rin kasi ni Vin ay mula rin naman sa mayamang pamilya si Mark. Ang ama ni Vin na si Leonard at ang ama ni Mark na si Louie ay magkapatid. Hindi lamang talaga pinilit si Mark ng mga magulang nya na magtrabaho kaagad sa kanilang kumpanya pero ngayon ay kailangan na nga nyang magtrabaho rito dahil sya ang magiging tagapagmana neto. Dalawa lang kasi silang magkapatid ng kanyang ate Kendra. At dahil sya ang lalake ay sya ang hahalili sa kanilang ama."Ready ka na ba?" pormal na tanong ni Louie kay Mark ng makarating eto sa kanilang opisina. Napabuntong hininga naman si Mark dahil kahit ayaw nya sana sa trabaho na eto ay wala naman syang magagawa kundi tanggapin eto."Yes dad. I'm ready," sagot ni Mark. Tumango tango naman ang kanya
CHAPTER 205Pagsapit ng hapon ay agad na umalis ng kanilang kumpanya si Mark. Dumaan pa muna sya sa isang flower shop para ibili si Kate ng bulaklak. Pagkarating ni Mark sa eskwelahan kung saan nagtuturo si Kate ay agad na syang dumiretso sa faculty ng mga eto. Kumatok pa muna sya roon saka sya pinagbuksan ng isang kasamahan ni Kate roon."Sir pogi ikaw pala," nakangiti pa na sabi ng kasamahan ni Kate. " Ms. Kate andito si sir pogi," tawag naman neto kay Kate. Agad naman na napalingon si Kate sa pintuan at nakita nga nya si Mark doon kaya dali dali na syang lumapit dito."Mark ang aga mo naman yata. Tapos ka na ba sa trabaho mo sa opisina?," agad na sabi ni Kate rito."Oo natapos ko na lahat ng mga gawain ko sa opisina kaya umalis na rin ako kaagad para puntahan ka. Flowers nga pala," sagot ni Mark saka nya iniabot kay Kate ang bulaklak na binili nya bago sya pumunta roon."Salamat. Hindi ka na sana nag abala pa ng ganito," sagot ni Kate saka nya kinuha ang bulaklak na iniaabot ni Ma
Chapter 1"Bella bilisan mo na dyan. Late n naman tayo. Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'm Ramos neto eh." Sigaw ng binatilyong si Vin sa kanyang kaibigan na si Bella habang siya ay nag iintay sa labas ng bahay neto.Si Vin at Bella ay matalik na magkaibigan. Parehas silang 4th year High School ngaun. Elementary pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay na din silang umuwi na dalawa.Minsan tinutukso na silang dalawa ng iba pa nilang mga kaibigan na magjowa daw sila. Tinatawanan n lang nila iyon dahil nasanay na lang silang dalawa. "Oo na. Eto na nga. Eto naman laging nagmamadali eh. Tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay man lang." Sagot naman ni Bella habang iirap irap pa siya kay Vin."Hay naku! Kung inaagahan mo sana ang gising mo eh di sana kanina ka pa natapos sa ginagawa mo at nakapagsuklay ka na sana" sagot din naman ni Vin sa kaibigan nya.Si Vin ay nagmula sa mayamang. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Sinanay sila n
Chapter 2Habang naglalakad sila pauwi ay kain ng kain si Bella ng kikiam habang si Vin naman ay tahimik pa din. Napansin naman eto ni Bella dahil madalas ay kinukulit sya neto o di kaya ay nagdadaldal eto habang pauwi sila."May problema ba?" hindi na napigil na itanong ni Bella kay Vin.Napatingin naman si Vin kay Bella. "Ha? Bakit?" sagot niya kay Bella."Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago kasi madalas nangungulit ka""Ah. W-wala naman. Gusto ko lang ng tahimik""May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sabay salat sa noo ni Vin."Wala nga eto. Ikaw talaga. Okay lang ako okay. Trip ko lang na tumahimik ngaun" sabay ngiti kay Bella."O sige sabi mo eh kung may problema ka pwede mo ishare sa akin pero kung pera ang problema mo ay wala ako nyan. Hahaha""Hahaha. Oo na. Sige na. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dungis mo pa din kumain eh parang hindi ka dalaga eh."" Yayks... Dalaginding pa lang ako noh... Hahaha""Sige na pumasok ka na sa inyo. Dito na ako.""Tata
Chapter 3BELLA POVNakatanaw pa din ai Bella sa papalayong si Vin. Nagtataka pa din siya sa ikinikilos neto. Hindi sya sanah sa pananahimik ni Vin. Mas sanay sya na nang aasar o nakikipagharutan sa kanya si Vin.Pumasok na lang sya sa loob ng kanilang bahay ng makita nya na nakapasok na din si Vin sa bahay neto. Pagpasok nya ay agad nyang nakita ang kanyang ina."Mano po Nay!" Sabi ni Bella sa kanyang ina sabay mano dito. "Andyan ka na pala Bella. Paalis na din ako anak hinintay lang kita. Magpapalaba kasi si Aling Linda. Maiwan na kita. Magsaing ka na lang dyan mamaya meron naman ng ulam dyan" sagot ng kanyang ina na si Brenda."Sige po Nay. Si Tatay po?""Wala pa ang tatay mo. Tumawag kanina baka bukas pa daw siya maka uwi.""Sige po Nay. Ingat po kayo. Babye""Sige na. Magsara ng pinto ha.""Opo Nay""May tinapay pala dyan. Magmeryenda ka na muna""Opo."Naiwan naman na mag isa si Bella sa kanilang bahay. Agad naman siyang nagpalit ng damit bago nagmeryenda. Gumawa na din sya ng