AUTHOR'S NOTE
Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumubaybay at sumuporta sa pagmamahalan nila Vin at Bella. Dito ko na po tatapusin ang love story nila Vin at Bella pero wag po kayong mag alala dahil mababasa nyo pa rin po silang dalawa sa love story ng kanilang mga kaibigan na isusunod ko sa story na eto. Dito ko na rin po idudugtong ang story ng mga kaibigan nila. Sana po ay subaybayin at suportahan nyo pa rin po ang idudugtong ko rito na love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po ulet sa mga nagbabasa rito na kahit na first time ko pa lamang po makapagsulat ng story ay sinuportahan nyo pa rin po ako. Maraming Salamat po. ^_^ ~~ ANNE ~~CHAPTER 198 (Mark&Kate)Pagkatapos ng party sa bahay nila Vin at Bella ay nag kanya kanya na rin ng uwi ang magkakaibigan. Si Myca ay kasabay ni Bernard dahil may pupuntahan pa raw ang nga eto habang sila Colleen at Ian ay magkasama rin at naka motor lamang ang nga eto at may dadaanan pa rin daw. Magtataxi na lamang sana si Kate pauwi ng bigla syang hilahin ni Mark para isabay. Aayaw pa sana si Kate pero wala na syang nagawa ng hilahin na sya ni Mark papunta sa sasakyan neto at saka sya pinasakay."Kate hanggang kelan mo ba ako iiwasan?" tanong ni Mark kay Kate. Nag iwas naman ng tingin si Kate rito. Napabuntong hininga na lamang si Mark saka nya pinaandar ang sasakyan nya. Nakatanaw lamang naman si Kate sa bintana ng sasakyan ni Mark pero napakunot na lamang ang noo nya ng mapansin nya na iba na ang dinaraanan nila."Mark saan tayo pupunta?" tanong na ni Kate. Hindi naman umimik si Mark."Mark ano ba? Saan mo ba ako dadalhin? Hindi rito ang daan pauwi sa bahay," sunod sunod na tano
CHAPTER 199Pagkapasok ni Kate sa kanilang bahay ay dumiretso kaagad sya sa kanilang kwarto ni Colleen. Pasalampak pa syang nahiga sa kanyang kama.Wala pa roon sila Myca at Colleen dahil kanina ay nagsabi ang mga eto na may pupuntahan pa at kasama ng mga eto ang kani kanilang mga nobyo.Napabuntong hininga na lamang si Kate dahil sa mga iniisip nya. Bigla kasi syang nakunsensya sa ginagawa nya kay Mark na pag iwas dito. Mabait na tao naman si Mark at palagi pa etong nagsasabi sa kanya na handa etong maghintay kung kelan sya magiging handa na pumasok sa isang relasyon.Matagal naman na nyang pinag iisipan na subukan na magmahal ulet pero pinangungunahan sya ng takot dahil baka masaktan na naman sya. Masyado kasing naging masakit para sa kanya ang unang karanasan nya sa kanyang unang nobyo.Hindi naman namalayan pa ni Kate na nakatulugan na pala nya ang pag iisip ng tungkol kay Mark.*********Pakahatid naman ni Mark kay Kate ay uuwi na sana sya ng bahay nila pero naisip nya na bumalik
CHAPTER 200Lumipas pa ang mga araw at naging busy na si Kate sa school kung saan sya nagtuturo. Mayroon kasing gaganapin na event sa school nila kaya abalang abala sya ngayon."Ma'am Kate may naghahanap po sa inyo," tawag ng isa ring teacher kay Kate. Agad naman na napalingon si Kate sa labas ng kanilang faculty room. Nagulat pa sya ng makita nya si Mark doon kaya agad nya etong linapitan."M-Mark a-anong ginagawa mo rito?" kandautal pa na tanong ni Kate dahil hindi nya inaasahan na pupunta eto rito."Hi Kate. Hindi kasi kita maabutan sa bahay nyo e. Kaya dito na lamang kita pinuntahan. Flowers and chocolates nga pala," nakangiti pa na sabi ni Mark saka nya iniabot kay Kate ang dala nya. "S-salamat," sagot ni Kate saka nya tinanggap ang iniaabot ni Mark sa kanya. Natuwa naman si Mark dahil tinanggap ni Kate ang binigay nya akala nya kasi iiwasan na naman sya neto."Hindi ka pa ba pauwi? Para isabay na kita," tanong ni Mark rito dahil tapos na rin naman ang klase nila Kate pero naroo
CHAPTER 201Pagkapasok naman ni Kate sa kanilang bahay ay agad syang sinalubong ng dalawa nyang kaibigan at hinila pa sya ng mga eto paupo sa sofa."Kate ano yun? May hindi ka ba sinasabi sa amin," agad na bungad ni Colleen na kinikilig pa dahil sa nakita nya."Oo nga naman Kate. Ano yun? Kayo na ba ni Mark?" sabat naman ni Myca."Tsk. Tumigil nga kayong dalawa. Hindi kami ni Mark. Okay!" sagot ni Kate at tatayo na sana sya ng hilahin sya ni Colleen paupo ulet."E ano nga yun? Bakit magkasama kayo? Bakit may pahatid na?" sunod sunod pa na tanong ni Colleen. Iiling iling naman si Kate sa mga kaibigan nya."Kumain kami sa labas tapos hinatid na nya ako rito. Yun lang yun," balewalang sagot ni Kate."Sandali nga Kate. Bakit ba hindi mo na lamang pagbigyan si Mark? Mabait naman si Mark gwapo pa. Ano pa ba ang hinahanap mo?" sabat na ni Myca."Oo nga naman Kate. Matagal ka ng liniligawan ni Mark. Binasted mo na nga yan e pero tingnan mo andyan pa rin sya," sabi ni Colleen. Napabuntong hini
CHAPTER 202"Alam ko na nasaktan ka Kate sa nagdaan na relasyon mo pero bakit hindi mo muna subukan na buksan ang puso mo kay Mark. Mabait naman si Mark at kilala na talaga natin sya noon pa," sabi ni Colleen."Oo nga naman Kate. Subukan mo lang. Malay mo si Mark talaga ang nakatadhana para sayo. Tingnan mo nga kahit binasted mo na sya noon ay hindi pa rin sya sumusuko sayo at nandyan pa rin sya sinusuyo ka kahit na lagi mo syang iniiwasan," sabi naman ni Myca. Tumango tango naman si Kate sa kanila."Pag iisipan ko muna ang bagay na yan dahil natatakot na akong masaktan ulet. Baka hindi ko na kayanin kapag nangyare ulet yon sa akin," sagot ni Kate."Ikaw ang bahala. Pero payo lang namin sayo hindi naman masama na subukan mo rin. Alam naman namin kung gaano ka kamahal ni Mark kaya wala namang masama kung pagbigyan mo rin sya. Minsan talaga kailangan nating sumubok o masaktan para mahanap natin ang tamang tao na nakalaan para sa atin," sagot ni Myca."Tama si Myca, Kate. Tingnan mo sila
CHAPTER 203Lumipas pa ang mga araw at madalas ng bisitahin ni Mark si Kate sa eskwelahan kung saan eto nagtuturo. Ipinagpapasalamat naman nya na sa mga ngdaang mga araw ay hindi na sya muling iniiwasan pa ng dalaga. Sumasama na rin eto sa kanya kapag inaaya nyang lumabas hindi katulad noon na lagi na lamang etong tumatanggi at nagdadahilan sa kanya.Araw ng linggo ngayon at nagpasya ang magkakaibigan na bisitahin sila Bella at Vin sa bahay ng mga eto. Namimiss na kasi nila si Bella dahil hindi na talaga nila eto nakakasama dahil nga sa buntis eto."BELLA," sigaw ni Myca pakarating nila sa bahay nila Bella at nagtatatakbo pa sya na lumapit kay Bella.Ngingiti ngiti naman si Bella na napalingon sa mga kaibigan nya na bagong dating lang. Medyo malaki na rin ang tyan ni Bella dahil mag aanim na buwan na ang tyan neto."Namiss ko kayo. Dalasan nyo naman ang pagpunta rito," sabi kaagad ni Bella sa mga kaibigan nya."Namiss ka rin namin Bella. Mas lalo ka atang gumaganda ngayon ah," sagot n
Chapter 1"Bella bilisan mo na dyan. Late n naman tayo. Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'm Ramos neto eh." Sigaw ng binatilyong si Vin sa kanyang kaibigan na si Bella habang siya ay nag iintay sa labas ng bahay neto.Si Vin at Bella ay matalik na magkaibigan. Parehas silang 4th year High School ngaun. Elementary pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay na din silang umuwi na dalawa.Minsan tinutukso na silang dalawa ng iba pa nilang mga kaibigan na magjowa daw sila. Tinatawanan n lang nila iyon dahil nasanay na lang silang dalawa. "Oo na. Eto na nga. Eto naman laging nagmamadali eh. Tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay man lang." Sagot naman ni Bella habang iirap irap pa siya kay Vin."Hay naku! Kung inaagahan mo sana ang gising mo eh di sana kanina ka pa natapos sa ginagawa mo at nakapagsuklay ka na sana" sagot din naman ni Vin sa kaibigan nya.Si Vin ay nagmula sa mayamang. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Sinanay sila n
Chapter 2Habang naglalakad sila pauwi ay kain ng kain si Bella ng kikiam habang si Vin naman ay tahimik pa din. Napansin naman eto ni Bella dahil madalas ay kinukulit sya neto o di kaya ay nagdadaldal eto habang pauwi sila."May problema ba?" hindi na napigil na itanong ni Bella kay Vin.Napatingin naman si Vin kay Bella. "Ha? Bakit?" sagot niya kay Bella."Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago kasi madalas nangungulit ka""Ah. W-wala naman. Gusto ko lang ng tahimik""May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sabay salat sa noo ni Vin."Wala nga eto. Ikaw talaga. Okay lang ako okay. Trip ko lang na tumahimik ngaun" sabay ngiti kay Bella."O sige sabi mo eh kung may problema ka pwede mo ishare sa akin pero kung pera ang problema mo ay wala ako nyan. Hahaha""Hahaha. Oo na. Sige na. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dungis mo pa din kumain eh parang hindi ka dalaga eh."" Yayks... Dalaginding pa lang ako noh... Hahaha""Sige na pumasok ka na sa inyo. Dito na ako.""Tata