CHAPTER 186Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Unti unti na ring bumabalik ang lakas ni Bella pero hindi pa rin sya pwedeng gumawa ng mga mabibigat na gawain. Ayaw din pakilos kilusin muna ni Valerie si Bella kaya madalas ay nakatambay lamang si Bella at walang ginagawa. Ayaw naman suwayin ni Bella ang ina ni Vin dahil alam naman nya na ayaw lamang syang mapahamak ng mga eto."Bella ready ka na ba? Tara na," tawag ni Valerie kay Bella. Paalis kasi sila Valerie at Bella ngayon dahil pupunta sila sa isang boutique para magtingin muli ng gown na susuotin ni Bella sa kasal. Lahat kasi ng mga kailangan para sa kasal nila Vin at Bella ay inulit lahat nila mula sa gown na susuotin ni Bella hanggang sa venue ng magiging kasal nila ay lahat pinalitan."Opo Ma andyan na po," sagot ni Bella saka sya bumaba ng hagdan. Dahan dahan pa sya dahil baka mahulog sya minsan kasi ay parang biglang nanghihina ang tuhod ni Bella pero ng patingnan naman nila eto sa doktor ay normal lang naman daw yon sa
CHAPTER 187Ngayon na ang araw na pinakahihintay nila Vin at Bella ang araw ng kanilang pag iisang dibdib. Maayos na maayos naman na ngayon si Bella dahil halos limang buwan na rin ang nakalipas matapos ang nangyareng pagdukot sa kanya ni Nicole na kamuntik pa nyang ikapahamak at ngayon nga ay fully recover na sya."Napakaganda mo talaga hija," puri ni Valerie kay Bella ng puntahan nya eto sa silid neto sa hotel na tinutuluyan nila ngayon.Nasa isang hotel sila ngayon sa Tagaytay dahil dito na nila napiling ituloy ang kasal nila Vin at Bella. Dito na rin sa hotel idaraos ang reception at malapit lang din eto sa simbahan kung saan sila ikakasal."Thank you po Ma," sagot ni Bella habang matamis etong nakangiti kay Valerie."Okay na po sya madam," sabat ng nagmake up kay Bella."Salamat," sabi ni Valerie rito."O tara na hija," baling naman ni Valerie kay Bella. Tinanguan naman eto ni Bella saka sya sumunod kay Valerie na nauna ng maglakad. Nakasunod naman sa kanila ang mga nag ayos kay
CHAPTER 188Sa loob naman ng simbahan ay nagsimula ng tumugtog ang tugtog sa kasal at nagsimula na rin ang prosisyon nauna ng naglakad si Vin na sinundan ng kanyang mga magulang sumunod din naman ang mga bridesmaid nila na kinabibilangan nila Viela, Vanessa, Colleen, Kate, at Ethel. Sumunod naman ang mga groomsmen na sila Ian, Bernard, Vince at iba pa na kamag anak nila Vin. Sumunod naman ang flower girl pati na rin ang ring bearer na sinundan na ni Myca na syang bridesmaid. Pagkatapos maglakad ni Myca ay saka lamang magbubukas ang malaking pinto ng simbahan kung saan nasa labas noon si Bella na noon ay naluluha na dahil sa sobrang saya. Inaalala nya ang mga dumaan na problema sa kanila ni Vin at lahat ng iyon ay nalagpasan nilang dalawa.Nagsimula namang tumugtog ang kantang IKaW ni Yeng at kasabay din noon ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan.~~ Sa pagpatak ng bawat oras ay ikawAng iniisip isip koHindi ko mahinto pintig ng puso~~Dahan dahan naman na naglakad si Bella pala
CHAPTER 189Nagpatuloy pa ang seremonya ng kasal nila Vin at Bella hanggang sa ianounce na ng pari na kasal na sila."By the authority vested in me. I now pronounce you husband and wife," pag aanunsyo ng paring nagkasal kila Vin at Bella at nagpalakpakan na ang mga naroroon."You may now kiss the bride," nakangiti pa na sabi ng pari.Nagharap naman na sila Vin at Bella. Dahan dahan naman na itinaas ni Vin ang belo na nakatakip sa mukha ni Bella saka nya eto matamis na nginitian."I love you Bella," sabi ni Vin bago nya hinalikan sa labi si Bella ng buong pagmamahal.Sabay sabay naman na nagpalakpakan ang mga naroon at kapwa may mga ngiti sa kanilang mga labi dahil masaya ang lahat ng mga naroon para kila Vin at Bella.Pagkatapos ng seremonya ng kasal ay kinuhaan na sila ng litrato sa loob ng simbahan kasama ang kanilang mga magulang, mga ninong at ninang, mga abay at ilan sa mga bisita na umattend sa seremonya sa simbahan.Sabay naman ng umalis sa simbahan sila Vin at Bella at nakasak
CHAPTER 190"Congratulations sa inyo Vin at Bella," bati ni Sarah sa bagong kasal. Kasama pa nya ngayon ang mga magulang nya."Sarah," gulat na sabi ni Bella dahil ang buong akala talaga nila ni Vin ay hindi eto makakarating. Inimbitahan naman talaga nila si Sarah at ang pamilya neto pero ang sabi neto ay nasa ibang bansa sya ngayon. Nagkapatawaran na rin naman sila ni Vin. Naiintindihan naman talaga ni Vin si Sarah noon sadyang pinangunahan lamang sya ng galit nya kaya naging ganoon sya kay Sarah. "Buti nakarating kayo. Ang akala ko talaga ay hindi ka na darating e," pagpapatuloy pa ni Bella."Pinilit kong makauwi ng Pinas para naman makadalo ako sa kasal nyo. Kaso late na pala ako sa simbahan kaya dito na lamang kami dumiretso nila mom at dad sa reception nyo," sagot ni Sarah. Kararating nya lang kasi ng bansa kanina at nagbihis lamang sya saglit at dumiretso na nga sya sa kasal nila Vin at Bella."Salamat naman at nakarating kayo," sabat ni Vin."Oo naman. Pinilit ko talaga makarat
CHAPTER 191Nagsasayaw naman ngayon sila Vin at Bella sa unahan. Eto ang unang sayaw nila bilang mag asawa. Nakahawak si Bella sa balikat ni Vin habang hawak naman ni Vin sa bewang si Bella."Bella mahal na mahal kita. Grabe hindi ko akalain na asawa na kita ngayon. Sobrang saya ko dahil sa wakas isa ka ng ganap na Mrs. Bella Rodriguez De Villa," sabi ni Vin habang patuloy sila na nagsasayaw na dalawa. Napangiti naman si Bella rito."My Billionire Boy Best Friend is now my husband. Sobrang saya ng puso ko ngayon Vin dahil matapos ang lahat ng nangyare sa atin natuloy din sa wakas ang kasal natin. Matapos ang lahat ng pagsubok na yon sa ating dalawa ikaw at ikaw pa rin pala ang nakalaan para sa akin. Mahal na mahal kita Vin," nakangiti pa na sabi ni Bella kay Vin."Ngayon pwede na kitang tawaging wife. Pangako Bella bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. Marami na tayong pinagdaanan at lahat ng yon nalagpasan natin kaya kung may dumating
CHAPTER 192 Masayang masaya ang bagong kasal na sila Vin at Bella dahil sa wakas ay natuloy na nga ang kanilang kasal. Ipinagpapasalamat nila na nalagpasan nila ang lahat ng pagsubok na dumaan sa kanila na magkasama. Dumating man sa punto na kamuntik ng sumuko ang isa sa kanila ay nanatili pa rin naman ang pagmamahalan nilang dalawa kaya sa huli ay sila pa rin ang nagkatuluyan. Ngayong araw naman ang alis nila Vin at Bella papuntang Korea para sa kanilang honeymoon. Gagamitin na nila ang regalo sa kanila ni Sarah na trip to Korea dahil sayang din naman daw iyon. Five days silang mananatili sa Korea na dalawa at sagot na lahat ni Sarah ang expenses nila roon kasama na ang hotel na tutuluyan nila at maging ang pocket money nilang dalawa ay sinagot na rin ni Sarah. Hindi na nga sana nila tatanggapin ang pocket money na binibigay ni Sarah pero mapilit eto at sinabihan sila na magtatampo sya kaya wala na ring nagawa pa ang dalawa kundi ang tanggapin na lamang iyon. "Mag ingat kayo roo
CHAPTER 193Pagkarating nila Vin at Bella sa Korea ay agad na rin silang dumiretso sa hotel kung saan sila mag stay para makapagpahinga. Hindi pa rin kasi sila nakakapagpahinga ng maayos pagkatapos ng kanilang kasal dahil marami pa silang inasikaso. Isang linggo na rin kasi ang nkalipas ng ikasal silang dalawa. "Mabuti pa na kumain na muna tayo para makatulog na tayo ngayon para naman may lakas tayo kapag naglibot libot tayo rito sa Korea at nang masulit naman natin etong regalo sa atin ni Sarah," sabi ni Vin kay Bella."Oo nga. Mabuti pa nga dahil nakakapagod pala talaga ang byahe papunta rito," sagot ni Bella. Kumain naman na sila at hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin silang dalawa dahil sa pagod. Magkayakap pa silang natulog na dalawa.Dahil sa pagod sa kanilang byahe ay mataas na ang araw nang magising sila Vin at Bella kinabukasan."Good morning wife," bati ni Vin kay Bella na napikit pikit pa."Good morning hubby," sagot naman ni Bella. Agad namang kinintalan ng magaan na