CHAPTER 177"S-sorry sa n-nagawa ko," sabi pa ni Nicole kasabay ng pagpatak ng luha nya."Sshhh. Dadalhin ka namin sa ospital Nicole ha," sabi Claire sa anak habang mahigpit nyang hawak sa kamay eto. Maya maya pa ay bigla nang huminga ng malalim si Nicole kasabay non ang pagbagsak ng isa nyang kamay at unti unting pagpikit ng nga mata nya."Nicole," sabi ni Lyndon at tinapik tapik pa nya si Nicole sa pisngi. "Nicole anak. Please wake up," sabi pa ni Lyndon."No Nicole. Please anak please gumising ka," sigaw din ni Claire at hindi na nya napigilan pa na mapahagulhol."Nicole wake up please," umiiyak na rin na sabi ni Sarah.Napalingon naman sila Vin at ang mga kasama nya sa pwesto nila Nicole ng marinig nila na humahagulhol na ang ina neto. "Bella lumaban ka ha. Please. Wag kang susuko," baling ni Vin kay Bella. Kahit nahihirapan na si Bella ay tumango tango naman sya rito.Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang ambulansya. Agad nilang kinuha si Bella at Nicole at inilagay sa st
CHAPTER 178Pagkaalis naman ni Sarah ay nagsidatingan na rin sila Viela at Vanessa. Maya maya ay dumating na rin sila Myca, Colleen, Kate at Bernard."Kumusta si Bella?" tanong ni Myca pagkarating nya roon."Hindi pa lumalabas ang doktor simula kanina hija. Kaya hindi pa rin namin alam kung ano na ba ang lagay ni Bella," si Valerie na ang sumagot ng hindi umimik si Vin. Tahimik lang naman na nakaupo si Vin habang nakapikit at patuloy ang paglandas ng luha nya sa kanyang pisngi. Hinayaan na lamang sya muna ng mga kasama nya roon dahil alam naman ng mga eto kung gaano kasakit para kay Vin ang mga nangyayare. Pareparehas na lamang silang natahimik muli.Ilang oras din silang naghintay doon hanggang sa lumabas na ang doktor na galing sa operating room kaya lahat sila ay napalingon dito at si Vin naman ay dali daling lumapit dito."Dok kumusta po si Bella? Kumusta po ang lagay nya?" agad na tanong ni Vin sa doktor."Matagumpay naman naming natanggal ang bala ng baril na tumama sa pasyente
CHAPTER 179Pagkalabas ni Vin ng ICU ay agad namang pumasok si Valerie sa loob ng ICU. Nagbihis din muna sya ng gown na isinusuot doon. Pagkabihis nya ay agad na syang lumapit kay Bella. Natutop pa ni Valerie ang bibig nya dahil sa nakikita nyang kalagayan ni Bella ngayon. Hinawakan naman nya ang kamay neto at bahagya pa nya iyong pinisil."B-Bella ako eto ang Mama Valerie mo. Alam kong naririnig mo ako. Bella lumaban ka ha. Hinihintay ka naming lahat. Hinihintay namin ang paggising mo kaya lumaban ka ha. Lumaban ka para sa sarili mo at para na rin kay Vin," sabi ni Valerie kay Bella at hindi na nya napigilan pa ang paglandas ng kanyang mga luha."Bella hindi kakayanin ni Vin kapag nawala ka sa kanya kaya please lumaban ka. Andito kaming lahat na nagmamahal sayo kaya please gumising ka na ha. Mahal na mahal ka namin hija," pagpapatuloy pa ni Valerie. Hinahawakan pa nya ang ulo ni Bella at hinalikan nya eto sa noo."Maghihintay kami na magising ka Bella. Kaya sana gumising ka na," sab
CHAPTER 180Limang araw na rin ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Bella. Nanatili pa rin si Vin doon at nagrequest na rin ang pamilya neto ng isa pang room kung saan pwedeng magstay si Vin habang nasa ospital dahil hindi nila eto mapilit na umuwi. Hindi rin naman pwede magtagal sa loob ng ICU si Vin dahil minomonitor pa rin ang lagay ni Bella."Vin anak kumain ka na muna. Ilang araw ka ng ganyan e. Saka matulog ka na rin muna. Tingin mo ba kapag nagising si Bella matutuwa syang makita ka sa ganyang kalagayan? Anak hindi matutuwa si Bella nyan dahil pinapabayaan mo na ang sarili mo," sabi ni Valerie kay Vin. Kaunti lamang kasi palagi kung kumain si Vin at minsan nga ay hindi pa neto kinakain ang dinadala nilang pagkain dito. Ang pagtulog naman neto ay madalas na idlip lamang dahil ang gusto ay palaging makikita si Bella."Ma bakit ang tagal naman yata magising ni Bella?" tanong ni Vin sa kanyang ina at hindi na nya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi na nya kasi ala
CHAPTER 181Matyaga pa na naghintay ng ilang minuto sila Vin sa labas ng ICU bago lumabas muli ang doktor ni Bella. Nakangiti pa ang doktor sa kanila ng lumabas eto ng ICU."Kumusta po si Bella dok?" agad na tanong ni Vin sa doktor."Good news. Mukhang ayos naman na ang pasyente sadya sigurong bumawi lamang ang kanyang katawan dahil sa mga nangyare sa kanya kaya sya matagal na nawalan ng malay pero kailangan pa rin mamonitor ang pasyente ng 24 oras para malaman natin kung may iba pa bang problema sa kanya kaya dito muna sya sa ICU. May mga test na rin akong ipapagawa sa pasyente para masigurado natin na maayos na talaga sya. Kapag ayos naman na ang lahat ay pwede na natin syang ilipat sa private room," nakangiti pa na sagot ng doktor."Talaga po dok? Maraming salamat po," nakangiti rin naman na sagot ni Vin sa doktor. "Pwede ko na po ba syang malapitan ulet?" Tanong pa ni Vin na excited ng makita muli ang taong mahal nya."Oo naman pwede mo na ulet syang puntahan," sagot ng doktor. Ag
CHAPTER 182"Kumusta na po ang lagay ngayon ni Bella dok?" tanong ni Vin sa doktor na sumusuri kay Bella. Nasa private room na sila ngayon at mahimbing na natutulog si Bella." Base sa mga test na ginawa namin sa pasyente ay nasa maayos na syang lagay. Okay naman lahat ng result ng mga test. Maging ang sugat nya ay naghihilom na rin. Maswerte sya at nakaligtas sya sa kritikal na lagay nya noon at dahil na rin siguro yon sa presensya nyo kaya sya nagkaroon ng lakas ng loob," mahabang sagot ng doktor.Napangiti naman si Vin dahil ayos na pala ang lagay ni Bella ngayon."May mga kailangan pa po bang gawin sa kanya? Kelan po namin sya pwedeng iuwi?" tanong pa ni Vin."Siguro ay mas mabuting mag stay pa muna sya rito ng kahit isang araw pa para mamonitor pa namin sya at matingnan na rin ang sugat nya. Kapag talagang maayos na maayos na sya ay maaari nyo na rin naman syang maiuwi," sagot ng doktor."Sige po dok. Maraming maraming salamat po," nakangiti pa na sabi ni Vin. Lumabas na rin nama
CHAPTER 183"B-Bella ano kasi," hindi maituloy ni Sarah ang sasabihin nya kaya napabuga muna sya ng hangin sa bibig nya bago itinuloy ang pagsasalita. "Bella w-wala na si Nicole. P-patay na sya."Tigagal naman na napatitig si Bella kay Sarah."Ha? Pero bakit?" naguguluhan na tanong ni Bella rito."H-hindi na kinaya ni Nicole dahil tumama yung bala ng baril malapit sa puso nya at marami na rin ang nawalang dugo sa kanya kaya hindi na sya umabot pa ng buhay sa ospital," pagkukwento ni Sarah at hindi na rin nya napigilan pa ang paglandas ng luha nya pero agad din nya etong pinunasan. Tahimik lamang naman na nakikinig sa kanya si Bella."Bella sorry sa nagawa ng kapatid ko. Alam ko naman na sobrang sama ng ginawa nya sa inyo at mahirap syang patawarin pero bilang kapatid nya ay ihihingi ko pa rin sya ng sorry sa inyo. Vin, Bella sorry sa nagawa ni Nicole sa inyo," hinging tawad ni Sarah para sa kanyang kapatid. FLASHBACKPagkatapos na madala si Nicole sa ospital at idineklara na nga eto
CHAPTER 184Lumipas naman na ang isang araw at ngayon nga ay palabas na ng ospital si Bella dahil pinayagan na eto ng kanyang doktor dahil maayos naman na daw lahat ang resulta ng test neto at naghihilom na rin ang sugat."Ang mga bilin ko ha. Ang mga gamot inumin sa tamang oras at huwag muna magkikikilos o magbubuhat para hindi mapwersa ang katawan mo hija," bilin pa ng doktor ni Bella ."Opo dok. Maraming salamat po ulet," nakangiti pa na sagot ni Bella sa doktor nya. Excited na syang lumabas ng ospital dahil buryong buryo na talaga sya roon dahil wala naman syang ibang ginagawa kundi ang matulog, mahiga, manood at kumain dahil hindi pa nga sya pwedeng magkikilos kilos. Si Vin lamang ang kasama ngayon ni Bella ng lumabas sya sa ospital dahil may gagawin daw si Valerie kaya wala eto ngayon. Okay lang naman kay Bella dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makalabas na sya ng ospital."Are you happy?" tanong ni Vin kay Bella habang tulak tulak nya ang wheelchair kung saan nakaupo a