CHAPTER 168Sa hotel naman ay naghihintay pa rin ng tawag sila Vin mula sa mga kumuha kay Bella. Kasama pa rin ni Vin ang pamilya nya maliban na lamang kay Vince na pinauwi na muna nila dahil may baby pa na dala ang mga eto. Kumpleto pa rin naman ang mga kaibigan nya na sila Myca, Colleen, Kate, Mark at Ian si Bernard ay nandoon din dahil naging kaibigan nya na rin naman ang mga eto."Vin wala pa rin bang tumatawag?"tanong ni Valerie kay Vin ng lapitan nya eto. Umalis kasi muna sya upang magpalit ng damit."Wala pa rin po Ma," malungkot na sagot ni Vin sa kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang si Valerie. Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa kanila kung sino ba ang dumukot kay Bella. Wala rin naman silang matandaan na may galit sa kanila para gawin ang bagay na eto.Inabot na sila ng madaling araw sa paghihintay. Nakatulog na lamang ang ibang mga kaibigan nya sa paghihintay pero si Vin ay nananatiling gising at umaasa na may tatawag na sa kanila. Maya maya ay may tumawag sa
CHAPTER 169"Anong sabi ng tumawag?" tanong ni Leonard kay Vin pagkababa neto ng telepono."Pinapapunta na nya tayo. Wala daw dapat pulis kung gusto pa nating abutan ng buhay si Bella," sagot ni Vin. "Tugma rin ang address ng sinabi ng kumuha kay Bella sa kausap ko kanina na gusto tayong tulungan," pagpapatuloy pa ni Vin."Kung gayon ay baka nga gusto tayong tulungan ng nakausap mo kanina. Mabuti pa ay kontakin mo sya at sabihin na tinawagan ka na ng mga kumuha kay Bella," suhestyon ni Leonard."Wag na muna Pa. Mamaya na lamang kapag nandoon na tayo," sabi ni Vin."Nagpakilala na ba sya?" tanong ni Valerie."Hindi pa rin po Ma," sagot ni Vin."Ang mabuti pa ay umalis na tayo. Kailngan na nating makarating doon kaagad para mailigtas natin si Bella," sabi ni Valerie. Umalis na rin naman sila ng hotel at agad na pumunta sa address na sinabi ng kanilang kausap.*********"Hello tito," sabi ni Glaiza pakasagot ni Lyndon sa kanyang phone. Tinawagan nya kasi ulet eto dahil hindi na nya kaya
CHAPTER 170Pagkalabas nya roon ay agad na syang nagpunta sa sinabi nya kay Vin kung saan nya aabangan ang mga eto. At oo si Glaiza ang tumawag kay Vin dahil alam nya na bukod sa ama ni Nicole ay matutulungan din sila ni Vin.Pagkarating nya roon ay naghintay lamang sya ng sandali at may tumigil na rin na sasakyan malapit sa pwesto nya. Agad naman na bumaba ng sasakyan nya si Glaiza at lumapit doon.Pagkakita ni Vin sa babaeng papalapit sa kanila ay napakunot na lamang ang kanyang noo dahil parang pamilyar sa kanya ang babae."Parang nakikilala kita," sabi ni Vin ng makalapit na si Glaiza sa kanila."Oo Vin. Kilala mo ako. Ako yung kaibigan ni Nicole," sagot ni Glaiza at nagyuko pa sya ng ulo dahil nahihiya sya kay Vin."Anong kinalaman mo rito? Bakit alam mo na nandito si Bella? Sino ang may pakana ng lahat ng eto?" sunod sunod na tanong ni Vin kay Glaiza."Vin tama na muna ang maraming tanong. Kailangan na kayo ni Bella roon," sagot ni Glaiza."Tinawagan na kami ng dumukot kay Bella
CHAPTER 171Matapos naman makausap ni Lyndon si Glaiza ay agad na syang bumyahe papunta sa lugar na sinabi ni Glaiza sa kanya.Natatakot na si Lyndon sa maaaring gawin ni Nicole kay Bella dahil alam nya na hindi pa eto masyado magaling. Ipinagdarasal nya lang talaga ngayon na sana ay wag na munang kumilos si Nicole dahil nagbabaka sakali sya na makinig sa kanya ang kanyang anak.Habang nasa byahe ay naalala nya si Sarah dahil ngayon ang flight neto para puntahan si Nicole sa ibang bansa kaya agad nya na rin etong tinawagan. Naka ilang ring lang din eto at sinagot na kaagad eto ni Sarah."Hello dad. Napatawag po kayo? May ibibilin pa po ba kayo sa akin?" agad na tanong ni Sarah sa kanyang ama. Nagkausap na kasi sila ng kanyang ama at nagkaayos na rin sila ngayon."Nasaan ka?" tanong ni Lyndon."Nasa hotel pa po dad. Pero paalis na rin po ako. Mamaya pa po ang flight ko," sagot ni Sarah. Ngayon na kasi ng flight nya para puntahan si Nicole. Sya na muna kasi ang inutusan ng kanyang ama
CHAPTER 172"At saan kayo pupunta?" tanong ng tauhan ni Nicole sa kanilang dalawa. Napakapit naman si Bella sa braso ni Glaiza sa takot."K-kuya please pabayaan mo na lamang kami," sabi ni Glaiza."Tsk. At bakit naman kita susundin? Ikaw ba ang amo ko?" nakangisi pa na sbi ng lalake kila Glaiza. Magsasalita pa sana si Glaiza ng makarinig sila na may pumapalakpak sa may pinto at pagtingin nila rito ay si Nicole iyon at nakangisi pa sa kanila."N-nicole!" gulat pa na sabi ni Glaiza habang si Bella ay napaphigpit na ang hawak kay Glaiza ng makita nya si Nicole."Yes my dear Glaiza. What happen to you? Bakit mo kinalagan ang babaeng yan? Bakit tila ata bumabaliktad ka na sa akin at tinutulungan mo na ang mang aagaw na babaeng yan," galit na sabi ni Nicole."Nicole please tama na. Ang usapan natin ay kukunin mo si Bella upang hindi matuloy ang kasal nila. Okay naman na diba? Hindi na natuloy ang kasal nila kaya pabayaan mo na lang si Bella," sagot ni Glaiza."Tsk. At pagkatapos ano? Magih
CHAPTER 173Huminga muna ng malalim si Vin bago nagpasyang pumasok sa loob ng abandunadong bahay kung nasaan si Bella. Wala na syang choice kundi ang pumasok sa loob dahil hindi pa rin lumalabas si Glaiza. Kasama pa rin nya ang kanyang mga magulang pati na rin sila Mark at Ian. Pagkapasok nila ay agad nilang nakita si Nicole na prenteng nakaupo roon habang nakangiti sa kanila. Marami rin ang mga tauhan neto sa paligid nila. Naikuyom naman ni Vin ang kanyang kamao dahil sa galit."Ang tagal nyo naman pumasok rito. Kanina ko pa kayo hinihintay," sabi ni Nicole."Nasaan si Bella?" agad na tanong ni Vin."Wag kang mainip Vin. Andyan lang naman si Bella," sagot ni Nicole."Bakit mo ba eto ginagawa ha? Bakit ba hindi ka na lamang manahimik sa ibang bansa? Hindi ka na lamang sana nagbalik pa rito," galit na sabi ni Vin."Kumalma ka Vin. Hindi mo ba nakikita kalmado rin ako rito. Sa tanong mo na bakit ko ba eto ginagawa well simple lang naman ang sagot ko dyan gusto ko lang naman na gumanti
CHAPTER 174"Please Nicole. Wag mong gawin yan. Nagmamakaawa ako sayo. Kung gusto mo sasama na lamang ako sayo wag mo lang sasaktan si Bella. Please," pakiusap na ni Vin kay Nicole ng makita nila na may hawak na etong baril."Sasama ka sa akin Vin? Talaga?" nakangiti pa na sabi ni Nicole."Oo Nicole. Sasama ako sayo. Pakawalan mo lang si Bella. Please," pakiusap pa ni Vin. Bigla namang tumawa ng malakas si Nicole."Tapos ano? Tapos tatakasan mo ako? Tapos babalik ka ulet kay Bella? No way. Mas mabuti pa na mawala na lamang sya sa landas ko mas matutuwa pa ako roon," sagot ni Nicole habang unti unti na syang lumalapit kay Bella.Titig na titig naman sila Vin at mga kasama nya kay Nicole dahil baka bigla na lamang netong iputok ang hawak netong baril."Please Nicole," sigaw pa ni Vin.Hinawakan naman muli ni Nicole si Bella sa buhok neto at itinutok ang baril sa ulo ni Bella. Binitawan naman na si Bella ng dalawang tauhan ni Nicole. Napapapikit na lamang ng mariin si Bella dahil sa ta
CHAPTER 175"Mommy?" naiiyak ng bigkas ni Nicole ng makilala nya ang kanyang ina. Kahit na may sama sya ng loob rito dahil sa pag iwan sa kanila noon ay gustong gusto pa rin nyang makita at mayakap ang kanyang ina."Oo anak. Ako eto ang mommy mo. Please Nicole ibaba mo na yang hawak mong baril. Gusto na kitang mayakap anak. Please Nicole. Pwede naman nating pag usapan na lang yan," umiiyak ng sabi ni Claire kay Nicole. Alam na rin kasi ni Claire ang kundisyon ngayon ni Nicole kaya nag iingat din sya dahil baka kung ano pa ang magawa neto."Nicole please listen to mom," sigaw rin naman ni Sarah."Mommy!" umiiyak ng sabi ni Nicole pero nanatiling nakatutok pa rin ang baril na hawak neto sa ulo ni Bella pero unti unti ng lumuluwag ang pagakakasabunot nya kay Bella.Wala pa rin tigil sa pag iyak si Bella at nakikinig lang din sya sa pag uusap ng mga naroon. Sila Vin naman at ang mga kasama nya ay tahimik lamang din na nanonood sa tagpo sa muling pagkikita ni Nicole at ng ina neto.Nang ma