CHAPTER 135"Ang sweet naman pala," agad na sabi ni Myca na may tonong nang aasar ng makapasok sila sa garden nila Vin at naabutan nila ang mga eto na sweet na sweet sa isa't isa."Myca," gulat na sabi ni Bella. Napabitaw naman si Bella kay Vin at agad na linapitan si Myca at ang iba pa nilang kaibigan."Sus. Huli. Hahaha. Ang sweet nyo naman. Baka nakakaistorbo kami ha. Balik na lang kaya kami sa ibang araw. Hahaha," pang aasar din ni Colleen kila Vin at Bella. Hindi na lamang pinansin ni Bella ang pang aasar sa kanila ng mga kaibigan nila."Kumusta kayo? Buti naligaw kayo rito," nakangiting sabi ni Bella sa mga kaibigan nya."Oo namiss ka na kasi namin kaya kami naligaw dito. Kumusta ka naman Bella? Buti at napapayag ka ni Vin na bumalik dito sa Manila," sabi ni Myca."Oo masyado kasing mapilit eh. Haha. Kaya sumama na lang ako," tatawa tawa na sagot ni Bella."Sus. Ang Sweet sweet nyo ngang dalawa dyan e," pang aasar naman ni Kate."Ikaw kasi wag ka na magpakipot kay Mark para mer
CHAPTER 136"Sir nandyan po si Mr. Sanchez gusto raw po kahong makausap. Papasukin ko po ba?" tanong ng sekretarya ni Leonard sa kanya. Napabuntong hininga naman si Leonrd dahil nandito na naman si Lyndon at alam nya na mangungulit na naman eto sa kanya. Simula kasi ng hindi matuloy ang kasal nila Nicole at Vin ay ilang beses na etong nakiusap sa kanya na ituloy ang kasal dahil nagkukulong na lamang daw si Nicole sa kanyang kwarto at ayaw kumain. Pero hndi na lamang nya iyon pinansin pa dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kanyang anak dahil ayaw naman nyang maulit na naman ang nangyare noon dahil mas pinahalagahan nya ang kanyang negosyo kesa sa sarili nyang anak."Sige papasukin mo," sagot ni Leonard sa kanyang sekretarya. Agad naman na tumalima ang kanyang sekretarya. Maya maya ay may kumatok na ulet sa opisina ni Leonard at ng magbukas iyon ay agad ng pumasok si Lyndon doon at dire diretsong naupo sa upuan na nasa harap ng office table ni Leonard."Mr. Sanchez napadalaw ka.
CHAPTER 137Pagkauwi ni Lyndon ng kanilang bahay ay agad nyang kinumusta si Nicole sa kanilang kasambahay."Manang kumusta si Nicole? Kumain na ba sya?" tanong ni Lyndon sa kanilang kasambahay."Hindi pa po sir. Dinalhan ko po sya kanina ng pagkain pero hindi naman po nya iyon ginalaw," sagot ng kanilang kasambahay. Napabuntong hininga na lamang si Lyndon dahil hindi na nya alam kung anong gagawin nya sa kanyang anak. Si Sarah naman ay wala syang balita kung nasaan eto."Sige manang pakihanda na lamang ng pagkain nya ulet at ako na ang magdadala s kanya. Magbibihis lamang ako," utos ni Lyndon sa kanilang kasambahay. Agad naman na sumunod ang kanilang kasambahay at pagbaba ni Lyndon ay nakahand na ang pagkain ni Nicole kaya agad na nya etong kinuha."Nicole anak. Kumain ka na muna. Hindi ka pa raw kumakain," sabi ni Lyndon kay Nicole ng makapasok sya sa kwarto neto."Dad nakausap nyo na po ba sila Vin? Pumayag na po ba sila?" tanong ni Nicole sa kanyang ama at hindi na neto pinansin pa
CHAPTER 138Nagkakasiyahan naman ngayon sa bahay nila Vin. Birthday kasi ni Viela at ayaw umano neto ng magarang party. Ang gusto lamang daw neto ay magcelebrate kasama ang pamilya at ilang malalapit sa kanilang pamilya. Kaya pinagbigyan na lamang nila ang gusto ni Viela. Kasama rin nila roon ang mga kaibigan nila Vin na sila Myca, Colleen, Kate, Ian at Mark maging si Bernard na nobyo ni Myca ay kasama rin nila."HAPPY BIRTHDAY VIELA!!!" sabay sabay na sigaw ng mga naroon sa kaarawan ni Viela. Ngiting ngiti naman si Viela at napapikit muna sya bago mag wish saka nya hinipan ang kandila sa kanyang cake."Thank you. Thank you sa inyo. Salamat at nakasama ko kayo ngayon sa birthday ko. Masaya na kasi ako sa ganito hindi ko na kailangan ng magarbong party. Magkakasama lamang tayo ay masaya na ako. At mas masaya ako dahil nadagdagan na ang ating pamilya," sabi ni Viela matapos nyang hipan ang kanyang birthday candle. Natigilan naman ang mga naroon dahil sa huling sinabi ni Viela. Nagkating
CHAPTER 139Lumipas pa ang mga araw at naging masaya naman sila Vin dahil wala ng nanggugulo sa kanilang pamilya. Hindi na kasi kinukulit pa ni Mr. Sanchez si Leonard tungkol sa kasal na iyon na labis na ikinatuwa naman ni Leonard dahil natahimik na rin eto sa wakas."Kumusta ka rito?" bati ni Valerie kay Leonard pagkapasok nya sa opisina neto. Naisipan nya kasi ni Valerie na bisitahin ang kanyang asawa sa opisina neto dahil may pinuntahan sya na malapit lamang rito."Ayos naman ang kumpanya. Tahimik na rin si Mr. Sanchez. Napagawi ka ata rito?," tumango tango naman si Valerie."Napadaan lamang ako rito dahil may pinuntahan ako malapit dito. Mabuti naman kung ganon na hindi na sila nangungulit pa Siguro ay natauhan na rin si Nicole at natanggap na nya na hindi para sa kanya si Vin," sagot ni Valerie."Siguro nga. Pero ang balita ko ay umalis ng bansa sila Lyndon at Nicole," sabi ni Leonard."Talaga? Baka doon na sila titira. Alam mo maganda naman si Nicole marami ang magkakagusto sa
CHAPTER 140Pagkauwi naman nila Valerie at Bella ay sakto rin naman na dating ni Vin galing opisina."Hi Ma," bati ni Vin sa kanyang ina ng bumaba eto sa sasakyan neto lumapit pa sya rito para humalik sa pisngi ng ina. Nagulat naman sya ng bigla ring bumaba si Bella mula sa sasakyan."Bella?" baling naman ni Vin kay Bella."Sinama ko si Bella hijo. Namasyal lang kami nagshopping ganon para naman hindi mainip si Bella rito sa bahay," sabat na ni Valerie. Tumango tango na lamang si Vin at si Bella naman ang kanyang linapitan at hinalikan nya eto sa labi. Nagulat naman si Bella sa ginawa ni Vin dahil kaharap nila ang ina neto kaya napayuko na lamang si Bella."Naku hija wag ka ng mahiya sa akin. Masaya ako at ikaw ang minahal ng anak ko," sabi ni Valerie kay Bella ng mapansin nya na nahihiya eto sa ginawa ng kanyang anak."Ikaw naman Vin alam ko naman na sigurado ka na kay Bella at suportado naman namin kayong dalawa kelan mo ba balak pakasalan si Bella?" usisa pa ni Valerie sa kanyang a
CHAPTER 141Banayad lamang naman ang paghalik ni Vin na tinutugon naman ni Bella. Pero unti unti ay nagiging mapusok na ang ginagawang paghalik ni Vin kay Bella. Unti unti na rin nyang dinadala si Bella papunta sa kama nito habang hapit hapit nya eto sa baywang neto. At nang nasa may kama na sila ni Bella aya dahan dahan nya etong inihiga habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Ang paghalik ni Vin ay bumababa na rin sa leeg ni Bella habang ang kamay ni Vin ay naglulumikot na rin. Pero biglang parang natauhan si Bella ng maramdaman nya na bumababa pa ang halik ni Vin sa kanya."Vin sa-sandali lang," saway ni Bella kay Vin. Kahit na parang nadadarang na si Bella sa ginagawa ni Vin sa kanya ay pinipigilan nya ang kanyang sarili.Pero parang walang naririnig si Vin at tinutuloy pa rin nya ang kanyang ginagawa kaya hinawakan na ni Bella si Vin sa mukha neto. Napatingin naman si Vin kay Bella. "Why?" tanong na ni Vin."Na-nakalimutan mo na ba yung si-sinabi ni Mama?" tanong ni Be
CHAPTER 142Naging maayos naman at masaya ang mga nagdaang araw nila Bella at Vin. Nasasanay na rin si Bella na palagi na lamang syang nasa bahay nila Vin at minsan ay nagbobonding naman sila ng ina ni Vin na si Valerie sa pagshoshopping o di kaya ay nagluluto o nagbabake naman silang dalawa. Nagiging busy na rin si Vin sa kanilang kumpanya tinutulungan na nya kasi ulet ang kanyang ama sa pagpapatakbo neto. Kahit na nag pull out si Mr. Sanchez ay laking pasalamat nila dahil ang iba nilang investors ay hindi umalis sa kanila kaya napanatili nilang maayos ang kanilang kumpanya.Syempre hindi naman pinapabayaan ni Vin si Bella kaya kahit paminsan minsan ay nagdadate naman silang dalawa kagaya ngayon na dinala na naman sya ni Vin sa paborito nilang puntahan sa Tagaytay."Alam mo Vin hinding hindi ako magsasawa na pumunta rito. Sobrang ganda kasi ng view at nakakarelax pa dahil malamig ang klima," sabi ni Bella kay Vin habang nakatanaw sa magandang view na natatanaw ang Taal. Pumuwesto na