Klarisse wasn’t expecting that she would be able to be free from being problematic for a day. Pero heto siya, nakasakay sa helicopter na siyang sasakyan nila papunta sa isang resort sa isla. Ito ang kauna-unahang beses niyang sumakay sa helicopter kaya naman pinagbigyan niya ang sarili niya na i-enjoy ang pagkakataon. Nakatingin siya sa baba habang name-mesmerized sa ilaw na hatid ng kuryente na nagmistulang mga bituin sa baba. Laking pasalamat niya at isinama siya ng kaibigan niya at pinilit na umalis sa bahay nila dahil kung hindi ay magmumukmok na naman siya at sisisihin ang sarili sa nangyayari sa buhay niya. Halos kalahating oras lang ang itinagal nila sa himpapawid. At nang makababa sila ay tumambad sa kanila ang kulay puting buhangin ng isla.Lumapit si Greta sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Happy?” tanong ng kaibigan kay Klarisse. “Oo. Sobra. Salamat at dinala mo ako rito. Feeling ko ay mag-i-enjoy ako rito, at makakalimutan ko ang problema ko. Thanks for being makulit
Nasapo ni Klarisse ang ulo niya nang magising siya. Napaingit siya dahil kumikirot iyon. Marahil ay naparami ang nainom niya kagabi kaya tila binabarina ang ulo niya ngayon. Kumilos siya para tumayo. Ngunit ang gagawin niyang pagtayo ay natigil nang may biglang nagsalita sa kaliwang bahagi ng higaan. “Good morning...” anang baritonong boses na kahit pa yata nakapikit siya ay matutukoy niya kung sino ang nagmamay-ari. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Michael na nakaupo habang naka-de-cuatro at may hawak na libro. Nakasuot ang lalaki ng puti at maluwag na long sleeve na gawa sa manipis na tela, ang pants naman nito ay maluwag din, pero kulay itim. Sa ilang dipa na layo sa pagitan nilang dalawa ay naaamoy niya ang gamit na pabango ng lalaki mula sa kinaroroonan niya. Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa tinutulugan niya. “Did you sleep well?” tanong ulit nito habang nakangiti. Itiniklop ni
Bawat paglabas-pasok ni Michael kay Klarisse ay ang pag-ungol din na ginagawa ni Klarisse. Kung dati, sa isip niya lang binabanggit ang pangalan ng dating nobyo sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Nathan, ngayon naman ay malaya niya nang isinisigaw ang pangalan ni Michael kasabay ng pag-init ng katawan niya. For Klarisse, this is not just lust she’s feeling. This is pure love. Hindi lang ito init ng katawan ang nararamdaman niya, kundi pag-ibig para sa lalaki. Alam niyang mali ang ginagawa niya, pero bakit parang tama na ibigin pa rin ang lalaki sa kabila ng pagkakatali niya sa iba? Klaris close her eyes when the unexplainable electricity ran down from her chest to her womanhood. She shouted Michael’s name bago tila may kung ano ang lumabas sa pagkababàe niya. Nang sabay nila na marating ang rurok ng kaligayahan ay pabagsak na humiga si Michael sa tabi niya. Ang akala ni Klarisse ay tatayo ni si Michael, katulad ng ginagawa ni Nathan matapos siyang angkinin, ay nagkamal
“So, where do you want go now, Gang?”Napatili at halos mapatalon pa sa gulat si Klarisse dahil sa biglaang pagsulpot ni Michael sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa dock habang nakatunghay sa magandang karagatan ng islang kinaroroonan nila nang sumulpot si Michael sa likuran niya at yakapin siya. Mag-isa lang siya kanina at malalim ang iniisip kaya hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang binata. “Bakit nagulat ka? Malalim yata ang iniisip mo. Tell me what is it.”Humarap si Klarisse sa lalaki, at sa pagharap niyang iyon ay agad siyang sinalubong ng halik ng lalaki. Napangiti si Klarisse. “Alam mo, Gang, ang laki ng pinagbago mo,” saad niya sa lalaki at iniyakap ang mga braso sa leeg ng binata. “Really, why?”“Nah, it’s hard to explain. Pero gusto ko ang pagbabago mo—”“Of course, kahit sino ay magugustuhan ang pagbabago ni Michael. From rug to riches? Now, tell me, sino ang hindi magugustuhan ang ganoong pagbabago?”Humiwalay si Klarisse mula sa pagkakayakap
Nasa dalampasigan sila at nakahiga, habang si Klarisse ay nakaunan sa braso ng binata at nakayakap sa dibdib nito. Gabi na at hinihintay na lang nila ang pagkain na galing pa sa hotel na ihahatid sa kanila. Sa isip ni Klarisse ay maraming katanungan na gusto niyang malaman. Pero kahit sa kabila ng nangyari sa kanila ni Michael ay nagkakaroon pa rin siya ng agam-agam. Bumuntonghininga si Klarisse. “Ang lalim noon, ah. May problema ka ba, Gang?” tanong sa kanya ni Michael. “Hmm, wala,” pagkakaila niya. “Alam kong marami kang katanungan diyan sa isip mo. Bakit hindi ka magtanong sa akin? Sasagutin naman kita. Kung tungkol sa nangyari sa akin ang gusto mong malaman ay sasagutin kita.” “Hmm, yeah. I have a question. And I want you to be honest. Sino si Honey sa buhay mo?” “Nagseselos ka ba sa kanya?” Nakaramdam ng inis si Klarisse sa tanong na iyon ni Michael kahit pa nga wala naman dapat ikaselos. Michael was only asking. Tapos ganito na ang reaction niya. Paano pa k
Parang sasabog ang dibdib ni Klarisse sa narinig mula kay Michael. Napahawak siya sa dibdib niya sabay sandal sa puno ng niyog na kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung sino ang kausap niya, pero sigurado siya na silang dalawa ni Nathan ang pinag-uusapan ng kausap nito. Bakit nga ba siya umasa na maganda ang intensyon ni Michael sa paglapit sa kanya? Michael is no saint. Nasaktan niya ito noon kaya naman bumalik ito sa buhay niya para parusahan at iwan sa ere kapag kapit na kapit na siya rito. Patuloy sa pakikipag-usap si Michael sa kung sino man ang nasa kabilang linya, pero parang nabingi na si Klarisse dahil ayaw niya nang makarinig pa ng mga masasakit na salita mula sa lalaki. Klarisse wanted to disappear. She wanted to walk out pero natatakot siyang makita siya ni Michael kaya hinintay niya na lang na matapos itong makipag-usap at umalis sa puwesto nito. Na nangyari nga ilang minuto lang ang makalipas. Bago maglakad palayo sa kinaroroonan ay inayos niya na muna ang sarili.
“You know that I owe you, big time, Michael, kaya kung ano man ang ipag-uutos mo, gagawin ko,” saad ni“Hmm. That’s we need right now,” sagot ni Michael kay Greta. Nasa cottage silang dalawa at kasalukuyan na nag-uusap nang sarilinan. Kung ano man ang pinag-usapan nilang dalawa ay sila lang ang nakakaalam. Ang mga kasama nila ay may pinag-uusapan naman tungkol sa business as usual. Natahimik ang dalawa nang dumating si Honey. Nagtataka pang napatingin si Michael dahil si Klarisse ang inaasahan niya. Tinanaw ni Michael ang hotel sa hindi kalayuan sa pagbabakasakali na makikita si Klarisse na naglalakad papalapit sa kanila pero nabigo lang siya. “She left,” saad ni Honey na para bang nababasa ang isipan ni Michael.“What?”“Klarisse left.” Umastang uupo si Honey sa tabi ni Michael pero agad siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila palabas ng cottage. “Ano na naman ba?!” nakaangil na tanong ni Klarisse nang nasa labas na sila. “What did you say?”“Umalis na si Klarisse. Ano iyan
“Ahhhhhh!” Pawisan si Klarisse nang magising mula sa bangungot. Heto na naman. Paulit-ulit na naman sa panaginip niya ang nangyari noon. Ang pangyayari na iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng pananakit sa kanya ni Nathan ay nakakulong pa rin siya rito. Tumayo si Klarisse—pero ang pagtayo niya ay nabinbin nang may mapagtanto siya. Bakit ako nasa kwarto? tanong niya pa sa sarili. Ang naaalala niya ay nasa sala siya at nanonood. At ang mas lalong ipinagtaka niya ay wala siyang saplot. Kinapa niya ang katawan niya, pinakiramdaman. So far, in her relief, wala siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya. Walang mali sa kanya. Idineritso niya ang binalak na pagtayo at ibinalabal na lang ang kumot sa katawan niya bago naglakad palabas ng kwarto. Pupunta siya sa kusina upang kumuha ng tubig. Pero ang ginagawa na paghakbang ay natigilan nang may marinig siyang nag-uusap sa baba ng bahay nila. “What if she finds out?” Ha? Sino iyon? Sinong she?Boses iyon ng lalaki. Gus