“K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya
Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali
“So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay
Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W
Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w
"Bakit? Hindi ba ako sapat para sa iyo?!" namumula sa galit na bulyaw sa kanya ni Michael—ang kanyang kasintahan. Napayuko s'ya dahil sa takot at sakit na nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon. Nasasaktan s'ya sa nakikita n'ya sa lalaking pinahalagahan s'ya. "Sumagot ka naman, Klarisse. Ano ba ang problema?" Hinawakan s'ya nito sa balikat at akmang yayakapin nang bigla s'yang umilag. "A-ayoko na. I-itigil na natin 'tong relasyon natin," nakayuko n'ya pa ring saad sa kasintahan. Pakiramdam n'ya ay papanawan s'ya ng ulirat anumang oras dahil sa pagpipigil sa sarili na maiyak. "Ano? Bakit?!" Hinawakan s'ya nito sa baba pero umatras uli s'ya. "Hindi na kita mahal." Pinilit n'yang hindi mautal sa binitawan n'yang salita. Narinig n'ya ang pagtawa nang pagak ni Michael. "Ano ba naman 'to, Klarisse?" Lumapit ang lalaki sa kanya. Iiwas uli sana s'ya pero hinawakan agad nito ang kamay n'ya, yinakap s'ya nito nang mahigpit. "Pinilit ka na naman ba ng magulang mo na makipag
Mag-iisang buwan na rin ang nakakaraan nang huli n'yang makita si Michael. Hindi n'ya alam kung sinasadya ba nito na hindi maglandas ang daan nila o parehas lang talaga nilang iniiwasang magkita na dalawa. Kalat na rin sa buong unibersidad nila at buong baranggay ang relasyon n'ya sa nag-iisang tagapagmana ng mga del Prado. Hatid sundo s'ya ni Nathan sa unibersidad na pinapasukan n'ya. Nasasakal s'ya sa pagiging overprotective nito pero hindi n'ya magawang magreklamo. Papunta s'ya sa cafeteria nang tanghaling iyon nang may maulinigan s'yang nag-uusap sa cr ng mga babae. "Talaga? Ang swerte mo naman, girl!" "Oo naman, no? Napakagwapo kaya ni Michael at masarap pa!" malanding sagot naman ng pangalawang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Si Charlotte! Ang pinsan ni Nathan. No way! Naninikip ang dibdib n'ya na umalis sa pwesto n'ya dahil hindi n'ya na gusto pang marinig ang susunod pang sasabihin ng dalawa. Nanghihina s'yang napaupo sa isang bench nang lapit
5 years later... "My Gosh, Klara!" bulalas ng kaibigan n'yang si Greta nang dalawin s'ya nito sa bahay nila isang araw. Ayaw n'ya sanang papuntahin ito sa kanila kaso mapilit talaga ang kaibigan. "Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, sa t'wing magkikita tayo ay parati ka na lang may black eye at pasa! Hoy, Klara! Tao ka at hindi punching bag!" Nagngingitngit ito kaya malakas ang boses na nagsasalita. "Sshh! 'Wag kang maingay at baka marinig ka ni Nathan," pagmamakaawa n'ya rito. "Nasisiraan ka na ba?" umiiling na tanong nito. "Nasisiraan ka na nga!" bulyaw uli nito sa kanya. "Hayaan mo na..." Sinadya n'yang bitinin ang pagsasalita upang pakawalan ang mga luha. "Siguro, parusa 'to ng Diyos sa ginawa ko," aniya sa pagitan ng paghikbi."'Wag mong idamay ang Dios sa kahinaan ng loob mo, Klara!" Matalim ang mga matang tinitigan s'ya nito kasabay ng pagbuntong-hininga. "I miss my best friend. Iyong best friend ko na kayang kumilos ayon sa kagustuhan n'ya. Iyong Klarisse na hindi