"Bakit? Hindi ba ako sapat para sa iyo?!" namumula sa galit na bulyaw sa kanya ni Michael—ang kanyang kasintahan.
Napayuko s'ya dahil sa takot at sakit na nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon. Nasasaktan s'ya sa nakikita n'ya sa lalaking pinahalagahan s'ya. "Sumagot ka naman, Klarisse. Ano ba ang problema?" Hinawakan s'ya nito sa balikat at akmang yayakapin nang bigla s'yang umilag. "A-ayoko na. I-itigil na natin 'tong relasyon natin," nakayuko n'ya pa ring saad sa kasintahan. Pakiramdam n'ya ay papanawan s'ya ng ulirat anumang oras dahil sa pagpipigil sa sarili na maiyak. "Ano? Bakit?!" Hinawakan s'ya nito sa baba pero umatras uli s'ya. "Hindi na kita mahal." Pinilit n'yang hindi mautal sa binitawan n'yang salita. Narinig n'ya ang pagtawa nang pagak ni Michael. "Ano ba naman 'to, Klarisse?" Lumapit ang lalaki sa kanya. Iiwas uli sana s'ya pero hinawakan agad nito ang kamay n'ya, yinakap s'ya nito nang mahigpit. "Pinilit ka na naman ba ng magulang mo na makipaghiwalay sa akin?" Dahil sa narinig ay naikuyom n'ya ang mga kamay at kumawala sa pagkakayakap sa kanya ng kasintahan. Pinatigas n'ya ang kanyang mukha at pinatatag ang loob. "Hindi na kita mahal," pag-uulit n'ya sa sinabi n'ya kanina. "Kung may problema, pag-usapan naman natin. 'Wag naman sana na umabot sa ganito. Alam mo naman kung gaano kita kamahal." Ramdam n'ya ang sakit sa boses ng binata habang nagsasalita ito. Hahawakan sana uli s'ya nito pero tinabig n'ya ang kamay nito. "Sige, sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal. Sabihin mo sa akin habang nakatingin ka sa nga mata ko!" This time, may kalakip na hinanakit at galit na ang boses ng binata sa kanya. Huminga s'ya nang malalim at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang namumuong luha na gusto nang kumawala sa mga mata n'ya bago tumingin sa mga asul na mata nito. "Hindi na kita mahal o mas tamang sabihin na hindi kita minahal!" matigas na sabi n'ya rito at tiningnan n'ya ito mula ulo hanggang paa bago ngumisi nang nang-uuyam. "Look at yourself! Tell me, sino ang magkakagusto sa isang tulad mo? Well, you got the looks, pero naman, aminin na natin na 'yon lang ang mayroon ka! Hindi ka nakapag-aral! Kargador ka lang sa pier! Kung ikaw ang makakatuluyan ko, ano'ng buhay ang ibibigay mo sa akin? Puro hirap? Hindi ko nga alam kung marunong kang magbasa at magsulat!" She bit her lower lip again just to control her emotions, dahil ang totoo ay bibigay na s'ya dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata ng binata. Pero kailangan n'yang ipagpatuloy ang kasinungalingan n'ya. "Alam mo kung ano'ng totoo? Ginamit lang kita! I used you just to hide my feelings towards Nathan! Si Nathan ang mahal ko, noon pa! Pero ngayong nagtapat na s'ya sa akin, hindi na kita kailangan!" Itinulak ni Klarisse ang binata. Kita n'ya ang pagtiim-bagang nito subalit ang mas masakit sa kanya ang pagbalong ng luha sa mga mata ng binata. "Dahil ba mayaman si Nathan at anak lang ako ng isang prosti at 'di ko pa alam kung sino ang ama ko?" mahinahon nitong tanong sa kanya. Nakayuko ito at nakakuyom ang dalawang kamay. Gusto n'yang sumigaw nang sumigaw at magwala! Gusto n'yang bawiin lahat ng sinabi n'ya at ayahin ang binata na magpakalayo-layo na lang pero hindi iyon ang dapat na mangyari. Mas nanaisin n'ya na lang na magalit ito sa kanya para madali itong makalimot. Dahil alam n'ya sa sarili n'ya na si Michael lang ang tanging mamahalin niya. "Oo," walang kagatol-gatol n'yang sagot dito. "May laman naman pala ang utak mo kahit papano! Sorry, pero kahit ano'ng gawin ko, hindi talaga kita matutunang mahalin. Nahihiya nga ako sa t'wing magkasama tayo," dagdag na kasinungalingan n'ya pero nagulat s'ya sa ginawa nito. Lumuhod ito sa harapan n'ya. Hinawakan ang kamay n'ya at hinalik-halikan ang mga ito. "Mag-aaral ako sa sunod na pasukan. Nakapag-ipon na kasi ako. 'Di ba, sabi ko sa iyo na may surpresa ako para sa iyo? Ito 'yon. Mag-aaral uli ako para naman maipagmalaki mo ako sa mga tao. Gagawin ko ang lahat, 'Gang, 'wag mo lang akong iiwan. 'Gang, ikaw na lang at si mama ang mayroon ako. Mahal na mahal kasi kita, 'Gang." Para itong batang inagawan ng laruan dahil umiiyak ito habang nagsasalita. Nadudurog ang puso n'ya at bumibigay na ang tuhod n'ya sa panghihina na nadarama. Hindi n'ya inaasahan na ito pala ang surpresa na sinasabi nito sa kanya. Mag-aaral ito para sa kanya. Masaya s'ya para dito pero ayaw n'yang ipakita ang tunay n'yang emosyon sa binata. "May nangyari na sa amin ni Nathan!" Tumingin ito sa kanya matapos n'yang sabihin ang kasinungalingan na 'yon. Umiling ito. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo, 'Gang! At kung may nangyari man sa inyong dalawa, tanggap kita dahil mahal kita!" Gang ang tawag nito sa kanya, dahil mahaba daw ang Pinangga. Kung sa ibang pagkakataon sana, matutuwa s'ya sa sinabi nito. "Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin? Santa? Dahil ba hindi natin ginagawa ang bagay na 'yon?" Hinila n'ya ang kamay nito at pilit itong pinatayo. "Halika, tumayo ka!" Agad naman itong tumalima sa sinabi n'ya. Nanginginig ang kamay n'ya habang papunta sa harapan ng short ng kasintahan. Wala na s'yang pakialam sa gagawin n'ya. Panatag din naman ang loob n'ya dahil alam n'yang wala ng makakakita sa kanila dahil bukod sa gabi na ay malabong may makarating pa sa lugar na iyon ng bukid. Kailangan n'yang umisip ng dahilan upang maging disgustado ito sa kanya. Pinigilan nito ang kamay n'ya sa tangkang gagawin n'ya pero lumapit s'ya rito at sinibasib ng halik ang binata. It's her first kiss! Gusto n'ya din na si Michael ang una n'yang mahalikan. Hindi s'ya marunong humalik pero ginawa n'ya ang lahat ng nakikita n'ya sa napapanood n'ya. Hindi man lang natinag ang binata sa ginagawa niya. Hindi ito gumaganti ng halik sa kanya kaya hinawakan n'ya ang batok nito samantalang ang isang kamay ay hinayaan n'yang gumapang pababa sa katawan ng binata. Ramdam n'ya sa palad n'ya ang matitigas na masel nito sa katawan. Mga masel na natural gawa ng pagbabanat nito ng buto. Nasa may bandang pusod na s'ya nang lalaki nang pigilan nito ang kamay n'ya at mahina s'yang itinulak. Mababanaag sa mga mata nito ang galit at pagkasuklam habang nakatingin sa kanya. Umiiling ito habang nakatingin sa kanya. "Tama ka! Hindi nga ikaw ang Klarisse na minahal ko! Dahil sa simula sa mga oras na 'to, patay na ang Klarisse na kaya kong pag-alayan ng buong buhay ko. "Umuwi ka na, dahil baka mapahamak ka pa. Ako pa ang masisi!" sabi nito at tuluyan na s'ya nitong tinalikuran. Halos magkandapa-dapa s'ya sa pag-uwi dahil sa mga luhang mas pinapadilim pa ang gabi n'ya. Mga luhang alam n'yang hanggang kamatayan n'ya na kasama dahil sa kabaliwang ginawa n'ya. Ngunit kabaliwan ba talagang maituturing na ito ang piliin n'ya? Ang piliin na masaktan s'ya kaysa sa mga taong mahal n'ya! Tanging mga bituin at maiingay na kuliglig ng gabi ang saksi kung paano nawasak ang puso n'ya! At tanging hangin lang ang nakakarinig sa bawat hikbi at hinanakit ng puso n'ya.Mag-iisang buwan na rin ang nakakaraan nang huli n'yang makita si Michael. Hindi n'ya alam kung sinasadya ba nito na hindi maglandas ang daan nila o parehas lang talaga nilang iniiwasang magkita na dalawa. Kalat na rin sa buong unibersidad nila at buong baranggay ang relasyon n'ya sa nag-iisang tagapagmana ng mga del Prado. Hatid sundo s'ya ni Nathan sa unibersidad na pinapasukan n'ya. Nasasakal s'ya sa pagiging overprotective nito pero hindi n'ya magawang magreklamo. Papunta s'ya sa cafeteria nang tanghaling iyon nang may maulinigan s'yang nag-uusap sa cr ng mga babae. "Talaga? Ang swerte mo naman, girl!" "Oo naman, no? Napakagwapo kaya ni Michael at masarap pa!" malanding sagot naman ng pangalawang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Si Charlotte! Ang pinsan ni Nathan. No way! Naninikip ang dibdib n'ya na umalis sa pwesto n'ya dahil hindi n'ya na gusto pang marinig ang susunod pang sasabihin ng dalawa. Nanghihina s'yang napaupo sa isang bench nang lapit
5 years later... "My Gosh, Klara!" bulalas ng kaibigan n'yang si Greta nang dalawin s'ya nito sa bahay nila isang araw. Ayaw n'ya sanang papuntahin ito sa kanila kaso mapilit talaga ang kaibigan. "Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, sa t'wing magkikita tayo ay parati ka na lang may black eye at pasa! Hoy, Klara! Tao ka at hindi punching bag!" Nagngingitngit ito kaya malakas ang boses na nagsasalita. "Sshh! 'Wag kang maingay at baka marinig ka ni Nathan," pagmamakaawa n'ya rito. "Nasisiraan ka na ba?" umiiling na tanong nito. "Nasisiraan ka na nga!" bulyaw uli nito sa kanya. "Hayaan mo na..." Sinadya n'yang bitinin ang pagsasalita upang pakawalan ang mga luha. "Siguro, parusa 'to ng Diyos sa ginawa ko," aniya sa pagitan ng paghikbi."'Wag mong idamay ang Dios sa kahinaan ng loob mo, Klara!" Matalim ang mga matang tinitigan s'ya nito kasabay ng pagbuntong-hininga. "I miss my best friend. Iyong best friend ko na kayang kumilos ayon sa kagustuhan n'ya. Iyong Klarisse na hindi
Nagising si Klarisse dahil sa tadyak sa paahan niya, kaya naman paigik siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita niya si Michael na nakatunghay sa harapan niya, may hawak itong tasa na halata pang mainit ang laman dahil sa umuusok pa ito, habang nakangisi sa kanya. “Ang sarap ng buhay natin, ah? Aba, anong oras na, tulog ka pa rin? Ganyan ba talaga kayong mga mahihirap, walang sense of responsibility? Get up!” sigaw nito matapos siyang tuyain. Dahil sa labis na takot ay nagkukumahog siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa dresser para kumuha ng T-shirt subalit nang dumaan siya harapan nito ay pinatid siya ng asawa kaya pasubsob siyang nadapa. Sa kagustuhan na huwag masaktan ang mukha ay ang kamay niya ang naitukod niya kaya naman isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya nang mabali ang kanang kamay niya. “H-help m-me, Nathan, please...” umiiyak niyang samo rito habang hawak ang kamay na nasaktan. Sa pag-aakalang nagbibiro lang ang babae ay tiningnan niya lang ito
Sinungaling kang hayop ka! Sinungaling ka talaga, Nathan! Labis ang galit sa dibdib ni Laura nang malaman ang ginawang kasinungalingan ni Nathan sa magulang nito at sa mga kaibigan niya. Nunca ba namang sabihin na nahulog siya sa hagdan.“Auntie Tess told me that, too. And besides, naniwala kami, dahil ang sabi ng doctor is malnourished ka. Sabagay, kita naman iyon sa katawan mo, eh. Biglang bagsak ng katawan mo, Klarisse.”“Ano ang sabi ng pinsan mo tungkol sa pagiging malnourished ko?”“That you have difficulty dealing with your life? Ni kahit ang kumain ay hindi mo magawa? And you’re being paranoid...”“Paranoid about what?” “That my cousin is having an affair, kahit ang totoo ay wala naman daw siyang kalaguyo. At sabi niya ay sinasaktan mo raw siya, and that you even cut his arm.”“What the hell is he talking about?!” Naikuyom ni Klarisse ang mga kamay niya. Sobra na ang asawa niya! Maging ang sanity niya ay nilalagyan ng bahid para lang masira siya! She can’t take this shit any
Maybe it’s the same old story. But why does my heart beats faster than usual whenever someone utters your name? Maybe it’s the same old story. Pero bakit hindi nakakasawa na pakinggan ang tibok ng puso ko kapag pangalan mo ang binabanggit ng kausap ko.Perhaps, it’s insanity.I miss you. No—I miss you more than words... I want to see you. I want to touch you. Even if it takes forever, I still want to see you, Gang...“Hoy, gaga, natahimik ka na riyan? Okay ka lang ba?” natatawang saad sa kanya ng kaibigan sabay kalabit sa kanya. Pero nang makita ni Greta ang mukha ng kaibigan ay natahimik ito. Sandaling natulala bago siya nilapitan. “Oy, ano ang problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Inabutan din siya nito ng tissue. Umiling siya, pagkatapos ay inabot niya ang tissue na ibinibigay nito. Sinubukan niyang punasan ang luha niya, but to no avail, patuloy pa rin ang mga iyon sa paglandas. Natatawa siyang lumuluha nang harapin ang kaibi
Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.Malalim siyang napabuntonghininga. The faded written name hit her really hard. Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya. Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya. Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangy
Nasa kusina si Klarisse nang dumating si Nathan. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain para sa hapunan nang bigla itong nagpunta sa likuran niya. Yinakap siya ng asawa kasabay ng pagkapa sa utông niya. “Let’s have sex here, Klara... I want you,” bulong nito sa puno ng tainga niya.Napapikit si Klarisse. Hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng asawa, kundi dahil nakaramdam siya ng pagkasuklam dito. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago humarap kay Nathan at pilit na ngumiti. “I have my monthly period right now, Nate...”“Ow? Is that so? Tsk! Sayang. Gusto pa naman kitang brutsahin hanggang sa manginig ang tuhod mo at mawalan na ng lakas. But forget it. Kumain ka na ba?”Nagsalubong ang kilay ni Klarisse dahil sa inaasta ngayon ni Nathan. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito kaya naman hindi nito nakita ang reaction niya. “Maganda yata ang mood mo ngayon?”“Yeah. Halata ba?” Hindi sumagot si Klarisse. “The meeting didn’t go well. But, you’re all I need to cl
Kinuha ni Klarisse ang kamay ni Michael na nakalahad sa kanya. His hand is warm. Indikasyon na totoo nga na nasa harapan niya ito. Tapos na ang panahon na hinahanap-hanap niya ito. Dahil heto, hindi lang ito nasa harapan niya, kundi ay hawak pa nito ang kamay niya. Si Michael naman, nang mahawakan ang kamay ng dating katipan ay agad niyang inalalayan na tumayo si Klarisse bago ito hinila palapit sa kanya. Gamit ang jacket na binili niya kanina ay isinuot niya iyon kay Klarisse bago kinuha ulit ang kamay at hinipan. Nang bitiwan kanina ni Michael ang kamay ni Klarisse ay nakaramdam ng pagkadismaya ang babae. Pero dahil sa ginawa nito ngayon ay napuno ulit ng kasiyahan ang puso niya. Matinding ginhawa ang naramdaman niya dahil sa ginawa nito. “O-okay na. Salamat, M-Michael...”Tumingin lang sa kanya si Michael at tumango. Mahaba at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Lihim siyang nakatingin kay Michael na nakaangat ang mukha at nakatingin sa kawalan. Aaminin