Nagising si Klarisse dahil sa tadyak sa paahan niya, kaya naman paigik siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita niya si Michael na nakatunghay sa harapan niya, may hawak itong tasa na halata pang mainit ang laman dahil sa umuusok pa ito, habang nakangisi sa kanya.
“Ang sarap ng buhay natin, ah? Aba, anong oras na, tulog ka pa rin? Ganyan ba talaga kayong mga mahihirap, walang sense of responsibility? Get up!” sigaw nito matapos siyang tuyain. Dahil sa labis na takot ay nagkukumahog siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa dresser para kumuha ng T-shirt subalit nang dumaan siya harapan nito ay pinatid siya ng asawa kaya pasubsob siyang nadapa. Sa kagustuhan na huwag masaktan ang mukha ay ang kamay niya ang naitukod niya kaya naman isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya nang mabali ang kanang kamay niya. “H-help m-me, Nathan, please...” umiiyak niyang samo rito habang hawak ang kamay na nasaktan. Sa pag-aakalang nagbibiro lang ang babae ay tiningnan niya lang ito habang nakangisi. “You can’t fool me, Klarisse. Get up, o baka naman gusto mo pang kaladkarin kita patayo!” Umiinit ang ulo niya sa babae. Mainit na nga ang ulo niya ay dumagdag pa ito sa kaartehan. He’s having a tough time right now. Palugi na ang negosyo niya. Plano pa ng pamilya niya na tumigil na suportahan siya ng pinansiyal dahil nalaman ng mga ito ang bisyo niya. Kung hindi lang dahil kay Klarisse, baka matagal na nga siyang itinakwil ng pamilya. What he needs right now is to negotiate with a bigger company, pero kahit isa, maging ang mga kaibigan niya noon ay ayaw siyang tulungan. Kesyo pabagsak na raw ang construction firm na siya na mismo ang nagtayo 5 years ago. “Tumayo ka na riyan—!” Ang pagsigaw niya ay natigil nang biglang bumagsak ang asawang namumutla na walang malay. “God damn it!” Sa pagkataranta ay binitawan niya ang kape at binuhat ang babae at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Kailangan niyang madala sa hospital si Klarisse. Hindi ito puwedeng mawala sa kanya dahil kapag nagkataon, baka pulutin na siya sa kalsada! “HMMMM...” ungol ni Klarisse nang magising. Nasaan ako? tanong niya sa sarili sabay libot ng mga mata sa kinaroroonan niya. Nakita niya ang kulay puting pintura ng lugar. Sa gilid niya ay may bakal na siyang pinagsasabitan ng dextrose niya na nakakabit pa sa kanang kamay niya. Nang subukan niyang igalaw ang kanang kamay ay napangiwi siya saka tila tubig na dumaloy sa alaala ang nangyari sa kanya. Hayop ka talaga, Nathan! Masahol ka pa sa hayop! Nagngingitngit ang kalooban niya pero wala siyang magawa! Ayaw niyang makagawa ng desisyon na pagsisihan niya. Kapag lumaban kasi siya, alam niyang hindi lang ito ang mangyayari sa kanya. Pipikit na ulit sana siya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya si Mommy Tess at Daddy Louis. Ang mga magulang ni Nathan. “How are you, hija?” nag-aalala na tanong sa kanya ng dalawa. Lumapit ito sa kaniya at inilapag ang dala ng mga itong fruit basket. “I am fine, mom, dad. Mabuti po at nandito kayo...” “Yeah. We came here yesterday, ang kaso ay tulog ka pa.” “Po???” Nagulat siya sa sinabi ng ama ng asawa. You mean po, isang araw na akong nandito sa hospital? Oh my gosh! This can’t be happening...” nanlalaki ang mga matang saad niya. Hindi puwede ito! Kailangan ko nang makauwi! Dahil sa kaba, isama na rin ang takot sa asawa ay pahablot niyang tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanya dahilan para mapasigaw ang ina ni Nathan. Agad naman siyang pinigilan ng ama nito. “K-kailangan k-ko na pong lumabas dito sa h-hospital. Kailangan ko n-na pong u-umalis dahil lalaki p-pa lalo ang bill. Si Nathan—” “I am here, Honey. Holy cow, what are you doing?” Lumapit ito sa kanya at agad na hinawakan siya sa kamay. Humarap ito sa mga magulang niya. “Please, nom, dad, call a nurse or a doctor. My wife is being hysterical...” “All right, hijo. Bantayan mo nang maigi ang asawa mo.” Nang makaalis ang mga magulang ni Nathan ay saka siya nito hinawakan nang mahigpit sa braso. “What the fvck are you doing, b!tch?!!” “A-alam kong g-galit na g-galit ka, Nate, dahil sa b-babayaran mong b-bill dito sa hospital. T-that’s why I need t-to go home.” “Owww, my sweet little Klarisse...” Itinaas nito ang kamay niya kaya bahagyang napailag siya dahil sa takot na baka sampalin siya nito. Pero hindi iyon nangyari. Bagkus ay inilapat nito ang kamay sa ulo niya at hinaplos pababa ang buhok niya. “Get it together, okay? Get it together. Iwasan mo ang pagbabaliw-baliwan mo kung ayaw mong masaktan!” Hinala nito ang buhok niya patalikod kaya umangat ang ulo niya. “Kung alam ko lang na magbibigay ng malaking halaga ang pamilya ko dahil sa pagkataranta sa nangyari sa iyo, sana pala, noon pa kita pinilayan.” Pabalya nitong binitawan ang buhok niya. “Magtino ka kung ayaw mong masaktan pa lalo!” mariin na babala nito sa kanya kaya napatango siya. Mayamaya ay dumating ang mga magulang ni Nathan kasama ang isang doktor at dalawang nurse na lalaki. The doctor examined her before giving her a sedative dahil na rin sa kasinungalingan ni Nathan na nagwawala siya. Gabi na nang magising siya. At laking pasalamat niya nang makita niya si Greta at Charlotte. “How are you?” magkapanabay pa na tanong ng dalawa. Malungkot siyang napangiti. “Unfortunately, I am still alive... How did you know?” “Auntie Tess called me. Tinawagan ko na rin si Greta dahil alam ko naman na magwawala siya kapag hindi ko sinabi sa kanya na nandito ka sa hospital.” Tumango si Klarisse. Kahit papaano ay magaan na ang pakiramdam niya hindi katulad nitong nakaraang araw. Siguro ay dahil nakatulog siya nang maayos. “Where is Nathan?” she asked. “He left when we arrived. He has important matter to do. We don’t know. Why?” Umiling siya. “Nothing important. So, tell us. Nahilo ka ba? May sakit ka ba?” tanong ni Greta sa kanya. Naguguluhan siya dahil sa tanong nito. But she answered her. “I am fine. Maliban sa pilay ko, wala nang ibang masakit sa akin.” “Gaga, wala naman palang masakit sa iyo. Bakit nahulog ka? Ano iyon? Katangahan lang?” Dahil sa sinabi na iyon ni Greta ay napamaang siya. Sandali siyang natigilan dahil hindi niya ito naintindihan. “Ano ulit ang sabi mo?” “Hindi ba at nahulog ka sa hagdan kaya ka nga napilay?” What the fuck???Sinungaling kang hayop ka! Sinungaling ka talaga, Nathan! Labis ang galit sa dibdib ni Laura nang malaman ang ginawang kasinungalingan ni Nathan sa magulang nito at sa mga kaibigan niya. Nunca ba namang sabihin na nahulog siya sa hagdan.“Auntie Tess told me that, too. And besides, naniwala kami, dahil ang sabi ng doctor is malnourished ka. Sabagay, kita naman iyon sa katawan mo, eh. Biglang bagsak ng katawan mo, Klarisse.”“Ano ang sabi ng pinsan mo tungkol sa pagiging malnourished ko?”“That you have difficulty dealing with your life? Ni kahit ang kumain ay hindi mo magawa? And you’re being paranoid...”“Paranoid about what?” “That my cousin is having an affair, kahit ang totoo ay wala naman daw siyang kalaguyo. At sabi niya ay sinasaktan mo raw siya, and that you even cut his arm.”“What the hell is he talking about?!” Naikuyom ni Klarisse ang mga kamay niya. Sobra na ang asawa niya! Maging ang sanity niya ay nilalagyan ng bahid para lang masira siya! She can’t take this shit any
Maybe it’s the same old story. But why does my heart beats faster than usual whenever someone utters your name? Maybe it’s the same old story. Pero bakit hindi nakakasawa na pakinggan ang tibok ng puso ko kapag pangalan mo ang binabanggit ng kausap ko.Perhaps, it’s insanity.I miss you. No—I miss you more than words... I want to see you. I want to touch you. Even if it takes forever, I still want to see you, Gang...“Hoy, gaga, natahimik ka na riyan? Okay ka lang ba?” natatawang saad sa kanya ng kaibigan sabay kalabit sa kanya. Pero nang makita ni Greta ang mukha ng kaibigan ay natahimik ito. Sandaling natulala bago siya nilapitan. “Oy, ano ang problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Inabutan din siya nito ng tissue. Umiling siya, pagkatapos ay inabot niya ang tissue na ibinibigay nito. Sinubukan niyang punasan ang luha niya, but to no avail, patuloy pa rin ang mga iyon sa paglandas. Natatawa siyang lumuluha nang harapin ang kaibi
Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.Malalim siyang napabuntonghininga. The faded written name hit her really hard. Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya. Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya. Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangy
Nasa kusina si Klarisse nang dumating si Nathan. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain para sa hapunan nang bigla itong nagpunta sa likuran niya. Yinakap siya ng asawa kasabay ng pagkapa sa utông niya. “Let’s have sex here, Klara... I want you,” bulong nito sa puno ng tainga niya.Napapikit si Klarisse. Hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng asawa, kundi dahil nakaramdam siya ng pagkasuklam dito. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago humarap kay Nathan at pilit na ngumiti. “I have my monthly period right now, Nate...”“Ow? Is that so? Tsk! Sayang. Gusto pa naman kitang brutsahin hanggang sa manginig ang tuhod mo at mawalan na ng lakas. But forget it. Kumain ka na ba?”Nagsalubong ang kilay ni Klarisse dahil sa inaasta ngayon ni Nathan. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito kaya naman hindi nito nakita ang reaction niya. “Maganda yata ang mood mo ngayon?”“Yeah. Halata ba?” Hindi sumagot si Klarisse. “The meeting didn’t go well. But, you’re all I need to cl
Kinuha ni Klarisse ang kamay ni Michael na nakalahad sa kanya. His hand is warm. Indikasyon na totoo nga na nasa harapan niya ito. Tapos na ang panahon na hinahanap-hanap niya ito. Dahil heto, hindi lang ito nasa harapan niya, kundi ay hawak pa nito ang kamay niya. Si Michael naman, nang mahawakan ang kamay ng dating katipan ay agad niyang inalalayan na tumayo si Klarisse bago ito hinila palapit sa kanya. Gamit ang jacket na binili niya kanina ay isinuot niya iyon kay Klarisse bago kinuha ulit ang kamay at hinipan. Nang bitiwan kanina ni Michael ang kamay ni Klarisse ay nakaramdam ng pagkadismaya ang babae. Pero dahil sa ginawa nito ngayon ay napuno ulit ng kasiyahan ang puso niya. Matinding ginhawa ang naramdaman niya dahil sa ginawa nito. “O-okay na. Salamat, M-Michael...”Tumingin lang sa kanya si Michael at tumango. Mahaba at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Lihim siyang nakatingin kay Michael na nakaangat ang mukha at nakatingin sa kawalan. Aaminin
Kung bomba man na inilapag sa kanilang harapan ang sinabi ng babae, baka kanina pa nagkalat ang laman nilang mag-asawa. They were being like caught off guard. Si Klarisse ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Michael na nakatunghay na rin sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. “Wh—w-what d-did you s-say?” nauutal na tanong ni Nathan. “Siya ang may-ari ng M and R company. He owns this mall and restaurant, too, Mr. del Prado... At dahil pinirmahan mo na ang mga papel ng building na ibenebenta mo, siya na rin ang may-ari noon.” “But—what the fuck?! Niloloko n’yo ba ako?!” malakas na sigaw ni Nathan kasabay ng pagbagsak ng kamay nito sa lamesa kaya nagtinginan sa gawi nila ang ibang costumers. “Paano naging may-ari ang gagong iyan ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya kung isa lang siyang janitor?!”Tumayo si Klarisse para pigilan si Nathan pero tinabig lang siya nito dahilan para na-out of balance siya. Ang inaasahan ni Klarisse na sahig na sasalo sa kanya ay hindi nangy
Patuloy na itinutulak ni Klarisse ang humahalik sa kanya. Kahit gusto niya ang halik nito, kahit gusto niya ang labi nito, kahit mahal niya ito. Ayaw niya nang maging laruan pa ng kahit na sinong lalaki, kahit pa ni Michael. Pagod na siya. Ayaw niya nang hayaan na babuyin siya ng kahit na sino kaya kahit sa kabila ng gusto niya ang ginagawa ng lalaki ay nanlaban siya. Patuloy niya itong itinutulak. But the man keeps on kissing her. Hindi ito tumigil at mas pinatikim pa sa kanya ang mapagparusang halik. When Klarisse tasted blood on her lips, ay impit siyang napaiyak dahilan para tumigil ang lalaki. “Damn it! Damn it! Damn it!” sunod-sunod na mura ni Michael habang pinupukpok ang pader. Matapos ang ilang segundo ang tila nahahapo itong tumingin sa kanya. “Bakit mo ako iniwan, Klarisse?! Bakit?!” Naroon ang panunumbat sa boses nito nang magsalita ito. Hindi nakasagot si Klarisse sa tanong nito. Napatitig lang siya sa dating katipan habang umiiyak. Nababasa ni Klarisse ang
Matapos ng usapan ni Michael at ni Klarisse sa loob ng C.R ay lumabas na silang dalawa. Maayos na ang lagay ni Klarisse, at kahit papaano ay nagkaroon siya ng kumpyansa na magiging maayos din ang lagay ng mga bagay para sa kanilang dalawa ni Michael. That was Klarisse thought too. Pero nang magbalik sila sa restaurant na kinaroroonan nila kanina ay naroon at naghihintay na rito si Honey Valera. Nakalimutan niya na ito pala ang babae ngayon sa buhay ni Michael. Gusto pa sanang ihatid ni Michael ang babae, ang kaso ay sinalubong na siya ni Honey Valera. Something came up. Humarap siya kay Klarisse para magpaalam, pero hindi pa man siya nagsasalita ay tumango na ang babae at bahagyang ngumiti. Bumuntonghininga ang binata at nagpaalam. Si Klarisse ay nagpasya na magpaiwan sa restaurant dahil may bibilhin pa raw ito. “I know what you are doing...” saad sa kanya ni Honey. Magkatabi sila ngayon sa back seat. Napalingon si Michael sa dalaga at bahagyang natawa. “Nagseselos ka ba, Sweethea