(Final Chapter)Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako. Nagpalakpakan naman ang nakikinig.Naglakad naman ang pamangkin ko dala-dala ang mga singsing. Pero ang mga mata ko ay naka’y Rome, punong-puno ng luha at hindi makapaniwala na pagmamahal na ulit ang tingin ni Rome sa akin.“Bless, O Lord, these rings which we bless in your name. So that those who wear them may remain entirely faithful to each other, abide in peace and your will, and live always in mutual charity. Through Christ our Lord.”“Amen.” Sinabuyan ng pari ng holy water ang mga singsing.Kinuha ni Rome ang isa at hinawakan ang kamay ko. Nginitian niya ako ng matamis.“Faye, this ring I give you, in token and pledge of our constant faith and abiding love. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.”Ako ang susunod na kumuha at napakagat ang labi.“Rome, take and wear this ring as a sign of my love and faithfulness. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.”“In the sight of God and the
ROME “Cheers sa 7th anniversary ng mag-asawang Wilson!” itinaas ni Xino ang baso na may lamang alak. I, Emman, Kael and Drev cheers our glasses at Xino’s glass. “Happy 35th birthday na rin p’re! Gurang na tayong lahat, bwahaha!” “Thank you so much, mga pare ko. Walang araw na hindi masaya ang birthday ko dahil sa inyo,” I said. Minsan walang okasyon ay bigla na lang silang nang-aayang inumin para mas lalo raw kaming mapalapit sa isa’t isa, which is good. “Ako naman ang ikakasal this year,” sabi ni Drev. “At ninong kayong lahat,” he added. “Two weeks pregnant.” Humiyaw kaming lahat at kanya-kanya namin siyang binati. “Sure, dadalo kami riyan! Congrats pare. Akala namin nabubulok na titi mo e,” malaswang sambit ni Xino. Nakatanggap lamang siya ng isang pukpok sa amin. “Hindi ibig-sabihin na nabuntis lang siya ngayon e hindi ko na ginagamit ito?” Drev pointed his manhood as he smirk. Pare-parehas kaming natawa sa kanyang sinabi. “How about si Emman?” mapaglarong boses
“Faster!” Halos madapa na ako sa pagtakbo ko nang sumigaw na si Rome. Hindi ko sinasadyang manakit ang paa ko dahil sa heels na suot-suot ko. Ang bibigat pa ng mga box of bondpaper na pinabuhat niya. “Aren’t you having breakfast?!” he faced me irritably. “I feed you well at my house and then you’re going slow like a snail?!” “Sir, hindi na po kaya ng paa ko,” may pakiusap kong sabi at pinarinig ko ang pagod na pagod kong paghinga. Napalunok ako nang sunod-sunod nang bigla siyang tumigil at ilang segundo na ang nakakalipas hindi niya pa rin ako hinaharap. Nang humarap siya halos gusto ko nang magpalamon sa sahig dahil sa sama ng kanyang tingin. Nag-iwas ako nang tingin at mas niyakap ang mga buhat-buhat kong kahon. “Sa mundo ng kumpanyang ‘to, walang sino man ang humarap sa akin na nagrereklamo at pagod na pagod. Kung gusto mo nang umuwi, lumayas ka rito.” Madiin niyang sabi. “Hindi ko pinupulot ang mga perang pinapasweldo ko sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at sinasakripisyo ko
FAYEBinilang ko ang pera kong nasa pitaka ko at nakita kong sakto lang ang pamasahe ko ngayong araw para makapunta sa iba’t ibang lugar para makapaghanap ng trabaho. Pero feeling ko hindi kakasya ‘to. Ang mahal-mahal na nang pamasahe. Ipinaypay ko ang kamay ko dahil umaga pa lang ay sobrang init na at tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Napabuga ako ng malakas sa hangin. Sumasakit pa naman ang ulo ko sa init. “Ikaw muna ang bahala kay mama, Francis, kailangan kong maghanap ng trabaho,” wika ko sa kapatid ko. Naawa ako sa kanya dahil uuwi na naman siya mamaya galing sa school nang walang ulam. Wala kasi akong pera na pambili. Madalas inuulam namin toyo at mantika lang, pero kahit gan’on ay nakakaraos naman sa isang araw. The important thing here is to fill our stomachs with food, kahit anong ulam pa ‘yan basta’t may kanin. “Sige, ate. Anong oras ko paiinumin ng gamot si Mama?” tanong niya habang binibitawan ang kanyang school bag, akmang aalis na siya, pero nakita niya akong nakabi
Masaya akong dumiretso pauwi ng bahay. Kahit papaano nakita naman ng bahay namin na liwanag ang naiuwi ko at hindi puro busangot at disappointments. Ngumuso ako nang makita ang kapatid kong sinusubuan si Mama na hirap ang pagnganga. Sa tuwing nakikita ko silang ganyan ay parang buko ang puso ko, nabibiyak. “Ate, ikaw pala. Gutom ka na ba? Nang-utang muna ako ng itlog doon sa tindahan. Sabi ko kasi naghahanap ka ng trabaho,” bungad ni Francis nang mapansin niya akong pinapanood sila. “Alam ko naman na makakahanap ka rin ng trabaho, ate, at mababayaran din natin ang mga utang natin,” determinadong dagdag niya. “Ganun ba? Ilan na ang utang natin? Huling kita ko mahaba na ‘yun eh,” tugon ko. Itinuloy ko ang pagsubo kay Mama ng lugaw nang ipanguha ako ng pagkain ni Francis. Nagpasalamat ako sa kanya at kumain na rin. Gutom na gutom ako, mula kagabi hindi na ako nakakain ng marami. Puro tikim-tikim lang ng kanin. Masyado kasi akong maraming iniisip kaya nadadamay pati ang pagkain ko. G
ROME I surely wasn’t stupid not remembering the name of my ex-wife. Her full name. Thinking back to when I mixed my surname with hers is a little unsettling. The name I saw brought back all the hurt and painful memories, stabbing me in the heart once more. I told Regina, my right hand and my trustworthy employee that she needed to find me a new secretary since my previous one wanted me to be her husband ever since we slept together in the same bed. What a trashy idea of her. It was just all show and game for me, but she anticipated that I wanted to be with her after that one-night stand. I only want her body, not anything else. As if… And my job is just to give them a nice and warm pleasure without any compensation. Pagmamahal? Nevermind. In the world of sex things, love doesn’t exist. Kahit ipilit pa nila na mahal nila ako o may gusto sila sa akin, hindi ko binibigyang pansin. Why? Do they deserve my love? No one deserves my love even the woman that I marry a long time ago. Nag
FAYE Gusto kong tumakbo papunta sa kanya para mahigpit siyang yakapin, pero natatakot ako sa mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang mga patalim kung makatitig. Kulang na lang masasaksak na ako sa tingin niya. Napalunok ako at hindi ko maitago ang nerbyos ko. Pinapangarap ko ‘to e, ang makita ang mukha ng lalaking kinababaliwan ko at mahal na mahal ko. “You missed me?” tumawa siya na para bang nagbiro ako, punong-puno ng sarkastiko at sakit. “Why? Iniwan ka na ba ng kabit mo?” May sama ng loob ng boses niya. “Nagsawa na ba siya sa ‘yo o pinagpalit mo rin?” Wala na akong nasabi pa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, siya at ang hitsura niya ngayon. Ibang-iba na siya ngayon. Ang guwapo-guwapo na niya, desente at ang ganda na ng postura niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pormal na kasuotan. Kung dati payat siya, ngayon maskulado na. Mas lalo siyang pumuti. Namumula na ako ngayon dahil punong-puno ako ng paghanga sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatayo at magtingin-tingin sa paligid. Mukha ni Benjamin ang nakikita ko, kahit saang sulok ng office. “Papatayin kita!” Tinakpan ko ang mga tenga ko nang marinig ko ‘yon sa isip ko. “Katangahan mo ang pinapairal mo! Wala kang kwenta!” Isang alaala na paghampas niya sa akin ang dahilan para mapahagulgol na ako ng tuluyan. Nakita ko si Rome na napatayo sa kanyang upuan at nilapitan ako ngunit pinigilan ko siya. “Please, ‘wag mo akong saktan,” umiiyak kong pakikiusap. “Kakapanakit mo pa lang sa akin kanina. Sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar! Tama na, ayoko nang masaktan!” “What the heck is happening to you? And what are you talking about? I will not hurt you and I didn’t hurt you. Baka akalain ng mga makakarinig sa ‘yo sinaktan talaga kita. My goodness. Ipapahamak mo pa ako!” singhal niya sa akin. “Kailangan kong mapag-isa,” huling sabi ko at tumakbo palabas ng office niya. Hindi ko alam kung saan pasikot-sikot ang bu