Frozen Hearts Series #1 “It is nice to see you again, my cheater, slut, gold-digger ex-wife.” -Rome Wilson. Walang anumang salita ang iniwan si Faye Reagon nang iwanan niya ang kanyang asawa na si Rome Wilson at ipinagpalit ito sa isang matandang mayaman na si Benjamin Sorsuela. Ang kanyang asawa ay sinubukan siyang hanapin upang ibalik ito ulit sa piling niya ngunit siya ay nabigo. Doon niya lang nalaman na ang kanyang asawa ay niloko siya dahilan upang maging miserable ang kanyang buhay. Nagalit siya at sinusumpa ang kanyang asawa. Nang sa wakas ay natuklasan niya ang kanyang sarili, siya ay naunlad nang makilala niya ang kanyang tunay na mga magulang, na nagregalo sa kanya upang pamahalaan ang kumpanyang kanilang itinatag 47 taon na ang nakalilipas, at makapagtapos ng kurso sa Business Management. Siya ay naging isang bilyonaryo ngunit siya rin ay isang babaero, mapagmalupit, at walang puso. Ang dating magkasintahan ay sa wakas ay nagkitang muli matapos ng limang taon. Si Faye ay isa sa mga aplikante na napili, hindi alam kung anong uri ng trabaho, ngunit walang kaalam-alam na ang kanyang dating asawa ay ang kanyang boss. Ang kanyang galit ay umuusad at nakaisip siya ng kakaiba upang gumawa ng plano upang parusahan ang kanyang dating asawa, at gawing bayad sa kanya ang kanyang ginawa, kaya’t agad niyang kinuha si Faye bilang kanyang sekretarya at kanyang katulong, at iyon ang simula ng kanyang matamis na paghihiganti.
View MoreBumaling ako kung saan nag-iinuman si Rome at nakatingin pala sila sa pwesto namin. Ngumiti siya at tumango, natutuwa na nakita niya kami ng nanay niyang nagyakapan.Akala niya bati kami ng magulang niya pero nag-iyakan lang kami tungkol doon. Hindi ko nga alam kung okay na ba talaga ni Mrs. Cora.Bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa amin. Tumalikod ako sa kanya ng bahagya para hindi niya mahalatang umiyak ako. Ayokong mag-alala siya at ibalik ang nangyari. Napahaplos ako sa tiyan ko. Bigla ko kasing namiss ‘yung baby. Naalala ko pa nung tuwang-tuwa akong malaman na buntis ako.“Is everything okay now, Mom?” Inakbayan niya ako at hinalikan ang ulo. Ih! Pinakilig na niya ako.“Yeah. I talked with Faye. I told her that I would observe her action,” pag-amin ni Mrs. Cora. “Kapag nagkanda-loko-loko ulit ang mga ginagawa niya ay sasabunutan ko na talaga siya.” Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.“Can I borrow her? Mag-su-swimming lang kami. Hindi ko siya nasolo kanina,” sabi ni R
Inilapit ko ang mukha ko at idinikit ang labi ko sa labi niya. Agad naman niya akong itinayo para paghiwalayin ang mga labi namin.“Faye, ‘wag mo na gawin ulit ‘yun!” Banta niya habang nakakunot ang noo.“Kiss lang naman,” ngusong sabi ko at nag-iwas ng tingin.“Wala pang tayo, okay?”Ouch naman! “Okay…” Pag-tango ko. “At saka ayokong gumawa ng kasalanan. Lalaki ako, baka mapatulan kita sa ginagawa mo. Hangga’t kaya kong mapigilan ang temptation kasama ka, gagawin ko. Malaki ang respeto ko sa mga babae, siyempre lalo na sa ‘yo, ayaw kitang galawin, bata ka pa, marami ka pang magagawa at alam kong may pangarap ka pa. Ayokong sirain lang ‘yon. Huwag mo ng ulitin ‘yon dahil hindi maganda sa mata ng iba!” Sermon niya na mas lalong nagpababa ng nguso ko. Bigla kong naramdaman ang matinding kahihiyan.“Sorry na,” ‘kako at hindi makatingin sa mata niya.“I mean, kasal muna bago touching. Ganun point ko. At parehas tayong hindi ready sa pagbuo ng pamilya. Marami akong strategy na gagawin k
Namulat ko ang mata ko nang may kumakatok sa pinto ng bahay. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.“Bill ng kuryente,” sabi ng manong. Iniabot ko ang bill ng kuryente. 256 lang ang kuryente ko dahil electricfan at ilaw lang ang ginagamit ko.Naghanda na ako para sa duty ko sa trabaho ko. Wala akong inilalagay sa mukha ko at tanging pagsuklay lang ang ginagawa ko bago pumasok. “Hi.”Nagulat na lang ako bigla sa next customer matapos kong ma-punch ang mga groceries ng may katandaan na babae kanina.“Ikaw pala, hmm, Rome, tama?”“Oo. Mabuti naman at natatandaan mo ang pangalan ko,” mahinhin nitong sagot kaya’t napangiti ako. Ang cute niya kasi sa inaasta niya ngayon.“So, asan ang binili mo?”“A-Actually, wala,” pagkamot niya sa batok niya kaya’t napakunot ang noo ko. “Anong time ng labasan niyo?”“7:30 pm pa.”“Pwede tayong magkita? Diyan lang sa 2nd street. Gusto ko lang na makausap ka.”“Titingnan ko. Excuse me, may customer.”“Ay…sorry. Hihintayin kita mamaya!”Hindi pa ako nakak
Ibinaling ko ang tingin ko sa isang lalaking kanina ko pa nararamdaman na nakatitig sa akin. Napakagat ako ng labi habang nginingitian siya ng matamis.“You should join them,” sabi niya at itinuro ang mga nag-su-swimming.“Ikaw?” Tanong ko.“Mamaya na ako. Kailangan ko munang sumali sa mga boys. Umiinom sila oh,” turo niya kina Xino na naghahanda ng mga alak.“Okay. ‘Wag masyadong marami, ha?” Paalala ko.“Alright. Isama mo na si Francis sa dagat, enjoy kayo.” Hinalikan niya ako sa noo at saka niya pinuntahan sina Xino.Napabusangot ako. Excited sa alak! Napatakbo eh. Pero wala naman akong karapatan na bawalan siya sa gusto niya kahit n’ong mag-asawa pa kami, hinahayaan ko lang siya kung saan siya masaya. Huwag lang sana siyang mambabae at puputulin ko talaga ‘yung ano niya.“Francis, tara swimming tayo.” Inakbayan ko siya at pinuntahan ang mga girls na busy sa pagbabad ng tubig.“Ate, doon muna ako kina Kuya Rome.” Tumigil siya sa paghakbang.“Bakit? Ayaw mong maligo?”“Gusto ko lang
“Faye!” Napatigil ako sa pagtakbo nang tawagin ako ni Rome. May narinig akong tawa ng isang babae. Agad akong bumaling at sinamaan silang tingin na dalawa.Hindi nagtagal napanguso ako at hindi mapigilan ang mapaiyak nang mahina.“Oh, my love…” Niyakap ako ni Rome at hinalikan ako sa ulo nang mahuli niya ako. “Claudia was just pranking you. Nakita ka niya kasi kaninang nakasilip.”Sumakit bigla ang dibdib ko sa pamimigil ko sa iyak ko dahil sa selos. Hindi na ako nakapagsalita pa at tinikom ang nga kamay ko.“Friends lang kami ni Rome. Hindi ko siya nilalandi. I was just joking.”“Hindi nilalandi pero kung ano-ano ‘yung mga pinagsasabi mo kanina sa kanya!” Hindi ko mapigilang pahayag ko. Pinigilan ako bigla ni Rome nang magtangka akong lapitan siya.“We are just talking about something. Nakita niya lang ako roon and kinausap niya. You don’t need to think deeper about that, mahal. Kaya lang naman niya sinabi ‘yon kasi nakita ka niya. Sinabi niya rin naman sa akin so mapang-asar ang boy
“Isa!” Pinalo ko nang bahagya ang kamay niya nang bigla niyang ipasok ‘yon sa suot ko na croptop.“Pakipot!” May asar sa kanyang tinig.“Hindi ako pakipot ‘no!” Kontra ko at umupo. Tinadyak ko siya ng bahagya sa tagiliran niya. Nang hindi siya umimik, tinadyakan ko ulit siya. He returned his gaze to me wearing his mischievous smile.Oh no…“Aw!” Bigla niyang hinablot ang hita ko at hinila ng may pwersa papunta sa kanya. Ang ending, nasa gitna ko siya habang nakakulong ako sa bisig niya.“Baka naman…” Nakangisi niyang pagpaparinig at hinalikan ako sa labi ng mabilis, “pwede na.”“Ewan ko sa ‘yo!” Namumula kong sabi at pilit siyang tinutulak. “Isa! Ang awkward ng posisyon natin!”“Dalawa, tatlo, apat, lima!” Itinaas niya ang mga kamay ko at hinalikan na naman niya ako sa leeg ng walang tigil kaya hindi ko mapigilan ang mapahalakhak ng malakas dahil sa kiliti.“Isa!” Tawang-tawang sigaw ko.“Oo, one round lang.” Inangat niya ang sarili niya mula sa pagkakapatong niya sa ‘kin.Pinanood k
FAYE“FAYE!” Nagulantang ako nang makita ko sa street si Xino patakbo sa akin.“Nagbiyahe ka ba rito para sa akin?” Gulat kong tanong. Tumango naman siya.“Guess what the good news?” “Ano? Okay na si Rome? Nako! Mabuti naman,” napangiti ako at pinagdikit ang mga palad ko. “Narinig ni Papa Jesus ang panalangin ko.”“Hindi! Luckily, Kael has a private plane at gagamitin natin ‘yon para makasama ka sa Palawan! Pinaliwanag ko ang tungkol sa inyo ni Rome at saka tulong na rin niya para sa inyo tapos mabuti na lang at pumayag siya dahil kawawa naman daw si Rome kung hindi ka raw niya kasama.”“Talaga?” Napasigaw ako at napahawak sa mga kamay ni Xino. “Yehey! Makikita ko na si Rome!”“Oo. Makipag-bati ka na rin sa nanay niya para wala na kayong problema,” suhestiyon niya kaya tumango ako at tumingin sa langit. “Pigilan mo ang desisyon ni Tita. Dadalhin si Rome sa America after ng Palawan kaya kapag hindi mo sila napigilan, wala na finish na ang love story ninyo. Hala ka,” pananakot niya.“A
FAYE “Ano?! Umalis na si Rome?” Napatayo ako sa nabalitaan ko galing kay Xino.“Hoy! ‘Wag ka ngang OA diyan. Nauna na sila kasi nakaprivate plane sila, hindi tulad sa amin na sasakay sa airport. Hindi pa kasi magaling si Rome masyado kaya alam mo naman, maingat sila sa one and only baby boy nila.”“Ilang araw kayo roon?” Kagat na labing tanong ko.“Isang linggo. Nga pala, gusto mo bang sumama?”“Huh? Paano naman ako makakasama?”“May sobra kaming ticket para sa ‘yo.”“Wala akong passport!”“Shunga. Basta may valid ID ka kahit wala kang passport, pwede naman. Nasa loob ka lang ng Pilipinas e.”“Paano naman kung nandoon mommy niya?Okay lang siguro na huwag na akong isama, Xino. Bantayan mo na lang si Rome para sa akin at h’wag mong hayaang dikitan siya ng mga babae roon. Marami pa namang mga sexy doon,” ngusong sabi ko.“Sus! Mas maraming hot sa bar pero walang pinapatulan ‘yang si Rome magmula n’ong dumating ka. Siya mismo umatras na sa pagiging fvckboy. Don’t worry, I’ll try to find
Mabilis kong sinenyasan si Faye na lumapit sa akin at kahit na nahihirapan ako, niyakap ko siya ng mahigpit. Nakaramdam ako ng awa nang bigla siyang humagulgol sa dibdib ko.“Shh, it’s fine. Wala kang kasalanan. Mainit lang ang ulo ng mommy ko. Intindihin mo muna siya sa ngayon at h’wag kang sumuko sa kanya dahil makukuha mo rin ang loob niya. Lahat ng mga sinabi niya sa ‘yo kakainin niya rin ‘yon basta patunayan mo na hindi ka ganung klaseng babae tulad n’ong pinagsasabi niya sa ‘yo. Naniniwala ako sa ‘yo at hindi madumi ang tingin ko. Ikaw ang babaeng mahalaga na dapat ingatan, okay? Hayaan mo lang siya kung ano ang ilalabas niya,” pagpapatahan ko.“Natatakot ako na baka hindi ako payagan ng mommy mo sa ‘yo. Promise hindi na ako lalayo sa ‘yo,” hinigpitan ko ang pagkapit ko sa likod ng ulo niya at hinalikan ng matagal ang sintido niya. “Sabihin mo ‘yan sa mommy mo na mahal na mahal kita, na hindi na kita iiwan, na hindi na kita pababayaan.”“If we love each other, Mommy nothing else
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.