Umingay bigla ang isang hindi pamilyar na tunog na alarm na nagpagising sa diwa ko. Huminga ako ng malalim at umangat para sana abutin kung ano man ang naglilikha ng ingay pero may naramdaman akong kamay na nakadagan sa may baywang ko at palad naman na nakalapat sa may braso ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang sarili kong nakasiksik sa may leeg ni Rome habang siya ay nakayakap sa akin maging ang kanyang mga paa ay nakadagan sa may hita ko. Matagal na segundo nang pagmasdan ko siyang payapang natutulog. Napapakunot pa ang kanyang mga kilay dahil siguro sa ingay ng alarm, pero wala akong pakialam pa para patayin ‘yon. Dinadamdam ko ngayon ang yakap ni Rome. Umagang-umaga ay sumisigaw ang puso ko sa sahig. Hinaplos ko ang kanyang panga hanggang sa kanyang leeg bago dahan-dahan na tanggalin ang braso niya para mapatay ko ang kanyang alarm clock. 4:30 AM na. Nanlaki ang mata ko nang hilain niya ako pabalik sa kanyang braso at niyakap na ma
FAYE Ako na lang mag-isa ngayon at ‘yung mga guard sa tabi ng gate na 24/7 na magtrabaho. Umuuwi daw palagi sina Seb sa tuwing weekend para pasyalan ang mga pamilya nila. Ako rin sana pero ang dami-dami pang gagawin dito sa bahay at walang pagkain na nakaluto. Kawawa naman kasi si Rome kung uuwi siyang walang pagkain. Natapos na ako sa pagwawalis at pagpapagpag ng mga alikabok pati na rin sa pagluluto ng ulam. Nandito na naman ako sa madugong labanan kapag pumupunta na ako sa likuran ng mansyon kung saan nandito ‘yung mga alagang hayop ni Rome. Nandito na naman ang mga manok na ‘to! Kulang na lang ihagis ko na sila sa ilog! Kumuha ako ng feeds sa may gilid ng tinutulugan ko para pakainin ang mga manok. Nanlaki ang mata ko nang magkatitigan kami ng manok. Bigla siyang tumalon papalapit sa akin kaya napaatras ako. “Wah! Shoo shoo! Hindi kita pakakainin, sige ka!” Napatigil ako sa pag-atras nang biglang tumunog ang cell phone ko. Napaubo ako ng mahina nang makita ko ang pangalan ni
“REAGON!” Muntikan na akong mapatalon sa sigaw ni Rome. “Sir?” Patakbo akong pumasok sa kusina at nadatnan ko si Rome na hawak-hawak ang tumbler. Kinabahan ako dahil sa kanya at alam na alam ko ang atmosphere na ‘to. Alam kong pagagalitan niya ako. “My father bought this for me! Sinira mo lang!” Itinapat niya ang tumbler niya sa mukha ko. Iyon na lang ang gulat ko nang may makita akong nalukot na parte ng tumbler dahil sa pagkakabagsak kanina. “S-Sorry, sir. Hindi ko sinasadya. Natakot lang talaga ako kanina. Sorry, sorry!” Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang tumbler. Bumaling ako sa kanya na may awa sa mga mata ko para hindi na niya ako parusahan o sigawan. “Aish! Next time be careful! Pabayad ko sa ‘yo ‘to eh!” Inis niyang singhal at inirapan ako. Pabagsak niyang inilagay ang tumbler sa bar ng kusina. “Tara na po,” bulong ko. “Sorry talaga,” dagdag ko pa habang naka-konektado ang mga daliri ko sa isa’t isa sa ibabang ng puson ko. “Ayoko nang umalis. I’ll stay here,” malam
FAYE “Yes. Finally it’s done!” Masayang pahayag ni Rome habang binubuhat ang vanilla cake. Napangiti ako at lumapit sa kanya. “Mukhang masarap ah. Alam mo mas maganda if may nakasulat for your woman ‘yang cake para mas lalong ma-appreciate niya,” suhestiyon ko. “Kahit ‘happy birthday, my love’ lang. Go, Faye. Saktan mo lang ang sarili mo. “Oo nga ‘no? Pero wala ako n’on kaya ‘yan na lang. Matatanggap din naman niya kaagad ‘yon “ Wala na! Nagseselos na naman ako! Gusto ko na namang mag-walk out! “Rome, ‘wag naman natin siyang pag-usapan. May usapan tayo ‘di ba?” “Hindi mo ako madedemand kung sino ang ipapasok ko sa usapan. Baka nakakalimutan mo? Trabaho mo lang na ipalipas ang init ko at hindi kita asawa,” malamig niyang bigkas. Nag-iwas ako ng tingin at narealize na ganun lang pala ang role ko sa buhay niya. Bahagya akong tumango at tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang hitsura kong may lungkot. “Oo nga pala, sir. After kong maglinis diyan, may gagawin lang ako sa labas
“Magbihis ka na,” namamaos na boses niyang utos at umupo sa dulo ng kanyang kama. Kanina pa awang ang bibig ko sa sinabi niya. “S-Seryoso ka?” utal kong tanong. Bigla akong nadapuan ng hiya! Hindi pa kasi ako nag-suot ng ganito eh. “Am I looking like I'm joking with you?” May pagkamasungit niyang sagot. Lalo akong nanghina nang tanggalin niya ang natitirang nakabalot sa may pagkalalaki niya. Pakiramdam ko naging kamatis na ang mukha ko dahil sa hiya. Hindi na mawala-wala ang titig ko sa ari niya, sa abs niya, sa mga muscles niya. Shet! Ang bastos ko na! Ano ba ‘tong nakikita ko? “Enjoying the nature?” Ngisi niyang sambit at pinaghiwalay pa ng bahagya ang mga hita niya. “G-Gusto mo rin bang mag-enjoy sa nature?” “Hmm?” Kinagat niya bigla ang labi niya. Nginitian ko siya ng matamis. Hindi ako ganitong klase ng babae pero para kay Rome gagawin ko ang inuutos niya, kahit ano pa ‘to. Gusto niya palang magmukha akong sexy sa harap niya, huh? Pinulot ko ang isang black lingerie na si
“Manong! Diyan na lang po!” Pagpara ko. Itinigil naman ng driver ang jeepney kaya’t mabilis akong bumaba. Ang oras ngayon ay wala pa sa tanghali kaya’t wala pa ang kapatid ko. Pumasok ako sa bahay kung saan bumungad ang nanay kong nakaupo sa nag-iisang couch na sira-sira sa sala. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin at hirap na hirap sa paggalaw ng kanyang katawan maging ang kanyang mga kamay. Lumapit ako kay mama at lumuhod. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “Mama, kumusta ka na po?” ngumiti ako sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya at inayos ang buhok niya. Gusto niyang magsalita pero hindi niya talaga kaya. “Mama, ayos lang po kahit hindi mo na sabihin ang mga gusto mong sabihin. Alam ko naman po na masaya ka na para sa akin, para sa trabaho ko, kasi mabibigyan ko na po kayo ng magandang buhay!” Kinuha ko ang wallet ko at ipinakita ang wallet ko na may lamang pera habang nakasuot ang maligayang ngiti. “See, mama, mayroon na kayong pambiling masarap na ulam! Pasensya na
Nagpatuloy na siya pababa ng hagdan. Nakita ko pang may sinabi siya kay Nanay Sonya. Napaayos ako ng tayo nang bumaling siya sa akin at iniwan kami ni Rome. “Tara na! Ang bagal!” reklamo niya at inirapan ako. Hinabol ko siya ng mabilis, “Wait lang, Rome!” Kulang na lang at mag-bike na ako. Ang bilis-bilis ng hakbang! “Rome?!” Hinarap niya ako na salubong ang kanyang medyo makapal na kilay. “S-Sir…pala.” Grabe! Ang sungit! After niya akong anuhin doon, susungitan niya ako? E kung hindi ko kaya siya pagbigyan?! Nang makalapit ako sa kanya, kaagad na kumapit ako sa braso niya dahil sa pagod pero kaagad ko rin ‘yon na binitawan nang magpumiglas siya. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan nang hindi siya nagpumiglas sa pagkapit ko. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at hinarap ako. “Sakay,” simpleng pahayag niya na ikinagulat ko. Totoo ba ‘to? Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya? Ang gentleman naman ng asawa ko! Ex pala. “Thank you, sir.” Sumakay na ako sa passenger sea
Karamihan sa mga taong nagsasayaw bago kami pumasok ay nagsitigil. Mataman nilang tiningnan si Rome. Ang iba ay walang reaksyon. Ang iba naman, lalo na ang mga babae ay nagsisigawan at nagkikiligan. ‘Di niyo ba nakikita, katabi niya ‘yung babaeng para sa kanya?! Tusukin ko ang mata niyong lahat e. Napansin ko na ang ganda sa mata ang venue. Vintage ang theme. Marami ring mga bulaklak. Kasal ba ‘to o birthday? Dire-diretso si Rome sa loob ng venue. Vintage brown pala sa entrance, maya-maya napalitan na ng makulay ang paligid at may disco light malapit sa stage. May mga bars din kung saan umiinom at nagkukwentuhan ang mga bisita. May mga kumakain at may mga nagsasayawan. Nakita ko ang isang babae’ng naka-blue gown at napakarami niyang jewelries na nakasabit. Mayroon din siyang sash na nakasulat na happy 25th birthday. “Rome! I thought you would not come!” Yumakap siya kay Rome na halos magpabuhat na. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi man lang a