Share

CHAPTER 4

[Jayson's POV.]

Ilang linggo na ng nalaman ko na andito siya sa pilipinas.

Kaya nung naka schedule ako ng bussiness trip ay umalis kaagad ako.

Para makapaglayo muna at maka pag isip isip na din kung sakaling magkita man kame ulit.

At ngayun yung ika-apat naming araw dito sa Davao.

Yes Davao! Malayo sa Manila at sa kanya.

Nang matapos ang meeting namin dumiretso na ako agad sa aking kwarto ng hotel na pansamantala kong tinutuluyan para makapagpahinga. Sa baba lang naman kame ng hotel rin ne'to nag usap ng aking mga ka bussiness partners.

Maya maya pa ay habang nakahiga ako sa kama tumunog ang aking cellphone ng tignan ko ito ay tumatawag si Mrs. Perez saakin kaya agad ko itong sinagot at baka may problema sa kompanya.

"Good Morning Mrs. Perez. Bakit ka napatawag may problema ba d'yan?" bungad ko kaagad sa kanya.

Tumatawag lang kasi yan pag may problema sa kompanya.

"Good Morning rin po Mr. Garcia. Wala pong problema dito. Gusto ko lang po sabihin saiyo na yung bagong mo pong sekretarya ay nandito na po. At ok po siya saakin Mr. Garcia, mabait na bata kasi bata naman talaga. kahit medyo tinarayan ko kanina kasi nalate siya. Pero magaling po siya at na memorize nya agad lahat ng iniwan mong documents." Mahabang paliwanag ne'to saakin.

Hmmm. Mabuti naman kung ganon.

May maasahan agad akong sekretarya.

"Ah ganon po ba? Mabuti kung ganon Mrs. Perez at paki sabihan nalang siya sa lahat at bukas dapat maaga na siya kasi baka hindi na ako makapasok ngayon at gabi nako makakauwi.

Pero susubukan kong dadaan d'yan mamaya sa office kung kakayanin ng schedule ko. Ok? Bye."

Paliwanag ko sa kanya.

"Ok po Mr. Garcia." Sagot ne'to sakay ko pinatay ang tawag.

At sana hindi yun katulad ng ibang sekretarya ko dati. Ayoko nung lalandiin ako at tatanga.

Nagpahinga lang akong kaunti at hindi ko napansin na nakaidlip nako.

Naagising ako dahil tumunog yung alarm ng phone ko pag tingin ko ng oras ay hapon na.

Hindi ko napansin. Napasarap ata tulog ko. Ewan ko ba lagi ako puyat kapag gabi hindi ako makatulog ng maayos. Or hindi kaya kakaisip sa kanya kaya napupuyat ako?

Tumayo nako at pumikit muna sandali para alisin muna siya sa isip ko.

At dali akong nag ayos para bumyahe diretso sa airport. Private plane gamit ko gift saakin dati ni Dad.

__________________

Ilang sandali ay nandito nako sa manila.

Tinignan ko ang oras at 5:30 na ng hapon. Mabilis lang ang byahe isang oras.

Lumabas na ako at daling sumakay sa kotse ko deretso sa kompanya ko.

After 30 minuter nandito nako at diri-diretsong pasok sa building.

Nag hihintay ako bumukas ang elevetor ng may lumabas sa isa pang elevetor nung katabi ne'tong pinag aantayan ko.

Isang pamilyar na pigura na babae na mabilis mag lakad palabas ng building ko.

Pero hindi ako sigurado kong kilala ko ba ito.

Kaya tinanong ko yung kasama kong guard na nagdadala ng mga gamit ko.

"Sino s'ya?" Tanong ko sabay turo ko dun sa babae papalayo. Gusto ko lang makasiguro.

"Ah Sir siya po yung bago mong sekretarya sabi kanina ni Maam Perez." Sagot nito saakin.

Ah hindi nga siya yun.

Pero bakit parang bigla akong nalungkot na hindi siya? Saka Sekretarya? Siya na mas mayaman nga yun saakin.

Siguro maging kulay pink muna ang uwak pag nag hirap sila at nag apply dito saakin bilang sekretarya ko.

Ano ba itong iniisip ko?

At bakit sya iniisip ko?

Trabaho pinunta ko dito!

Sumakay nako ng elevator paakyat sa office ko.

Nang sa taas na ako. Sinalubong ako agad ni Mrs. Perez.

"Good Evening Sir. Hindi nyo po nasabi na makakadaan talaga kayo ngayon." Salubong ne'to saakin at sumabay saakin papunta sa aking office.

"Maaga pa naman at wala akong gagawin sa bahay Mrs. Perez kaya mas mabuti ng may gagawin ako ngayon." Sagot ko sa kanya pagkapasok ko ng office ko at umupo.

"Ganon po ba? Pero wala na po yung sekretarya nyo sir. Nag paalam na po kasi out na rin po nya." Alanganin na sabi ne'to saakin. Siguro dahil walang tutulong saakin dito at siya kailangan nya narin umuwi dahil may pamilya rin siya.

"Ok lang Mrs. Perez. Bukas ko nalang siya mauutusan. Kunin mo nalang yung lahat ng documents na pinabasa mo sa kanya kanina at pwede na rin po kayong makauwi." Sagot ko dito sabay tayo at ngumiti.

"Sige po Mr. Garcia kukunin ko lang po." Nakangiting sagot nito at lumabas na rin sa aking opisina para kunin ang aking kailangan basahin.

Si Mrs. Perez pala ay isa kong Personal Assistant para iwas na din sa mga babae nagkakagusto saakin at issue.

"Sir ito na po lahat ng documents na nasa table ng bago mo pong sekretarya." Sabi niya sabay lapag ne'to sa harap kong lamesa. Napabuntong hininga nalang ako sa aking nakita dahil medyo marami rin pala.

"Sige na Mrs. Perez pwede na po kayong umuwi baka nag hihintay na po sa inyo ang iyong pamilya." Sabi ko rito sabay tango. Senyales na pumapayag talaga ako na umalis na siya.

Nakikita ko kasing nag aalangan siyang iwanan ako dito ngayon.

"Sige po sir. Maraming salamat po." Sagot nito at yumuko ng kunti bago lumabas ng aking opisina.

Pagkabigay saakin ni Mrs. Perez ng documents na kailangan ko ay binasa ko ito isa-isa ulit at maya maya pa ay may na pansin akong isang papel na nakaipit sa isa kong documents ko.

At halatang hindi naman to kasama sa mga documents na binabasa ko.

Nung tinititigan ko mabuti isang doodle lang pala! Gawa ata ito ng sekretarya ko.

At biglang pumasok sa isip ko si Jane.

Mahilig din pala yun mag doodle yung isang yun.

Pero kasi pareho silang sulat kamay.

Kaya naisip ko siya agad. Ano ba itong sinusulat nya dito? Tinignan ko mabuti at binasa.

"Patawarin mo ako kung iniwanan kita mahal ko. Mahal na mahal kita ng sobra! Miss na miss na kita." Nang nabasa ko ang sulat nya ay bigla akong natigilan.

At bakit sa pagkabasa ko non ay parang ang bigat sa pakiramdam, na tagos sa puso ko.

Baka pagod lang to! Jet lag kung baga dahil galing pa ako ng byahe galing Davao.

Kaya ang ginawa ko sa sulat nya ay tinago ko sa drawer ng table ko.

At pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Mga ilang oras ang nakalipas ay tapos basahin yung iba.

Tinignan ko ang oras ay alas otso na pala ng gabi. Kaya tumayo nako at lumabas sa aking opisina.

Pagkababa ko sinabihan ko nalang ang ibang guard na mag bantay mabuti. At pumunta sa kotse ko.

Habang nag mamaneho ako ay napaisip ako na hindi rin naman ako makakatulog agad pagkauwi ko. Kaya nakapagdesisyon akong mag bar nalang muna at uminom ng konti para pag uwi ko mamaya ay deretso nako makatulog.

___________________

Nandito nako sa bar. Nag order lang ako ng pinakahard na alak. Nilagok ko agad yun hanggang sa malasing ako pero kaya ko pa naman siguro mag drive pauwi ne'to mamaya.

Nang medyo may tama na ako ay nagbayad nako at lumabas ng hahawak nako sa sasakyan ko parang nahilo ako at matutumba kaya lang nung akala ko babagsak nako may umakay sakin isang babae.

Pamilyar sya! Pero hindi ko mamukhaan. Pero yung amoy nya ay nagbibigay ng init saaking katawan lalo na at magkadikit kame.

"Saan ka umuuwi at hahatid na kita.". tanong nya saakin na parang kilala nya ako.

"Kaya k-ko pa n-naman. S-salamat nalang"tanong ko.

"Hindi pwede! Kaya huwag kang malikot dyan." Sagot nya habang pinapasok ako sa loob ng kotse na hindi saakin. So kotse nya ito. Hindi ko namalayan yun.

Nag drive lang siya. Hindi ko alam saan nya ako dadalhin basta alam ko lang nahihilo nako at papikit na mga mata ko.

"Nandito na tayo sa condo mo. Saan unit mo at susi? Hahatid kita dun. akin na?" Sabi ne'to saakin na parang nag mamadali na takot mahuli. Kahit naguguluhan ay kinapa ko naman yung keycard ko sa unit ko at binigay sa kanya.

Inaalalayan nya ako papasok sa lobby ng tinawag nya ang isang guard para siguro tulungan siya akayin ako.

"Saan kwarto mo?" tanong nya habang inaalalayan nila ako ng guard.

"N-nadun oh." Sabay turo ko sa kanya.

"B-bakit may g-gagawin ka s-sakin no?" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Huwag k-kng mag alala miss o-ok lang." Natatawang sabi ko pa.

"Ang kapal mo ah! Tadyakan kita d'yan eh. Hindi lang kita m*****" hindi ko na narinig ang huling sinabi nya kasi binubuksan nya na ang pintuan ng unit ko.

"A-ano yun?" Tanong ko pa sa kanya habang pinapasok ako ng guard sa loob ng unit ko.

"Miss mukhang lasing na lasing itong boyfriend mo ah." Umiiling na sabi ng guard habang pinapaupo ako sa sofa.

"Hayaan mo siya. At hindi ko siya b-boyfriend. Sige po salamat kuya guard." Sagot nito sa guard na tumulong saamin habang hinahatid nya ito palabas ng unit ko.

"U-uy ano nga yun s-sabi mo kanina?" Tanong ko ulit sa kanya habang pabalik siya saakin harapan.

"W-wala." Inaalalayan nya ulit ako patayo at pinasok sa kwarto ko at inihiga nya ko sa kama saka pinalitan ng sandong damit. Hindi ko parin maaninag ng maayos ang mukha nya.

At sa ginagawa nya saakin ngayon ay bigla naman ako nag iinit.

Pagkatapos nya akong bihisan ay

bigla ko siyang hinila at hinalikan. Hinawakan ko ang ulo nya para diinan ang halik namin. Naramdaman ko nag pumiglas siya kay mas ginalingan ko ang halik ko sa kanya at napahiga siya saaking tabi.

God! Ang sarap ng humalik siya pabalik saakin. Parang pamilyar saking pakiramdam.

[To be continued..]

_____________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status