Share

CHAPTER 3

[Jane POV.]

Nandito ako sa harapan ng kompanyang pamilyar saakin pero hindi ko natatandaan.

Dito raw kasi ako mag tatrabaho sabi ng sa agency na tumawag saakin kanina.

Hmm, Hindi naman masama, Secretary? Ok na din. Atleast natanggap ako ng walang tulong nila dad.

Pumasok nako at baka late nako.

Para makapag simula narin ma orient.

Pagkapasok ko nag tanong ako sa guard kung saan pupunta yung mag o'orient.

Nang maituro nya ay pumunta nako.

Pagkapasok ko dun.

Aba marami pala kami talaga!

Ok lang marami talaga sa panahon ngayon naghahanap ng trabaho para mabuhay at mabuhay nila ang kanilang mga pamilya.

Kailangan na lang magpakitang gilas para matanggap agad ako.

Nang matapos na ang orient pinauwi na kami at sasusunod na araw na kami mag magsimula.

Binigyan lang kami ng kaunting instruction then tapos na!

Nang papalabas na kami sa may exit parang may naaninag akong pigura!

Pero hindi ako sure?

Kung tao nga yun. Baka namalikmata lang ako.

Kaya tinuloy ko nalang ang paglalakad at umuwi na para maka paghanda sa susunod na araw para sa napakaspecial na trabaho ko bilang secretarya ng CEO! Sana mabuti ito.

Sana pogi. Huwag lang gurang! haha. Joke. Kahit anong klasing boss pa siya basta mabuti siya ay masaya nako sa trabaho ko.

Habang nag mamaneho ng sasakyan ko ay bigla nalang siya pumasok sa isip ko.

Hays! Pero kamusta na kaya siya?

Sana magkita pa kami.

Nang mapaliwanag ko sa kanya ang totoo. Na minahal ko talaga sya na hindi ko talaga sya gusto saktan at iwan.

God ano ba to tong iniisip ko!

Dapat huwag muna siya! Trabaho muna ang isipin ko saka na siya!

___________________

Nagising ako sa tunog ng orasan ko!

Pagkamulat ko ay umaga na pala. Napatingin ako sa orasan at alas otso na ng umaga!

Agad rin ako tumingin sa kalendaryo.

OH MY GOD!!!

Ito pala yung unang araw ko sa trabaho ko!

Alas nuebe pa naman ang umpisa ko doon sa trabaho at 8:16am na!

Kaya dali-dali ako bumangon at dumiretso sa banyo para maligo at mag ayos.

After ilang minuto tapos nako mag ayos sa sarili ko.

Tinignan ko ang oras at 8:45am na.

Ganon lang ba kadali ang oras?

Iba talaga pag nag tatrabaho ka!

Ang bilis ng oras kapag papasok, pero kapag uwian ang tagal ng oras!

Time is gold talaga kapag papasok.

Wala akong magagawa dahil ginusto ko'to eh.

Pagkababa ko galing kwarto naabutan ko pa si dad na nagkakape at nagbabasa ng newspaper.

Tumingin ako sa paligid doon ko napansin wala pa din si kuya?

Busy talaga sa kompanya?

Ah oo nga pala may Bussiness trip pala yun sa Davao.

"Good Morning, Dad." bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya at umupo narin ako para makakain.

"Oh! Good Morning rin Anak." Bati nya rin saakin at sabay inom ng kape.

"At ngayon kapa lang ba papasok?

Aba anak, mukhang hindi ka talaga tatagal d'yan sa trabaho mo. Feeling boss ka eh. haha daig mo pa ako Anak." Tumatawang bangit ni Dad. Aba si dad kung makapang asar.

"Si Dad talaga.." nagtatampong sabi ko sabay pout.

"Haha. ok ok hindi na! Saka hindi ba sabi mo nga yung orient n'yo deretso na kayo work pag tapos nun? Oh bakit sa napapansin ko mukhang ngayon kapa lang papasok?" Mausisang tanong ni Dad.

"Eh kasi Dad! Yung iba kasi napagtrabaho na doon. ang iba or kami ay ngayon palang.

And guess what Dad? Secretarya ako ng CEO, Dad! i can't believe it.

Sa dinami-dami namin doon ako napili maging secretarya, Dad." Sabi ko sa kanya habang kumakain.

"Oh? Sino naman ang hindi ka pipiliin? Nasa doon na natin ang magagaling. At dalawa kayo ng kuya mo nakakuha non. Pero ang isa d'yan ang pagiging secretarya ang gusto." Drama ni Dad sabay inom ng kape na may pabuntong hininga pa.

"Dad naman gusto ko lang naman kasi may mapaglibangan. Alam mo naman yun diba, Dad?" Malumanay na sabi ko sa kanya at tinapos na ang kinakain ko.

"So sa ginawa mong yan? Nagawa mo na ba ang gusto mo kung ano man yun, anak?" Seryosong tanong pa ni Dad.

Hindi ko nagawa kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam gagawin ko.

"Hindi Dad. Hanggang ngayon nandito padin s'ya sa puso ko." napipiyok na sagot ko sa kanya.

"Ok. Tama na yan! Pero tandaan mo anak, ginawa mo lang yun kasi yun ang dapat! Kasi yun ang gusto nya at huling hiling nya. promise me? Huwag mo na sisihin sarili mo. Huwag mo yan kalimutan, Anak." Sagot nya saakin sabay tayo para yakapin ako. Tumango ako sa kanya at gumanti ng yakap.

"Oh tama na ang drama. Baka malate kana sa trabaho mo. Hala bilisan mo na." Biglang sabi nya sabay tapik saakin likod.

"May pasok kapa remember? what time na ba?" Sabay tingin sa relo nya.

"Oh it's already 8:55am na anak at 9am pasok mo. Lagot ka n'yan anak, HAHA" Tumatawang banggit nya habang pabalik sa upuan nya.

Oh nakalimutan ko may trabaho pa pala ako dahil sa pag uusap namin ni Dad.

"My god Dad! Ikaw kasi eh. Nag drama kapa yan tuloy." Natatawang sagot ko sa kanya sabay kuha ng bag ko. Pero ang totoo kinakabahan nako.

"Sige Dad, Alis na po ako. Bye."bsabay halik uli sa pisngi nya.

"Sige ingat, Anak." Pahabol na sabi nito ng palabas nako ng bahay kumaway nalang ako patalikod.

__________________

Nandito nako sa kompanyang pagtatrabahoan ko.

Pagkapark ko ng sasakyan ay bumaba agad ako kasi late na akong 20 minutes dahil na traffic ng kunti.

"Uy girl bakit ngayon ka lang?" salubong saakin nung kasama ko pagkapasok ko ng building. Lyca ata name hindi ko matandaan.

"Eh paano kasi ang traffic. Alam mo na,hehe." Pagsisinungaling ko. Malaman ng mga to na may kaya kami at my sariling kompanya.

Sigurad0ng magtatanong lang sila.

Mabuti nalang talaga David ang dinala kong apelyedo ni mama. hehe

"Ah kaya pala. Sabagay traffic naman talaga. Hindi na yan mawawala sa pilipinas." Sagot pa nya saakin.

Hindi nalang ako nag salita.

Pumunta na'ko ng elevetor at pinindot ang 20th floor.

Grabe sa pinakamataas talaga ang office ng boss? Yung ibang empleyado nasa 5th floor o saan man. Sabagay kay Dad nga at Kuya nasa 35 Floor ang office.

Namg makarating ako sa floor ko.

May sumalubong saakin babae mga nasa 40's siguro.

"Good Morning. Siguro ay ikaw na si Mary Jane David? The new hired secretary for Mr. Garcia the CEO of the company?" Medyo mataray na tanong nya.

"Opo. Ako nga po. Miss?" Sagot ko at tinanong ko narin name nya.

"Mrs.Perez. Halika at sumunod ka saakin." Sagot pa neto at tumalikod na.

May tinuro siya sakin "Yan ang office ng Ceo si Mr.Garcia's." Sabi pa nito saki. Tumango naman ako at nilagay yung mga gamit ko sa table ko. bali nasa harapan ko lang ang office ng boss namin.

"Excuse me? Mrs. Perez? Nasaan po si Mr. Garcia?" Tanong ko.

Kasi nakalagay kasi sa door ng office nya na close talaga.

Glass door kasi kaya kita ko dito mula sa labas na walang tao doon.

"Oh, nakalimutan ko. May Bussiness trip si Mr. Garcia sa davao." ah kaya pala. same kaya sila ni kuya?

"At pasalamat ka na wala siya ngayon dahil unang araw mo pa lang ay late ka na." Dagdag pa neto na sabi.

"At pumunta ka sa lamesa ko at kunin ang mga documents doon saka basahin mo lahat. Trabaho mo yon at hindi akin." Sabi nito ulit saka nag smile. Oo nga nman akin yun trabaho. kaya sumunod nako at kinuha yun.

Nang matapos ko na yun mabasa lahat ay inayos ko na ulit sa dati.

Tinignan ko ang oras at lunch time na pala kaya pala nagugutom ako.

Bumaba ako ng canteen para kumain after ko kumain ay bumalik agad ako sa opisina, hmm, walang magawa ah.

Kaya napapaisip ako na kung anong magandang gawin na may pumasok sa isip ko.

Mag dodoodle nalang ako. tulad ng ginagawa ko dati nung kami pa lagi ko siya dinodrawing.

Habang nag dodoodle ako hindi ko namalayan na hapon na pala at medyo madilim dilim na.

Kaya tumingin ako sa orasan.

It's already 5:58pm na at ang duty ko hanggang 6pm lang.

So inayos ko na ang mga gamit at bag ko. Tapos pumunta ako sa table ni Mrs. Perez para mag paalam.

Naabutan ko siya busy sa ginagawa nya sa computer nya.

"Mrs. Perez? Pwede na po ba ako mauna sainyo? 6pm na po kasi off duty ko na po." Magalang na paalam ko sa kanya.

"Ok sige. Umuna kana at meron pa akong tatapusin." Plain na sagot nya saakin ng hindi ako tinitignan.

Tumango naman ako kahit hindi nya naman nakikita kasi nakayuko siya.

"Wait Ms. David!" Tawag nito ulit saakin ng patalikod nako. Kaya bigla ako napaharap.

"Dumating na si Mr. Garcia galing Davao kanina at maaga papasok yun bukas. Kaya dapat agahan mo rin bukas at huwag kanang magpalate." Paalala pa neto saakin ng tinitignan ako ng deretso sa mata. Tumango ako at magalang na umalis.

Nang nasa loob nako ng elevator ay bigla nalang akong napasabi ng.

"Kung dumating na si Sir? Edi and'yan na rin si kuya? Ang gulo pa naman nun at kulit." Salita ko sa sarili, siguradong kasing pagtatawanan ako nun na sekretarya ako ng ibang tao. At sasabihin nun keso sa kanya nalang sana ako nag trabaho or sa kompanya namin. Duh? as if naman. paalila ako sa kanya. Huwag nalang no!

_________________

Pagkauwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni Dad sa sala.

"Kamusta ang unang araw sa trabaho, Anak?" Tanong nito sabay yakap saakin.

"Ok naman po, Dad. Sa unang araw ko wala po yung Boss ko. Nasa bussiness trip. Kaya ang ginawa ko lang po ay binasa yung mga documents at kung ano ano doon. Para pag aralan narin." Sagot ko sa kanya sabay upo sa sofa.

Nakita ko sa kuya pababa ng hagdan kaya bigla akong napapikit kasi alam ko na pipikonin naman nya ako.

"Oh nakauwi na pala ang best sekretarya na tin ,Dad? hahaha" natatawang sabi nito sabay upo sa harapan kong sofa.

"Pwede ba kuya. Kahit ngayong araw lang patahimikin moko. Saka marangal na trabaho ang sekretarya na yan. Kaya tigilan moko." Sagot ko at umakyat na ng kwarto ko.

Narinig ko pa sila na Dad na nag usap at pinagsabihan siya ni Dad na "Ikaw kasi alam mo pagod sa trabaho yun."

"Paraho kaming dalawa Dad pareho kaming pagod sa trabaho. Ang magkaiba lang buong kompanya ang hawak ko. Sa kanya papel lang." Sagot ni kuya kay Dad. At hindi ko na sila narinig pa.

Pagkapasok ko ng kwarto ay napangiti ako ng mapait sa mga narinig ko mula sa bibig ni kuya.

Nahiga ako sa kama at natulog na walang bihis. Bahala na bukas.

[To be continued..]

__________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status