Share

CHAPTER 2

[Jane's POV]

Kinabukasan

Kakagising ko lang kanina ay ginawa ko na agad ang mga dapat pag aralan sa kompanya ni Dad dahil isa akong mabuting anak sa mata nila.

Andito lang ako ngayon sa bahay at nasa kwarto lang habang may ginagawa ako sa laptop ng biglang may kumatok sa pintuan.

Nang hindi ako sumagot ay bigla naman itong kumatok ulit at nagsalita

"Anak, Busy kaba?" ah si Dad lang pala.

"Pasok po, Dad. Bukas po ang pinto."

sabi ko habang hindi tumitingin sa tatay ko habang pumapasok.

"Anak, mukhang busy ka talaga at hindi mo ako magawang tignan?" Medyong nagtatampong sabi niya.

Kaya napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon ko naman siya at saka tumayo.

"Si Daddy talaga. Alam mo naman pinag aaralan ko yung ibang bussiness mo, diba?" Sagot habang papalapit sa kanya.

"Saka Dad, Bakit po pala kayo nandito?" kasi hindi naman yan pupunta dito sa kwarto ko pag walang sasabihin eh.

"Anak, kasi may sasabihin ako sayo. Ano kasi. Alam mo yun? Ganito kasi. Basta ganito anak, Alam mo naman na ano eh---.." Napatigil siya ng bigla ko tinaas ang isang kamay ko sa harap n'ya.

Naguguluhan kasi ako sa kanya!

Wala naman siya sinasabi kundi puro Ano? Ganito? Alam ko? Ang ano? Hindi ko maintindihan si Dad.

"Dad, stop! Deretsohin nyo na po? Alam nyo naman hindi ako magagalit kung ano man ipapagawa mo or ano diba? So, Ano po iyon Dad?" Seryosong pahayag ko sa kanya.

Tinignan muna ako ni Dad bago nagsalita.

"Anak ganito kasi, Diba matagal kanang graduate. At ayaw mo naman mag trabaho ngayon saakin? Hanggang kailan ka ganyan? Ayaw mo ba talaga sa pinag aralan mo? Ang gusto ko lang naman na kayong dalawa ng kuya mo ang mag manage balang araw ng kompanya na'tin." Malumanay na sambit ni Dad saakin.

Napatigil naman ako at napatitig sa kanya. Tama siya. Matagal na akong graduate at isang taon na. Pero hindi ko parin kaya mag trabaho sa kompanya namin. Hindi ko alam kung bakit?

Habang tinitignan ako ni Dad ay parang sinasabi n'ya sa paraan ng pagtitig n'ya saakin na kinuha ko lang ang kursong gusto n'ya para saakin pero hindi ko naman talaga gusto!

"Dad, ayoko kasi mag trabaho sa sarili na'tin kompanya kung alam ko naman na atin yun. Ayoko na bigyan ako ng special treatment ng mga tao doon. Dahil halos lahat ng tao doon kilala ako at si Kuya. Lalo na si Kuya bibigyan talaga ako nun ng napaka special treatment kasi kilala mo naman iyon diba?." Pagdadahilan ko sa kanya. Pero totoo yung dahilan ko. Ayoko sa kompanya namin kung bibigyan rin lang naman ako ng special treatment.

"Iyon lang ba? Sasabihin ko sa kanila na huwag kang bigyan ng special treatment, Anak." Sagot naman ni Dad. Kaya napapikit nalang ako at nag iisip kung ano pa idadahilan ko sa kanya.

"Dad, gusto ko sinisikap ko ang bawat trabaho ko. Tulad ng mag uumpisa ako sa mababang posisyon. Nang may purpose naman ang pinag aralan ko. Dad, kung didiretso naman ako agad sa matataas na posisyon d'yan sa kompanya mo ay AYOKO." Sagot ko sa kanya at tumalikod para ayusin yung mga gamit ko sa lamesa kanina na kumalat.

"Anak naman. Ayosin mo naman ang buhay mo. Kailangan mo tumayo sa sarili mong mga paa. Paano kung mawala ako? Hindi habang buhay kasama mo ang Kuya mo! Anong mangyayari sayo kung wala ka naman ginagawa d'yan. Sige na anak, Hindi naman to para saakin. Para ito sa sarili mo. Please! Sige para na rin sa Mommy mo.?" Mahabang sambit saakin ni Dad ng ikatigil ko. Hindi doon sa mawala siya kundi para kay Mommy? Gagawin ko ba para kay Mommy? Bigla ako napatingin kay Dad na titig rin saakin. Alam na alam n'ya na bibigay ako kapag napasok si Mommy sa usapan. Kaya napabuntong hininga nalang ako at nag isip.

"Dad. Sige pumapayag nako magtrabaho." Sumusukong sagot ko sa kanya.

"Talaga Anak? Salama--" bigla napatigil si Dad ng magsalita ako ulit.

"Pero sa ibang kompanya ako mag a'apply ng trabaho at mag tatrabaho Dad. Mag sisimula ako sa mababang trabaho o posisyon." Sabi ko ulit sa kanya ng ika-gulat n'ya ng tuluyan.

"Pero Anak mas madali ang trabaho saatin. Hindi kana mahihirapan pa. Hindi mo kailangan mag umpisa sa mababa kung nasa taas kana, Anak." Biglang sagot ni Dad ng makabawi sa gulat.

"Hindi Dad! Payag ka ba sa ibang kompanya muna ako mag trabaho bago ako magrabaho sa kompanya na'tin o Hindi nalang ako mag trabaho?" Sagot ko bigla sa kanya. Sana pumayag kana Dad.

"Ano? Nababaliw kana ba Mary Jane Ocampo? Hindi ka mag tatrabaho sa ibang kompanya kung hindi rin lang ang kompanya na'tin pag sisilbihan mo. ok!" yay, hindi pwede to. Nagalit tuloy si Dad.

"Pero Dad. Kailangan ko po ito. Para malaman ko kung paano ma'experience ang nagsusumikap sa trabaho Dad, Please? Lahat ng umaangat sa buhay ay dumadaan sa dugo't pawis na trabaho Dad. Promise kapag hindi ko na po kaya ay babalik ako at sa kampanya na'tin ako mag tratrabaho Dad. Pangako po yan Dad."

Sagot at paliwanag ko sa kanya. Sana pumayag na siya.

Napatigil naman si Dad at parang nag iisip na'rin sa sinabi ko sa kanya.

"Ok sige. Pero pinapangako mo na kapag hindi mo kinaya ang trabaho mo ay titigilan mo na ang kahibangan mo na yan? At sa kompanya na na'tin ka mag trabaho. Nagkaintindihan tayo?!" Sagot bigla ni Dad. Kaya bigla akong napangiti sa kanya at napayakap.

"Yes Dad. Pangako po! hehe"

Yes! Ito na nga siguro ang hinihintay ko sa buhay na isang pagsubok na kailangan ko lagpasan.

Nang lumabas na si Dad ay dali-dali akong nag linis at nag bihis kasi ngayon pa lang ay mag uumpisa nako mag aapply. hehe excited yarn?

Tinignan ko ang oras ay 10:15am pa lang. At ang aga pa ata?

Lumabas na'ko sa kwarto, at bumaba nang nakita ko si dad sa dining area.

"Hey Dad aalis na po ako. Mag a'apply na po ako ngayon para agad agad rin ako matanggap haha." Masayang bati ko sa kanya habang kumakain siya.

"Ikaw talagang bata ka. Siguraduhin mo lang na maayos ang a'applyan mo ha? Saka hindi kana ba kakain muna?" Si dad talaga kahit kailan gusto ako patabain.

"Dad, maaga ako kumain kanina. Mamaya na ako kakain ng lunch. Paano Dad alis na'ko. Goodluck mo nalang ako. Hehehe" Paalam ko sa kanya habang palabas ng bahay.

Nang makalabas na'ko. Nag drive agad ako sa kotse ko papunta sa mga kampanyang mga kasyosyo din ni Dad. Pero hindi ko gagamitin ang apilyedo ko. Kay Mommy ang gagamitin ko. Kaya ako ngayon si Ms. Mary Jane David. Ang nasa resume ko ay ganon din. 24 years old at single?

Single?

Parang ang sakit pag single ako. Ewan ko ba! Parang may namimiss akong isang tao na kahit kailan hindi nawala sa puso ko at mahal na mahal ko.

Hay! Kamusta kaya sya? Sana sa pag dating ng tamang panahon ay maipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang nagawa ko at bakit ko siya iniwan.

Sorry talaga mahal ko. Kahit kailan hindi ka naman nawala sa puso ko. Dahil hanggang ngayon mahal na mahal parin kita.

Sa kakaisip ko sa kanya hindi ko namalayan nandito na pala ako sa a'aplayan kung agency.

Jusko. Sana matanggap ako!

Pumasok ako sa agency at nagtanong kung saan pwedeng mag pasa ng resume sa mga nag a'apply ng trabaho.

"Kuya manong guard. Saan po pwede mag pasa ng resume sa nag hahanap po ng trabaho?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Doon po Miss. Kumatok lang kayo doon at may lalabas na babae doon." Tinuro naman guard na natanungan ko yung pinto kaya pumunta ako agad doon ako kumatok.

Ilang sandali pa ay lumabas nga ang isang babae. Sabay abot ko sa kanya ng resume ko.

"Mag a'apply po ba kayo? Dito nalang po yan ma'am. Kami nalang po bahala. Maupo nalang po muna kayo kasi may iniinterview pa sa loob. Tatawagin nalang po kayo pagkatapos ng nung nauna sa inyo." Magalang na sabi nito saakin habang pinapaupo ako sa loob ng opisina.

"Sige, salamat po." Magalang rin na sagot ko. Hindi rin nag tagal tinawag nako.

Pagkapasok na pagkapasok ko.

Ay interview na kaagad! katakot ah, ang itsura lang, hehe

"Ok, Name? Age? Status? Graduate?" Mabilis na tanong nito. Kaya hindi ko tuloy alam kung ano uunahin sagutin.

"Hello po. Ako nga po pala si Mary Jane Oca---David, 24 years old at Single po." Malumanay na sagot ko sa kanya. Baka hindi ako matanggap kapag binilisan ko rin salita ko.

"Ok! Ok lang ba sayo ang sekretarya? Yun lang ang bakanteng trabaho ngayon dito sa list namin." Tanong nito saakin habang nakatingin parin siya sa resume ko.

"Ok lang po. Kahit anung trabaho po. Papasukin ko po. Basta trabahong marangal po." sana tanggap na'ko.

"Mabuti kung gano'n. Tatawagan ka nalang namin kapag pasok ka sa kampanyang pagtatrabahoan mo. Ipapasa pa namin ang resume mo dun, ok?." Sagot nito saakin. Hays hindi pa pala tapos?

"Ok po, salamat." Dapat mabait para katanggap tanggap talaga ako, hehe

"At my interview pa dun" biglang dagdag nito habang saakin na nakatingin.

Ano? Walang kataposang interview 'to?

"Kasi e'orient kapa nila. Cleared na ba sayo?" Ah naintindihan nya pala ako sa reaksyon kong yun? Ok orient lang naman pala. yakang yaka yan!

"Ok po. Maraming salamat po, Bye." Paalam ko at lumabas na'ko ng opisina. Excited nako! Magiging normal na'ko sa lahat ng katrabaho ko kapag makapasa ako. Hehe

Dumiritso na'ko sa mall para makapag shopping na din nang mga pang secretarya na gamit.

__________________

At the mall

Andito ako ngayon sa my Boutique.

Nag susukat ng mga skirt ng my mapansin akong pamilyar na pigura. At kilalang kilala ko yun. walang iba kundi ang nag iisang taong minahal ko at sinaktan ko sa huli. Bakit siya nandito sa Boutique ng mga babae?

Kaya nung lilingon na s'ya sa pwesto ko ay nag tago ako at umalis kahit hindi pako nakakabili ng mga gagamitin ko ay dumiretso na'ko uwi.

Kahit hindi pa'ko nakapag shopping ng gagamitin ko ay parang hindi ko na'rin kinaya nung makita siyang may ibang kasamang babae.

Habang nag mamaneho pauwi ay naisip kong dapat ako yun eh! Ako dapat kasama n'ya na pinagdadala ng mga pinag shopping ko? Kasama nag tatawanan! Pero anong magagawa ko? Hindi ko na maibabalik ang dati. At siguro hanggang du'n nalang talaga kami at ako ang tumapos n'un!

Pero bakit nasasaktan parin ako kung ako naman tumapos sa relasyon namin? Bakit? Bakit ako nasasaktan kapag may kasama siya'ng iba ngayon? Ano naman ngayon? Tapos na kame diba? Ito naman talaga ginawa ko para mapalayo siya saakin. Pero kasi hanggang ngayon s'ya parin. Mahal ko talaga sya at hindi na mag babago yun! Habang-buhay ko nalang siya mamahalin sa malayo.

__________________

Pag dating ko sa bahay ay nando'n sila Dad at Kuya sa Living room.

"Oh Anak/Sis." talagang sabay pa sila na batiin ako ah.

"Hello Dad. Kuya." Bati ko pabalik sabay halik sa kanilang pisngi.

"Kamusta Anak? Nakahanap kana ba ng Trabaho?" Tanong ni Dad ng maupo ako sa tabi n'ya.

"Yes Dad. Tatawagan nalang po raw ko nila eh. Kapagod nga." Na'ko Jane.

Interview lang? Pagod na agad? Naman Jane! Baka yung nakita mo lang kanina ang nakakapagod? Kasi tumakbo ka ba naman ng naka takong? Hays.

"Ano yun dad?" Seryosong tanong ni Kuya

"A-ah? Ah ito kasing kapatid mo nag hanap ng trabaho sa ibang kompanya." Baliwalang sagot ni Dad. At bumalik sa panonood ng TV.

"Ano? Jane, ano to? Nababaliw kana ba talaga? Meron tayong sariling kompanya! Bakit kapa nag apply sa iba Jane? Napakaisip bata mo! Ayusin mo naman desisyon mo sa buhay, at maging responsable ka naman!" Gigil na sambit saakin ni Kuya.

Kaya inis ko siyang hinarap at sinagot

"Wala kang pakialam du'n kuya! Gusto ko'to! Pag hindi ko naman kinaya babalik naman ako at sa kompanya natin mag trabaho. Pinangako ko na yan kay Dad! Please naman kuya? Intindihin mo naman ako? Kung ano yung gusto ko! Kahit ngayon lang talaga kuya please?" Inis na sambit ko sa kanya saka tumayo at umalis sa harap nilang dalawa at umakyat na'ko ng kwarto ko. Siguro dahil sa sobrang pagod at inis at nakatulog ako bigla nag hindi pa nakapagbihis.

_________________

Kinabukasan

Naalimpungatan ako dahil sa tumutunog yung cellphone ko.

San ba yung cellphone na yun ng mapatay ko yung tumatawag!

"ARGHHH,!! sh*t" napabangon ako bigla ng ayaw parin magtigil yung tumatawag saakin. naman kasi ang ingay,, ano na palang oras?

Tinignan ko ang oras 8:23am,, arghh ang aga aga napatawag naman to oh!

Nang makita ko na ang cellphone ko nakita kong "unregistered number?" Yung tumatawag kaya sinagot ko nalang.

"Hello? This is Mary Jane Ocampo. Sino po sila? " hmmp, ang aga aga eh,

(Ah sorry ma'am wrong number po ata. Mary Jane David kasi nandito ang # nakalagay sa file nya, pasensya po)

"H-hindi ok lang po. ako nga yun, bakit po pala?"

(Ito po yung agency na inaplayan nyo po. pwede na po kayo pumunta sa work nyo para sa orient nyo kailangan 10am nando'n kana kasi hindi lang ikaw nandon, ok?)

Ah yun lang pala. e'di tanggap ako?

"ye--,"

Nabitin ang sasabihin ko na may sasabihin pa pala sya.

(By the way kailangan naka proper attire ka kasi didiretso kana sa trabaho mo pagkatapos ng orient nyo, clear na Ms. David?)

"Yes po. Thank you po! Bye po." Mabilis kong sagot dahil excited nako

(Wait,! Bakit ka nag mamadali? Alam mo ba kung saan yun?) oh shot, tanga lang Jane, Excited masyado kasi ayan tuloy pahiya ka! Kainis!

"Sa Garcia Corporation Company ka mag tratrabaho, Dito sa address na to *toot toot* ,ok na ba? sige na, Bye Ms. David.) ah ok, parang pamilyar ah, di bali na nga.

"Oh sige po, Salamat po ulit. bye po."

Sagot ko at pinatayan naman nya agad ako ng tawag.

Nag madali na'rin akong mag ayos sa aking sarili para maka abot ako dun eksaktong 10am talaga.

Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. pagkababa ko naman ay nando'n na si dad sa dining kumakape. Wala si kuya? Hmmm.

"Morning Dad. Aalis po ako ha? p

Pinapapunta na po kasi ako sa pinag applyan ko. Meron daw po kaming orientation."sabay halik sapisngi n'ya.

"Saka bakit wala si kuya?" Tanong ko habang umuupo at nag lalagay ng pagkain sa aking plato.

"Wala talaga kasi may business trip Europe." Sagot ni Dad habang nag babasa ng dyaryo. Hmm kaya pala.

"Saka mag iingat ka anak ha? Pag hindi mo yan kinaya yang trabaho mo na yan ay umalis kana agad at umuwi dito anak. Nagkakaintindihan naman tayo Mary Jane, diba?" Hay nako. Ayan naman siya seryoso na naman.

"Oo nga po Dad. Saka nangako ako sa'yo diba? Tsaka pagbubutihin ko po du'n Dad. hehe Para hindi kahiya-hiya ang maganda n'yong anak. Haha" natatawang sagot ko sakanya habang inuubos yung pagkain ko sa plato.

"Mabuti kung ganon!." Sagot nito ay nagbasa ulit ng dyaryo at hindi man lang pinansin ang sinabi kong maganda ako?

Nang matapos na'ko ay nag paalam na'ko kay Dad.

"Sige Dad, mauuna na'ko? Wish me luck Dad ng matanggap ako. haha" sabay halik ulit sa pisngi niya at umalis.

[To be continued..]

________________

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status