Share

CHAPTER 1

[Jane's POV]

After 6 years.

"Anak, Gumising kana. Anong oras na oh. Kailangan na na'tin bilisan. Kasi marami pa akong schedule ng meeting pag dating na'tin ng Pilipinas!" Ang aga naman mag ingay ni Dad sa kwarto ko.

"Yes Dad, Babangon na. Mag a'asikaso narin ako. Hintayin nyo nalang ako sa baba." Sagot ko sa kanya habang bumabangon at nag inat ng katawan.

"Ok sige. Bumaba ka agad pagkatapos mo." Sagot ni Dad habang lumalabas ng pinto sa kwarto ko.

Hays. Hindi ko alam kong san ba ako mag sisimula pag balik ko ng Pilipinas.

After 6 years ngayon lang ulit ako uuwi. Kasi dito nako naka pagtapos ng pag aaral sa kolehiyo.

At graduated ako sa korsong Bussiness Management kasi yun ang gusto ng Tatay ko.

Ayoko sana katulad kay Dad at Kuya.

Nakakasawa na mag business, pero dahil mabuting anak ako kaya sinunod ko rin ang gusto ng ama ko. Mabuti nalang at andyan si kuya at si kuya na muna ang tumutulong kay Dad.

Ay! Oo nga pala hindi pa ako nag papakilala! Ako nga pala si Mary Jane Ocampo. 22 years old, at single ng mahabang panahon.

Back to reality. Pagkatapos ko mag ayos sa sarili ko ay bumaba na'ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si Dad na umiinom ng kape sa sala. Si Kuya naman nanonood ng news sa TV at kung hinahanap nyo nanay ko wala na po siya 6 years ago.

"Oh anak, Ok kana ba? Ok na ba mga gamit mo? Ready na ba ang lahat?" Sunod na sunod na tanong ni Dad saakin.

Tumango ako bilang sagot.

"Yes Dad, Ok na po lahat. Ready na po ako." Sagot ko kay Dad.

"Baka si Kuya ang hindi pa?" Biglang baling ko kay kuya.

"Anong hindi pa? Kagabi pa ako nag ready ng mga gamit ko. Saka Yes Dad, Ready na rin ako." Biglang sagot ni kuya saamin. At tinignan ako ng masama. Hahahaha paano ba naman kasi nakatutok sa TV narinig pa nya ang sinabi ko. Lol

"Oh mabuti naman. Tara na't umalis baka ma-late pa tayo sa byahe." Sagot ni Dad saamin at kinuha mga gamit nya sa kwarto ganon rin kame ni kuya.

Habang nasa byahe kame papuntang Airport hindi ko lubos maisip na babalik pa pala ako ulit ng Pilipinas.

Kamusta na kaya siya?

_______________

After 7 hours.

Nakalapag na rin kame sa Pilipinas.

"Oh mga anak, mauuna na ako sa inyo at may aasikasuhin pa akong trabaho sa opisina." Biglang sabi ni Dad habang palabas kame ng airport. Napatigil kame ni kuya.

"Nag pasundo na ako sa driver natin dalawa pinapunta kong sasakyan. Dumiretso muna kayo ng bahay at magpahinga." Sabi ulit ni Dad habang may kausap na sa cellphone.

Nagkatinginan kame ni kuya at sabay kame nag kibit-balikat.

Habang nasa byahe kame ni Kuya ay bigla siyang nag salita habang tumitingin sa cellphone nya.

"Jane, nag text saakin si Dad. Pagtapos raw kita i'drop sa bahay ay sumunod raw ako sa kanya." Seryoso nitong sabi sa'akin habang natingin parin sa cellphone nya. Weird!

"Ok kuya. Gusto ko rin naman magpahinga." sagot ko sa kanya habang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Habang pauwi kame ni kuya sa bahay napapaisip ako bigla kong mamakita ko ba siya ulit? Kamusta na kaya siya? May girlfriend na ba siya? Syempre hindi malabo na meron na. Ang tagal ng 6 years. At saka malaki ang Pilipinas! Hello? Imposible na magkita pa kame ulit.

Sinaktan ko siya at iniwan! Tapos magkikita kame? Ano sasabihin ko sa kanya? Hello kamusta ka? Sorry pala dati ah. Baka sinuntok ako nun bigla. Kaya natatakot ako na magkita kame baka wala akong paliwanag masabi sa kanya kapag nagtanong siya at baka sinumpa na ako nun dahil sa ginawa ko. Kung hihingi naman ako ng tawad baka ma Who you ako bigla. Hays!

Ano ba kasi kinabahala ko? Eh wala naman na kame at matagal na ang 6 years. Baka may iba na nga yun. Pero bakit kapag sinasabi ko na may iba na siya bakit mabigat sa pakiramdam?

Dahil kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya. Siya lang ang dumaang lalaki sa buhay na minahal ko at naging boyfriend ko. Siya lang lalaking minahal ko. Maliban kay Dad at Kuya. Siya lang ang minahal ko sa loob ng 6 na taon.

Sana mapatawad mo'ko balang araw Jayson. Kasi hanggang ngayon mahal na mahal parin kita at pinagsisihan ko ang ginawa ko sayo dahil wala akong nagawa para ipaglaban ka. Kasi hindi ko naman gusto na iwanan ka pero kinakailangan mahal ko. Patawad.

____________

[Jayson's POV]

Andito ako ngayon sa opisina ko. Ang dami ko kasing dapat permahan na dokyomento. Kailangan matapos na'to dahil my meeting pa ako kay Mr. Ocampo mamayang Hapon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kanina pa ako balisa at kinakabahan. What if kasama sya ni Mr. Ocampo?

Eh ano naman kong kasama siya? Wala naman na kame matagal na. Tinapos nya di'ba? Siya mismo tumapos! Pero bakit pakiramdam ko nagkasala ako at may kasalanan ako sa kanya? Eh siya naman yung may kasalanan saamin umpisa pa lang!

Hanggang ngayon hindi ko parin makakalimutan yung pinagsasabi nya sakin! Na kailangan nya ng pahinga sa relasyong 'to? Para ano? Iwan n'ya ako at mag punta sya sa ibang bansa?

Hindi naman namin kailangan mag hiwalay kong mag iibang bansa lang naman sila. Kaya ko naman siya sundan doon at dalawin! Pero bakit ganon pa naging desisyon nya?

Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang problema namin noon at basta n'ya nalang ako iwanan ng ganon ganon na lang!

"Sir, ito na po ang inyong kape,"

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang mag salita ang seketarya ko at inilapag ang kape sa harapan ko.

Ganon na ba kalalim iniisip ko at hindi ko man lang napansin na pumasok na pala sekretarya ko sa pinto?

"Ah, sige salamat." Sagot ko sa kanya sabay bigay sa iba pang dokumento sa kanya. "Saka dalhin mo na din ito. Tapos ko na mapermahan n'yan. Sige na pwede ka ng lumabas." Sabi ko pa ulit at bumalik sa ginagawa ko.

"Sige po, Sir." Sagot ne'to "Ah sige magpapadala po ba ako dito ng Lunch n'yo po?" Sabi ulit neto.

Tinignan ko muna ang relo ko medyo maaga pa naman.

"Huwag na. Bababa nalang ako mamaya sa Canteen. Ikaw mauna kana mag lunch." Sagot ko sa kanya at bumalik sa trabaho.

"Ok po, Sir." Sagot nito at lumabas na rin ng opisina ko.

Ilang minuto palang nakalipas na biglang bumukas ang pintuan ulit ng opisina ko. Pero dahil busy nga ako sa ginagawa ko hindi ko na din tinignan kasi alam kong sekretarya ko lang naman yan na hindi marunong kumatok.

"Hi Babe! Ganon kaba ka busy at hindi mo ako pinapansin dito?" Nagtatampong biglang sabi ng tao na pumasok sa opisina ko. Kaya bigla akong napatingala kong sino ito.

Oh! It's Nicole.

"Nicole? Anong ginagawa mo dito sa opisina ko? Wala ka'bang trabaho?" Sunod sunod biglang tanong ko sa kanya habang tumatayo at sinalubong ang yakap n'ya.

"Hello? Like duh? It's already 12:15pm. Ang sabi ng sekretarya mo hindi kapa kumakain ng Lunch. At hindi kapa nag lu'lunch! Anu ka? Robot na hindi marunong magutom? Halika na at kakain tayo!" Sagot nito at hinihila akong palabas sa opisina.

Oh Nicole. Ito gusto ko sa kanya maalalahanin, pero gustong kaibigan ha? At saka yung babe? Lahat siguro na boy's na kaibigan niya tinatiwag n'yang ganyan.

Habang nandito kami ngayon sa canteen sa baba ng building ko ay nagsalita si Nicole.

"Sabi ko naman sayo diba? Pag 11:30 or 12 noon na mag break kana at mag lunch! Nako ang tigas ng ulo!" Nanggigigil na sambit nito saakin.

"Hindi pa naman ako nagugutom Nicole. At hindi ko na'rin namalayan ang oras. Madami akong ginagawa at mamayang hapon may meeting pa ako." Sagot ko dito habang kumakain ng pagkain na order n'ya.

"Ewan ko sayo! Mag madali kana at kumain ng madami! Madame kang trabaho diba?." Sagot nalang ne'to saakin.

Maya-maya pa ay nagsalita ulit ito.

"Oo nga pala Jayson, May Business meeting ka pala kay Mr. Ocampo, Alam mo?" Tanong nito.

"Oo nga yun sinasabi ko sayo kanina. Daldal mo kasi. Hindi ka rin nakikinig saakin. Pero mamaya pa naman yun hapon 4pm." Baliwalang sago't ko habang kumakain.

"At saka, Hindi ko makakalimutan yun at alam ko talaga kasi nasa secretary ko ang schedule ko?" Sagot ko ulit.

"Nako napaka defensive mo naman. Hindi makakalimutan? Yung schedule ng meeting? Or siya? Hahaha". Natatawang sabi ne'to saakin.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ok. Haha joke lang naman. Pero kasi diba? Pa'no kung nandon s'ya at kasama siya?" Tanong ulit ne'to.

"Sino naman ang nandon at kasama? Remember? Business meeting nga diba? Business is business!" kainis tong babae nato minsan. Ang kulit!

"Duh! Huwag ka nga d'yan! E'sino pa ba? E'di si Mary Jane Ocampo? Duh! Hindi malabong kasama yun kasi diba Business rin kurso nun at freshly Graduate yun. Isasama talaga yun ng tatay nya!" Nanggigigil na paliwanag nya saakin.

Nanigas naman ako sa pagkarinig ko palang ng pangalan nya. Hanggang ngayon ang sakit parin ang ginawa n'ya kahit 6 years ago na ang nakalipas parang kahapon lang nang nangyari para sakin! Ang sariwa parin para sakin ang sakit kapag inaalala ko ang nangyari at siya!

"E' ano naman kong nandon? Wala na yun. Matagal na kaming wala, Nicole." Kainis naman tong babae na 'to. Pero ang totoo ayoko muna s'ya makita. Sana wala siya mamaya.

"Oh? easy lang, Ok? tinanong ko lang kapag nandon diba? napaka defensive mo talaga! Kaloka ka! Halata na ha!" Sagot nito saakin.

"Ewan ko sayo." Yun nalang sinagot ko at tinapos ko na pagkain ko para makabalik sa trabaho.

____________

Habang busy ako sa mag perma ng dokumento biglang pumasok ang sekretarya ko sa opisina ko.

"Sir, nag email po yung sekretarya ni Mr. Ocampo. Papunta na po raw sila sa Restaurant doon na daw po kayo mag dinner kasama ni Mr. Ocampo." Sabi nito.

Tinignan ko bigla ang oras. It's already 5:37pm . Lampas na pala sa oras ng usapan namin. Mabuti at papunta pa lang sila. Siguro late narin sila dumating dito sa Pilipinas.

"Sige mag ready kana. Aayusin ko lang to. At aalis na rin tayo." Sagot ko sa sekretarya ko at lumabas naman siya.

______________

Habang nag mamaneho ako papunta sa Restaurant na sinabi saakin ng sekretarya ko ay pinapanalangin ko na sana hindi s'ya kasama. Na wala siya doon. Please lang talaga! Ayoko pa s'yang makita.

Pagdating namin ng sekretarya ko sa Restaurant ay sinalubong kame ng sekretarya ni Mr. Ocampo.

"Mr. Garcia po, Tama?" Tanong ne'to saamin ng sekretarya ko.

Tumango ako bilang sagot at pinasunod kame sa kanya. "Dito po tayo, Sir".

"Oh. Mr. Garcia, kamusta? Please, sit down." Salubong saamin ni Mr. Ocampo at kinamayan ako.

"Yes, Mr. Ocampo. Salamat. " nakangiting sagot ko dito at umupo.

Tinignan ko ang paligid at nakahiga ako ng maluwag dahil kame lang pala talaga dito. Mabuti naman.

"Oh, nakalimutan ko pala. May kasama ako isa sa mga anak ko. Pwede kumain muna tayo habang hinihintay na'tin siya? " biglang sabi saakin ni Mr. Ocampo.

Bigla akong nanigas. At napatingin bigla kay Mr. Ocampo.

Tumango ako biglang sagot at pekeng ngumiti sa kanya.

Habang hinihintay namin ang pagkain ay biglang nagsalita si Mr. Ocampo.

"Oh, Nandyan kana pala.

Maupo ka muna." Sabi nito sa bagong dating. Nanigas ako kasi nasa likuran lang namin ng sekretarya ko ang bagong dating. Siya ba?

"Oh! Mr. Garcia, ito pala ang anak si Micheal Angelo." Nakahiga ako ng maluwag na hindi siya ang dumating.

"Anak, siya nga pala si Mr. Jayson Carl Garcia The owner of Garcia Corporation." Pakilala naman saakin sa kanyang anak na si Mr. Ocampo. Tapos ay nakipagkamay ito saakin.

"Kilala ko na siya Dad." Sagot nito sa Tatay nya at tinignan ako ng seryoso.

"Teka, bakit ikaw pala nandito? Diba yung kapatid mo pinapunta ko kasi para may malaman siya tungkol sa bussiness na'tin?" Tanong nito sa anak nya habang umuupo.

"Gusto nya raw magpahinga Dad. Masakit ang ulo may Jetlag siguro. Or Pagod sa byahe kaya sinabi nya na kung pwede ay ako nalang raw muna." Sagot ulit nito sa Tatay nya at tumingin saakin.

Tumango nalang ang ama bilang sagot.

Mabuti naman at hindi siya ang pumunta. Kundi hindi ko malalaman ano gagawin ko nagkataon.

Nag discuss lang si Mr. Ocampo sa ibang Business Proposal nya saakin habang kumakain kame.

_______________

Habang tapos na ang usapan sa bussiness proposal ni Mr. Ocampo.

Ay nag paalam na rin ako.

"Oh, paano po Mr. Ocampo mauuna po ako sa inyo." Magalang na paalam ko sa kanila.

"Oh, sige Mr. Garcia at malalim na rin ang gabi." Sagot nito at tumayong nakipag kamay saakin.

"Sige po. Paalam." Tumatangong sagot ko rito.

"Dad, nag tetext si Jane. Susunod raw po dito kasi nababagot siya sa bahay."

Biglang sabi ng anak nito ng ikatigil ko pag alis.

"Ah ganon ba? Oh sige sabihin mo hintayin na'tin siya dito at makakain na'rin siya dito." Sagot nito sa anak at bumaling ulit saakin.

"Oh Mr. Garcia gusto mo bang hintayin ang isa ko pang Anak para makilala mo na'rin?" Alok ulit nito saakin ng kinabahala ko.

"Hindi na siguro Mr. Ocampo. Madami pa rin po kasi akong kailangan asikasuhin na mga trabaho nasa bahay. Siguro sa sususnod nalang." Magalang kong sagot sa kanya. Sana maniwala ka. Ayoko pang makita ang isa mo pang anak.

"Ah ganon ba? Oh, Sige next time nalang siguro kasi masyado na kaming nakakaabala sayo Mr. Garcia." Nakangiting sagot nito saakin.

"Hindi naman po. Maraming lang talaga po akong kailangan taposing trabaho Mr. Ocampo." Magalang kong sagot. At nag umpisa nang umalis kasunod ng aking sekretarya.

Pasensya na Mr. Ocampo pero hindi pako handa makita ang isa mo pang anak. Sambit ko sa aking sarili habang nasa byahe.

[To be continued...]

______________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status