Zion POV
Doc. ZM, dito lang po kayo sa labas kami na ang bahala kay Miss Alexes," sabi sa akin ni Doc. Martinez ang OB-GYN ni Sandy.
"Doc. Martinez, tutulong po ako sa pag-aasikaso sa kan'ya. Pre-mature kasi ang magiging baby ni Sandy baka makakatulong ako," pamimilit ko.
Alalang-alala talaga ako sa kalagayan ni Sandy at sa baby nito.
Nahalata naman ito ni Doc. Martinez.
"Don't worry Doc. ZM, walang masamang mangyari kay Miss Alexes. Kapag may problema about sa baby ikaw ang una naming tatawagin. Sa ngayon kami muna ang bahala kay Miss Alexes," sabi nito.
Wala akong magawa nang isara na nito ang pinto ng labor room.
Isang oras na akong pabalik-balik sa labas ng labor room ngunit wala pa ring lumalabas na mga nurse upang ipaalam kung ano na ang kalagayan ni Sandy sa loob.
Naghintay pa rin ako nang ilang oras pa ngunit wala pa rin.
Hanggang sa...
"Paging Doc. ZM Conde, please proceed to an NICU pedia room,
Zion POVBaka nagtataka po kayo sa mga nangyayari. Hindi po ako totoong anak ni Mommy Isabel. I'm adopted child. At laking pasasalamat ko at siya ang naging adopted parents ko dahil ibinigay n'ya ang lahat sa akin at itinuring akong tunay na anak.Galing po ako sa isang children shelter. At nasa 5 years old pa lang ako noon nang ma-adopt ako ni Mommy Isabel.Hindi ko alam kong sino ang totoo kung mga magulang. Basta ang sabi sa akin nang mga nag-alaga sa akin sa children shelter ay isang babae ang nagdala sa akin doon na ayaw magpakilala at iniwan ako roon noong sanggol pa ako. At wala na akong balak na hanapin pa ang aking mga totoong magulang dahil masayang-masaya na ako kung ano ang meron ako sa ngayon."Mommy, maaari ko bang malaman kung ano nangyari, bakit mo nasabing pinatakas mo si Yaya Mercy kasama si Alisa," pukaw ko sa mahabang pag-iisip nito."Ang hospital na ito ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko at ang daddy ni Alisa at
Kenny POV Nandito ako ngayon sa loob ng kapilya ng hospital na ito. Nakaupo sa mahabang upuan at taimtim na nanalangin. Simula pa nang ma-admit si Tito Albert sa hospital na ito ay wala akong sawang pumupunta dito upang manalangin at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko. Pero sa pagkakataong ito ay nanalangin ako upang ipagpasalamat sa mga nangyari sa aking buhay lalong-lalo na ipiagpasalamat ko ang pagbabalik ni Tito Albert. "Maraming salamat po Ama at inbinalik mo si Tito Albert sa amin. Hindi mo po ako binigo nang hilingin ko na pagaling n'yo po ang ama nang babaeng mahal na mahal ko. Pero may isa pa po sana akong hiling na matagal ko nang pinapanalangin sa'yo Ama na sana ay ipagkaloob n'yo po sa akin. Na sana kung hindi labag sa inyong kalooban Ama, hinihiling ko na sana bumalik na si Alexes, sa kan'yang mga magulang kahit na hindi n'ya ako mapapatawad basta makita na s'ya at bumalik sa Daddy at Mommy n'ya," panalangin ko at pagkatapos no'n ay tum
Alexes POV Nagising ako sa matinis na iyak ng isang sanggol. "Nasaan ako," agad na tanong ko nang imulat ko ang aking mga mata. "Nandito ka ngayon sa recovery room, Miss Alexes," sagot ng isang attending physician sa akin na inaayos ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa paligid ng silid. Hindi ko makita ang hinahanap ko. "Iyong mga baby ko, nasaan sila bakit hindi ko sila nakikita?" tanong ko na kinakabahan at nag-aalala. "Don't worry po Miss Alexes, okay lang ang mga baby mo. Kailangan lang nilang e-encuvate kasi pre-mature po sila. Nasa NICU na sila ngayon sa encuvator," sabi nito. "Gusto ko silang makita. Maaari ko ba silang puntahan?" tanong ko. "Yes naman po! Mamaya pwede mo silang puntahan sa visiting hours mga 4:00 to 6:00 p.m. need mo lang magsuot ng PPE para po sa protection ng mga babies. Masilan pa kasi ang kanilang kalagayan but they are healthy at walang proble
"Kenny! Iho, kumusta na ang kompanya?" tanong ni Tito Albert sa akin.Nandito ako ngayon sa loob ng silid ni Tito Albert sa DJMMH o ang Don Julius Menandro Memorial Hospital.Nakaupo na ito sa kan'yang kama at ako naman ay nagbabalat ng orange para ibigay dito."Okay naman po Tito, naibalik na po ang pera sa atin, sa kompanya at dumadami na rin po ang mga delivery natin sa ibang bansa," sabi ko."Hon, 'wag mo munang isipin ang kompanya, and'yan naman si Kenny, s'ya na ang bahala. Ang isipin mo ay kung papaano ka gumaling at lumakas agad," sabi ni Tita Ellen na kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan namin."Oo nga po Tito Abert, ako na po ang bahala, hindi ko po pababayaan ang kompanya. Magpagaling po muna kayo," sabi ko."Okay, sa iyo ko pinagkakatiwala ang kompanya, Kenny. Sana this time maging maingat at maalam ka na sa paggawa nang mga disesyon mo," sabi nito at tinanggap nito at oranges na ibinigay ko."Opo! Tito, pangako! Ay... hin
Kenny POVPagdating ko ng opisina ko ay nadatnan ko si Xander na nakaupo sa maliit na sofa.Tumayo ito nang makita ako at excited na nagsalita."Kenny, alam ko na kung nasaan si Alexes," kaagad na sabi nito sa akin.Umupo muna ako sa kabilang panig ng sofa at nagsalita."That's a good news, But! Xander, hindi lang tayo ang naghahanap sa kan'ya," malungkot kong sabi."Ha? Bakit may iba pa bang naghahanap sa kan'ya," tanong nito."Oo Xander, ang kan'yang tunay na ina," sabi ko."Whooohh! That's a problem," sabi ni Xander."Oo nga Xander, problema talaga pero kailangan na mahanap muna natin si Alexes bago pa ito mahanap ng kan'yang tunay na magulang, "sabi ko.Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala nang malaman ko na si Doctora Isabel ang totoong Ina ni Alexes.Kung iisipin nga ay dapat matutuwa ako dahil marami na kami ang naghahanap. Ang ibig lang sabihin kung marami ang maghahanap at magtutulungan ay
Ellen Viera POV Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Doktora Isabel sa amin pero totoo nabuksan nito ang k'wentas ni Alexes na hawak na n'ya ngayon. Tama kay Alexes ang k'wentas na hawak ni Doktora Isabel. Hiningi ito ni Albert sa akin nang araw bago siya ipinasok sa operating room at hawak-hawak n'ya ito kahit anong pilit na kunin ko ito ay hindi n'ya ito binibitawan. "Makinig ka Doc Isabel, sasabihin ko sa'yo ang lahat," sabi ko at isinalaysay ang lahat simula nang makuha namin si Alexes sa babaeng iyon na sinasabi nito na si Yaya Mercy hanggang sa umalis ito sa mansion ni Kenny at hanggang sa paghahanap namin ngayon. "Nakita n'yo na ba s'ya? May lead na ba kayo kung nasaan ang anak ko?" tanong ni Doc Isabel. Napatingin ako rito at napailing. Nangungusap na sana 'wag n'ya nawang angkinin nang solo si Alexes. "Doc. Isabel, nakikiusap kami sa'yo na kapag nakita na natin siya ay sana 'wag mong ipagkait sa amin ang pagiging ma
Kenny POVMabilis kong ipinarada ang aking kotse sa parking lot ng Don Julius Menandro Memorial Hospital.Ang Hospital kung saan naka-admit si Tito Albert nang halos limang buwan at dito rin daw naka-admit sa hospital na ito si Alexes.Halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa papasok ng hospital. Hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan. Pero kailangan ko makausap at makita si Alexes.Diretso kong tinungo ang information desk ng admitting section."Miss, p'wede ko bang malaman kung nasaan ang silid ni Mrs. Alexes Conde Montemayor?" tanong ko sa isang nurse na nandoon nakaupo sa harap ng computer."Okay! Wait lang po, Sir," sabi nito at nagtipa sa keyboard ng computer."Sir, I'm sorry pero wala pong Alexes Conde Montemayor na naka-admit dito," sabi nito."Sigurado po kayo, Miss," sabi ko.Bakit wala s'ya dito. Hindi maaaring magkamali si Xander."Mayroon po ditong Alexes, Sir, pero Alexes Sandria Viera po ang
Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d