Alexes POV
Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal.
They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag.
Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room.
"Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal.
Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan.
Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo.
Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.<
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Huwag ipilit ang mga bagay na sa simula pa lang ay hindi na pwede dahil ikaw lang naman ang masasaktan sa huli. My name is Alexes Sandria Viera. Slim body, tall, beautiful, cute and sexy. Almost perfect beauty. Kenny Mendoza. Tall, dark and handsome. He is my boyfriend. Nandito ako ngayon sa secret garden na palagi namin pinupuntahan ni Kenny. Actually pinangalanan namin itong secret garden dahil dito kami nagkikita nang patago sa mga magulang ko. Pinagbabawalan pa nila ako na mag-boyfriend dahil ang bata-bata ko pa raw. I am thirteen years old and Kenny, is sixteen years old. "Baby, I'm sorry na late ako katatapos lang kasi ng mga exam ko. Ano ba ang pag-uusapan natin?" sabi nito na nakangiti. "Kenny, let's end this. Break na tayo!" sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kaya ang tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata at baka hindi ko pa masabi ang gustong ipagawa sa akin nang mga magulang ko. "No Ale
Alexes POV Mag-iisang buwan na simula noong hiwalayan ko si Kenny, at gano'n din katagal na hindi ko siya nakikita. "Kenny, na saan ka na ba. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra!" malungkot na saad ko sa aking sarili. "Magpakita ka na sa akin please!" malungkot ko pa rin na sabi sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni Kenny ngunit ngayon ay ako na lamang mag-isa. Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni Kenny, ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa Kenny. Nandito na naman ako naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating. Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Kahit na an
Alexes POV Lumipas ang anim na buwan mula noong huli naming pagkikita ni Kenny. At sa loob nang anim na buwan na iyon ay halos araw-araw pumupunta ako sa secret garden pagkatapos nang aking klase. Wala akong ibang ginagawa kundi alalahanin at gunitain ang mga araw na magkasama pa kami noon ni Kenny. May pagkakataon pa na ginagawa ko nang mag-isa ang mga bagay na noon ay kaming dalawa ni Kenny ang gumagawa. Tulad na lamang nang pangunguha namin nang mga matataas na damo na tumutubo sa mga ligaw na bulaklak sa secret garden namin. "Gumaganda na ang tubo nang mga ligaw na bulaklak dito," ang sambit ko sa sarili habang masaya ko na pinagmasdan ang mga ibat-ibang uri nang mga paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak. Ang ganda nilang pagmasdan na palipat-lipat sa mga petals nang mga bulaklak. "Sana paru-paro na lang ako kasi ang simple lang nang mga buhay nila. Malaya silang mamili at dumapo sa mga bulaklak na gusto nila," sabi ng isipan ko. K
Alexes POV"Good morning Architect!" bati sa akin nang isang empleyado namin dito sa construction firm."Good morning din sa'yo!" masayang tugon ko dito at tuloy-tuloy ko nang tinungo ang aking opisina.Pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay inilapag ko ang aking bag sa mesa ko at hinubad ang suot na jacket suite ko.Umupo ako sa aking swilling chair at inikot-ikot ito habang nakatingala sa kisami.Maya-maya ay kinuha ko ang blueprint na matagal ko nang ginawa. Tiningnan ko ito nang mabuti at siniyasat kung may dapat pa ba akong baguhin sa bawat anggulo o parte ng ipapatayong building."Halos perfect na lahat. Sigurado ako na napakaganda nito sa oras na maipatayo na ang building na ito," sambit ko.Ang kulang nalang ay ang Engineer na gagawa nito. May mga Engineer naman kami rito sa construction firm namin ngunit gusto ko ay iba ang nagawa ng building na ito. Kasi ipapatayo ko ito sa isang pinaka-memorable na lugar sa buhay ko.Y
Kenny POV"Mr. Mendoza, Sir someone posted on social media that she was looking an Engineer to build the building she was going to build and thought you were the right one there it to build," sabi sa akin nang aking sekretarya at ipinakita sa akin ang naka post sa social media.Tiningnan ko ang nakapost. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman nang makita ang post nito. Lungkot, saya, galit, poot at hinanakit ang nararamdaman ko. Lungkot at saya dahil kilala ko ang may-ari nang nag post sa social media. Galit, poot at hinanakit dahil nanumbalik sa akin ang pait at sakit na aking naramdaman noon.It is Alexes Sandria Viera, ang babaing kauna-unahang minahal ko at the same time siya rin ang babaing nagbigay nang sobrang pait at sakit sa buong buhay ko.Agad ko namang kinuha ang social media account nito at nag comment sa kaniyang post. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho ko.Buong araw na subsob ako sa trabaho. Nakaupo na ako ngayon sa harap n
Alexes POVNasa huling bahagi na ako ng skitch plan ko para sa ginagawa ko na blueprint nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko."Aloha, magandang Pilipina!" sigaw nito at patakbo na pumunta at yumakap sa akin."Oy, Mitch, akala ko nasa Canada ka pa!" masaya ko na sabi."Oo nga, nang magka-usap pa tayo last day ay nasa Canada pa ako. Kakarating ko lang. Since daanan naman itong office mo pauwi sa bahay namin i decided na bisitahin ka. Kumusta ka na girl?" masaya nitong tanong."Ito si Alexes, pa rin," malungkot na sagot ko."And still si Kenny, pa rin!" makahulugang sabi nito.Tiningnan ko lang ito."Girl, sobra na sa isang decade ang nakaraan hindi mo pa rin siya ma-forget!" sabi nito at pinanlakihan ako nang mga mata."Bakit ka nandito. I mean bakit ka napauwi dito sa Pilipinas. Akala ko ba sabi mo doon ka na lang sa boyfriend mo na white skin!" nagtatampo ko na sabi."Asus huwag ka na
Kenny POV "Babalikan kita Alexes, at hindi mo makakalimutan habam-buhay ang paghihiganti ko!" sigaw ko nang maalala na ang lahat simula nang anim na taon na ang nakalipas. Na sa 3rd year college na ako noon sa aking kurso bilang Engineer nang mga oras na maalala ko ang nakaraan namin ni Alexes. Bumalik na ang aking alaala. Hindi ko alam kung papaano bumalik, basta nagising na lang ako isang umaga na iyak nang iyak na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Kasabay nang pagbalik ng mga alaala ko ay bumalik din sa aking puso at isipan ang sakit at pait nang nakaraan. "Bakit mo ginawa iyon Alexes. Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo rin ako pero bakit mo ako pinaniwala sa ipinakita mong pagmamahal na hindi naman pala totoo. Manggagamit ka. Hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ko. Sinungaling, manloloko. Humanda ka sa pagbabalik ko. Maghihiganti ako sa iyo!" galit ko pa rin na sabi sa aking isipan. Upang maisakatuparan