Share

Chapter 5 Self pity

Alexes POV

Nasa huling bahagi na ako ng skitch plan ko para sa ginagawa ko na blueprint nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.

"Aloha, magandang Pilipina!" sigaw nito at patakbo na pumunta at yumakap sa akin.

"Oy, Mitch, akala ko nasa Canada ka pa!" masaya ko na sabi.

"Oo nga, nang magka-usap pa tayo last day ay nasa Canada pa ako. Kakarating ko lang. Since daanan naman itong office mo pauwi sa bahay namin i decided na bisitahin ka. Kumusta ka na girl?" masaya nitong tanong.

"Ito si Alexes, pa rin," malungkot na sagot ko.

"And still si Kenny, pa rin!" makahulugang sabi nito.

Tiningnan ko lang ito.

"Girl, sobra na sa isang decade ang nakaraan hindi mo pa rin siya ma-forget!" sabi nito at pinanlakihan ako nang mga mata. 

"Bakit ka nandito. I mean bakit ka napauwi dito sa Pilipinas. Akala ko ba sabi mo doon ka na lang sa boyfriend mo na white skin!" nagtatampo ko na sabi.

"Asus huwag ka na magtampo girl, ikaw pa rin 'yong favorite friend ko," sabi nito.

"Ah gano'n favorite friend pero hindi mo man lamang dinalhan nang chocolate from Canada!" sabi ko habang pigil ang ngiti.

"Haha, alam ko naman na afford mo ang bumili nang mga imported chocolate kaya hindi na kita binilhan. Pero may chika ako na alam ko na maging interested ka," sabi nito na kumikindat pa sa akin.

"Oh, ano naman 'yon?" tanong ko saka inililigpit ang aking mga drawing skitch.

"Alam mo girl, nagugutom ako wala bang coffee shopes dito," sabi nito.

"Kahit kailan hindi ka talaga nagbabago, pagkain pa rin na sa isip mo palagi. Sa baba meron, doon tayo," sabi ko habang tumatawa saka hinila siya palabas ng office ko.

"Oh ano ba 'yong chika na sinasabi mo?" tanong ko nang matapos naming mag order nang mga pagkain.

"Pwede ba mamaya na lang iyon, nagugutom na talaga ako girl!" sabi nito at nilantakan ang pagkain na kakalapag lang nang waiter sa aming mesa dito sa loob nang isang restaurant sa ground floor ng construction firm namin.

"Oy Mitch, dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka. Wala ka pa ring pinagbago pagdating sa pagkain ang siba mo pa rin!" sabi ko habang nakatawa.

"Oh, kumain ka na baka maubos ko ang mga ito," sabi nito na halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi dahil sa puno na nang pagkain ang bunganga nito.

Kumain na rin ako kasi nakaramdam na rin ako nang gutom. Kanina pa ako nagugutom. Plano ko na tatapusin na rin 'yong mga ginagawang drawing ko bago pa man dumating itong kaibigan kong bigla-bigla na lang sumusulpot.

Tapos na kaming kumain ni Mitch, at ngayon ay nandito na kami sa loob ng opisina ko. 

May tinitingnan ako sa aking mga skitch plan nang magsalita ito.

"Talaga ba na hindi mo pa rin siya nakakalimutan girl?" basag ni Mitch, sa katahimikan naming dalawa sa loob ng opisina ko.

"Ha, sino?" maang-maangan ko. Kunyari hindi ko alam ang tinutukoy nito.

"Ay, pa as if girl na hindi alam. Syempre si, Kenny!" diretso nitong sabi.

"Now alam ko na kung ano 'yong chika mo na kanina ko pa tinatanong na hindi mo sinasabi kasi binibitin mo ako. It is all about him!" sabi ko.

"Oo, kaya pala pumunta sila nang family n'ya sa America kasi, doon siya nagpatuloy sa pagpagamot hanggang sa gumaling ito," sabi nito.

"Nagpagamot, wala naman siyang sakit ah!" nagtataka ko na sabi.

"Naaksidente siya noon sa araw mismo nang kayo ay maghiwalay," malungkot na sabi nito.

"Ano! Naaksidente. Bakit?" gulat na gulat kong tanong.

"Hindi ko na alam kung bakit. Siguro 'yong family n'ya or si Kenny, mismo ang makakasagot niyan. Basta iyan lang ang alam ko," sabi nito.

"Kaya pala hindi na siya nagpakita pa. Pero sana man lamang ay nag paalam siya nang umalis sila," malungkot na sabi ko.

Sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Sinisisi ko ang aking sarili kasi pakiramdam ko ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya ang dahilan kung bakit naaksidente ito.

"Mitch, selfish ba ako?" tanong ko habang hindi ko mapigilan ang umiyak.

"Ha, hindi ka mukhang isda. Bakit mo naman nasabi?" nakangisi nitong tanong.

Alam ko na gusto n'ya lang pagaanin ang loob ko.

"I'm serious, makasarili ba ako?" ulit kong tanong habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

"Friend hindi ah. Mabait kang tao at masunurin sa mga magulang. Kaya huwag mong isipin na makasarili ka. Wala kang kasalanan. Hindi mo iyon ginusto kaya huwag mong isipin na ikaw ang may mali. Saka pwede ba huwag ka kasi basta-basta nalang iiyak kapag kaharap ako napapaiyak mo na rin ako eh!" sabi nito habang maarting pinupunasan ng isang daliri nito ang sariling mga luha at pilit na ngumiti sa akin.

"I'm sorry hindi ko lang mapigilan ang mga luha ko sa tuwing maalala si Kenny. Napakasakit lang isipin na dahil sa akin ay kusang lumayo sa akin ang taong mahal na mahal ko. Ako ang gumawa nang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Sinaktan ko siya to the point na nalagay na sa alanganin ang buhay niya at siya na mismo ang bumitiw. Napaka selfish ko Mitch, ang selfish selfish ko. Huhuhu!" sabi ko na humahagolgol na naman sa pag-iyak.

"Shh, tama na 'yan girl. Huwag mong sisihin sarili mo. Wala kang kasalanan. Sinunod at ginawa mo lang kung ano ang dapat at tama," sabi nito at niyakap ako.

Hinayaan na lamang ako ni Mitch na umiyak nang umiyak hanggang sa tumahan na ako.

"Are you sure na okay ka na?" paninigurado na tanong ni Mitch, sa akin.

"Oo, " sabi ko habang tumatango-tango.

"Okay, sige huwag ka nang umiyak. Sira na ang beautiful face mo oh," pangungulit pa rin nito.

"Opo, hindi na po madam. Sige na umuwi ka na. Kanina ka pa hinihintay nila Tita," sabi ko at itinulak ko ito papuntang pintuan.

"Kita mo ang babaeng ito matapos akong iyakan papaalisin na naman kaagad ang sama nang ugali mo girl," pagbibiro nito.

"Oo na, bumalik ka na lang bukas. May mga blue print pa ako na tatapusin," sabi ko.

Nang makalabas na ito ng opisina ko ay isinarado ko ang pintuan at pumasok sa paborito kong lugar sa tuwing nakakaramdam ako ng upset at regration sa buhay at doon ko ibinubuhos ang lahat na sama nang loob ko. Ang Comfort Room.

Pagpasok ko nang comfort room dito sa opisina ay tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo. Halos lahat ay na sa iyo na pero bakit hindi ka masaya. Bakit hanggang ngayon ay dala-dala mo pa rin ang mga masasakit mo na nakaraan. Bakit hindi mo makalimutan ang isang tao na wala nang pakialam sa iyo. Tinagurian ka na isang matalinong tao at magaling sa halos lahat na bagay pero bakit pagdating sa sarili mo wala ka nang makukuhang sagot sa mga tanong mo. Bakit sobrang sakit pa rin?" mga katanungan ko sa aking isipan habang tinitingnan ang sarili sa salamin at nakikita ko ang pag-uunahan nang paglandas ng mga luha sa aking mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status