Share

Chapter 6 Planning Revenge

Kenny POV

"Babalikan kita Alexes, at hindi mo makakalimutan habam-buhay ang paghihiganti ko!" sigaw ko nang maalala na ang lahat simula nang anim na taon na ang nakalipas.

Na sa 3rd year college na ako noon sa aking kurso bilang Engineer nang mga oras na maalala ko ang nakaraan namin ni Alexes.

Bumalik na ang aking alaala. Hindi ko alam kung papaano bumalik, basta nagising na lang ako isang umaga na iyak nang iyak na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Kasabay nang pagbalik ng mga alaala ko ay bumalik din sa aking puso at isipan ang sakit at pait nang nakaraan.

"Bakit mo ginawa iyon Alexes. Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo rin ako pero bakit mo ako pinaniwala sa ipinakita mong pagmamahal na hindi naman pala totoo. Manggagamit ka. Hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ko. Sinungaling, manloloko. Humanda ka sa pagbabalik ko. Maghihiganti ako sa iyo!" galit ko pa rin na sabi sa aking isipan.

Upang maisakatuparan ko ang aking mga plano na paghigantihan si Alexes ay nag-aral ako nang mabuti. Pinangarap ko na maging isang sikat na Engineer upang sa gano'n ay madali kong isakatuparan ang mga gusto kong gawin na paghihiganti.

Wala akong sinayang na oras at panahon. Nagpursige ako sa pag-aaral. 

Paaralan at bahay lang ang ginagawa ko. Sa tuwing weekend ay pumupunta ang mga kaibigan ko sa bahay namin upang dito kami mag-bonding. Hindi na ako lumalabas para maka-iwas sa disgrasya at iwas na rin sa mapabarkada.

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon na wala akong ibang iniintindi kundi ang mag-aral nang mag-aral.

"Congratulations Son, sa wakas natapos mo na rin ang kurso mo. We are so proud of you for being graduated as Magna-Comlaude!" masayang bati sa akin ni Mommy.

Noong una ay nahihirapan ako sa pag-aaral ko dahil wala akong maalala kahit ano. Pero nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang sa nakaalala na ako. Tatlong taon mula ng makaalala ako ay nakapaggraduate na ako bilang isang Cevil Engineer.

"Thank you so much Mommy, sa inyo ni Ate hindi kayo nagsawa na alalayan ako sa mga panahon at oras na wala akong maalala. Maraming salamat sa suporta," sabi ko.

After graduation ay nagtrabaho ako kaagad sa kompanya na pagmamay-ari ng Daddy ko. Sa loob nang mahigit dalawang taon na pagtatrabaho ko sa kompanya ay pinaunlad ko ito. Naging top grossing company ito sa loob nang isang taon na pamamalakad ko. At nanatili itong numero uno sa kasalukuyang panahon.

"Dad, can i have a favor?" hiling ko kay Daddy.

Magkasama kami ngayong kumakain sa loob ng kan'yang Executive Office.

"Since na bago pa lang ang Company natin sa Pilipinas gusto ko ako ang magpatakbo roon kung papayag kayo," sabi ko.

"Oh sige iho, alam ko naman na gustong gusto mo nang umuwi nang Pilipinas papayag ako. Malaki ang tiwala ko na mapapaunlad at mapapalawak mo ang ating kompanya roon," sabi ni Daddy.

"Yes, thank you, Dad," sabI ko.

Masaya ako na pumayag si Daddy sa gusto ko dahil mas madali ko na maisakatuparan ang mga plano ko. 

Limang taon na nawala ang aking alaala.

Limang taon na paulit-ulit kong pilit inaalala kung bakit ako nakakaramdam nang sobrang lungkot at sakit sa tuwing hinahawakan ko ang panyong kulay pink na itinago ko.

At ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sakit anim na taon na ang nakaraan simula nang maalala ko si Alexes. 

Nanatili pa rin ang sakit na dulot nang kaniyang pakikipaghiwalay sa akin noon halos sobra na sa isang decada ang nakaraan.

FASTFORWARD

"Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko," sabi ko sa isipan na may mga ngiti sa labi habang nakahiga sa aking kama.

Nandito na ako sa isang condo unit ko sa Pilipinas. Kakarating ko lang at kasalukuyang tinititigan ang cellphone ko.

"Ah, nagtatrabaho ka na rin pala," sambit ko habang binabasa ang bio nang babaing pakay ko na gawing exciting ang kanyang buhay.

"Architect Alexes Sandia Viera, hindi ka pa rin nagbabago," wala sa sarili na bulong ko.

"May boyfriend na kaya siya. Siguro naman wala kasi naka single pa ang status niya. Single, mas mabuti walang sasagabal sa mga plano ko," nangingiting sabi ko sa sarili.

Natatawa ako sa sarili ko kasi para na akong nababaliw sa mga naiisip ko. Sarili kong tanong, sarili ko rin na sagot.

"Sinaktan mo ako noon, magdudurusa ka ngayon Alexes, baby ko," sabi ko habang napangiti naman nang mapait.

Walang kasing sakit ang nadarama ko dahil sa mga isipin na bumabalik-balik sa isipan ko.

Hangad ko na makita ang kanyang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan ko. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sobrang sakit na madarama kapag ikaw ay niloko at pinaasa. Pero bakit sa kabila nang lahat nang ito ay hindi ko mawaglit sa aking isipan ang mga masasayang nakaraan namin.

Galit ako sa kan'ya pero bakit gusto ko siya na mayakap at makasama. Hindi tama, mali itong nararamdaman ko na gusto ko pa siyang makita, maling-mali. Hinding-hindi na ako papayag pa na mahuhulog pa akong muli sa iyo kahit kailan man Alexes. At nakabuo na ako nang plano kung papaano ko sisimulan ang paghihiganti ko.

Napangiti akong muli nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Alexes bilang ako ay si Mr. Hurtman.

Pinalitan ko nang Mr. Hurtman ang aking pangalan sa aking social media account upang sa ganoon ay hindi ako makilala ni Alexes. At dito ko sisimulan ang paghihiganti ko. 

Si Mr. Hurtman ang makikilala nito at hindi ako. Ang lalaking nasaktan noon at ang lalaking mananakit ngayon.

Hindi biro ang sakit na nadarama ko noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin sa aking puso. Sakit na halos ikadurog ng puso ko at sanhi pa ito nang pagkalagay ng buhay ko sa alanganin at pagkawala ng alaala ko.

At ngayong ako naman ang may pagkakataon na ibalik sa kanya ang lahat nang sakit na dinanas ko noon ay gagawin ko ito sa paraan na hindi niya namamalayan a ito naman ang mahuhulog sa mga bitag ko. 

Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay ako naman ang mananalo sa laro na sinimulan niya noon.

Nakikita ko na ngayon pa lang ay sigurado akong iiyak ito sa aking harapan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status