Share

Chapter 7 The Pretender

Kenny POV

Dahil sa ang dami kong iniisip at pagod sa biyahe ay nakatulog ako.

Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Bumangon ako at pumunta ng kitchen upang maghanap nang pagkain. Nakita ko ang dalawang pack nang noodles.

"Ito na lang ang kakainin ko maganda ito kasi madali lang lutuin," sambit ko.

Pagkaraan nang ilang minuto ay luto na ito at nagsimula na akong kumain.

Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking silid tulugan at ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama.

Habang nakahiga at gumuguni-guni ay nakatitig ako sa kawalan nang may naisipan akong plano to make my first move for my revenge.

I dialed a number on my cellphone.

"Hello Bro. Kenny, napatawag ka," sagot nang sa kabilang linya.

"Yes , Bro Drieck, kumusta can I asked a favor?" bungad ko nang sagutin niya ang kabilang linya.

"Okay lang naman ako Bro, nakauwi ka na ba nang Pilipinas?" tanong nito.

"Oo Bro," sagot ko naman.

"It's good to hear that Bro, na nakabalik ka na pala. Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?" tanong ulit nito habang naririnig ko sa background nito ang online games na nilalaro nito.

"Actually kararating ko lang kaninang umaga. May ipapagawa sana ako sa iyo," saad ko.

"Welcome back Bro. Okay, basta ikaw no problem. Ano ba 'yong ipapagawa mo?" tanong nito.

"Meet Alexes Sandria Viera, and pretend as me using the name of Mr. Hurtman," sabi ko at ipinaliwanag ko ang lahat dito.

"Okay pretending as like you, no problem. It's so easy. Haha," sabi nito at tumatawa pa.

"Thank you so much Drieck, isa ka talaga sa mga kaibigan na maaasahan ko," sabi ko.

Alexes POV

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan napagkasunduan naming magkita ni Mr. Hurtman.

Isa itong kainan na sikat sa mga iba't-ibang uri nang pagkain at kilala sa kanilang menu dishes na inihaw na manok at unli rice.

Hindi nagtagal ay may pumasok na isang lalaki at lumapit ito sa kinauupuan kong mesa dito sa loob nang sikat na kainan na ito.

I assumed na si Mr. Hurtman ito.

"Hindi naman pala siya kagwapohan pero may hitsura rin naman at professional na professional ang dating at ang postura nito. Halatang mayaman ito sa suot na leather jacket. Okay, cute s'ya pero hindi ko type 'yong mga napagawa n'ya na mga building at kanyang trabaho ang type ko," sambit ko sa sarili.

At hindi ako nagkamali nang magsalita ito at magpakilala.

"Architect Alexes Sandria Viera, I am Mr. Hurtman," pagpapakilala nito at iniabot ang kamay nito sa akin.

Tinanggap ko naman ito.

"Nice meeting you, Mr. Hurtman, maupo ka," sabi ko sabay turo nang isang upuan sa harapan ko sa kabilang gilid nang mesa.

"Me too, Miss Architect Viera, salamat," sabi nito at umupo na rin sa upuan.

"Okay, let's start our deal?" tanong ko.

"Okay, now saan tayo magsisimula?" tanong nito.

"Let's start with a materials na gagamitin. Gusto ko hindi tinitipid ang mga materials. I suggest the best quality materials must be used. Saka ang mga structures dapat malinis ang pagkakagawa. Ayaw ko nang may mga palihis o hindi pantay ang mga sukat. Dapat din na may pag-iingat sa paggawa ng building, ayaw ko na may ma-accident o madisgrasya. Kailangan ang safety nang mga tauhan at syempre ang safety din nang mga materials. At kapag nagsimula na ang paggawa gusto ko tuloy-tuloy pero bigyan n'yo rin sana nang sapat na pahinga sa trabaho ang mga lahat na nagtatrabaho para sa paggawa nang building. Kailangan maganda ang kanilang kalusugan kasi naniniwala ako na, a great works comes from great performances, and a great performances comes from great body and mind," mahabang saad ko.

"Okay, masusunod ho Miss Architect," pagsasang-ayon nito.

Marami pa ang napag-usapan namin ni Mr. Hurtman na halos umabot nang isang oras.

"Thank you Miss Architect Alexes, makakaasa ka na matibay ang pagkakagawa ng building na iyong nais ipagawa," sabi nito.

"Welcome and thank you also. Sana masunod ang lahat na detalye nang bawat sulok at bahagi ng building mula sa maliliit hanggang sa pinakamalaking bahagi nito. Saka nais ko na mapanatili ang kagandahan nang lugar. Napaka-memorable kasi sa may-ari ang lugar na pagpapatayuan ng building. At ayaw ko rin na mawala ang kagandahan nang mga puno at halaman doon. Kung maari ang nasa likuran nang bahagi ng land area ay huwag sirain. Sinugurado ko naman na hindi na aabot pa roon ang mga construction materials kapag na-deliver na ito kahit gaano pa ito karami. Malawak pa ang lugar na pwede ninyong paglagyan nang mga materials huwag lang doon sa parts na iyon. It was a nice place at ayaw ko na masira iyon," sabi ko na may halong lungkot.

"Ang lahat nang iyong gustong mangyari ay masusunod, Miss Alexes," sabi nito.

"By the way, can I asked something," sabi nito.

Tumango-tango ako sinyales na magtanong lang ito.

"Yes, of course. Go a head. What is it?" sabi ko.

"Kanino ho ba ang building na ipapatayo? Kasi kanina pa tayo nag-uusap tungkol sa ipapagawang building pero hindi ko alam kung sino ang may-ari. Base on what I see in your blueprint sobrang ganda. Para ba na sobrang mahal nang may-ari ang lugar," mahabang turan nito.

Ngumiti ako sa kanya at sinabi na, "It's mine. Sa akin ang ipapatayong building. It is my dream house."

"Dream house naming dalawa ni..." at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at ngumiti ako nang mapait.

I smiled it with a bitterness kasi nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangarap at napag-usapan namin noon ni Kenny. 

Flashback.

"Okay, where here na. P'wede mo nang imulat ang mga mata mo," sabi nito at kinuha ang mga kamay nito na nakatakip kanina sa aking mga mata. 

"Surprise!" sabi ni Kenny at inilahad ang dalawang kamay na nakaturo sa malawak na lupain.

"Wow! ang ganda-ganda naman nang lugar na ito, Kenny." Bulalas ko nang makita ang kagandahan nang paligid.

Dinala niya ako rito para mag-celebrate nang first monthsary namin.

Ang napakaganda nang paligid nito at napakalawak nang lupain. Kapag nakatayo ka sa gitna para ba na napapaligiran ka nang mga marami at magagandang puno at halaman. Dagdag pa rito ang mga iba't-ibang uri nang mga ligaw na bulaklak.

Napayakap ako Kay Kenny sa sobrang tuwa.

"Nagustuhan mo ba?" tanong nito na nakangiti sa akin.

"Oo! Kenny, gustong-gusto ko. Thank you. Alam mo talaga kung ano ang mga gusto ko. Napasaya mo ako," sabi ko na nangingiyak sa tuwa.

"Alam mo ba na balak ko itong bilhin. Ang lupaing ito kapag nakapagtrabaho na ako, dahil pangarap kong dito ipapatayo ang dream house nating dalawa," sabi nito.

"Talaga, dito tayo magpapatayo ng dream house natin!" masayang sabi ko.

"Oo naman! Tapos ikaw ang magiging Architect nang ipapatayo nating dream house. Kasi ang galing-galing mong gumawa nang mga plano. Saka the best ka pa sa drawing kaya ikaw ang gagawa ng blue print," sabi nito habang nakayakap ito sa aking likuran at nakapatong ang baba nito sa aking balikat hawak ko naman ang dalawang kamay nito sa harapan ko.

"Tapos ikaw naman ang magiging Engineer. Ikaw ang magpapagawa para masiguro natin na maganda at matibay ang pundasyon nito. Para tumagal ito at nakatayo pa rin nang napakahabang panahon hanggang sa mga anak nang ating mga anak. Siguraduhin nating maging matibay para kahit na ano pa mang mga bagyo at lindol ang dumating ay hindi basta-basta masisira o mawawasak," sabi ko na nakaharap na kay Kenny ngunit magkayakap pa rin.

He smiled on me at pinisil ang aking  ilong.

"Ikaw talaga ang bata-bata mo pa pero parang mas matured ka pa sa akin kung mag-isip. Kaya nga mahal na mahal kita eh. Ang swerte ko at naging girlfriend kita. Ang tatalino mo, Baby." He said and kissed me on my forehead.

"I Love you so much, Alexes." His whispered on my ears that gives me a happy feeling that bloom in to my whole body.

"l Love you more, Kenny," sagot ko naman dito.

"Ehem! Miss Alexes," dinig ko na tawag sa aking pangalan.

Nabalik sa realidad ang aking isipan nang may nagsalita sa harapan ko. 

"Ha? I'm sorry Mr. Hurtman, hindi kita narinig. Pardon please," sabi ko.

"May problema ho ba Architect, natigilan ka kasi," sabi nito.

I smiled on him, at iniangat ko nang kaunti ang aking dalawang balikat. It is mean na wala pero parang meron.

"Amm, sorry may naalala lang ako," sabi ko.

"It's okay Architect, I understand. It is personal right?" sabi nito at pagbibitin nang tanong nito.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

"So, paano Mr. Hurtman, mauna na ako may pupuntahan pa ako. I'm sorry at nadala ko pa sa trabaho ang problema ko," sabi ko at paghingi nang paumanhin.

"No problem Miss Architect Viera, natural lang sa buhay ang problema," sabi nito na Napangiti.

"Thank you for understanding, so our deal has closed na," sabi ko.

"Deal," sagot nito.

Sabay na kaming tumayo at nagpaalam na sa isa't-isa pagkatapos naming mag-shakehands.

  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status