Share

Chapter 8 The unknown man

Alexes POV

"Kring! Kring! Kring!" tunog ng aking cellphone.

Naalimpungatan ako sa tunog nito. May tumatawag, kinuha ko ito at wala sa sariling sinagot ito. 

"Hello," bungad ko.

"Good morning Baby, enjoy your day," sabi nang na sa kabilang linya.

Nagtataka ako kung sino itong lalaking tumatawag sa akin dahil hindi ko kilala ang boses nito. Tiningnan ko ang numero na nakasulat sa screen. Wala akong matatandaan na may ganitong numero sa mga kaibigan o kakilala ko.

"Sino ho ba kayo? Nagkamali ka yata nang dialed number mo. Saka anong baby baby mo riyan hindi na ako bata pa para tawagin mo na baby!" inis kong sabi.

"Sino kaya ang lokong lalaking ito at ang numero ko ang napagtripang tawagan nito?" taka kong tanong sa sarili.

"Okay, kung ayaw mo nang baby, honey, na lang. Mas maganda at sweet hindi ba, honey!" pang-aasar pa na sabi nito sa akin.

"Aba! at ang lokong ito nang-aasar pa talaga!" pabulong kong sabi.

"Ano 'yon, baby?" tanong nito sa kabilang linya at naririnig ko pa ang mahina nitong pagtawa.

"Ah wala! sagutin mo na lang ang tanong ko. Sino ka ba? Saan mo nakuha numero ko? Ano ho ba ang kailangan mo? Napaka-busy kong tao para makipag-usap lang sa'yo nang walang katuturan at walang kabuluhan!" galit kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit parang napakapresko at simpatiko ang dating nito sa akin.

Naiinis ako sa kan'ya na hindi ko alam.

"Sino ako? Huh? Well... ako lang naman ang yayanig nang mundo mo at future husband mo. I promise! I'll do it that, honey," sabi nito.

"Huh! Future husband, in your face. Are you still in your dreaming on? Hoy gising! Mister nananaginip ka pa siguro. Over my dead body. Hinding-hindi kita magiging husband ko!" galit na galit kong sabi.

"Haha, sige sinabi mo yan. Pero hindi ako papayag na hindi ako ang magiging future husband mo. Gagawin ko ang lahat para magiging asawa at ina ka nang mga anak ko," sabi nito.

"What the..." sabi ko at hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at pinindot ko ang end call button sa screen ng cellphone ko dahil sa sobrang inis.

Pagka-end call ko ay agad naman itong nag-ring ulit. Kaagad ko namang sinagot ito.

"Kung balak mo na sirain ang buong araw ko please, buong buhay ko nalang sirain mo, nakakagigil ka! Wala ka bang ginagawa sa buhay mo. Kung naghahanap ka nang karamay sa buhay mo huwag ako kasi gold ako. Napaka-busy kong tao!" sigaw kong sabi sa aking cellphone.

Nagulat ako nang sumagot ang nasa kabilang linya.

"Alexes, iha anong problema? may kaaway ka ba ang aga-aga naman?" tanong ni Mommy.

Si Mommy pala ang tumawag at kausap ko ngayon sa kabilang linya.

"Ah, eh, wala po, Mommy!" pagsisinungaling ko.

Talaga lang iha, baka may problema ka sabihin mo lang sa akin baka makatulong ako!" pamimilit ni Mommy. 

"Wala po talaga Mommy, bakit napatawag po kayo?" pag-iiba ko nang usapan namin.

"Umuwi ka muna dito sa mansion may pag-uusapan kayo nang daddy, mo," sabi ni, Mommy.

"Bakit po, ano raw po ba ang pag-uusapan namin ni, daddy?" tanong ko.

"Mas mabuti na sa personal n'yo pag-usapan nang daddy, mo. Makakauwi ka ba?" sabi at tanong na rin ni, Mommy.

"Opo! Mommy, bukas uuwi ako riyan sa mansion," sabi ko.

"Okay, hihintayin ka namin dito, Iha. Bye mag-iingat ka palagi. I love you anak," sabi ni Mommy.

"Kayo rin po Mommy, mag-iingat ho kayo ni daddy, mahal na mahal ko po kayo," sagot ko.

Nang matapos na ang pag-uusap namin ni Mommy ay napaisip ako kung ano ang pag-uusapan namin ni Daddy. Wala naman akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin.

Simula nang maka-graduate ako nang college at naging Architect ay hinahayaan na ako nang mga magulang ko sa mga decision at gusto kong gawin sa aking buhay. Ibinigay na nila ang kalayaan ko. Malaya na akong mamili at mag-decide para sa aking sarili bilang anak at palagi silang nakasuporta sa akin ano man ang nais ko.

Nang mag-decide ako na bumili ng condo unit at doon na mamalagi ay hindi sila tumutol bagkos sinabi pa nila sa akin na mabuti nga raw iyon para may investment ako para sa sarili ko.

Masaya ako at malaya na akong mag-decide about on my own self. Kaya naniniwala ako na hindi ako magkakaproblema sa kung ano man ang pag-uusapan namin ni daddy.

"Siguro about sa company at trabaho ang pag-uusapan namin. Siguro gusto ni Daddy, na magpahinga sa trabaho kasi medyo may edad na ito. Nanghihina na ito sa edad na sitenta ey dos (72 years old). Gusto ko na rin na tumigil na ito sa pagtatrabaho para ma-stress free na rin siya. Pero handa na ba ako? Parang hindi pa." Mga alalahanin at katanungan na pumasok sa isipan ko.

Na sa gano'n akong pag-iisip nang biglang sumingit sa isipan ko ang lalaking tumawag sa akin kanina. Napaka-mysterious ang dating nito sa akin.

"Sino kaya siya at bakit ganoon ang mga pinagsasabi nito sa akin. Huh! future husband daw, parang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi nito eh hindi ko nga siya kilala. Never akong magpapakasal sa'yo nianino o nipangalan mo nga hindi ko kilala magpapakasal ppa. Never! Never!" sambit ko sa sarili.

"Hay naku! papansin lang siguro ang taong iyon. Walang magawa sa buhay. Bakit ko ba siya iniisip eh ang dami kong dapat isipin na trabaho sa opisina. Ang dami-dami ko nang iniisip pati ba naman siya iisipin ko pa. Bahala siya sa buhay n'ya wala akong paki," sabi ko na linakasan ko pa sa pagkakasabi ang mga huling salitang sinabi ko.

"Saan po ba kayo walang paki, Ma'am?" tanong sa akin nang janitor dito sa building ng condo unit ko.

Binuksan ko na pala ang pintuan ng unit ko nang hindi ko namalayan dahil sa iniisip ko ang lokong lalaking iyon. Nadinig ko kasi na may kumakatok sa pintuan at wala sa sarili na pinagbuksan ko ito. Kumatok ito para mangulikta nang mga b****a at maglinis na rin ng hallway ng building.

"Ay! sorry, ano po ang sabi n'yo?" nahihiya kong tanong.

"Ma'am, sabi ko po tinatanong po kita kung may ilalabas pa po ba kayong b****a riyan sa loob ng unit mo kukunin ko nalang po ako na ang maglalabas. Ang sagot n'yo po sa akin wala kayong paki. Saan po ba ma'am na wala kayong paki, sa akin o sa mga b****a na kukunin ko po?" naguguluhan nitong saad sa akin.

"Paumanhin po sa inyo kuyang janitor, kinakausap ko lang po sarili ko. Wala na po akong mga b****a dito sa loob and'yan na po lahat sa labas," sabi ko saka ngumiti nang pagkalaki-laki.

"Ah! ganoon po ba ma'am, sige po enjoy talking to yourself," sabi nito and then he shake his head.

"Dahan-dahan lang po sa love life ma'am, baka po mabaliw ho kayo," dagdag pa nito habang papaalis na.

Napatawa na lamang ako sa sinabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status