Alexes POV
"What! Daddy, no! I don't do that. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at lalong ayaw kong matali at makasama sa taong hindi ko mahal!" masama ang loob kong sabi kay, Daddy.
Nandito ako ngayon sa mansion namin at sinabi sa akin ni Daddy ang plano nito. Ang tungkol sa pagpapakasal (Arranged marriage) ko raw sa taong hindi ko kilala.
"Nakapag-usap na kami nang kaibigan ko at may kasunduan na kami na ipapakasal namin kayo nang kanyang anak," mahinahong sabi ni Daddy.
Masamang-masama ang loob ko dahil nakipagsundo ito sa kanyang kaibigan tungkol sa akin na hindi ko alam.
Kasunduan na hindi man lamang inisip at isinaalang-alang ang damdamin ko.
"No! Daddy, ayaw ko. Please! Dad, huwag n'yo po akong pilitin na magpakasal sa taong hindi ko kilala. Please... Daddy, hindi ako pumapayag!" may diin kong pagtanggi.
"Iha, makinig ka, hindi kita pinipilit. Ginagawa ko ito para naman sa'yo ito. I am sure na maging masaya ka sa piling nang mapapangasawa mo. Napakabait niyang anak sa kaniyang mga magulang at sigurado ako na magugustuhan mo siya," mahinahong paliwanag pa rin ni, Daddy.
Wala akong ibang pinapangarap na pakasalan kundi ang taong laman ng puso at isipan ko. Ang tao na kahit kailanman ay hindi nawala ang mga alaala nito sa buhay ko. Nakaramdam ako nang kalungkutan sa isiping ito dahil alam ko na kahit kailanman ay hindi mangyayari.
"Kapag magpakasal ka sa kanya lalong lalawak ang sakop ng kompanya natin. Hindi na tayo mahihirapan sa pag-export ng mga produkto natin sa iba't-ibang bansa. Malaki ang maitulong mo sa kompanya iha, kapag pumayag ka. Anak nang may-ari ng isang malaki at sikat na construction firm ang pakakasalan mo. Marami ang mga sub- companies nito sa iba't-ibang bansa," mahabang paliwanag ni, Daddy.
Nasaktan ako sa sinabi ni Daddy, dahil iniisip ko na para lang pala sa kompanya ang lahat. Iniisip ko na ginagamit lang ako ni Daddy, para mapalaki at mapalawak pa lalo ang sakop ng aming kompanya.
"Bakit ako, Daddy?" naluluha kong tanong.
Tiningnan ako ni Daddy nang may pag-alala sa mukha.
"Ako ang gagamiting instrumento para mapalawak ang company natin. Hahanap tayo nang iba pang paraan, Dad. Ayaw ko talagang magpakasal sa kung sino man iyon!" pagtatanggi ko pa rin.
"Para sa iyo ang lahat nang ito iha, at sa company. Sinisigurado ko lang ang magandang kinabukasan mo at ng kompanya. Sana maintindihan mo ako!" may kalakasan na ang boses na sabi ni, Daddy.
"Naiintindihan ko po kayo Daddy, sa kagustuhan mo na masigurado ang kinabukasan ng kompanya dahil nakikita ko ang paghihirap mo rito para gawing maunlad at lumaki ito pero, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan ko pa pong magpakasal sa anak nang kaibigan mo sa gayong magkasosyo naman kayo sa negosyo," mahinahong sabi ko.
"Iha! Alexes, ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita anak!" mariin nitong sabi.
"No! Daddy, your not. Hindi mo ako mahal dahil kung mahal mo ako hindi mo ako pipiliting magpakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko mahal!" matigas kong pagtanggi.
"Huwag kang magsalita nang ganyan. Mahal kita anak, kaya kailangan kong gawin ito." Sabi nito na may lungkot na sa mukha.
"Pero, Daddy..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunod-sunod na umubo si, Daddy.
Dali-dali kong iniabot sa kanya ang baso na may lamang tubig na nakapatong sa mesa na malapit sa aking kinauupuan.
Tinanggap naman ito ni Daddy at kaagad na ininom ang tubig.
"Thank you, Iha." Sabi nito pagkatapos uminom nang tubig.
"Daddy, may sakit po ba kayo? Napapansin ko po na nangangayat ka na at parang nanghihina ka ah," nag-aalala ko na tanong sa kan'ya.
"Huwag mo akong pansinin, Iha. Stress lang ito sa trabaho," sagot nito saka inilapag ang baso na wala nang laman sa mesa.
Tiningnan ko nang mabuti si, Daddy. Wala na ang dating kulay rosas ng kanyang mga bibig sa halip ay medyo nangingitim na ito. At para ba na hindi maayos ang paghinga nito.
Naawa ako sa aking ama, sa nakikita kong kalagayan nito.
Nilapitan ko siya at niyakap saka hinagkan sa noo.
"I'm sorry, Dad," sambit ko.
"It's okay Iha, don't worry naiintindihan kita nabigla ka lang siguro sa mga sinabi ko, pero kailangan mong pag-isipan nang mabuti ang tungkol sa pagpapakasal mo," malambing nitong sabi.
Hindi ko talaga magawang magalit sa mga magulang ko lalo na kay, Daddy. Binigay nila ang magandang buhay sa akin at sinunod ang lahat nang luho ko. Hindi ko mararating kung ano ako ngayon kung hindi dahil sa moral and financial support nila sa akin.
"Daddy, salamat sa lahat nang sakripisyo mo para sa pamilya natin. Wala kang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Inuuna mo ang kapakanan ko palagi. Napabayaan mo na ang sarili mo. Hayaan mo Daddy, simula ngayon tutulungan na kita sa pagpapatakbo ng ating kompanya. Babawasan ko na po ang mga ibang projects ko para may oras ako sa pagtulong sayo sa opisina," paglalambing ko sa kanya.
"Hindi ka na galit sa akin anak?" seryosong tanong nito sa akin.
"Hindi na po, Daddy," nakangiting sagot ko sa kanya at niyakap ko ito.
"Salamat iha, at naiintindihan mo ako," sabi at niyakap ako nito pabalik.
"Mahal na mahal kita anak at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang," maluha-luhang sabi nito.
"Mahal na mahal ko din po kayo ni Mommy, Daddy, at ayaw ko na magalit kayo sa akin," sagot ko.
Mahal na mahal ko ang aking mga magulang at ayaw ko na mawala sila sa akin. Kaya sinikap ko na maging mabuti at masunuring anak sa kanila upang sa ganoong paraan ay maibalik ko man lamang sa kanila ang mga sakripisyo at pagsisikap nila para sa akin. Kung dati ay takot akong mawalay sa kanila dahil iniisip ko na hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa at kailangang-kailangan ko pa ang kanilang gabay at pagkalinga. Ngayon naman na kaya ko na ay takot naman akong mawala sila sa akin dahil sila ang inspirasyon ko para magpursige at magtagumpay sa buhay dahil gusto ko na ako naman ang magtatrabaho para sa kanila.
Pero ngayong gusto akong ipakasal ni Daddy, sa taong hindi ko kilala ay hindi naman siguro tama. It's unfair naman sa akin.
Nagdadalawang-isip ako kung susundin ko ba si Daddy o hindi. Kapag pumayag ako sa arranged marriage na ito handa na ba akong kalimutan o manatiling alaala nalang ang lahat para sa amin ni, Kenny. Ang lalaking hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalik siya at masabi ko ang gusto kong sabihin dito ang mga salitang, I'm sorry.
Alexes POVNandito ako ngayon sa construction firm namin.Hindi muna ako pupunta sa mga construction site projects ko dahil, dito muna ako sa office ko magtatrabaho.Ang daming kailangan kong gawin sa office kasi mga ilang araw na rin na hindi ako nakapasok, busy ako sa pag-aasikaso ng ipinapatayo kong building.Gusto ko kasi na ako mismo ang magsubaybay ng development ng dream house namin... natigilan ako nang maalala na... ayy...dream house ko na lang pala ngayon.Naramdaman ko na lang na may mga namuong butil nang luha sa aking mga mata nang maalala ko ang mga nakaraan namin ni Kenny.The pain is still there and remain. Ang guilt ay nandito pa rin sa puso ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang taong mahal na mahal ko.Itiningala ko na lang ang ulo ko at tumingin sa taas upang sa gano'n ay hindi pumatak ang mga luha ko sabay hinga nang malalim at kinalma ang aking sarili.Ayaw ko na kasi alalahanin ang lahat.Gusto ko nan
Kenny POV "Hmm, ang laki rin pala ng construction firm nila saka infairnes maganda ang design ng building pang world class ang dating. Kung sino man ang Architect nito ay isa siyang napakagaling na Architect. Hindi na masama, malaki na ang maitutulong nito sa construction firm namin at sa kompanya," sabi ko habang tinitingnan ang kabuuan nang building. "Viera Construction Firm and Company," basa ko sa kanilang billboard. Mas maganda sana kung lalagyan nang Mendoza, Mendoza-Viera Construction Firm Inc. Napangiti ako sa mga naisip ko ngunit agad din itong napawi nang maalala ko kung bakit ako nandito ngayon sa Viera Construction Firm. Dumeritso na ako sa opisina ng CEO at may-ari ng Construction firm na ito. "Good morning Sir, Engineer Mendoza," bati sa akin nang isang babae na sa palagay ko ay Secretary ito ni, Mr. Viera. "Good morning too, Miss Beautiful, si Mr. Viera, nandito ba?" tanong ko dito. "Yes! Sir, Please come with me.
Alexes POV "Na saan ba si Engineer Mr. Hurtman, bakit iniba ang paggawa nang terraces place ng building. Bakit hindi sinunod ang blueprints ko. Hindi ba sabi ko is kalahati lang sa sukat ng buong building ang sukat nito, bakit ito isinunod sa laki ng building!" galit na galit kong sabi sa isang foreman. Sino ba naman ang hindi magagalit na ang mga plano mo na pinagpuyatan at pinaghirapang isipin upang gawing maganda ang gawa mo ay bigla nalang hindi sundin at ibahin. "Ma'am, sorry po iyan kasi ang sabi ni, Engineer Mr. Hurtman. Mahirap na po itong ulitin kasi kapag ipapaulit n'yo po, buong pundasyon nito sa ibaba ang apektado!" paliwanag nito. Galit na galit ko na kinuha ang cellphone ko and I'll dialed a number of Mr. Hurtman. "Mr. Hurtman, bakit n'yo iniba ang design at skitchplan ko. Bakit hindi nasunod ang sukat nang isang part ng building lalo na ang nasa teracce. Hindi ba sabi ko dapat kung ano ang nasa blueprint ko ay iyon ang masusunod
Kenny POV (Now Playing: Malayo ka man by, Jhay) Narinig ko ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. Nagsisipilyo ako sa lababo nang tumunog ito. Dinukot ko ito sa bulsa ng jeans ko at pinindot ang answer key box, ngunit hindi ako makapagsalita dahil na sa bunganga ko pa ang toothbrush. Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag. It's Alexes. Inaasahan ko na ang gawing pagtawag nito sa akin. "Ah! 'yon... sa wakas napansin mo rin," sambit ko sa sarili habang nakangiti. Galit na galit itong nagsasalita at natatawa na lamang ako habang nakikinig sa kanyang mga sinasabi mula sa kabilang linya ng telepono. Aray! ang sakit sa tainga nang boses n'ya kapag galit pero bakit ang cute nang dating nito sa akin Magsasalita na sana ako ng bigla n'ya nalang pinutol ang tawag. Napabuntung-hininga na lamang ako at tinapos ko na ang pagsisipilyo. Sinimulan ko na ang aking morning routine. Pagkatapos kong mali
Alexes POV Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko sa mansion namin nakahiga. Dito ako dumiretso nang umuwi ako galing sa construction site kanina dahil gusto ko na may makausap ako. Gusto ko may mapagsabihan ako nang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko mayakap ang mga magulang ko para humugot at kumuha nang lakas ng loob. Gusto ko at kailangan ko na may masasandalan ako ngayon. May mapagsabihan nang sama ng loob. Pero pagdating ko wala sila. Wala ang mga magulang ko. Na sa out of town daw sila at mga 3 days pa makakabalik ang mga ito sabi sa akin ni Manang Linda ang mayordoma namin dito sa mansion. Tinatawagan ko naman si Mitch pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Busy na iyon siguro sa boyfriend niya... eh di sana all na lang kay Mitch. Naiinis akong isipin na kung saan pa iyong kailangan ko nang kausap wala siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ni Kenny. Dapat mas
Alexes POV Kanina pa ako sa aking kuwarto paikot-ikot. Hindi ko alam ang gagawin ko kung lalabas ba ako papuntang office o magkukulong na lang ako dito maghapon. Nahihiya akong lumabas kasi iniisip ko na baka na sa ibaba pa si Kenny. "Ano ka ba self, kahit kailan careless ka talaga hindi ka nag-iingat. Akalain mo ba namang lalabas ka ng silid mo na naka bra at panty lang ang suot. Nakakahiya ka talaga." Naiiyak ko na sabi sa sarili sapagkat, hindi ko inaasahan na sa ganoong pagkakataon makikita ni Kenny ang aking tinatagong katawan Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kailangan kong pumunta ng opisina. Humiga muna ako sa aking kama at nag-isip kung ano ang maganda kong gagawin. "Isip, Alexes... Isip... matalino ka di ba Magna-Comlaude ka pa nga eh!" paalala ko sa aking sarili. Kinalma ko ang aking sarili saka nag-isip nang gagawin ko. Isip! Isip! Mag-isip-isip isa, dalawa, tatlo, aha! Napabangon ako sa aking naisipang
Alexes POV "Hi! Daddy, Mommy, good morning po sa inyong dalawa," bati ko sa mga magulang ko nang bumaba ako ng kitchen. "Good morning too, Anak," sabay nilang bati sa akin. "Come on! Join us," paanyaya ni, Daddy sa akin. Naabutan ko silang dalawa na nag-aalmusal sa hapag-kainan. Lumapit ako sa kanila at hinagkan ko silang pareho sa noo. "Dalawa lang yata kayo ah. Saan na iyong kasama n'yo kahapon?" Hindi ko alam kung ano ang reason behind that question basta ko na lang nasabi iyon. Natampal ko ang aking forehead for that stupid question. At nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinahanap ko si Kenny. I don't know basta gusto ko lang siyang makita o nag-aasume lang ako na nandito pa rin siya sa loob ng mansion. "What do you mean Iha, si Kenny, ba ang hinahanap mo?" nangingiting tanong ni, Mommy. "No! Mom," mabilis kong pagtangi sa tanong nito. "Eh! Sino?" naguguluhan na tanong ni, Mommy. "Ahm, nothing
Alexes POV Masakit ang ulo ko kaya naisipan kong dumaan sa isang clinic upang magpatingin dahil mga tatlong araw ko na itong nararamdaman. Nang papasok na ako sa Entrance door ng clinic na iyon ay may natanaw akong isang buntis na babae na pasakay ng Escalator pataas at inaalalayan ito nang isang lalaki habang nakakapit sa mga braso nito. Kung titingnan mo ito mula sa malayo ay masasabi mo na parang magkasintahan o mag-asawa ang mga ito. Kahit nakatalikod ang babae ay masasabi mo na sophisticated ito ayon sa mga paggalaw at paglakad nito. Blandina ang maikli nitong buhok. "Ahh! Siguro balikbayan. Ang ganda siguro nang babaing 'yon," sambit ko sa sarili habang tinitingnan sila na nakasakay ng escalator pataas. Teka lang bakit parang familiar sa akin ang hubog at tindig ng lalaking iyon. Parang katulad ni... Kenny, ang pigura niya. Tama si Kenny ang nakita ko. Hindi ako maaring nagkakamali lang.