Share

Chapter 57 The sweetest proposed moment

Alexes POV

"Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal.

 "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—"

Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin.

"Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny.

Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. 

Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan.

"Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion.

"Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko.

"Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status