Share

Chapter 1 Ang dahilan nang pagluha

Alexes POV

Mag-iisang buwan na simula noong hiwalayan ko si Kenny, at gano'n din katagal na hindi ko siya nakikita.

"Kenny, na saan ka na ba. Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. Ano ba ang nangyari sa iyo. Miss na miss na kita nang sobra-sobra!" malungkot na saad ko sa aking sarili.

"Magpakita ka na sa akin please!" malungkot ko pa rin na sabi sa aking sarili at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakaupo sa malaking bato na dati ay inuupuan naming dalawa ni Kenny ngunit ngayon ay ako na lamang mag-isa.

Sa mga oras na wala akong pasok sa school at wala akong magawa ay pumupunta ako sa lugar kung saan kaming dalawa lamang ni Kenny, ang nakakaalam. Ang secret garden naming dalawa Kenny.

Nandito na naman ako naghihintay at umaasa na sana babalik siya sa lugar na ito. Ngunit lumipas lang ang mga oras at papalubog na ang araw ay walang dumating.

Habang nakapikit ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Kahit na ano ang gawin ko para palakasin at patatagin ang aking loob ay umaagos pa rin ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapatanong sa aking sarili.

"What if ipinaglaban kita Kenny. What if kung hindi ko sinunod ang mga magulang ko. What if kung lumaban ako siguro masaya at magkasama pa sana tayo ngayon sa mga oras na ito Kenny!" malungkot na sambit ko at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan na mga pangyayari.

FLASHBACK

"Pak! Pak!" tunog ng sampal nito sa magkabila kong pisngi. Napasapo ako rito.

Gulat na gulat ako na habang naglalakad ako papasok ng mansion namin ay nakita ko na nag-aabang sina Mommy at Daddy sa may pintuan.

"Mommy, Daddy, mano po," sabi ko at nang abutin ko na sana ang kamay ni Mommy, para magmano ay bigla na lamang niya akong sinampal.

"Huhuhu, ang sakit no'n Mommy. Bakit po?" nagtataka ko na tanong.

Kahit kailan man ay hindi ako nisaktan at nipagbuhatan ng mga kamay nang aking mga magulang lalo na si Mommy. Ngayon pa lang.

"Mom, why may nagawa po ba ako na mali. Ano po ba ang kasalanan ko?" umiiyak pa rin na tanong ko.

"Choose Alexes Sandria Viera!" buong sambit ni Mommy, sa aking pangalan.

Alam ko na seryoso at galit ito kasi buo n'yang tinawag ang pangalan ko.

Napatingin ako kay Daddy, sinyales na humihingi ako nang tulong at pag-uunawa. Ngunit sa halip na tulungan ako ay tiningnan niya ako nang masama.

Naguguluhan ako kung bakit ganito ang salubong nila sa akin pagdating ko mula sa paaralan. Kadalasan kasi yakap at halik ko sa kanilang mga pisngi ang salubong ko matapos magmano pero ngayon dalawang sampal na hindi ko alam ang dahilan.

"Hu, ano po?" nagtataka ko pa rin na tanong.

"Just choose! Alexes, break-up that boy or else I cut all your inheritance from us and sent you to Canada!" galit na galit na sabi ni Mommy, at nanlilisik pa ang mga mata nito.

"Mom, Dad, mahal na mahal ko po siya!" umiiyak na sabi ko.

"That is not a point Sandria!" galit na sabi ni Daddy, sa second name ko.

"Lahat nang ito ay ginagawa namin para sa iyo. Ayaw namin na mapahamak ka," sabi naman ni Mommy.

"Ang bata-bata mo pa para makipagrelasyon. Kailangan mo pa ang mga gabay namin para hindi ka maliko nang landas," sabi naman ni, Daddy.

"Buong buhay namin ay nakalaan at umiikot lang sa iyo Alexes. Mahal na mahal ka namin at wala kaming ibang hangad kundi ang magtagumpay at maabot mo ang mga pangarap mo," dagdag naman ni, Mommy.

"At hindi kami papayag na ang pagmamahal na iyan ay ito pa ang magiging sagabal sa iyong pag-abot nang mga pangarap mo." Nakapamaywang na sabi ni Daddy, na galit pa rin.

Kaya mamili ka hihiwalayan mo ang lalaking iyon o ipapadala ka namin sa Canada at doon ka na for good!" pagbabanta ni Mommy.

Dahil sa narinig ko ay natakot ako. Hindi ko kayang isipin na mapalayo ako sa taong pinakamamahal ko. Iniisip ko pa lang na hindi ko na makikita si Kenny, kahit kailan ay parang binibiyak ang puso ko.

Kaya nakabuo ako agad nang disisyon at ito ay ang hihiwalayan ko si Kenny. Masakit man at least kahit papaano ay makikita ko pa rin siya. Matatanaw ko pa rin ito kahit nasa malayo man lamang dahil iniisip ko na iisa lang ang pinapasukan naming school. Kahit hindi kami magkasama at magkausap makikita at makikita ko parin sya. Kaysa naman ipapadala ako sa Canada na doon na for good at hindi ko na ito makikita pa.

Napayuko na lamang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Mon, Dad, I'm so sorry for disappointing you," malungkot na sabi ko.

Wala akong narinig na sagot o salita man lamang mula sa kanila. Nagpapahiwatig na galit pa rin sila.

"Sige po Mommy, Daddy, aakyat na po ako sa silid ko," sabi ko at naglakad paakyat sa aking silid.

Nang makapasok na ako sa silid ko ay padapa akong sumampa sa aking kama. Tinakpan ko nang kumot ang ulo ko at kinagat ang unan saka sumigaw ng sumigaw.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na makikipaghiwalay ako kay Kenny, ay sobrang sakit na papaano pa kaya kapag hiniwalayan ko na siya.

Hindi ako makapag-isip nang tama. Wala ako na ibang iniisip kundi kung papaano ko sasabihin kay Kenny, na maghihiwalay na kami. Puno nang mga luha ang aking mga mata nang may kumatok sa pinto.

"Senyorita Alexes, kakain na po," sabi ni Manang Linda.

"Hindi pa po ako nagugutom, Manang. Pakisabi kina mommy, at daddy, na mamaya na lang po ako kakain," sabi ko.

"Oh sige Senyorita, sasabihin ko," sagot naman nito at narinig ko na ang mga yapak nito papalayo.

Hindi dahil sa busog pa ako kaya ayaw ko kumain. Ayaw ko lang bumaba dahil ayaw ko na makita ng aking mga magulang na namumugto at namumula na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Bumangon ako at umupo sa aking kama. 

Napaiyak ako nang titigan ko ang sing-sing sa aking daliri. Napakaganda nito. Kumikinang ang pendant nito na brilyanting kulay pula.

Dahan-dahan ko itong hinubad sa aking daliri at inilagay sa isang kahon kasama ng mga card at litrato. Walang patid sa pagpatak ang mga luha ko habang isinasara ko ang kahon at inilagay sa ilalim ng aking kama.

"Mananatili ka na lang ba na alaala o may pagkakataon pa ba sa huli," malungkot na sambit ko habang unti-unti kong tinatago ang kahon.

Mahal na mahal kita Kenny, ngunit kailangan ko na sundin muna ang mga magulang ko. Kasi nga baka tama sila hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit kailangan kong makipaghiwalay sa iyo. Sana dumating ang araw na kapag naintindihan ko na kung bakit ay nand'yan ka pa rin Kenny. Sana mapatawad mo ako," sabi ko at patuloy sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.

END OF FLASHBACK

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang pagpatak nang ulan sa aking mga braso. Isinukbit ko ang aking backpack bag sa magkabilang balikat ko at patakbo na pumunta sa waiting shade kung saan ako susunduin nang driver namin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status