Kenny POV
"Mr. Mendoza, Sir someone posted on social media that she was looking an Engineer to build the building she was going to build and thought you were the right one there it to build," sabi sa akin nang aking sekretarya at ipinakita sa akin ang naka post sa social media.
Tiningnan ko ang nakapost. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman nang makita ang post nito. Lungkot, saya, galit, poot at hinanakit ang nararamdaman ko. Lungkot at saya dahil kilala ko ang may-ari nang nag post sa social media. Galit, poot at hinanakit dahil nanumbalik sa akin ang pait at sakit na aking naramdaman noon.
It is Alexes Sandria Viera, ang babaing kauna-unahang minahal ko at the same time siya rin ang babaing nagbigay nang sobrang pait at sakit sa buong buhay ko.
Agad ko namang kinuha ang social media account nito at nag comment sa kaniyang post. Pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho ko.
Buong araw na subsob ako sa trabaho. Nakaupo na ako ngayon sa harap ng mesa ko dito sa loob ng opisina ko. Hindi na ako nakauwi pa sa condo unit ko dahil sa dami ng mga paper at document na kailangan kong asikasuhin at pirmahan.
"Dito na lang ako matutulog sa opisina ko. May sarili naman akong silid tulugan dito," sambit ko sa sarili.
By the way ako nga pala ang nag-mamanage at nagpapatakbo ng family company main branch namin dito sa America.
Napahawak ako sa sintido ko at minasahe ito dahil nakaramdam ako nang kaunting sakit dito. Napapikit pa ako ng mata nang habang ginagawa ko ang pag masahi ng sintido ko nang maalala ang ginawa ko na pag-comment sa post ni Alexes.
Binuksan ko ang aking cellphone at hindi ko akalain na ako ang napili nitong maging Engineer sa ipapatayo nitong building.
Napangiti ako nang mabasa ko ang kaniyang reply sa comment ko.
"Ito na ang oras na hinihintay ko. Humanda ka sa pagbabalik ko Alexes. I will return all the pain you give it to me at may sisingilin pa akong interest nito. Wait for my revenge my Baby Alexes!"napapangiting sambit ko sa sarili at nanumbalik sa aking isipan ang nakaraan.
FLASHBACK
Eleven years Ago.
Excited ako na lumabas nang classroom matapos ang aking mga exam. Pupuntahan ko kasi ang babaing pinakamamahal ko sa lugar kung saan kami magkikita. Sa lugar na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Pagdating ko ay nakita ko na naghihintay na siya sa akin.
Masayang-masaya ako kasi pumayag na sina Ate, Mommy, at Daddy, na magpaiwan ako dito sa Pilipinas. Hindi na nila ako pipiliting sumama sa America para mag migrate at doon na manirahan dahil ayaw ko iwanan ang babaing pinakamamahal ko.
Masaya akong kinausap siya ngunit naglaho ang kasiyahang iyon nang sabihin nito na nakikipagbrake-up na ito sa akin at ang mas masakit pa nang sabihin nito sa akin ang mga sumunod na sinabi nito, ang dahilan kung bakit ito nakikipaghiwalay sa akin.
Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko ito.
Sayang at sasabihin ko pa sana dito ang good news ngunit hindi na kailangan pa.
Iniwan ko na lang siya sa lugar na iyon dahil sa pag-aakala at pagkakaalam ko iyon ang nararapat kong gawin.
Sumakay ako ng aking motorsiklo at pinaharurot ko ito sa pagpatakbo. Walang direksyon kung saan papatungo. Punong puno nang luha ang aking mga mata. Umiiyak ako nang walang humpay habang nagpapatakbo ng motorsiklo.
"Bakit mo ito nagawa sa akin Alexes. Bakit? binigay ko ang lahat-lahat sayo. Ikaw lang ang babaing minahal ko pero bakit pinaglalaruan mo lang pala ako. Naging tapat ako sayo pero niloloko mo ako. Bakit? Bakit!?" paulit-ulit ko na sigaw habang nagmamaneho pa rin.
Di ko namalayan na may isang malaking aso ang nasa daanan ko. Hindi ko na makaya pa ang gumamit ng prino ng motorsiklo dahil sa napakabilis nang pagpapatakbo ko nito. Wala akong magawa kundi kabigin ang manibela nito at ...
"Boooogggss," nabangga ako sa isang poste.
Nagising ako sa isang k'warto na may nakakabit na mga aparatus sa akin. Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa gilid ng hinihigaan ko na sa tingin ko ay nasa 50s na ang edad nito.
"Sino ako?" agad kong tanong.
Mabilis na niyakap ako nang matandang babae.
"Anak iho, salamat at gising ka na!" masayang sabi nang matandang babae.
"After one month nagising ka na. Matagal kang nakatulog. Salamat talaga!" naiiyak na sabi nito.
"One month akong nakatulog?" tanong ko dito.
"Yes iho. Mabuti at nagising ka na. Akala ko matatagalan ang paggising mo!" naiiyak pa ring sabi nito.
"Teka lang po naguguluhan ako. Hindi ko po kayo kilala pati na rin po ang sarili ko. Wala akong maalala. Sino po kayo at sino ako?" nagtatakang tanong ko.
"Iho, ako ang iyong ina at ikaw naman si Kenny Mendoza ang aking anak. Isa akong doktor at ako ang nag-aalaga at nagbabantay sayo kasama ko ang ate, mo isa din siyang doctor," saad nito.
"Iho temporary lang ang Amnesia mo. Babalik din ang mga ala-ala mo. May maliit kasi na dugong namuo sa utak mo kaya naging dahilan iyon nang pagkakaroon mo ng Amnesia at na-comma ka sa loob nang isang buwan. Huwag ka mag-alala iho magagamot pa ito sa pamamagitan nang mga medication at memory teraphy. Nawala ang alaala mo dahil sa pagkakabanga mo," mahabang paliwanag nito.
Limang buwan ang lumipas na wala pa rin akong maalala. Kahit ano ang pilit ko sa sarili ay wala akong matatandaan sa nakaraan ko.
Dahil sa hindi masyadong advance ang mga equipment dito sa Pilipinas para sa brain teraphy ay napagkasunduan nila Mommy, Daddy, at Ate, na dalhin ako sa America upang doon ipagpapatuloy ang brain teraphy ko.
Dahil sa napagkasunduan nang mga magulang ko ay nakaramdam ako nang kalungkutan na hindi ko alam ang dahilan.
Nababagot na ako dito sa loob ng mansion. Simula kasi noong magising ako mula sa pagka-comma ay hindi muna ako pinapayagang lumabas mag-isa nila mommy kasi baka raw ano na naman ang mangyari sa akin dahil hindi pa ako magaling. Ipinapasyal ako nila mommy at daddy sa mga lugar kung saan ay parati naming pinupuntahan noon pero wala talaga akong maalala.
Lumabas ako ng silid ko at nadaanan ko si mommy na nasa may balkone na naghahanda na para pumasok sa trabaho nito.
"Good morning, Mom," bati ko sa kaniya.
"Good morning too, Son," sagot na bati nito sa akin.
"Amm, Mommy, lalabas po muna ako pwede po ba?" wala sa loob ko na sabi.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon pero ito ang gusto ko na gawin sa ngayon. Hindi ko mawari sa sarili ko pero kung may ano ang nagtutulak sa akin para pumunta sa lugar na nais kong puntahan.
"But, Son, wala kang makakasama. Wala ang daddy, at ate, mo para samahan ka. Hindi pwede na aabsent ako sa trabaho ko marami ang naghihintay sa akin!" sabi ni, Mommy.
"Don't worry Mom, walang masamang mangyari sa akin. Mag-iingat ako. Hindi po ako lalayo. May gusto lang talaga akong makita bago tayo pumunta nang America," sabi ko pero hindi ko alam kung ano at saan ito.
"Okay, sige basta magpapasama ka sa driver natin," sabi nito.
"Yes MMom, thank you," sabi ko sabay halik sa pisngi nito bago ako lumabas ng mansion.
"Senyorito, saan ho tayo pupunta?" tanong ni Mang Tonyo, ang family driver namin.
"Hindi ko po alam Mang Tonyo, basta ipag-drive n'yo lang po ako. Ituturo ko ang daan kung saan tayo pupunta," sabi ko.
"Sige po Senyorito," sagot naman nito.
"Mang Tonyo, dito na lang po tayo," sabi ko.
"Senyorito, wala namang katao-tao sa lugar na ito. Ano ang gagawin n'yo sa lugar na ito na napakalawak na puno nang mga halaman at ligaw na bulaklak!" nagtatakang sabi ni, Mang Tonyo.
"Hindi ko rin po alam Mang Tonyo, basta ito ang lugar na gusto kong puntahan. Sige po hintayin n'yo lang po ako rito sa kotse," sabi ko at bumaba na ng kotse at may kung ano na nagtuturo sa mga paa ko kung saang direksyon ako papunta.
"Huwag kang lalayo Senyorito," sigaw ni Mang Tonyo.
"Opo Mang Tonyo, wag po kayong mag-alala babalik po ako," sigaw ko rin.
Wala talaga akong maalala kung ano ang dahilan kung bakit nandito ako sa lugar na ito kung saan nagpapabilis nang tibok ng puso ko.
Sa aking paglalakad ay may nakita ako sa unahan na isang napakagandang babae na sa tingin ko ay nasa trese hanggang katorse anyos na ito. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ito.
Abala ito sa paglilinis at pagkuha nang mga matataas na damo sa ligaw na mga bulaklak kaya hindi niya ako napansin.
Napakaganda niyang tingnan. Ang kan'yang mukha ay parang kay tagal ko na itong napagmasdan.
Pero bakit parang kinurot at nadurog ang puso ko nang makita ko na natigilan ito at umupo sa isang malaking bato. Kitang kita ko sa mukha nito ang lungkot na nararamdaman. Gustong gusto ko siyang yakapin at e-comfort ngunit hindi makagalaw ang mga paa ko.
Parang napako ang mga paa ko sa lupa at hindi ko maiangat.
Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko nang makita ko na umiiyak ito. Nakita ko na pinunasan nito nang kulay pink na panyo ang kanyang mga luha.
"Sana ako na lang ang taong pumupunas nang mga luha mo," sambit ko.
"Sino ka ba at bakit gan'yan ang dating mo sa akin at bakit ako nandito sa lugar na ito?" tanong ko sa sarili.
Nakita ko na tumayo ito kaya dali-dali akong nagtago sa isang puno.
Nalulungkot ako na tinatanaw ito habang naglalakad papalayo. Nang wala na s'ya ay lumabas ako sa puno at lumapit sa bato na kanina ay inuupuan nito.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko mapigilan ang lungkot na aking nararamdaman. At kusang pumapatak ang mga luha ko.
Nang uupo na sana ako sa bato ay nakita ko ang panyo na gamit nito kanina.
"Alexes," basa ko sa nakasulat na naka-embriodered.
"Hmm, baka pangalan niya ito," sambit ko.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang ang tagal na itong nakabaon sa puso at isipan ko ang salitang Alexes.
END OF FLASHBACK
Napahilamos ako ng mukha nang maramdaman ko na may namumuong luha sa mga mata ko.
"Hindi ako pweding mahina. Kailangan kong maging tigasan ang aking puso para sa mga plano ko," sambit ko sa sarili at sinuklay-suklay ng mga daliri ko ang aking buhok.
Alexes POVNasa huling bahagi na ako ng skitch plan ko para sa ginagawa ko na blueprint nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko."Aloha, magandang Pilipina!" sigaw nito at patakbo na pumunta at yumakap sa akin."Oy, Mitch, akala ko nasa Canada ka pa!" masaya ko na sabi."Oo nga, nang magka-usap pa tayo last day ay nasa Canada pa ako. Kakarating ko lang. Since daanan naman itong office mo pauwi sa bahay namin i decided na bisitahin ka. Kumusta ka na girl?" masaya nitong tanong."Ito si Alexes, pa rin," malungkot na sagot ko."And still si Kenny, pa rin!" makahulugang sabi nito.Tiningnan ko lang ito."Girl, sobra na sa isang decade ang nakaraan hindi mo pa rin siya ma-forget!" sabi nito at pinanlakihan ako nang mga mata."Bakit ka nandito. I mean bakit ka napauwi dito sa Pilipinas. Akala ko ba sabi mo doon ka na lang sa boyfriend mo na white skin!" nagtatampo ko na sabi."Asus huwag ka na
Kenny POV "Babalikan kita Alexes, at hindi mo makakalimutan habam-buhay ang paghihiganti ko!" sigaw ko nang maalala na ang lahat simula nang anim na taon na ang nakalipas. Na sa 3rd year college na ako noon sa aking kurso bilang Engineer nang mga oras na maalala ko ang nakaraan namin ni Alexes. Bumalik na ang aking alaala. Hindi ko alam kung papaano bumalik, basta nagising na lang ako isang umaga na iyak nang iyak na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Kasabay nang pagbalik ng mga alaala ko ay bumalik din sa aking puso at isipan ang sakit at pait nang nakaraan. "Bakit mo ginawa iyon Alexes. Hindi ba sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo rin ako pero bakit mo ako pinaniwala sa ipinakita mong pagmamahal na hindi naman pala totoo. Manggagamit ka. Hindi mo naisip kung ano ang mararamdaman ko. Sinungaling, manloloko. Humanda ka sa pagbabalik ko. Maghihiganti ako sa iyo!" galit ko pa rin na sabi sa aking isipan. Upang maisakatuparan
Kenny POVDahil sa ang dami kong iniisip at pagod sa biyahe ay nakatulog ako.Nagising ako nang makaramdam ako nang gutom. Bumangon ako at pumunta ng kitchen upang maghanap nang pagkain. Nakita ko ang dalawang pack nang noodles."Ito na lang ang kakainin ko maganda ito kasi madali lang lutuin," sambit ko.Pagkaraan nang ilang minuto ay luto na ito at nagsimula na akong kumain.Matapos kumain ay bumalik na ako sa aking silid tulugan at ngayon ay nakahiga na ako sa aking kama.Habang nakahiga at gumuguni-guni ay nakatitig ako sa kawalan nang may naisipan akong plano to make my first move for my revenge.I dialed a number on my cellphone."Hello Bro. Kenny, napatawag ka," sagot nang sa kabilang linya."Yes , Bro Drieck, kumusta can I asked a favor?" bungad ko nang sagutin niya ang kabilang linya."Okay lang naman ako Bro, nakauwi ka na ba nang Pilipinas?" tanong nito."Oo Bro," sagot ko naman."It's goo
Alexes POV"Kring! Kring! Kring!" tunog ng aking cellphone.Naalimpungatan ako sa tunog nito. May tumatawag, kinuha ko ito at wala sa sariling sinagot ito."Hello," bungad ko."Good morning Baby, enjoy your day," sabi nang na sa kabilang linya.Nagtataka ako kung sino itong lalaking tumatawag sa akin dahil hindi ko kilala ang boses nito. Tiningnan ko ang numero na nakasulat sa screen. Wala akong matatandaan na may ganitong numero sa mga kaibigan o kakilala ko."Sino ho ba kayo? Nagkamali ka yata nang dialed number mo. Saka anong baby baby mo riyan hindi na ako bata pa para tawagin mo na baby!" inis kong sabi."Sino kaya ang lokong lalaking ito at ang numero ko ang napagtripang tawagan nito?" taka kong tanong sa sarili."Okay, kung ayaw mo nang baby, honey, na lang. Mas maganda at sweet hindi ba, honey!" pang-aasar pa na sabi nito sa akin."Aba! at ang lokong ito nang-aasar pa talaga!" pabulong kong sabi."An
Alexes POV "What! Daddy, no! I don't do that. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala at lalong ayaw kong matali at makasama sa taong hindi ko mahal!" masama ang loob kong sabi kay, Daddy. Nandito ako ngayon sa mansion namin at sinabi sa akin ni Daddy ang plano nito. Ang tungkol sa pagpapakasal (Arranged marriage) ko raw sa taong hindi ko kilala. "Nakapag-usap na kami nang kaibigan ko at may kasunduan na kami na ipapakasal namin kayo nang kanyang anak," mahinahong sabi ni Daddy. Masamang-masama ang loob ko dahil nakipagsundo ito sa kanyang kaibigan tungkol sa akin na hindi ko alam. Kasunduan na hindi man lamang inisip at isinaalang-alang ang damdamin ko. "No! Daddy, ayaw ko. Please! Dad, huwag n'yo po akong pilitin na magpakasal sa taong hindi ko kilala. Please... Daddy, hindi ako pumapayag!" may diin kong pagtanggi. "Iha, makinig ka, hindi kita pinipilit. Ginagawa ko ito para naman sa'yo ito. I am sure na maging masaya k
Alexes POVNandito ako ngayon sa construction firm namin.Hindi muna ako pupunta sa mga construction site projects ko dahil, dito muna ako sa office ko magtatrabaho.Ang daming kailangan kong gawin sa office kasi mga ilang araw na rin na hindi ako nakapasok, busy ako sa pag-aasikaso ng ipinapatayo kong building.Gusto ko kasi na ako mismo ang magsubaybay ng development ng dream house namin... natigilan ako nang maalala na... ayy...dream house ko na lang pala ngayon.Naramdaman ko na lang na may mga namuong butil nang luha sa aking mga mata nang maalala ko ang mga nakaraan namin ni Kenny.The pain is still there and remain. Ang guilt ay nandito pa rin sa puso ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang taong mahal na mahal ko.Itiningala ko na lang ang ulo ko at tumingin sa taas upang sa gano'n ay hindi pumatak ang mga luha ko sabay hinga nang malalim at kinalma ang aking sarili.Ayaw ko na kasi alalahanin ang lahat.Gusto ko nan
Kenny POV "Hmm, ang laki rin pala ng construction firm nila saka infairnes maganda ang design ng building pang world class ang dating. Kung sino man ang Architect nito ay isa siyang napakagaling na Architect. Hindi na masama, malaki na ang maitutulong nito sa construction firm namin at sa kompanya," sabi ko habang tinitingnan ang kabuuan nang building. "Viera Construction Firm and Company," basa ko sa kanilang billboard. Mas maganda sana kung lalagyan nang Mendoza, Mendoza-Viera Construction Firm Inc. Napangiti ako sa mga naisip ko ngunit agad din itong napawi nang maalala ko kung bakit ako nandito ngayon sa Viera Construction Firm. Dumeritso na ako sa opisina ng CEO at may-ari ng Construction firm na ito. "Good morning Sir, Engineer Mendoza," bati sa akin nang isang babae na sa palagay ko ay Secretary ito ni, Mr. Viera. "Good morning too, Miss Beautiful, si Mr. Viera, nandito ba?" tanong ko dito. "Yes! Sir, Please come with me.
Alexes POV "Na saan ba si Engineer Mr. Hurtman, bakit iniba ang paggawa nang terraces place ng building. Bakit hindi sinunod ang blueprints ko. Hindi ba sabi ko is kalahati lang sa sukat ng buong building ang sukat nito, bakit ito isinunod sa laki ng building!" galit na galit kong sabi sa isang foreman. Sino ba naman ang hindi magagalit na ang mga plano mo na pinagpuyatan at pinaghirapang isipin upang gawing maganda ang gawa mo ay bigla nalang hindi sundin at ibahin. "Ma'am, sorry po iyan kasi ang sabi ni, Engineer Mr. Hurtman. Mahirap na po itong ulitin kasi kapag ipapaulit n'yo po, buong pundasyon nito sa ibaba ang apektado!" paliwanag nito. Galit na galit ko na kinuha ang cellphone ko and I'll dialed a number of Mr. Hurtman. "Mr. Hurtman, bakit n'yo iniba ang design at skitchplan ko. Bakit hindi nasunod ang sukat nang isang part ng building lalo na ang nasa teracce. Hindi ba sabi ko dapat kung ano ang nasa blueprint ko ay iyon ang masusunod