Habang wala pa ang guro namin ng first subject, ay kinakausap ako ni Hezekiah. Kanina niya pa ako kinukulit at nagsasabi ng kung ano-ano sa akin.Minsan hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi niya dahil puro Hillaree lang ang lumalabas sa bibig niya. Ano naman kasi ang masasabi ko kung puro Hillaree lang ang sinasabi.“Magsalita ka naman diyan. Para naman akong walang kausap.” Iyan na naman siya. Sinasabihan niya na naman ako ng ganito dahil hindi ko siya pinapansin at wala na rin akong masabi sa kaniya. “Huy, kausapin mo ako.”“Ano naman ang sasabihin ko sa’yo? Hindi ko nga maintindihan kung ano ang sinasabi mo. Puro ka Hillaree. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi nga ikaw ang type niya. Gusto niya si Allen.”“Pwede mo ba siyang kausapin?”“Malamang pwede dahil kaibigan ko siya. Ano ba ang sasabihin ko?”“Kung puwede kami magdate kahit isang beses lang.”“Malabo ‘yang nasa isip mo, Hezekiah. Alam mong hindi basta-basta nakikipagdate si Hillaree sa kahit sino lang.”“
“Nakapasa po ako.”“I’m so proud of you, Allian! Congratulations!” sigaw ni Auntie nang malaman niya na nakapasa ako sa test. “Kailangan nating magcelebrate ngayon, Hon! Pupunta tayo sa masarap na restaurant. Magbihis na kayo lahat para makauwi tayo ng mabilis.”Lahat nagsiakyatan na sa kanilang mga kwarto habang kami ni Auntie ay naiwan sa sala.“Kumusta naman ang test mo, Allian? Mahirap ba? Sigurado ako na napagod ka sa pagsasagot kanina kaya magcecelebrate tayo ng pagpasado mo.”“Kailangan pa po ba talaga magcelebrate? Hindi naman po kasi ako makakapasa kung hindi po ako tinulungan ni Daylon. Kaya malaki po ang utang na loob ko sa kaniya. Bakit po kayo umiiyak?” Nakita ko kasi ang mga luha na tumutulo sa mga mata niya.“Masaya ako na nagkakamabutihan na kayo ni Daylon. Ang akala ko hindi na kayo magkakamabutihan at nag-iba ang ugali ng anak ko, pero hindi..”“Kaya po ba kayo umiiyak dahil sa tuwa?”“Magbihis ka na, Allian. Para makaalis na agad tayo at makabalik ng maaga.”Tumungo
Pagkagising na pagkagising ko, ay agad kong nakita si Daylon na nakatayo sa harap ko.Bakit ba sulpot na lang ng sulpot ang lalaking ito? Hindi ba siya mapakale? Saka sabado ngayon kaya walang pasok. Huwag niya akong gisingin ng maaga dahil inaantok pa ako.“Get up, dimwit.” Ano ba ang problema ng lalaking ito?“Walang pasok, Daylon. Kaya patulugin mo muna ako. Gusto ko pa matulog. Napuyat ako kagabi dahil ang tagal natin nakauwi,” inis na saad ko at nagtaklob ng kumot sa buong katawan ko. Ayaw ko pa talaga bumangon. Kaya bahala siya sa buhay niya.“Get up, Allian.”“Ayaw ko nga!”“Remember what I have said last night?” Napadilat ako ng mga mata nang maalala ang sinabi niya sa akin kagabi.Kung pinaalala niya sa akin ang tungkol doon. Ibig sabihin ba nito hindi siya nagbibiro? Seryoso siya sa sinabi niya? Pero kailan ba nagbiro si Daylon? Ang akala ko rin kasi nagbibiro siya dahil hindi naman gano’ng lalaki si Daylon, pero dahil sa sinabi niya ngayon, maniniwala na ako.Agad akong umu
Pagkatapos mag-usap ng mga nasa labas, ay pumasok na agad si Daylon sa loob ng sasakyan.“Kumusta? Nakipag-ayos ka ba sa kanila?” tanong ko nang malagay niya ang seatbelt.“Inamin din niya na nang galing niya sa inuman. But don’t worry hindi ko naman hinayaan na makulong sila. Kaya sinabi ko sa mga pulis na wala ng problema at huwag nilang ikukulong ang lalaki dahil hindi ko naman siya kinasuhan.” Napangiti ako at tumingin na lang sa harap dahil sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan.“Thank you.”“For what?”“Dahil hindi mo hinayaan na umabot pa sa prison ang aksidente na ito.”\“He is the one should be thanking me not you.”“Alam ko naman kasi na magagalit sa’yo sila Auntie at Uncle, pero kahit alam mo na mapapagalitan ka, ay ginawa mo pa rin kung ano ang tama.” Sa mga kinikilos niya, unti-unti nang napapalapit ang loob ko sa kaniya. Parang nagbabago ang ihip ng hangin kapag kasama ko siya.“I don’t care, but you don’t have to thank me. Also, kasalanan nila kung bakit nangyare
Third Person's POV*"Wake up," sabi ni Daylon kay Allian na natutulog. Ilang minuto na itong natutulog, pero hindi pa rin nagigising.Napabuntong hininga si Wade at tinignan ang mukha ng babae. "Kahit sa pagtulog pangit pa rin." Napangisi si Wade at ginising na ulit si Allian."Gumising ka na, meroon ka pang laway sa labi mo nakakadiri." Biglang lumaki ang mga mata ni Allian at agad na pinunasan ang laway sa labi niya. Napasarap kasi ang tulog niya dahil sa music at lamig ng sasakyan. Hindi niya rin naman namalayan na nakatulog siya."Nasaan tayo, Daylon?" Nagtatakang tanong ni Allian. Halos dalawang oras din kasi silang nasa byahe at sa buong byahe na 'yun sobrang tahimik, minsan magtatanong siya ng kung ano-ano para hindi sila antukin, minsan naman kakanta siya at papatigilin siya ni Daylon dahil naririnig siya sa boses ni Allian. Pero nag-eenjoy naman si Allian na kasama si Daylon."Kapag lumabas ka sa kotse malalaman mo." Pagkatapos sabihin 'yun ni Daylon, agad itong lumabas ng k
"Nasaan ba ang girlfriend mo?" tanong ni Allian kay Quino habang naglalakad papunta sa foodcart na bibilihan nila ng pagkain."Iyang babaeng nakatingin sa'yo." Kumunot ang noo ni Allian at tumingin sa paligid niya."Huwag kang tumingin.""Anong hindi titingin? Hindi ko nga alam kung nasaan siya at hindi ko rin alam kung ano ang mukha niya. Saka wala ring nakatingin sa akin." Nilapitan ni Quino ang bibig niya sa tenga ni Allian. Kaya hindi nakagalaw ang katawan ni Allian."Isa siyang magandang babae sa buong mundo." Napangiti si Allian at kinilig. Meroon pa rin pa lang lalaki na ipagmamayabang sa kanilang girlfriend sa ibang babae. "Kaya niya nakuha ang loob ko.""Sure ka ba na mahal ka niya? Kasi kung mahal ka niya, hindi siya kikiligin at mapopogian sa ibang lalaki.""Mali ka, kahit may mahal ka ng iba. Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na tumingin sa ibang tao, pero hanggang tingin ka lang naman. Hindi ibig sabihin na tumingin ka, ay gusto mo agad 'yung taong 'yun. Hindi mo naman m
"Ano ba ang problema mo, Daylon? Wala naman akong ginagawang masama, pero bakit ka palaging galit o inis? Wala ka rin sa mood. Ano ba ang pwede kong gawin para maging masaya ka kasama ako? Sinusubukan ko namang pasayahin ka, pero wala akong magawa dahil palagi ka wala sa mood. At sa mukha mo buong maghalon, mukhang hindi ka naging masaya at nag-enjoy na kasama ako. Ginagawa ko naman ang makakaya ko, para mapasaya ka. Kahit magmukha akong tanga wala akong pakeelam. Para lang mapasaya ka, pero wala rin namang nangyayare. Gan'yan pa rin mukha mo. Sa totoo lang pakiramdam ko nga gan'yan ka na talaga. Gan'yan na talaga ang emosyon mo at ok lang sa akin 'yun dahil tanggap kita kahit ano pa ang ugali mo." Pag-aalala ni Daylon sa mga sinabi sa kaniya ni Allian kanina sa amusement park."Fvck. That girl is making me crazy," mahinang saad ni Daylon nang makalabas ito ng kotse. Iniwan niya sa loob si Allian dahil natutulog ang babae. Ayaw niya rin naman itong gisingin.Nagdesisyon si Daylon na p
Pagkapasok nilang dalawa sa loob ng bahay, ay walang kailaw-ilaw ang loob kaya sobrang dilim."Nagtext ba si Auntie sa'yo na may pupuntahan sila?" Tanong ni Allian at binuksan ang ilaw ng sala."Wala.""Nasaan kaya sila ngayon?"_____"Kumusta na kaya ang dalawang bata? Nakauwi na kaya sila?" Nag-aalalang tanong ni Mialyn sa kaniyang asawa na nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie kasama ang kanilang anak na si Demitri."Huwag mo na silang alalahanin. Hindi naman papabayaan ni Daylon si Allian. Kaya pumunta ka na rito at ienjoy ang gabing ito." Napabuntong hininga si Mialyn at tinabihan sa upuan ang kaniyang asawa."Dad's right, Mom. Masyado na silang matanda para mag-alala ka. Bakit ba kasi sobrang boto kayo sa babaeng 'yun. Ang pinaka-ayaw ni kuya sa lahat, ay 'yung hindi magaling sa academics. Kaya imposibleng magustuhan siya ni kuya." Kinunutan ng kilay ni Mialyn ang kaniyang anak kaya nanahimik ito.Kahit imposibleng magkatuluyan ang kaniyang anak at inaanak, ay gagawan niya pa