Share

My Husband is a Mafia King
My Husband is a Mafia King
Author: DarkShadowHunter

Kabanata 1

NAKATATAK pa rin sa isipan ni Athena ang mga salitang binitawan sa kaniya ni Ace. Lahat ay kaya nitong gawin para sa kanilang dalawa. Si Ace Luther ay dalawang buwan pa lamang na nagtatrabaho sa kanila bilang isang driver niya. Dati itong tagapangalaga ng hacienda ngunit inilipat ng mga magulang para bantayan siya. Sa araw-araw na sila ay magkasama at sa mga panahon na kailangan ni Athena nang kausap ay hindi ito nawala sa kaniyang tabi.

Nahulog ang kaniyang loob at hindi kalaunan ay minahal niya ito na hindi inalam ang buong pagkatao ng lalaking mahal na mahal niya ngunit wala nang pakialam pa si Athena basta't para sa kaniya ay kung anong meron sa kanila. Sa sobrang takot na paghiwalayin silang dalawa ay nagpakasal na ang dalawa at ito ay mangyayari sa araw rin na ito.

"Ang ganda naman ng asawa ko," isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Athena nang banggitin ni Ace ang mga salitang iyon. Walang nakakaalam sa gagawin nilang pagpapakasal sa huwes. Tanging silang dalawa lang ang nakakaalam at hindi na makapaghintay pa si Athena.

"Bolero. Ikaw rin naman. Sobrang guwapo mo sa suot mo ngayon," aniya at ngumiti lamang ito saka hinalikan ang kaniyang noo. Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa makarating na sila sa kanilag patutunguhan at hindi kalaunan ay ikinasal na nga mga ito. 

Walang pagsisidlan ang tuwang nararamdaman ngayon ni Ace sapagkat na sa kaniya na ang babaeng minamahal niya. Magkahawak-kamay pa ang dalawa habang palabas sa opinisa ng judge na nagkasal sa kanilang dalawa ngunit ikinagulat nila ang biglang pagsulpot ng maraming lalaki sa harapan nila. Kasabay no'n ay dumating sina Ginang at Ginoong Lazarus na hindi na maipinta ang mga reaksiyon sa mga mukha nila.

At sabay sabing, "What do you think you're doing, Athena?" Her mother asked na sobrang galit na galit ang mukha.

"I know the both of you were not blind. Ano ba sa tingin ninyo ang ginagawa namin?" Napayuko na lamang si Ace dahil sa mga salitang sinabi nang kaniyang asawa sa mga magulang niya.

"From being our boy, a driver at ngayon asawa na ng anak namin? How fascinating that is, Luther?" Napaangat ang ulo ni Luther dahil sa naging tanong ni Ginoong Lazarus, ang ama ng babaeng mahal niya.

Ngunit hindi siya natatakot at sabay sabing, "Mahal na mahal ko ang anak ninyo kaya ko siya pinakasalan. Inalay ko ang buhay ko sa kaniya at walang sino man ang makakapagpahiwalay sa amin," sambit niya kaya nanggigigil siyang tinitigan ng ama ni Athena.

"Ano ba itong pinasok mong gulo, Athena! Alam mo ba kung ano ang magiging dulot nito sa pamilya natin? Pinakasalan mo ang dukhang iyan at ano bang nakita mo sa kaniya bakit nabubulag ka na, Athena!?" Galit na wika nang kaniyang ina.

"Hindi ako bulag, p**e o bingi, Mama sapagkat ang tunay na nararamdaman ko para kay Ace ay totoo. Kaya wala na kayong magagawa sapagkat kasal na kami at kung ayaw niyo na magkagulo o madungisan ang pangalan ninyo, tatanggapin niyo kami ni Ace," sambit ng asawa kaya naikuyom na lamang ni Ginoong Lazarus ang kaniyang kamay habang si Ginang Lazarus naman ay masama silang tinitigan.

"Pagsisisihan mo rin ang ginawa mo, Athena. Isang malaking pagkakamali ang pumatol ka sa isang hamak at walang kwentang animal na iyan! Pero ano pa ba ang magagawa namin? Nandiyan na iyan at wala kaming magagawa kung hindi tanggapin kayo," sagot ng ginang kaya isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ace. Naglakad na papalayo ang dalawang matanda kaya sumunod na sina Athena at Ace sa kanila.

"Ako ang bahala sa 'yo, Ace. Magiging maayos rin ang lahat," sambit ni Athena kaya tumango na lang siya saka sumunod sa asawa. Kaagad naman silang umalis at nagtungo sa mansion kasama ng mga magulang ng babaeng minamahal niya. Pansamantalang iniwan ni Athena si Ace sa baba para ihanda ang kanilang matutulugan na siya ring paglapit sa kaniya ng kaniyang biyenan.

"Akala mo magiging madali na ang lahat? Akala mo lang iyon at gagawa kami nang paraan para paghiwalayin kayo. Hindi kami makakapayag na isang hamak na driver, houseboy o kung ano-anong pang-dukhang trabaho pa iyang papasukin mo ang makakatuluyan ng anak namin," masasakit na mga salita ang binitawan ng kaniyang biyenan na babae kay Ace subalit pinagsawalang-bahala niya na lamang ito. Hindi siya puwede magalit sapagkat kinatatakot niya na mangyari iyon. 

Walang sino man ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao dahil matagal nang panahon niya iyong nilimot dahil nais niyang mamuhay nang tahimik kasama ng babaeng mahal niya kaya't hanggang kaya niya magtitiis siya.

"Huwag kayong mag-alala dahil mamahalin ko ang anak ninyo nang buong puso kahit kapalit noon ay panghuhusga at paninira sa puri ko," sagot niya kaya naman ay sinamaan lamang siya nang tingin ng mga ito.

"Hindi porket dito ka na titira ay wala ka nang gagawin. Kailangan mo pa rin magtrabaho bilang kapalit sa pagtira mo nang l***i sa bahay namin. Wala kang gagawin kung hindi ang sumunod dahil kapag hindi, kayang-kaya naming ilayo ang anak namin sa 'yo," sambit ng ama nang kaniyang asawa kaya naman ay napakuyom na lamang ang kaniyang kamao.

"Nakahanda ako sa lahat nang bagay," sagot niya at ngumisi lamang ang mga ito. Magsasalita pa sana ang kaniyang mga biyenan nang may biglang sumugod kay Ace at sinuntok pa siya. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya nakailag.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kapatid ko? Anong gayuma ba ang ginawa mo bakit mo napaibig ang kapatid ko!?" Galit naman na sabi ng kapatid ni Athena. Ramdam ni Ace ang dugo sa gilid ng labi niya kaya pinahiran niya na lamang iyon.

"Wala akong ginamit na sangkap para mapaibig si Athena. Sadyang nagmamahalan lang kaming dalawa at wala na kayong magagawa pa," sagot niya sa kanila at akmang susuntukin pa siya ng kapatid ni Athena nang biglang dumating si Athena at pino-protektahan siya.

"What do you think you're doing? Bakit mo sinuntok ang asawa ko!?" Galit niyang tanong sa kapatid subalit ngumisi lamang ito sa kaniya.

"Baliw ka na yata para pumatol lamang sa isang hamak na driver, Athena!" Sambit nito sa kaniya.

"Sa oras na makita kong sinasaktan niyo si Ace, makikita niyo ang kaya kong gawin. Huwag ninyo akong subukan," At kasabay no'n ay hinila na niya papalayo si Ace sa harapan ng kaniyang sariling pamilya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status