Share

Kabanata 5

LAHAT ay may kaniya-kaniyang ginagawa sa loob nang tahanan ng mga Lazarus dahil ngayong araw ay kaarawan ng ina sa tahanan na si Ginang Felicity. Naglalakad si Ace Luther kasama ng kaniyang asawa upang iabot ang regalo na kanilang ibibigay sa ina. Maayos ang naging kasuotan ni Ace ngayong gabi sapagkat ito ay hiniling ng kaniyang asawa. Sa gabing ito ay hindi nagmumukhang dukha at hamak na driver lamang si Ace sapagkat may pinaghahandaan siya para sa gabi na ito.

Nakasalubong pa nila sa daan ang panganay na kapatid ng kaniyang asawa at ganoon na lamang ang sama nang pagkakatitig nito sa kaniya.

At ang sabi, "Ayos, nagmukha kang tao ngayong gabi, Ace," aniya na may kasama pa na tawa.

"Ano ka ba—" hindi na niya pinagpatuloy sa pagsasalita ang asawa dahil ayaw niya na mag-away pa ang mga ito nang dahil sa kaniya.

"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay ngayong gabi," aniya sabay ngiti nang matamis sa asawa niya kaya ay nagbuntong-hininga na lamang ito at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa tuluyan na nga silang makapasok sa kung saan ipagdaraos ang kaawaran ni Mrs. Lazarus.

"Mama," tawag nang kaniyang asawa at lumingon naman ito sa gawi nila pero ang ngiti na gumuhit sa labi ng Ginang ay napalitan nang inis dahil sa kaniya.

"Bakit mo pa isinama ang lalaking iyan, anak? Nakakahiya sa mga bisita at tignan mo nga iyang dala-dala niya. Kahit pa nagsuot siya nang bago... Mukha pa ring basahan ang asawa mo," masakit ang mga binitawang salita ng ina ni Athena, subalit tiniis lamang iyon ni Ace. Napansin niya na rin na nakatingin na sa kanila ang mga tao at nagsisimula na silang magbulungan.

"Mama naman! Asawa ko si Ace at hindi niyo siya puwedeng tratuhin nang ganiyan!" Sambit nang kaniyang asawa kaya naman ay isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Ace Luther.

"Bakit ba hanggang ngayon ay nagtatanga-tangahan ka pa rin diyan sa lalaking iyan? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga mayayaman mong manliligaw ay sa kaniya ka pa talaga nahulog? Hindi ko alam kung bob* ka ba talaga o sadyang ginayuma ka ng lalaking ito!" Galit na wika ni Mrs. Lazarus kaya napakuyom na lamang ang kamao ni Ace at nagpipigil.

"Mama—" hindi na natapos nang kaniyang asawa ang sasabihin nang biglang tabigin ni Mrs. Lazarus ang mesa dahilan upang magsitapon sa sahig lahat ng mga pagkain at natalsikan pa ang damit ni Ace.

"Huwag mo akong subukan, Athena! Hindi ko pa rin matanggap ang dukha mong asawa at kahit umiyak pa siya ng dugo sa harap ko, hindi ko matatanggap na pumatol ka sa isang hamak na driver lamang! At ikaw naman, Ace linisin mo ang kalat gamit ng mga kamay mo. Kung maaari, gawin mong panglinis iyang bibig mo!" Harap-harapan na sambit ng Ginang kay Ace. Marahan niya na lang ipinikit ang mata saka hinarap ang asawa na ngayon ay alalang-alala na sa kaniya.

Akmang sisimulan na ni Athena ang paglinis sa kalat nang magsalita si Ace. "Ako na. Maupo ka na lang muna diyan at kaya ko na ito," aniya at sinimulan na ang paglilinis. Malapit niya na ito matapos subalit nagbalik ang Ginang saka walang humpay na tinapon sa nalinisan ni Ace ang pagkain kaya naikuyom niya ang kaniyang mga kamao.

Si Ace Luther ay isang hamak lamang na driver ng pamilya Lazarus na minahal ang isa sa pinakamaganda nilang anak. Akala niya ay hindi siya kayang mahalin ng babae dahil sa estado nang kaniyang buhay ngunit kinagulat niya nang aminin rin nito ang pagmamahal para kay Ace. Ikinasal silang dalawa sa huwes subalit nalaman ito ng pamilya Larazus at nais sila paghiwalayin sapagkat nagbanta si Athena na kapag gagawin nila iyon ay sisirain niya ang reputasyon ng pamilya kaya wala silang nagawa kung hindi tanggapin siya. 

Subalit naging impyerno ang buhay ni Ace sa kamay ng mga manugang. Inapak-apakan ang kaniyang pagkatao at inaalipin pero lahat ay kaya niyang tiisin para sa pagmamahal niya sa kaniyang asawa. Pero lingid sa kaalaman nila na si Ace Luther ay nagpapanggap lang pala na mahirap dahil may pinagtataguan ito. Walang nakakaalam kung hindi siya lamang at ang kaniyang pinagkakatiwalaan na mga tauhan.

"Ayan pa, Ace! Ayusin mo dahil darating na ang iba ko pang mga bisita." Sambit ng Ginang na siyang kinagalit ni Athena kaya hinarap niya muli ang ina.

"Namumuro ka na sa akin, Mama! Hindi katulong ang asawa ko para ganyanin niyo siya. Asawa ko po siya at hindi utusan kaya tama na! Pagod na pagod na ako sa mga ginagawa ninyo sa kaniya!" Galit na wika ni Athena sa kaniyang ina.

"Kinakalaban mo na ako ngayon dahil sa Ace Luther na ito, Athena? Ano ba ang pinagmamalaki ng lalaking ito? Ano nga lang ba siya? Tumigil ka, huh baka magalit ako at kuhanin sa iyo lahat-lahat!" Banta ni Mrs. Lazarus sa anak.

"I love him, kaya wala na akong pakialam pa. Kunin niyo na ang lahat sa akin and I don't care!" Gulat na tumingala si Ace sa asawa dahil sa kaniyang narinig. Ngunit dahil sa kaniyang sinabi ay umalingawngaw ang isang malutong na sampal ang kaniyang natanggap mula sa ina na siyang nagpakulo sa dugo ni Ace. Pagod na pagod na siyang marinig ang tawa ng mga tao at pang-aalipin ng mga manugang sa kaniya. Higit sa lahat ay pinakaayaw niya ay ang makitang nadadamay ang asawa dahil sa kaniya. Tumayo si Ace sa kaniyang kinauupuan at hinarap ang Ginang.

Kinuha niya ang telepono sa kaniyang bulsa at ganoon na lamang ang tawa ng mga bisita dahil sa murahin lamang ang kaniyang telepono ngunit hindi niya na iyon pinansin.

At sinabi, "It's time," aniya sa kabilang linya. Dalawang letra lamang iyon ngunit naging palaisipan sa lahat ng mga nandirito.

"Bakit? Balak mo ba akong ipapatay, Ace? As if may ipapambayad ka," ani ng Ginang ngunit ngumisi lang si Ace na siya ring kinagulat ng Ginang. 

Hindi siya sanay sa mga nakikita niya ngayon kay Ace at hanggang sa may pumasok bigla sa kanilang bahay na nakasuot ng mga tuxedo na lalaki at lumapit kay Ace sabay sabing, "Finally, Mr. Ace Luther. The Mafia King,"

At sa mga salitang iyon, napanganga ang lahat sa gulat.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ellah Caballes Melano
Next chapter please
goodnovel comment avatar
Raniel Jie Espinosa
kelan kaya magkakameron ng next chapter.. ang ganda pa naman ng keen to.. Hindi na ako makapag hintay..
goodnovel comment avatar
Hana Lisa Lizada Baloloy
next po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status