Share

Chapter Seven

“What are you doing here? “ nagpupuyos sa galit na tanong ni Blaire kay Dave. Mukhang mali atang pumayag ako na tulungan si Dave ngayong nakikita ko na kung ano ang mga posibleng mangyari.

“Blaire, calm down. Ako ang nang-aya sa kanya na puntahan ka. “pagpapaliwanag ko sa kanya dahil hindi na makasalita si Dave. Mukhang natakot ata sa matatalim na titig na binabato ni Blaire sa kanya.

“Seriously, Yaena? You know my past. You know what I went through just to move on with him. Why are you with him? “ sunod-sunod na tanong niya sa akin. Sabi ko nga mali talaga ‘tong desisyon kong tulungan si Dave. Galit na galit na si Blaire baka pumalpak pa event nya ngayon.

“ Don’t blame Yaena, Blaire. Pinilit ko lang sya na samahan akong pumunta sa event mo.” Sa wakas ay nagsalita na din ang isa dahil pag nagkataon ito na ang una at huling beses na tutulungan ko syang makipag-ayos kay Blaire.

“Saan ka ba kumukuha ng kakapalan ng mukha, Dave? Pwede ba umalis ka na lang baka masira lang event ko dahil sayo! “ madiin at pasigaw na sabi ni Blaire pati ang mga tao ay napapalingon na din sa kanya. Alam kong nasasaktan si Dave sa mga sinabi ni Blaire pero nanatili lang ito sa kanyang kinatatayuan.

“G-gusto lang sana kita makausap, Blaire. M-miss na miss na kita. “ nauutal na sagot ni Dave habang nakayuko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa lalaking ‘to o matatawa. Ngayon ko lang kasi sya nakitang nagkaganito dahil sa babae eh mukhang malakas talaga ang tama nya kay Blaire. Sabagay di ko naman masisisi si Blaire kung hanggang ngayon ay galit na galit pa din sya kay Dave kahit sino naman siguro magagalit din talaga. Anyway, it’s not my story to tell.

“Pwede ba Dave tigilan mo na ako. Hindi na ako ang dating Blaire na sasambahin at hahabol-habulin ka. Everything changed. You changed me! “ ang kaninang malakas nyang turan ay mas naging malakas at halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin buti na lang at di pa nag-uumpisa ang event nya. Hindi na rin hinayaan ni Blaire na magsalita pa si Dave dahil umalis na ito.

“Dave, let’s go. Kausapin mo na lang sya ulit mamaya baka masira lang natin event ng kaibigan ko. Give her time and space muna. “pang-aaya ko sa kanya palabas ng venue.

“Thank you Yaena for helping me. I think you should go first baka hanapin ka na ng asawa mo. Hihintayin ko na lang matapos ang event ni Blaire. Don’t worry hindi ako manggugulo. Gusto ko lang talaga bantayan sya. “ mahabang sagot nya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi nya dahil alam kong di ko din sya mapipilit kaya mag-isa na lang akong umalis.

Nagpasiya agad akong umuwi ng bahay kahit alam kong di na ako makakatuntong sa bahay namin. Sinuway ko si Cyver sa unang pagkakataon. Ito ang unang beses na hindi ko siya sinunod kaya alam kong galit na galit siya sa akin. Gabi na ng makarating ako. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na ang mga gamit ko sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Nasasaktan na naman ako kahit alam kong gagawin naman talaga ‘yun ni Cyver. Ilang beses akong nag door bell pero hindi man lang ako pinagbuksan ng gate. Alam kong nandoon siya sa loob ng bahay dahil nakabukas pa ang mga ilaw pero di pa din sya nag-abalang pagbuksan ako ng gate. Tinext at tinawagan ko na din sya pero hindi naman niya sinasagot. Ilang oras pa akong naghintay pero hindi pa din niya ako pinagbubuksan ng gate kahit alam nyang nasa labas ako.

Akala ko nga pagbubuksan nya na ako ng gate nung bumuhos ang malakas na ulan pero nagkamali ako. Hinayaan nya lang ako sa labas na nababasa at nilalamig. Wala talaga syang pakialam sa akin. Siguro kahit mamatay ako ay hindi man lang siya mag-aabalang puntahan ako sa burol ko. Habang lumalakas ang ulan ay lumalakas din ang pag-iyak ko kunting-kunti na lang bibitaw na ako. Kunting-kunti na lang ay susuko na ako.

Nagmahal lang naman ako pero bakit kailangan kong maranasan ‘to? Bakit kailangang iparanas nya ‘to sa akin? Ganito ba talaga pag nagmahal?

“Y-Yaena, bakit nandito ka pa sa labas ng bahay nyo? “ sabay yakap sa akin ni Dave kaya mas lalo akong napahagulgol. Nagtataka man ay hindi ko na din nagawang tanungin sya kung bakit nandito sya gayong abala sya kay Blaire. Agad nya akong pinasakay sa kotse nya.

“Yaena magkwento ka nga sa akin. “ may diin at galit na sambit ni Dave sa akin habang pinupunasan ang buhok ko. Sobrang swerte ni Blaire sa kanya kung tutuusin dahil maalaga at mabait si Dave. Ibang-iba sya kompara kay Cyver. Kung pwede lang na turuan ang puso na magmahal siguro matagal ko ng minahal si Dave.

Wala pa sana akong balak magsabi ng totoo sa kanya pero dahil mapilit siya wala na akong choice kundi ikwento sa kanya lahat.

“Tanga naman pala ng asawa mo Yaena eh. Bakit di mo agad sinabi sa akin ha? Kung alam ko lang dati pa baka nasapak ko na ‘yang Cyver na ‘yan Yaena!” nagagalumiti niyang sambit sa akin pagkatapos kong ikwento lahat sa kanya.

“’Ayaw kong magsabi sayo kasi alam ko na ganyan ka mag-react tsaka kaya ko naman Dave. Kaya ko pa naman”. Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Yaena naririnig mo ba lahat ng sinasabi mo? Nagpapakatanga ka sa lalaking hindi ka naman kayang mahalin! Isipin mo naman sarili mo Yaena. Wag puro si Cyver. Wag puro ‘yung lalaking ‘yun na wala namang kwenta. “ galit pa din niyang sagot sa akin.

“Sa tingin mo ba dahil sa mga nalaman ko hahayaan pa kitang bumalik sa kanya? Hindi na Yaena. Hindi na.” dugtong pa niya habang nakakuyom ang mga kamay.

“Dave kahit anong mangyari asawa ko si Cyver hindi na magbabago ‘yun kaya kahit ayaw ko babalik at babalik pa din ako sa kanya “. ani ko kahit alam kong hindi nya magugustuhan ang sagot ko.

“Yaena asawa ka lang nya sa papel. Sa papel lang Yaena. Know your worth. Hinding-hindi ko hahayaang saktan ka pa nya Yaena. Hindi na. “

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status