Share

Chapter Three

Yaena POV_

“ Babe, come on! Let me taste it first please” narinig kong familiar na boses ng babae habang pababa ako ng hagdan. And hindi na ako nagkamali, si Angela nga ito. Nakayakap siya habang nakatalikod si Cyver. Wala ibang suot na pang itaas si Cyver kundi ang apron. Kahit nakatalikod ito ang ganda pa din tingnan ng mga biceps niya. Nag g-gym kasi ito kaya hindi na nakakapagtaka na maganda talaga ang katawan. Buti pa si Angela malaya siyang nahahawakan, nayayakap at natitikman ang mga luto nya. Never kasi niya akong pinagluto eh. Never nya akong pinagsilbihan tulad ng ginagawa nya kay Angela ngayon.

What if ako ang minahal ni Cyver, magiging ganito kaya kaming dalawa? Ipagluluto din kaya niya ako? Ngingiti at magtatawanan din ba kaming dalawa? Aalagaan din kaya niya ako tulad ng ginagawa niya kay Angela?

Ang swerts-swerte ni Angela, mahal sya ng taong mahal ko. Sabagay ano nga bang laban ko sa kanya? Maganda sya kaya siguro nung unang beses pa lang sya makita ni Cyver ay humanga na ito sa kanya. Lahat ng gugustuhin ng lalaki ay kay Angela na kaya sino ba naman ako para palitan sya sa buhay si Cyver. Malayong-malayo ako sa Angela nya.

“ K-kanina ka pa ba nandyan, Yaena?” bigla akong natauhan sa mga iniisip ko nang magsalita si Angela. Nakatingin na sila pareho sa kinaroroonan ko. Kanina pa pala ako nakatayo't pinagmamasdan silang dalawa. Masaya ako para kay Cyver pero nasasaktan ako para sa sarili ko. Ang sakit-sakit kasj nyang mahalin.

“ Ahh hindi naman. Ku-kukuha lang sana ako ng gamot. Medyo masakit kasi ulo ko.” Palusot kong sagot sa kanila. Totoo naman, masakit talaga ulo ko pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.

“ Ganun ba, Babe di ba may gamot sa cabinet? Bigyan mo muna si Yaena para makainom na sya”. Pautos pang sambit ni Angela kay Cyver na agad naman nitong sinunod. Ito pa ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko magawang magalit kay Angela. Ang bait-bait nya sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya, Angel.

“ Here, “ tanginb sambit ni Cyver habang inaabot sa akin ang gamot. Ganun lang, walang ibang sinabi. Hindi naman kasi ako importante sa kanya eh. Siguro nga kung di sya inutusan ni Angela na kumuha ng gamot hindi din sya kukuha. Akma na sana akong babalik sa kwarto ng magsalita ito .

“ Oo nga pala, pinatapon ko na yung nga niluto mo kahapon. Panis na eh baka sumakit pa ang tiyan namin ni Angela kung kakainin pa namin”

Ang akala ko malakas akong tao pero bakit tumulo na naman mga luha ko? Buti lang hindj nila nakita dahil nakatalikod ako sa kanila. Ang sakit lang. Ang sakit-sakit. Ganun-ganun na lang ba yun? Pinagod ko ang sarili ko para ipagluto siya. Gumastos ako ng sarili kong pera para makabili ako ng handa nya tapos ganun lang yun? Ipinatapon lang niya? Ganito na ba talaga ako kasamang tao para ipamukha sa akin na wala talaga akong halaga sa kanya? Ang sakit-sakit.

It's Sunday, plano ko sanang magkulong na lang sa kwarto buong araw dahil bukod sa ayaw kong makita ang dalawa gusto ko din magpahinga. Katatapos ko lang inumin ang gamot na binigay ni Cyver nang marinig kong nagring ang phone ko.

“Hello, oyy prenny, Today is Sunday, I know di ka busy. Let's go to church”, walang paligoy-ligoy na sambit ni Wendy. Himala di busy ang isang ‘to.

“ Medyo masakit kasi ulo ko, baka di ako makasama” mahina kong turan sa kanya.

“Let me check you mamaya, sige na sama ka na. Minsan lang naman ‘to. Daanan kita ah. Kasama ko si Blaire. “ tuloy-tuloy niyang sambit at agad akong binabaan ng phone. Ano pa nga ba magagawa ko? For sure on the way na yun sila. Ayaw pa naman nilang pinaghihintay sila ng matagal.

Agad na din akong nag-ayos ng sarili ko. Naglagay ng kunting make up at inilugay ang mahaba pero medyo curly kong buhok. Simple white dress lang ang sinuot ko na above the knee then 3 inches na heels. Sabi nila maganda daw katawan ko kahit kulang sa exercise so kahit papaano confident din akong magsuot kahit may asawa na ako. Hindi naman nagtagl ay narinig ko na ang busina ng kotse and I’m sure sila Wendy na iyon. Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba.

As usual, sila agad ang nabungaran ko. Nakahiga si Angela sa lap ni Cyver habang si Cyver naman ay nakaupo at hinahaplos ang bukok ni Angela. How sweet scene. Di ako agad na-inform. Nakafocus din silang nanunuod ng tv kaya di nila ako napansin.

Wala na sana akong balak magpaalam sa kanila ng bigla kong narinig na tumikhim si Cyver hudyat na alam nyang aalis ako.

“ Ahm, church daw muna kami nila Wendy, sige alis na ako” paalam ko sa kanya habang nakatitig sa akin. Pinasadahan pa niya ang suot ko mula paa hanggang umabot sa mukha ko. Hindi ko nabasa kung ano ang nasa isip nya pero alam kong hindi nya nagustuhan ang suot ko. Bahala sya dyan. Wala din akong pakialam sa kanya.

Hindi ko na din sya inantay magsalita dahil lumabas na ako. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ni Blaire.

‘Mukhang nandyan kabit ng asawa mo ah”, bungad din ni Wendy sa akin pagkapasok ko sa kotse nya.

“ Ewan ko ba dyan sa kaibigan mo, dinaig pa ang santo sa pagiging mabait. Inaabuso na nga ng dalawa ayun tatanga-tanga pa din” bwelo naman ni Blaire sa akin. Dapat magagalit ako kasi nasasaktan ako sa mga sinasabi nila pero tama naman sila, inaabuso na ako ng asawa't kabit nya.

“ Yaena, hanggang kailan? Di ka pa ba nagsasawa? Ang ganda-ganda mo pero ang lungkot-lungkot ng buhay mo. Ito payong kaibigan lang ah, huwag mo ng hintaying maubos ka , Yaena. Alagaan mo naman sarili mo. Mahalin mo naman sarili mo wag puro si Cyver. Sa ating tatlo ikaw ang pinakamatalino pero ikaw ata ang pinakabobo pagdating sa pag-ibig”.

Stil, tinamaan na naman ako sa mga sinabi ni Wendy. Everytime na magkikita kami, ito agad ang sinasabi nila. Oo paulit-ulit na lang. Nakakasawang makinig pero alam kong ginagawa lang nila ito para matauhan ako na hinding-hindi kami magkakaayos ni Cyver. Na asawa nya lang ako sa papel pero iba ang mahal nya dahil sa iba nya gustong magpakasal.

After naming mag Church, we decided to spend our day in Coffee Shop na pag mamay-ari ni Wendy. Bilib din talaga ako sa kaibigan kong ito. Bukod sa magiging Doctor na, may business din itong hinahawakan and I'm happy for her achievements. Kung sana di ako nagpadala sa katangahan ko noon siguro madami na din akong naipundar para sa sarili ko. Kung sana lang hindi ko yun ginawa, masaya na sana ako ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status