Share

Chapter 19.2

Mabilis na kinarga ni Amber ang bata pagkatapos ay agad rin siyang tumayo. Tila bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa sa sinabi ng bata na dapat siyang halikan ni Ashton.

Bigla kasing rumagasa sa alaala niya ang ginawang paghalik sa kanya nito noong nasa resort sila.

"Uwi na tayo. Puntahan na natin si Hyde." Taranta niyang turan. Nagpatiuna na rin ito ng paglabas ng silid. Ni hindi na  rin niya nagawang lingunin si Ashton Blumentrint, pakiramdam niya kasi ay pulang-pula na siya dahil sa tumatakbo sa kanyang isip.

Napabuntong-hininga naman si Ashton na sumunod sa kanila dahil sa inasta nito. 

Nang magsimula silang bumiyahe ay itinuon na ni Amber ang kanyang atensiyon kay Hade. Pakiramdam tuloy ni Ashton ay para siyang hangin na hindi nakikita ng dalaga.

Naramdaman ni Amber ang paninitig ni Ashton sa kanyang ngunit tinatagan niya ang sariling huwag lingunin ito. Itinuon niya ang kanyang buong atensiyon sa mga kwento ni Hade. Nagkwento

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status