Kumabog ang dibdib ni Amber sa sinserong titig ni Dark Indigo. Tila tumagos iyon sa kanyang puso."Payagan mo akong ligawan ka, please." Tila nag-echo iyon sa pandinig niya.Napakurap na lamang si Amber. Hindi siya makapaniwala sa narinig."Gusto akong ligawan ni Dark Indigo Villacorda?" Ugong ng kanyang isipan."Mommy!" Tila bumalik si Amber sa reyalidad sa pagtawag na iyon mula kay Hade. Mabilis siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanya ni Indigo."T-tinatawag na ako ng anak ko." Kandautal niyang saad. Gumuhit ang kiming ngiti sa labi ng dalaga bago umatras ang kanyang mga paa."Next time na ulit tayo mag-usap."Bago pa makaimik si Dark Indigo ay mabilis nang tumakbo si Amber patungo sa park. Wala na siyang nagawa. Napabuntong-hininga na lamang siyang hinatid ng tingin ng babae.Hindi na nagawa pang lingunin ni Amber si Indigo. Basta nagpatuloy lamang ito sa paglayo. Humihingal siya nang makar
Bago pa makaimik si Amber ay dumapo na ang malakas na suntok sa mukha ni Dark Indigo. Sa lakas ay bumagsak ang lalaki sa sahig. Hindi pa nakuntento si Ashton sa pagsuntok, marahas niyang hinatak ang damit ni Indigo. Nang maitayo niya ito ay umamba ulit ito ng suntok. Kitang-kita ang panggagalaiti sa mukha nito."Tama na!" Nagawang mahawakan ni Amber ang kanyang kamay kaya natigil ang padapo ng kamao nito sa mukha ng kanyang pamangkin.Hindi niya gusto ang ginawang paghalik sa kanya ni Dark Indigo ngunit hindi naman niya maaatim na makita itong sinasaktan ni Ashton."Huwag mo na siyang saktan."Matalim naman ang titig ni Ashton Blumentrint na bumaling sa kanya. Tila dismayado rin itong umiling. Pagkatapos ay marahas nitong ipiniksi ang kanyang kamay."Hindi pa tayo tapos, Indigo! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong 'to!" Mariing saad ni Ashton Blumentrint kasabay ng marahas na pagtulak niya sa kanyang pamangkin. Muntikan
Natigilan naman si Amber nang makita niyang huminto si Ashton. Tila bigla itong nahulog sa malalim na pag-iisip. "Hoy, tanders. May problema ba?" Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili. Kanina lang ay nagpupuyos siya ng galit kay Ashton ngunit tila bigla na lamang naglaho ang nadarama niyang inis para sa lalaki. Hindi rin niya napigil ang sariling lapitan ito. "Tanders! Back to earth na!" Pumitik ang mga daliri niya sa harap ng mukha nito. "Got you!" Napatili na lamang siya nang pumulupot ang kamay ni Ashton Blumentrint sa kanyang beywang. "Napakagaling mong artists. Bwiset ka!" Matinis niyang tili. Pinagpapalo nito ang d****b ni Ashton Blumentrint. "Ano nga ulit ang sabi mo kanina about Indigo's kiss?" Pinaningkitan niya ito ng mata. "Do you want me to remind you how we kissed before?" Walang kangiti-ngiting turan nito. Tila naman nanuyo ang lalamunan niya sa sinabing iyon ni Ashto
Matapos punasan ni Ashton ng basang bimpo ang katawan ng dalaga ay kaagad niya itong binihisan ng pantulog. Matapos iyon ay kaagad siyang tumabi ng higa sa babae.Nakangisi niyang inilabas ang kanyang cellphone. Kaagad niyang hinanap ang camera ng kanyang cellphone at itinapat iyon sa kanila ni Amber matapos niyang idikit ang ulo nito sa dalagang nakatagilid paharap sa kanya.Matapos makakuha ng larawan ay kaagad siyang nagtungo sa listahan ng kanyang contacts. Kaagad niyanh ipinasa ang larawan. Kaagad din siyang naglagay ng caption nito.It's indeed a wonderful night. Thank you for the wine.Nang mabasa niya ang salitang sent bilang tanda na naipadala na niya ang mensahe ay lalong lumawak ang kanyang ngisi.Samantala, natigil naman sa paglalakad si Dark Indigo nang marinig niya ang message ringtone ng kanyang cellphone. Kunot-noo niya iyong hinugot sa kanyang bulsa dahil wala siyang inaasahang text messa
Gustong kutusan ni Amber ang kanyang sarili kung bakit lumabas iyon sa kanyang bibig. "Baliw ka na self." Ugong ng kanyang isipan. "Ofcourse, Amber. Pananagutan ko ang nangyari. If you want, I can marry you as soon as possible." May munti itong ngiti sa labi. "Nagbago na isip ko. Joke ko lang talaga 'yon." Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa kanyang labi. "No, I insist. Dapat noon pa kita pinanagutan. May mga anak tayo, dapat lang naman na pakasalan kita, 'di ba?" Puno ng kaseryosohan ang ekspresyon nito. "Joke nga lang." Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot. Aniya sa sarili, mukhang hindi niya yata madaling mababawi ang kanyang sinabi. "C'mon. Let's start a new beginning. Bigyan natin ng kumpletong pamilya ang mga bata. Magpakasal na tayo." Lalo tuloy siyang pinagpawisan sa tinuran ni Ashton. Mahina na lamang siyang tumikhim bago siya magsalita. "Ang kasal ay para lang sa ta
Napataas na lamang ang kilay ni Amber sa limang paper bags na nasa kanyang harapan. Bukod roon ay mayroon pang isang box ng white chocolate at isang kulay pink na human size Teddy bear."Ang dami naman nito, tanders?"Nailing na lamang siyang napabaling sa lalaki. Sa lumipas na isang linggo ay walang palya ang pagbibigay sa kanya ni Ashton ng kung anu-ano regalo gaya ng jewelries, damit, sapatos at bags."At saka bakit araw-araw na lang, hah?""Just let me do this, Amber. I just want to pamper you---" Bago pa siya matapos sa sabihin ay natigil siya ng magsalita si Amber."Hay naku! Bahala ka sa life mo. Basta kapag namulubi ka bigla, huwag mo akong sisihin."Akmang aawang na ang labi ni Ashton nang marinig nila ang pagkatok sa pinto. Bago siya makahuma ay kaagad nang humakbang si Amber palapit sa pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanyang paningin ang isa sa mga katulong."Magandang gabi, Lady Amber." Y
"You'll marry me?" Tila 'di makapaniwalang tanong niya."Ayaw mo? Sige huwag na lang, madali naman akong kausap.""No, ofcourse gusto ko." Mabilis nitong sagot. "I just can't believe. It's feels like I'm dreaming."Mahina siyang natawa sa tinuran nito."Nanaginip ka talaga, tanders. Kaya gising na." Pumitik si Amber sa harap ng mukha nito. "Gising na. Walang kasalang magaganap.""Walang bawian, please."Lalo siyang natawa sa hitsura nito. Para itong batang nagmamakaawa."Ikaw kaya itong maraming hanash diyan." Nakatawang turan niya.Natigilan lamang siya sa pagtawa nang humawak si Ashton sa kanyang kamay."I wanna hear it from you again, Amber." Sinsero ang mga mata nitong nakatingin sa kanya."Hays! Ang kulit! " Pasimple niyang tinanggal ang kamay ni Ashton na nakahawak sa isa niyang kamay. "Oo nga, papakasalan kita.""Thank you." Mabilis siya nitong niyakap. Para namang
Magkasunod na pumarada ang dalawang magarang sasakyan sa harap ng bungalow house ng mga Velez. Mula sa mga bahay na kadikit ng maliit na bahay ay nagsimula na ring lumabas ang mga tao at nakiusyoso. Tila ba may dumating na artista. Hindi naman naiwasan ni Amber ang manliit nang bumaba sa ikalawang sasakyan si Don Flacido. Aniya, ang bahay nila ay kasinglawak lamang ng isang kwarto sa mga Villacorda. Nabaling lamang ang tingin niya kay Ashton nang pisilin nito ang kanyang palad. Binigyan siya nito ng sinserong tingin. "Don't be nervous." Marahan na lamang siyang tumango bilang tugon. "Mareng Amaya! Lumabas ka, may bisita kayo!" Sigaw ng isa sa kapitbahay nila. Lumapit naman ang isa sa kapitbahay nila, nagniningning ang mga mata nitong sinuri ng tingin ang kabuan ni Amber. Simple lamang ang estilo ng suot niyang kulay peach na bestida ngunit 'di maikakailang mamahalin ito. "Ang tagal mong nawala ah. Balita namin nag-asawa ka na." Tipid na ngiti na lamang ang naisukli nito sa a