Share

Chapter 34.2

Halos bumuntot na ang dalawang bata kay Grei. Halos hindi na bumitaw sa kanya ang dalawa.

Matapos hawakan ng kambal ang magkabilang kamay ni Grei ay hinila nila ito patungo sa sofa.

"C'mon, Daddy. Let's watch together."

Walang naman siyang narinig na kahit anong reklamo mula kay Grei. Nagpatianod ito sa gusto ng mga bata. Puro tango at ngiti ang sukli niya sa mga hiling ng kambal.

Ang isang kinatatakutan ni Amber ay hindi pa kilala ni Grei ang mga bata. Maaaring anumang oras ay mabuko sila.

Buntong-hininga na lamang siyang lumapit sa kinaroroonan ng tatlo.

"Mga anak, pwede ko bang mahiram saglit ang papa niyo? Kakausapin ko lang siya saglit."

Napatingin naman sa isa't-isa ang kambal.

"Saglit lang naman, kakausapin ko lang ang papa niyo sandali." Ginawaran niya ng ngiti ang mga bata. "Please."

"Okay po." Marahang tumango si Hyde.

Tila naguguluhan namang tumayo mula sa pagkakaupo si Grei. Nang tuluyan itong makatayo ay kaagad siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status