"Magmeryenda muna kayo." Pilit pinasigla ni Amber ang kanyang tinig kasabay ng tuluyang paglapit sa mesa na ilang hakbang lang ang layo mula sa mga bata.
"Yeheyy! We have snack." Kaagad naman siyang sinalubong ni Hade.
Tuluyan na ring tumayo si Hyde at lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang dala ni Amber na pagkain.
Tuluyan na nitong nakalimutan ang pinag-uusapan nila ng lalaking inaakala niyang ama.
Nanatili naman si Grei sa pwesto nito at pinagsawa ang kanyang mga mata sa mag-iina.
Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Amber.
Nang makapwesto ng upo at magsimulang kumain ang dalawang bata ay saka kumuha si Amber ng pagkain at lumapit kay Grei.
"Meryenda muna." Iniabot nito ang ginawa niyang sandwich at isang baso ng pineapple juice.
"Salamat." Tuluyan na ring tumayo sa pagkakaupo si Grei at saka tinanggap ang hawak ng babae.
"Pasensya ka na sa mga anak ko, Grei." Hinging paumanhin niya
Nagkatinginan sina Tadeo at Grei. Ilang sandali na tila sinuri nila ang isa't-isa bago bumaling sa kanya si Tado. Kitang-kita ang gulat sa mga mata nito. Umawang din ang labi nito. Ngunit bago pa ito makaimik ay mabilis na hinawakan ni Amber ang kamay nito. "Mag-usap tayo sa labas, Tado." Kaagad na hinila ni Amber si Tadeo Miguero palayo sa pinto. Tila naman tuod itong nagpahila. Wala itong nagawa kundi bumaling na lamang ng tingin sa kay Grei na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon. Dinala siya ni Amber malapit sa gate. Binitiwan lamang nito ang kamay niya nang magkaharap na sila. "Huwag ka sanang masyadong ma-shock, Tado. Baka mahimatay ka." Noon na rin napabaling ang tingin ni Tado sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kitang-kita ang pangamba sa mga mata ng babae. "Huwag ka sanang maging adavance thinker, Tado. Hayaan mo akong magpaliwanag." Hindi naman umimik si Tadeo Miguero. Nanatili itong nakatingin kay
Something is off. Iyon ang naramdaman ni Amber sa mga sumunod na mga oras. Pakiramdam niya ay naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Grei. Gayunpaman ay hindi na lamang niya ito kinompronta. Aniya sa sarili, baka kasi nag-o-overthink lamang siya. Maaaring pagod lang ang lalaki kaya biglang naging matamlay ang pakikitungo nito sa kanya. Tingin rin naman niya ay wala siyang nagawang masama. Tingin niya wala namang dahilan para magtampo o magalit ang lalaki sa kanya. "Tatabi akong matulog sa mga bata." Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago ito kumuha ng damit pantulog sa kanyang maleta. "Sige," maikling sagot niya. Ayaw na niyang mag-usisa pa. At isa pa maigi na rin na doon ito matulog dahil hindi rin naman siya komportable sa ideya na makakasama niya ang lalaki sa iisang silid. Hindi na rin siya kinibo ni Grei. Walang imik itong lumabas ng kanyang silid. Mukha namang naging masaya ang gabi ng mga bata dahil naririnig n
Napalunok na lamang si Amber. Hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot ni Hyde. Buong akala niya ay nasa silid na nila ito. "Sino po si Grei, mama?" Puno ng kainosentehang tanong nito. Pilit namang itinago ni Amber ang kanyang kaba. Pinilit niyang ngumiti sa bata bago nagsalita. "Grei? May sinabi ba akong Grei?" Napanguso naman si Hyde. "Parang gano'n po 'yong narinig ko, mama." Awkward na lamang siya napangiti. Hindi niya mawari kung anong sasabihin niya sa kanyang anak. "Namali ka lang siguro ng dinig." Sabat ni Grei. Mahinahon ngunit wala itong nakangiti-ngiti. "By the way, bakit ka nandito?" "May sasabihin po sana ako sa inyo eh." Nagkatinginan naman sina Grei. "Ano iyon?" Si Grei na ang nagtanong. "Pwede po bang matulog sa room niyo po? Tabi po tayong lahat." Ngumiti ito na tila nagpapa-cute. Muli namang nagtinginan sina Amber at Grei. "Na-miss ko na po ka
Bumalikwas ng bangon si Amber. "Hindi niya pwedeng makita ang mga bata. Baka magkwento sila at mabuko tayo. Lalo na at close pa naman sila ni Hyde." Kaagad siyang bumaba ng kama. Bago pa muling makaimik si Tado ay muli siyang nagsalita. "Hindi rin niya pwedeng makita si Grei. Malaking trouble 'to." Mabilis ang hakbang nitong tinungo ang bintana ng silid. Marahan niyang hinawi ang kurtina upang sumilip sa labas. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita niya ang paghinto ng kulay puting Porsche ni Dark Indigo. "Nandito na si Indigo. Anong gagawin ko, Tado?" Naramdaman ni Amber ang panginginig. Aniya sa sarili, tiyak na malaking gulo kapag nabuking ang ginagawa niya. ["Pupuntahan kita, Lady."] Kahit papaano tila nagkaroon siya ng lakas ng loob. Tila gumana ang kanyang utak. Wala siyang sinayang na sandali. Mabilis ang hakbang niyang lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Kulan
Gumuhit ang pagkabalisa sa mukha ni Amber. Tanong niya sa sarili, ano ang sasabihin niya sa binata? Ngunit bago pa siya makaimik ay tumunog ang cellphone ni Dark Indigo. Agad namang napunta roon ang atensiyon ng lalaki. Ilang sandali nitong tinitigan ang caller ID bago ito nagdesisyong sagutin ang tawag. "I'm with Amber." Walang kangiti-ngiting bungad nito sa caller. Ngunit maya-maya lamang ay unti-unting nagsalubong ang kilay nito. "What happened to her?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "Huwag mo siyang iiwan. Pupunta na ako diyan." Nang ibaba nito ang cellphone na hawak ay kaagad nitong bumaling kay Amber. "I'm sorry, Amber." Puno mg sinseridad ang mga mata nito. "There's an emergency and I need to go now." Pinilit namang ngumiti ng babae. "Ayos lang. Kung anuman 'yang emergency na 'yan. Sige na, pumunta ka na." "Salamat." Bago pa makaimik ang babae ay kaagad
Tinuyo ni Amber ang luha sa kanyang pisngi. Hindi rin niya naiwasan ang mapakunot ang noo. "Tanders ang tawag ko sa asawa ko, Grei. Bakit? May problema ba?" Puno ng pagtatakang tanong nito. Nang hindi umimik ang lalaki ay muli siyang nagsalita. "Masama ba? Nakakabastos ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa magandang mukha nito. Hindi umimik si Grei ngunit nanguyom ang kamao nito. Isang bagay na hindi naman napansin ni Amber. "Kung bastos o masama ang dating sa'yo ,hindi naman iyon ang intensiyon ko, Grei. Gano'n ang tawag ko sa kanya kasi mas matanda siya sa'kin ng eleven years. Wala din naman akong maisip na endearment sa kanya. At saka doon na rin naman ako nasanay." Mahinahong paliwanag nito. Ngunit tila balewala naman kay Grei ang paliwanag niya. Tila iba ang laman ng isip nito. "Hintayin na lang kita sa labas, Amber." Mahinang turan nito. Bago pa siya makaimik ay tumalikod na ang lalaki. Parang m
Mula sa loob ng kotse na nakaparada sa 'di kalayuan ay matamang pinanood ni Ashton Blumentrint ang kanyang mag-iina. Tila lumukso ang kanyang puso nang makita niyang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Amber Velez-Villacorda. "Amber is very beautiful, young and a good mother to her children. I can't believed that she's legally mine." Ugong ng kanyang isipan. Nang sundan niya ng tingin ang babae ay natagpuan ng kanyang mata ang dalawang bata na nagpapasahan ng bola. Kitang-kita niya ang pagtawa ng dalawang bata. Hindi naman niya naiwasan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi. "Hade and Hyde are very adorable kids. How lucky am I that they are my own flesh and blood," ugong ng kanyang isipan. Para siyang maluluha sa tuwa. Aniya sa sarili, napakasuwerte niya dahil biniyayaan siya ng babaeng katulad ni Amber at may special bonus pang kambal na sobrang adorable. Halos kalahating oras din
Flashback... Puno ng pag-aalalang pumasok si Don Flacido sa pribadong silid ng hospital na pag-aari mismo ng mga Villacorda. "Where's my son?" Bungad niyang tanong nang makita niya ang tapat na tauhan ni Ashton Blumentrint. Hindi umimik ang lalaki sa halip ay makahulugan itong tumingin sa kanyang kanan. Nang sundan niya ang tingin nito ay para siyang tinakasan ng dugo sa nasaksihan. Mula sa glass wall ay kitang-kita niya ang nakaratay niyang anak. Makikita ang galos na tinamo nito sa kanyang mukha. Lumambot ang matapang na mukha ng Don nang makita niya ang mga aparatong nakakabit sa kanyang bunso. "Anong sabi ng Doctor, Tadeo?" Hindi nito inalis ang tingin sa walang malay na si Ashton. "Sa ngayon po, ligtas na po siya sa kamatayan pero kailangan pa pong hintayin ang results ng ibang test na ginawa sa kanya." Bago pa makaimik ang Don ay tumunog ang kanyang cellphone. Nang suriin nito ang screen ng kanyang mobile ph