Share

Chapter 102

JACOB

Wala pa ngang limang araw nang pumunta ako sa bahay ni Ninong Ramon ay may magandang balita na kaming natanggap. Mr. Chavez was arrested last night in his mansion. Wala na talaga siyang kawala pa. Haharapin na niya ang kanyang kaparusahan. Mananagot na siya sa mga maling gawain niya.

Natutuwa kaming malaman 'yon ni Ninong Ramon. Tumawag pa nga sa akin ang mga kaibigan ko tungkol doon lalo na si Diego. Sinabihan ko kasi sila tungkol sa akin kaya alam nila. Nakasuporta naman raw sila sa akin kung ano ang gagawin ko. Masaya rin sila na malaman ang tungkol sa pagkaka-aresto ni Mr. Chavez.

"Mawawalan na si Isabel ng tutulong sa kanya, Ninong Ramon. Mawawalan na siya ng lakas ng loob na takutin pa ako sa mga nais niyang mangyari," natutuwang sabi ko sa kanya. "Totoo nga po talaga ang sinasabi mo sa akin."

"You're right, hijo. Hindi ka na niya matatakot pa kahit kailan. Wala na nga ang tutulong sa kanya. God helped us. Hindi naman ako magsasabi kung hindi totoo, eh. Lahat ng sinasabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status