Share

Chapter 62

SHAINA

"Magandang hapon po," sabi ng babaeng maputi, matangkad at maganda sa akin pagkabukas ko ng gate ng bahay ni Jacob na boyfriend ko. Mukhang bata pa nga ito pero sa tingin ko medyo matanda ito sa akin ng ilang taon. Didiligan ko lang kasi 'yung ilang mga halaman doon sa may labas ng gate.

"Magandang hapon rin po sa 'yo. Ano po ang kailangan mo?" magalang ko naman na sagot sa kanya. Tinanong ko siya kung ano ang kailangan niya. Lumapit na lang kasi siya bigla sa akin. Hindi ko naman sila kilala. Ngayon ko lang talaga nakita siya, eh. Sino ba ang babaeng nasa harapan ko ngayon?

Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa akin. Panay ang tingin niya sa loob ng bahay ni Jacob na boyfriend ko. Mukhang may hinahanap ito sa loob, hindi ko alam kung sino.

"Ikaw ba ang kasambahay sa bahay na 'yan, huh?" tanong niya sa akin at mabilis ko naman nga siyang tinanguan.

"Opo. Ako po ang kasambahay sa bahay na 'yan," sagot ko nga sa kanya.

She nodded immediately.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status