Share

Chapter 4

NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von. 

Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.

Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!

Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.

Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa kanya! 

"Jaz, sa SLU din ba kayo nag-aaral?" Tanong niya. 

"Yep. Kayo?" Balik tanong ko naman.

"Yeah, doon din. How come di ko nakikita ang napakagandang dilag sa university?" Naku hindi ako madadaan nito sa bola niya.

"Bolero ka din pala noh?" Tumatawa kong sabi sa kanya. 

Tahimik lang si suplado habang hawak ang kanyang cellphone, mukhang may ka text.

Di naman tumitigil si Von sa kakukulit sakin at ipinakilala niya rin ang tatlo pa nilang kaibigan na si Erik, Rustan, at Jeremy. Lahat sila ay mga napaka gwapo grabe! Makukulit din sila tulad ni Von. Si Niko lang talaga yung tahimik at mukha talagang suplado. It's as if im not existing huh. Duh! 

Napag alaman kong architecture kinukuha ng iba sa kanila at civil engineering naman sa kanila ni suplado at mag fo- fourth year na sila sa susunod na semester. 

Kaya pala di kilala ni Jen dahil mas ahead sila at iba din siguro ang mga schedule nila. 

"Aba! Saglit lang kaming nawala, dami mo na agad ka table bruha! Iba din!" Tili ni Jeorge este Jeorgina na galing sa dance floor. Feeling babae kasi. Hindi nito alam ang gagawin sa sobrang kilig dahil sa mga gwapong nasa table namin ngayon.

"Pakilala mo naman kami!" Sabi pa ng mga malalandi kong kaklase. Napailing na lang ako at natawa.

Bago pa ako makapag salita, naunahan na ako ni Gab na noo'y kadarating din galing dance floor kasabay ni Max at Jen. 

"Oh my! Von! Niko?! Hey!" Sabi pa niya sa tatlo pa nilang mga kaibigan. At excited na niyakap niya silang lima.

Napanganga ako at mukhang magkaka close sila. At nakita ko ang warmth sa mata ni suplado noong niyakap siya ni Gab. Akala ko ba cold at suplado siya. Tsk. Hindi ka lang talaga type, Jaz! Kaya di ka pinapansin. Ouch naman.

"Hoy Gabrielle, Jazmin! Ano to ha? Bakit may mga greek gods dito na di ko man lang alam?!" Maarteng sinabi ni Jeorgina. Landi talaga eh. Halos lamutakin na nito si Rust at Erik sa mga titig niya. Sila kasi iyong malapit sa kinaroroonan niya. Buti na lang at hindi naman suplado iyong dalawa at nakiki ride on naman sila. 

"Jaz, you know them?"  Curious na tanong naman ni Gab.

"Ah.." Hindi pa ako nakasagot ay sinalo na ako ni Von na ipinagpasalamat ko na din dahil diko din alam ang sasabihin ko.

"Yes, magkalapit lang kami ng apartment bro. We are basically neighbors!" Sabi ni Von kay Gab. 

"Oh, so stupid of me! Oo nga pala, malapit kila Jazmin yung nilipatan niyo!" Tumatawang sabi ni Gab na napatapik pa sa noo nya. 

"Oh by the way guys, this is Von, Niko.. " dagdag pa niya at ipinakilala ang limang lalaki sa mga kaibigan namin. 

Napag alaman naming magka babata silang anim including Gab at puro din sila taga Quezon City. Pinili nilang mag aral dito sa Baguio dahil dinamayan daw nila si Von na noon ay ipinatapon ng kanyang ama dito. Para magtino daw. Pasaway din pala tong isang to noong high school sila. At mukha namang effective dahil seryoso daw itong patunayan sa ama na nagbago na siya. Younger ng isang taon si Gab sa kanila pero sumunod din sya sa lima noong tumuntong ng college.

"SA engineering department din pala kayo? My gosh, how come diko man lang nasilayan mga ka gwapuhan nyo?!" Si Jen na mukha ng ewan sa kalasingan. Kahit kelan talaga hindi marunong mag preno ang bibig nito. 

Nagkasiyahan pa kami at inabot kami ng alas dos ng madaling araw. Nakita ko ding ngumingiti si suplado kapag si Gab ang kausap. 

Kaya naman pala niyang ngumiti. Seryoso man o nakangiti, napaka gwapo pa din talaga niya. Parang gusto kong mainggit kay Gab! Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang nakatingin sa kanya. Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ano ba naman to! Wala to! Dala lang ito ng alak na ininom ko! 

Pilit kong ibinaling sa iba ang isip ko. Saan na kaya si Jeff? Napa buntong hininga na lang ako nang maisip na malamang inuwi na naman niya ang flavor of the month niya. Sana nga ay isa lang ulit fling yun kasi sa nakikita ko in love siya sa babaeng yun. Hay puso ko, may iiwasak pa ba?! Parang gusto ko tuloy maiyak. Bigla naman akong bumalik sa reality nang tawagin ni Gab ang pangalan ko.

"Jaz, iuwi mo na kaya iyong dalawa. Lasing na lasing na sila! Baka mamaya niyan ay gumagapang na sila sa kalasingan." Natatawang sabi ni Gab na tinuturo yung dalawa na nasa stage na! Nasa stage talaga kaya mabilis ko silang nakita. Grabe talaga tong dalawang to. Napaka wild at ayaw magpapigil sa kasasayaw. Kasayaw nila sila Von! Hindi ko maintindihan kung bakit tuwang tuwa silang sumasayaw sa napaka crowded na lugar. Hindi kaya sila nahihirapang huminga diyan? Si Niko lang naiwan dito at kausap si Gab. 

Nahihilo na din talaga ako at napadami ang inom ko. Pero kahit papaano ay alam ko pa naman ang salitang kahihiyan. Lagot sakin tong dalawang to bukas. 

"Sige, Gab. Puntahan ko na lang sila." Mabuti nga na umuwi na kami dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Napa sobra talaga ako ng inom! 

Naku kakaladkarin ko talaga sila kapag hindi sila sumama sa akin. Pagtayo ko ay parang mas lalong umikot ang mundo ko kaya na out of balance ako at muntik ng masubsob kung wala itong matitipubong braso na nakapulupot sa aking bewang ngayon. Wow, nandito ba si Superman? Ang bilis ng reflexes ah. Napahawak ako sa may chest niya. Ang tigas! Natawa ako ng bahagya dahil mukhang si Superman nga ito.

"Are you okay?" Bulong ng napaka swabeng boses sa may punong tenga ko. Tumaas ang balahibo at para akong kinikiliti. Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Pag angat ko ng tingin ay si Niko! Napakalapit ng mukha niya sa akin  kaya pakiramdam ko ay mahihimatay ako! "Okay ka lang?" Ulit niya kaya natauhan naman ako at napabitaw mula sa pagkakahawak ko sa kanya. 

"Y-yeah, thanks." Nauutal na din ako. Ang bango niya! Parang ayoko na ngang bumitaw kanina. Nang makatayo naman ako ng maayos ay parang wala lang sa kanya at muli siyang umupo. 

Pinakiramdaman ko ang sarili habang nakatayo ako. Nahihilo na talaga ako at parang hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. Feeling ko masusuka ako!

"Oh Jaz, okay ka lang? Kaya pa? Wait lang. Dexter, pakipuntahan na nga lang at alalayan si Jen at Max at nang maihatid na natin sila." Tawag ni Gab kay Dexter, kaibigan din namin. Nagsisiuwian na din kasi ang karamihan sa amin dahil anong oras na din.

Napatutop ako sa aking bibig. Tumataas na yung acid at diko na kayang pigilan.

"Hala! Bro, can you accompany Jazzy to the rest room please? I'll just wait for Max and Jen.." Natatarantang pakiusap ni Gab kay Niko. 

Agad namang tumayo ito at inalalayan ako. Nilagay niya ang isang braso niya sa aking bewang. Wala na akong panahon para mailang dahil diko na talaga kayang pigilan pa to! 

Sinamahan niiya ako hanggang sa loob ng restroom at hinahagod ang likod ko habang nilalabas ko lahat ng ininom ko. Buti na lang walang tao kung hindi nakakahiya. Eh sa kanya, di ka nahihiya sabi na naman ng isipan ko. 

Hinawakan niya ang buhok ko para hindi mabasa habang nag mumumog ako sa lababo. 

"Here." Anya at inabot ang panyo niya sa akin.

Nahimasmasan ako doon ah. Dinalaw tuloy ako ng hiya. At di ko alam kung paano siya titignan. Nakatingin lang siya sa akin at naiilang ako. 

"Hmm thank you ha.." sabi ko ng nakatungo.

"No problem, sakay na kayo sa amin tutal magkalapit lang tayo ng apartment."

Oh my gosh! Di pa din talaga ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon at di sinusungitan! Kaya naman medyo napatulala ako. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mga labi niya. Mamula mula ito at halatang hindi nag yo-yosi. Kaya nagulat na lang ako pagtingin ko sa mga mata niya na nakatitig na din sa..mga labi ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status