Share

Kabanata Anim

Pagkatapos mag-book ng grab car ay nagpaalam na rin si Anya. Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng pamilya Villaroman. Tinanggap niya ang halik ng pamamaalam mula sa mag asawang Vince at Eunice. Awkward pero pilit niyang nilalabanan ang kahihiyang nararamdaman sa asawa ng kaibigan. Sinikap niyang kumilos ng normal sa harap nito at tila naman hindi alintana ni Vince ang pagkakahuli nito sa kanila ni Clark. Katunayan ay hindi pinaramdam sa kanya ng lalaki na kailangan niyang maasiwa rito.

Sandali pa ay maluwang ang ngiti na bumaling naman siya kay si Lola Consuelo. Inabot niya ang mga kamay nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay nito sa palad niya.

"Iha, maraming salamat sa pagpaunlak mo sa aking imbitasyon. Labis ang aking kagalakan dahil sa wakas ay nakilala rin kita. Sa totoo lang sa mga kuwento pa lang ni Eunice ay tila matagal na kitang kilala."

Na-touch naman si Anya sa narinig mula kay Lola Consuelo. Niyakap niya ang matanda at h******n ito sa magkabilang pisngi. "Lubos rin po ang aking kasiyahan na makilala kayo, Lola Consuelo. Hayaan niyo po at dadalawin ko agad kayo."

Natuwa ang matanda at sinabing aasahan daw nito ang muli niyang pagbisita sa mansion. Sigurado raw na marami silang mapagku-kwentuhan na kanya namang sinang-ayunan. Maya-maya ay lumapit ang senyora kay Clark na noo'y nakasandal sa hood ng sasakyan nito. Mukhang paalis na rin ang lalaki. Iniiwas niya ang tingin rito pagka't bigla ay nakaramdam siya nang pagkailang.

"Clark, iho. Ikaw na ang bahala kay Anya, hah at pag-ingatan mo sya." bilin nito sa binata.

Nagulat si Anya sa winikang iyon ni Lola Consuelo. Ang buong akala siguro ng senyora ay talagang ihahatid pa sya ni Clark pabalik ng Quezon City. Akma na sana siyang tututol subalit mabilis na sumang- ayon ang binata sa abuela ng kaibigan nito. Tuloy ay wala siyang nagawa kundi kanselahin na lamang ang na book na oto at muling umakay sa kotse ni Clark.

Nang simulang buhayin ng binata ang makina ng sasakyan nito ay hindi niya maiwasan ang muling dunggulin ng kaba subalit naroon ang pagkasabik at munting kasiyahan na muling makasama ang dating kasintahan. Habang daan ay wala silang naging imikan ni Clark, tutok ito sa pagmamaneho habang sya naman ay nakatanaw sa labas. Tingin niya ay pareho pa silang nagpapakiramdamang dalawa. Nagpasya syang huwag na lang umimik buong byahe para iwas argumento. Ngunit nangunot ang kanyang noo nang may mapansin. Hindi pabalik ng Maynila ang kalsadang tinahak ng binata. Larawan ng pagtataka ay sinulyapan niya ang kasama. Nais sana niyang usisain ito ngunit bigla niyang naalala na may mahalaga pala itong pulong na dadaluhan. Lihim siyang napabuga ng hangin, kargo na naman tuloy sya ng lalaki, na- guilty sya dahil masyado na niya itong naaabala. Marahan siyang tumikhim na tila may tinatanggal na bara sa kanyang lalamunan.

"Clark," she mumbles. "What?" patamad na sagot ng binata na ni hindi man lang nag-abala na tapunan siya ng tingin.

"I can book a car to ride back home," she said persisting. Doon na sumulyap si Clark sa kanya. At kahit suot nito ang aviator sa mata ay halatang-halata ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

"Iyan ba ang mapapala ko sa aking pagmamagandang loob? Rudeness?" ang may irita sa boses na sambit ng binata. Napaangat naman mula sa pagkakasandal si Anya sa tinuran ng kasama.

"It's not rudeness Clark, Ayaw ko lang makaaba--

"Shut up with that nonsense alibi coz I ain't buy that."sansala nito sa kanya. "Just sit back there dahil makakauwi ka ng Quezon City. Because I'm the kind of person who keeps promises." matigas na dagdag pa ng binata na tila may pinatutungkulan.

Anya sighed miserably. Muling isinandal ang sarili sa upuan at inabala na lamang ang pansin sa pagtanaw sa labas. There's no sense na makipagtalo pa sa dating nobyo dahil sigurado naman sya na hindi sya nito pagbibigyan. Nagpatiayon na lamang sya dahil wala sya sa posisyon para magreklamo lalo na't sya ang binibiggyan nito ng malaking pabor. Hindi na rin muli pang umimik, si Clark. Ibinalik nito ang pansin sa kalsada at hindi na rin siya sinulyapan.

Binabagtas na nila ngayon ang kahabaan ng South Luzon expressway. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makabawi sa itinakbo nang naging pag-uusap nila sa mansion ng mga Villaroman. Nakakahiya kay tapang ng loob niyang harapin ang lalaki tapos titiklop lang pala sya sa mga panunukso nito. Lihim niyang sinulyapan si Clark. Tahimik pa rin ito at nakatuon lamang ang buong pansin sa pagmamaneho.

"So, where are we headed ?" Hindi nakatiis na tanong niya. Lumagpas na kasi sila ng Turbina. At medyo kumakain na rin sila ng oras sa kalye.

"Excited?" Clark answered wickedly. Niilinga rin sya nito.

"I'm just asking. Nasa labas na kasi tayo ng Metro Manila." sagot niya sa pormal na tono. At saka anong pinagsasabi nito? Hula niya ay gusto na naman siyang simulang asarin ng lalaki.

"Have you forgot already?" nakataas ang kilay na muling sulyap nito.

"Forget about what?" she asked confusedly.

"We're going to a place, where you can pay me comfortably, " walang kagatol-gatol na dugtong ni Clark.

Biglang umawang ang bibig niya sa sinabi ng binata. Hindi agad siya nakapagbitaw ng salita.

“You're joking, right? sagot niya nang makabawi.

Sinikap niyang maging kaswal ang tinig. Hindi niya papatulan ang panlilito nito.

"I'm not!" mabilis na tugon ng lalaki sa napaka-kaswal rin na tono.

Pinigil ni Anya ang hininga. Seryoso ba talaga ang lalaki sa mga sinasabi nito o sadyang nanunukso na naman? Ang lakas ng aircon sa sasakyan pero pinagpawisan ata sya. Wala sa sarili na naidampi niya ang hawak na panyolito sa noo. Juice na matamis ano bang binabalak ng lalaking ito sa kanya? At teka bakit parang nakakaramdam siya ng pagkasabik at kagalakan? Sadya nga bang tama ang binata sa sapantaha sa kanya?

Si Clark ng mga oras na iyon ay gusto nang humagalpak ng tawa. Kanina pa niya pinakikiramdaman si Anya. Hindi na ito mapakali sa kinauupuan mula pa kanina pag-alis nila sa mansion ng mga Villaroman. Para itong bulate na inasinan. Kanina ay sumang-ayon agad sya kay Lola Consuelo nang bilinan sya nitong ihatid ang dalaga sa QC. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Kahiyaan na lang rin siguro kung kaya’t hindi na rin ito nakapalag at at kahiyaan na rin siguro kung kaya’t hindi ito nakapalag Lola ni Vince. Nagkunwari rin siyang nainis sa sinabi nitong kukuha na lamang ng ibang masasakyan. Pero ang totoo ay binabantayan niya ang bawat reaksyon nito. Tama si Vince kapara ng dalaga ang sisiw na nasukol. It's her fault. Mabilis itong kumagat sa pain.

"Don't worry, I suggest mag deferred payment tayo. Para hindi ka nabibigla. Bibigyan kita ng palugit nang walang interes," dagdag niyang pang-asar sabay kindat sa dalaga.

Heat flooded into Anya's cheeks. Biglang talon ang puso niya sa ginawang iyon ng kasama. Bumalik sa isip niya ang araw na nagtagpo ang mga puso nila ng binata. Ganitong -ganito rin ang senaryo, sinukol sya noon ni Clark. Nalalaman niyang tinutukso sya ng lalaki. Subalit kahit na gustong umibabaw ng inis sa kanya para rito ay hindi maiwasang mahulog ng puso niya at muling magpatihulog sa binatang ni minsan ay hindi nawala sa kanyang sistema.

Tuluyan namang hindi na naawat ni Clark ang sarili. Napahalakhak na ito nang malakas na syang pumuno sa loob ng sasakyan.

Oh heaven! Bulong ni Anya sa sarili.

Kaysarap sa pandinig na walang halong sarkasmo ang tunog ng mga tawa ng lalaki. Dinala siya nito sa mga panahong punong- puno pa sila ng pag-ibig sa isa't-isa. Nagalak ng lihim ang puso nya.

Kaya naman ay tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Inilihis niya ang tingin bago pa man iyon mapansin ng dating nobyo.

Nag-aagaw na ang dilim nang makarating sila ng Talisay, Batangas. Sa isa sa mga tanyag na Beach resort sila humantong. Sabik na bumaba si Anya.

Naroon ang lagi na'y pamamangha at panggigilalas sa tuwing nakakakita siya ng mga magagandang tanawin. Sayang kung napaaga sana sila ng konti ay naabutan pa nila ang paglubog ng araw.

Halos naikot na niya ang mga kilalang beaches sa iba't-ibang bansa kung saan kinukunan ang iba nilang mga pictorials. But this one is different.

Sa bawat bakasyong hinihingi ay hindi nawawala sa listahan niya ang dagat. At ang tanawing namamalas ngayon ay iba ang hatid na pakiramdam sa kanyang damdamin. It feels like home. At peace.

Tinanaw niya ang napakalawak na puting-puting buhangin na tila kay lambot. Animo kaysarap paglaruin ang mga paa roon. Best for walking barefoot. Ang malinaw at mangasul-ngasul na tubig-dagat ay kumikislap sa munting sinag ng kalulubog lang na araw. Animo nag-aanyaya at sinasabing kay sarap magtampisaw roon. Napansin niya ang mangilan-ngilan guests na naliligo sa 'di kalayuan. Nakakainggit namang pagmasdan na naghahabulan habang mga nakatampisaw sa tubig.

"You like the view?" Tanong ni Clark.

Napapitlag ang dalaga sa tinig na iyon ng lalaki.

Hindi niya akalaing naroon pa pala ang binata at nakamasid lamang. Nauna na kasi itong bumaba ng kotse.

"Y...yeah, I love it. it's paradise in my eyes.”

Ngumiti si Clark at lumapit.

"Let's go?" anang lalaki na nag muwestra ng kamay palahad sa kanya. Saglit na napako ang mata roon ni Anya, saan ba talaga sya dadalhin ng lalaki?

Bagama't alanganin ay umangat ang kamay niya.

Muli ay naramdamn niya ang pamilyar na init na nanulay roon nang tuluyang magdaop ang kanilang mga palad ni Clark. Naramdaman niya ang paghigpit ng palad ng dating katipan. Animo ayaw syang pawalan. Nagpatiayon siya nang igiya na sya nito sa paglalakad. Tumuloy sila ng binata sa reception area. It was clean and huge guest lounge. Para itong pinalaking bamboo hut pero open. Ang mga upuan ay yari sa rattan na nilagyan na lamang ng cushion para maging komportable ang mga guest habang nag-aantay.

Refreshing ang lugar pagka't puno ng iba't-ibang orkidyas ang palibot nito. May mga nakahilera ring mga mapupulang rosas sa mga gilid na nagbibigay ng halimuyak sa paligid. Magigiliw ang mga receptionist na may mga nakahandang ngiti at masayang pagbati. Doon niya nalaman na si Clark pala ang nagmamay-ari ng resort. Hindi na sya nagtaka pagka't noon pa man ay iyon na ang negosyo ng pamilya Zantillan.

Habang kinakausap ng dating kasintahan ang mga tauhan nito ay na-engganyo siyang lapitan ang mga pananim na rosas na nakita niyang dinidilig ng isang hardinero.

“Boss Doc!” Mula sa kung saan ay lumitaw si Borj, ang tagapamahala ni Clark sa resort.

May katabaan ito at may hawig kay Jonah Hill ang bilugang mukha. Mas mukha itong komedyante kaysa tagapamahala ng resort. Ngunit walang maipipintas si Clark pagdating sa trabaho kay Borj. Magaling itong mamahala at tunay na mapagkakatiwalaan, bagay na higit na binibigyan importansiya ng doktor.

"Oh Borj kumusta kayo rito," tanong ni Clark.

“Maayos naman Boss Doc, ” anang lalaki sabay tanaw kay Anya. Lumarawan ang paghanga sa mukha nito para sa babae.

Kasalukuyan namang abala sa mga halaman sa paligid si Anya habang masayang nakikipag-usap kay Mang Isko, ang hardinero. Hindi magkamayaw ang dalaga sa mga naggagandahang bulaklak sa paligid.

"Bilib talaga ako sayo Boss, iba na na naman iyang kasama mo," anang Borj na nangingiti.

Marahan namang tumawa si Clark ngunit hindi nagbigay ng komento.

"Pero sa lahat ng mga dinala mo dito ang isang iyan ang pinakabukod-tangi” obserbasyon pa ni Borj. Hindi mawala ang mga mata nito sa tinatanaw na dalaga.

“Talaga?" baliktanong ng binata bago sumandal sa reception desk at mula roon ay malayang pinagmasdan si Anya. Medyo na curious si Clark sa opinyon ng kanyang tagapamahala. Nais niyang marinig ang komento nito. Isa rin sa mga katangian ni Borj ang pagiging observant. Magaling itong kumilatis ng tao.

“Boss Doc, kadalasan sa mga dinadala mo rito, kung hindi parang tuko na nakapangunyapit sa'yo ay parang ahas kung lingkisin ka at ang pinakapaboritong spot ng resort ay kuwarto," sabay hagikhik ni Borj na muling ikinatawa naman ng binata. Tama kasi ang lalaki.

"Pero ang isang iyan ay gusto pa atang palitan si Mang Isko sa pagiging hardinero. ” wika pa ni Borj.

“At Mukhang mapagmahal sa kalikasan.” banggit pa ng lalaki.

Napangiti si Clark ng lihim, pagka’t tama na na naman si Borj. Noon pa man ay mahilig na talaga sa mga halaman ang dalaga. Hindi nga ba at paboritong spot ng dating nobya ang flower garden sa Villa? Habang mataman niyang pinagmamasdan si Anya na aliw na aliw sa mga bulaklak sa paligid ay may pilit na nagpapa-alala sa kanya pabalik sa nakaraan. Sa panahong lunod na lunod ang mga puso nila sa isa’t-isa.

"Iba talaga siya dahil sa kanya lamang ngumiti at nagkaroon ng buhay ang inyong mga mata,” makahulugang lahad pa ni Borj sa kanya.

“At kung hindi ako nagkakamali mukhang sa likod ng mga mata mong iyan boss ay isang magandang alaala at istorya.”

Pagkarinig sa huling sinabi ng tauhan ay pumormal ang anyo ni Clark. Bigla siyang natauhan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status