Share

Kabanata Lima

Sa wakas ay narating nila Clark at Anya ang mansion ng mga Villaroman.

Mabilis na bumaba ng sasakyan ang dalaga at hindi na hinintay na pagbuksan pa siya ni Clark.

Nagplaster agad sa mukha niya ang pagkamangha sa mansion. Because of the classy design and magnificent landscaping.

Namataan ni Anya ang kaibigan na nag-aantay sa may doorway at kontodo kaway sa kanila.

Kanina habang asa biyahe ay may tumawag kay Clark at tila inaalam kung nasaan na sila banda.

Hula niya ay si Vince iyon ang asawa ng kaibigan na kaibigan rin nito.

Masayang sumalubong si Eunice sa kanila. Nagbeso silang magkaibigan.

Kasunod ng babae ang asawang si Vince na karga-karga ang bunsong anak na si Rigo.

“Hey, lil man.” Salubong ni Clark sa mag-ama.

Lumarawan ang tuwa sa bata nang mapagsino ang bagong dating.

Nagmuwestra agad itong magpapakarga kay Clark.

Pinagbigyan ito ng binata at kinuha ang bata mula sa ama.

Habang papasok ng mansion ay nilalaro ni Clark si Rigo na walang humpay sa kahahagikhik.

“Get a wife man and be the best father you can be. Napag-iiwanan ka na ng panahon and besides you're not getting any younger, bro." Anang Vince.

Kiniling ni Clark ang ulo sa naging pahayag ng kaibigan. Isang matipid na ngiti ang kanyang pinakawalan.

“So, how do you find her? Papasa ba sa preference ng isang Clark Zantillan?” Ang tila gusto pang manukso ni Vince. Sabay inginuso nito ang nakatalikod na si Anya.

Tumawa nang malakas si Clark. Dahilan upang mapako ang mata ni Anya sa kanila. Nagtama ang kanilang mga mata. May nabanaag ang binata na lambong sa mga mata ng babae na hindi nito matukoy. Dahilan upang kumunot ang noo nito. Unang nagbaba ng tingin si Anya na animo napaso. Ibinalik nito ang pansin sa kaibigang si Eunice at sumabay na papasok sa malaking bahay.

Sa wakas ay nakilala ni Anya si Senyora Consuelo, ang butihing lola ni Vince. Kahit na may pagka-matapang ang facial features ng matanda ay napakagiliw naman nito. Katunayan ay niyakap agad sya ng matanda nang ipakilala syq rito ni Eunice.

The old woman reminds her of her Lola Mareng.

Pagka’t tulad ng kanyang Lola, Senyora Consuelo is a woman of wisdom. Her character as a grandmother is quite kind and benevolent.

Saglit na dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata. Remembering Lola Mareng makes her feel emotionally fragile. She misses her so much. At walang araw na hindi dumaan sa kanyang isip ang namayapang abuela. Mabilis siyang nagpunas ng mata bago pa may makapansin. Subalit natigilan sya nang masalubong ang tingin ni Clark. Katulad kanina ay kumunot ang noo nito at nabahiran ng pagtataka ang mukha. Muli ay agad siyang umiwas nang tingin. Diyata’t inu-obserbahan pa rin sya ng lalaki.

Natapos ang naging salu-salo na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Villaroman. Masayang kuwentuhan ang naging kasunod. Hapon na nang mag kanya-kanyang paalamanan ang mga panauhing dumalo. Inimbitahan si Anya ng lola ni Vince na mag sleepover sa mansion dahil nais pa raw nitong maka+kuwentuhan ang dalaga subalit magiliw na tumanggi si Anya at nangakong babalik sa susunod na mga araw. Dahilan niya sa matanda ay may mahalaga siyang bagay na kailangang asikasuhin. Nakaunawa naman si Senyora Consuelo at umasa sa pangako ni Anya na bibisitahin sya nitong muli.

Si Clark ay hindi pa rin umaalis. Kakatwa dahil ang sabi nito kanina ay may urgent meeting ito na dadaluhan. Ngunit hayun at natanaw ni Anya ang lalaki kasama ang kaibigan sa may beranda. Kung hindi ba naman sila pinaglalaruan ng tadhana. Ay asawa pa ni Eunice ang matalik na kaibigan nito.

Tila baga sila'y pinaglalapit muli ng pagkakataon.

Ngunit pinalis niya ang isiping iyon. Maaaring nagkataon lamang ang lahat.

Nagkataon? Ginagawa mong tanga ang sarili mo Anya, anang bahagi ng isip niya. Hindi nagkataon lamang ang lahat, may dahilan kung bakit kayo nagtagpong muli ni Clark. Kastigo pa ng utak niya.

Haisst! Sumasakit tuloy ang ulo niya sa mga nangyayari. Natanaw niyang lumapit ang panganay ni Vince at tila may sinabi sa ama.

Maya-maya ay tumayo ang lalaki at sabay nang pumasok sa mansion ang mag-ama. Naiwan si Clark na noo'y naka-dekuwatro pang nakaupo habang may hawak na kopita.

Fuelled of courage ay hindi na siya nagdalawang isip at marahang naglakad palapit sa lalaki.

It's now or never, ika nga sa kasabihan.

Mabuti na lang at naging abala rin ang kaibigang si Eunice sa bunso nito. Si Senyora Consuelo naman ay kausap ang matalik na kaibigan.

Nagkaroon sya ng pagkakataon na lapitan at kausapin si Clark bago pa sila maghiwa-hiwalay.

“Can we talk?” diretsong tanong niya.

Binati niya ang sarili, himalang hindi sya nautal sa kabila nang pagdungol ng kaba. Hindi sumagot si Clark. Bagkus ay nagsalubong ang mga kilay nito.

Tila hindi nito inaasahan ang paglapit niyang iyon.

Kaya naman ay mabilis na siyang naupo sa katapat nitong silya nang walang imbitasyon mula sa binata. Pakiramdam niya kasi ay bibigay ang mga tuhod niya.

Sa harap ng binata ay marahan niyang inilapag ang tseke na iniwan nito sa lamesita noong asa condo sya nito. Nagdikit ang mga kilay ng lalaki.

Tiningnan siya nang may pang-uuyam.

Huminga naman nang malalim si Anya. Nakipagsukatan ng tingin kay Clark. Pinanatili pa rin ang pagka-mahinahon.

“It's an irresistible offer. " she started. “But I can’t accept it,” she added.

Clark smiled mockingly. Kinuha nito ang nakalapag na tseke. Binistahan. Sinulyapan siyang muli.

“The likes of yours are that expensive huh!?”pasaring nito.

"Why, Is this not enough for you or do you want a blank cheque?"

Hindi na nagulat ang dalaga sa naging komento ng lalaki. Alam niyang iyon ang iisipin nito na hindi sapat ang halaga na nakapaloob sa tseke. Subalit kung inaakala ni Clark na mananahimik siya ay masaya naman itong masyado sa ginagawang pang-iinsulto sa pagkatao niya.

“No. It's just that I don't need your money anymore so Take it as a bonus tutal may pinagsamahan naman tayong dalawa. Isipin mo nalang na nagkautang ako sa'yo at ngayon ay bayad na. So we're even.” matapang niyang sagot.

Sukat nagdilim ang mukha ni Clark sa naging pahayag niya ngunit halos dumaan lamang nang kay-bilis. Nahalinhinan agad iyon nang pagka-aliw.

Isang mahinang tawa ang ginawa nito. Animo isang katuwa-tuwang bagay ang narinig mula sa kanya. Maya-maya’y nagkibit-balikat ang lalaki.

“Okay, Ikaw na rin ang may sabi na may utang ka sa akin Anya. Then put in your pretty head the fact that what we've shared can't be compensated by any amount I've written on the cheque!" wika ni Clark.

“Yeah right. Bakit Ba hindi ko naisip ang bagay Na iyon? So do I have to thank you for your free service?”bulalas pa nito.

What a jerk and psycho, iyon ang naging tingin niya ngayon kay Clark pagkarinig sa sinabi nito. At habang nakangisi na nakatitig sa kanya ang lalaki ay nanginginig naman ang panga niya sa sobrang ngitngit rito. Siya ang nahulog sa sarili niyang patibong.

Never in her fifteen years in the fashion industry na may gumiba ng depensa niya bilang babae.

Tanging si Clark lamang ang nakakagawa nun.

Mabilis na natunaw nito ang bloke ng yelo na ipinalibot niya sa kanyang katawan bilang depensa.

Tumayo ang binata at sa pag-aakalang aalis na ito ay lumuwag ang kanyang paghinga, ngunit umikot lamang si Clark at pumuwesto sa kanyang likuran. Dahilan para mataranta sya. Inilapat ng lalaki ang magkabilang palad nito sa mesa at niyuko sya mula sa likod. Ang siste ay napaloob siya sa mga bisig nito. Nasukol sya sa madaling sabi. NaRamdam niya ang hininga nitong banayad na humahaplos sa kanyang punong taynga.

Mas lalo tuloy bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib hanggang sa halos mabingi na siya sa lakas ng tambol niyon.

“What if…hingin ko na ngayon ang paunang bayad?.” sambit ni Clark sa mapanuksong tono.

”Ang laki na ng interes ng utang mo sa akin baby.” Bulong pa ng lalaki.

Naramdaman niya ang paghawi ng binata sa kanyang buhok, muling nanulay ang init sa balat niya nang lumapat ang mga daliri roon ni Clark.

Nanigas ang likod niya nang maramdaman ang labi nitong humahalik sa kanyang punong teynga pababa sa kanyang leeg. Hindi pa nagkasya si Clark, at Inilabas nito ang dila at sinayaran ang parteng iyon ng balat niya.

He bit her there so gently.

Na lalong nagbigay kiliti sa nag-iinit na rin niyang pakiramdam. Lumalim ang kanyang paghinga sa ginagawa ng dating nobyo. Tila sya hihingalin sa mga pinararamdam nito.

“Let’s get out of here baby.” muling bulong ni Clark habang h********n naman ngayon ang mga balikat niya.

The sound of "baby" tickled her senses.

Mula noon hanggang ngayon ay sanay na sanay ang lalaki na tawagin siya sa ganoong endearment. Oh, how she missed him calling her that way. Nagpatuloy si Clark sa banayad na paghalik at ang init na hatid niyon ay tuluyang kumalat sa pandama niya.

“Let’s go somewhere else.” patuloy na panghihimok pa ng binata.

Ang hindi niya matukoy ay kung seryoso ba talaga ang lalaki sa mga pinagsasabi nito o baka naman ay pinaglalaruan lamang sya. Maya-maya ay umangat ang kamay nito sa pagkakalapat sa dulo ng lamesa. Dumapo iyon sa dibdib niya at malayang humaplos. Pakiramdam ni Anya ay nagtayuan lahat ng balahibo niya sa batok. Ang init na kanina pa niya nararamdaman ay tuluyan nang kumalat sa kanyang sistema at binulaboh ang lahat ng kanyang mga pandama.

Alam niya kung ano ang ibig tukuyin ni Clark.

Gustong tumutol ng isip niya subalit iba ang isinisigaw ng kanyang katawan. At hindi man niya aminin sa sarili ay nakararamdam siya nang pagkasabik sa ginagawang panunukso ng dating katipan. Nakailang paglunok si Anya hanggang sa maramdaman niya ang paggitaw ng pawis sa noo.

Ang palad ni Clark ngayon ay malaya nang dumadama sa loob ng suot niyang bistida.

Napaigtad siya nang laruin ng daliri nito ang isang korona ng kanyang dibdib. Hindi na siya nakapagpigil at mahinang napaanas ng ungol sa nadamang sensasyon.

It is arousing and warm. It heats her thing down there. Jeez!

“You like it, don't you? Oh, I miss these two buddies baby and I love sucking it and playing.” Clark whispered to her air.

Nagsunod-sunod na ang paglunok ni Anya.

Nagkamali siya nang tawirin ang harang na nilikha ng binata. Siya ang nahuhulog at nadadarang sa apoy na sinimulan nito. Pagkat’t mabilis na umaayon ang puso niya sa mga panunukso ng lalaki kaysa sa isinisigaw na pagtanggi ng isip nya.

Nagpatuloy sa ginagawa nito si Clark, kaya panay ungol ang ngayo'y kumakawala sa bibig niya. Pakiramdam niya ay malapit na syang mawala sa katinuan.

“Hmmp.” Tikhim mula sa kanilang likuran.

Sa gulat ay mabilis na tumayo si Anya upang makawala sa lalaki. Mabilis na inayos nito ang tirante ng bestida na nawala na sa pagkakabuhol.

Si Vince ay nakangiti at tila may nakitang kaaliw-aliw. Hindi tuloy malaman ni Anya kung paano aakto sa harap ng lalaki. Hiyang-hiya sya sa pagkakahuli sa kanila ni Clark sa hindi kanais-nais na tagpo. Hindi tuloy niya matignan ng diretso ang asawa ng kaibigan. Kaya't mabilis na siyang nagpaalam sa dalawa at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion.

Ngiting+ngiti at napapa-iling na binalingan ni Vince ang kaibigan.

“What?” si Clark kay Vince.

“Look at her..." sambit ni Vince na sinundan nang tingin si Anya.

"Para siyang munting sisiw na nakawala sa kuko ng mabangis na agila. Be nice to her man or else my wife could kill us both.”patawa nitong sabi.

Hindi umimik si Clark. Naging seryoso ang mukha, bagay na hindi naman nakaligtas sa pansin ni Vince.

“You know what? I have a feeling that something unfinished business here. May hindi kaba naikukuwento sa akin pare?” Tanong nito sa matalik na kaibigan habang may pagdududa sa reaksyon ng mukha.

Sinulyapan ni Clark ang kaibigan at pagak na ngumiti. “In time man, in time” sagot nito na sinabayan nang malakas na pagbuga ng hangin. Naisuklay nito ang kamay sa buhok.

“That sounds interesting.” ani Vince kay Clark, at bagamat nakangiti ay napuno ito ng intriga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status