Share

Kabanata Dalawampu’t anim

Sa gabi nang anibersaryo ng mag-asawang Senyor Ramon at Senyora Clara Buenavista ay naroon si Anya upang tumulong sa pag-aayos ng mga pagkaing ihahanda na pinangangasiwaan ni Manang Yoly ang tumatayong mayordoma ng pamilya.

Halos punong abala ang lahat sa hacienda. Dapat ay kasama niya ang kanyang lola subalit tinamaan ng trangkaso ang matanda. Kaya't pinayuhan niyang manatili na muna sa bahay at magpahinga. Labag man sa kalooban na iwanan niyang mag-isa sa kanilang bahay si Lola Mareng ay ito naman mismo ang nagpumilit na pumaroon s'ya sa hacienda. Ayon sa kanyang Lola ay nakakompromiso na ito at nakakahiya raw sa mag-asawang Buenavista. Lalo na at malaki ang utang na loob nila sa mga ito.

Noong mga panahon kasing nagkakasakit ang kayang ina ay ang senyora ang tumulong sa pagpapagamot nito. Bukas palad ang nasabing ginang sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kaya't labis ang paghanga nilang mag-lola sa senyora sa kabaitan nitong taglay. Kaya anumang pwedeng maitulong ay ibinabalik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status