Share

Kabanata Dalawampu’t lima

Kung ito siguro ang pakiramdam ng nasa langit. Parang ang sarap asaming wag nang bumaba sa lupa. Kay gaan sa pakiramdam. Para kang nakalutang sa alapaap. Ipinikit ni Anya ang mga mata. Dinama ang luwalhating dulot ng kalikasan. Pagkatapos ay nagpakawala nang malalim na paghinga. Kay sarap namnamin ang ganitong kaalwang pakiramdam. Kalmado at payapa.

Iminulat niya ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagbabadya na ang pag halik ng araw sa lupa. Malapit nang mag dapit-hapon.

Niyakap niya ang sarili nang maramdaman ang malamig na hanging humaplos sa kanyang balat..

Dinungaw niya ang kailaliman ng burol. Mula roon ay matatanaw ang pribadong Liang Beach resort na pag-aari ng mga Zantillan.

Tinanaw niya ang karagatan. Mangasul-ngasul ang tubig sa dagat. Kay-linaw at kay-linis.

The velvety white crystal sand delights the visitors. Kaya't naging pamoso ang resort. Nakaramdam is Anya ng konting pagkahilo kaya't umatras siya nang bahagya para lang bumunggo sa malapad at matigas na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status