Share

Kabanata Labing-Anim

Jusmiyo! Bakit ba kasi hindi ka man lang nag-preno ng bibig mo, ayan tuloy mukhang matatarayan ka pa ngayon. Kastigo ni Anya sa sarili. Nanahimik na lang kasi bigla si Kate. Ngunit maya-maya sa hindi malamang dahilan ay sukat bumunghalit na lamang ito ng tawa.

Kunot noo na napatitig rito si Anya. May nakakatawa ba sa kanyang sinabi? Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili.

Tawang-tawa kasi si Kate na halos umalog pa sa kinauupuan at animo walang iniindang sakit sa katawan.

Maya-maya ang kunot sa noo ni Anya ay nahalinhinan ng ngiti. Kumislap ang mata niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaksihan niya na tumawa at ngumiti ang mga mata ni Kate. Bagay na hindi nito ginagawa. Tahimik lang kasi ito sa loob ng classroom. Nakaupo lang at ni hindi nag pa-participate sa klase. Malimit nya rin itong makita sa mga tagong bahagi ng akademya at nahuhuli niyang naninigarilyo. Hula pa nga niya kaya siya nito hinaharang na makapasok sa villa sa pag-aakala siguro na magsusumbong sya sa mga magu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status