Share

Kabanata Dalawampu’tdalawa

Mabilis ang mga hakbang ni Anya, walang lingon-lingon at animo nakikipag-patintero. At kahit may kabigatan ang dala niyang bayong ay hindi niya alintana. Nagpatuloy siya sa maliksing paglalakad. Natanaw niya kaso ang pick up ni Clark na nakaparada sa harap ng munisipyo.

Bumundol agad ang kaba sa kanyang dibdib. Kaya naman ay agaran siyang kumilos. Nagpalinga-linga siya sa pag aakalang baka nasa paligid lamang ang lalaki. At hindi nga sya nagkamali ng sapantaha pagka't ilang saglit lang ay natanaw na nga niya ang binatang palabas mula sa isang coffee shop. Sa likuran nito ay nakasunod ang isang babae na nakilala niyang anak ng dating Mayor na si Demetrio Cruz, na nangangalag Carol. Kung hindi siya nagkakamali ay naging magkasintahan ang dalawa noong mga unang taon ng mga ito sa kolehiyo. Mabilis siyang kumubli sa kalapit na tindahan ngunit sa malas ay napansin na siya ng lalaki. Ilang metro lang naman kasi ang layo niya sa mga ito. Saglit na natigilan si Clark, tila nagulat ito na maki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status