Share

Chapter 6

MOS: CHAPTER 06

GABRIELLA POV

Agad akong napatingin sa phone ko ng tumunog ito.

Unknown Number:

      Hi pa accept!

Loko ba 'to? Anong akala niya sa number ko? F******k?

Sinawalang bahala ko nalang ito at patuloy na niligpit ang mga ginamit ko para naman makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako!

Salamat naman at natapos narin. Agad akong nagtungo sa cafeteria para kumain.

Nang biglang nag text na naman siya.

Unknown Number:

     Ang sabi ko pa accept!

Aba loko 'to ha! Siya pa talaga 'yong maatitude?

Me:

     Anong pa accept? Gusto mo suntukin kita?

Pinatay ko na 'yong phone ko bago ako nagpatuloy sa pagkain. Nang tumunog na naman siya.

Unknown Number:

     Pa accept! Hindi kasi ako makapasok sa buhay mo.

Natawa ako sa sinabi nito. Mukhang familiar ang mga banat niya ha.

Me:

     Echo?

Unknown Number:

      Napasok mo rin!

Loko talaga ang lalaking 'to! Napailing nalang ako at patuloy na kumain. Hindi ko na masyadong nakikita si Titus. Sabi kasi ni Kuya malapit na raw ang exam nito kaya naging busy raw ito.

Nang matapos na ako ay agad na akong tumayo.

Napatili ako ng may bigla akong nakabangga. Buti nalang at nasalo niya ako bago ako matumba.

Titus?

Si Titus 'to?

Bakit ang laki ng eye bags niya?

Gusto ko sana siyang tawanan kaya lang... Bakit ang cute niya parin?

"Careful," mahinang sabi niya at binitawan ako.

Napaayos naman ako ng tayo at napatingin sa kanya.

"Sino 'yong kalaban mo?" tanong ko sa kan'ya.

"Kalaban ano?" takang tanong niya.

"Kalaban mo sa walang tulugan challenge."

Kita ko ang pag angat ng labi niya bago niya ako nilagpasan. Snob parin hanggang ngayon.

Bumalik na ako sa classroom. Nakinig lang ako nang nakinig. Hanggang sa uwian na.

"Kuya!" malakas na tawag ko sa kanya.

"Ano ba?!" inis na sigaw niya sa 'kin.

Natawa ako sa itsura niya. Magkatulad na magkatulad sila ni Titus. Bakit ako? Sobrang hirap rin naman ng course ko pero hindi ako nagkakagan'yan?.

"Kumusta?" natatawang tanong ko sa kan'ya.

"Mukha ba akong okay?" pabalang na tanong niya.

"Wala parin namang pinagbago 'yong itsura mo Kuya," nakangiting sabi ko.

"Gwapo parin?"

"Panget parin kamo!" sigaw ko sa kan'ya.

Bago niya ako mabatukan ay agad na akong pumasok sa kotse niya at sumakay. Napatingin ako sa tabi ko ng mapansing walang tao roon. Wala parin si Titus?

"Kay Cora siya sumakay," panira ni Kuya sa mood ko.

"Bakit kay Cora?!" inis na tanong ko.

"Tigil tigilan mo nga 'yang si Titus," mahinang sabi ni Kuya at nagsimila ng mag drive "Alam ko ang type niya sa babae."

"Ano?" curious na tanong ko.

"Hindi ikaw." Panira 'to oh! "Kahit sino basta hindi ikaw."

"Bakit hindi ako? Naku! Naku! Naku! 'Pag 'yan si Titus nahulog sa 'kin? Tatawa ako ng malakas dahil kakainin niyo lahat ng mga sinasabi niyo."

"Pa'no 'pag hindi naging kayo? Pa'no 'pag hindi talaga kayo ang itinadhana?" seryosong tanong niya. "Sino nga pala 'yong lalaki sa Bar? Bagay kayo ha," kumento niya.

"Naku Kuya! Retarded yon."

"Retarded?" takang tanong niya.

"Kakatakas lang no'n sa mental."

Natawa ako sa reaksyon ni Kuya sa sinabi ko.

"Ayos lang," biglang sabi niya. "Retarded siya, Retarded karin naman eh. Bagay kayo," tawang sabi niya.

"'Yon na nga eh. Retarded na nga ako dadagdag pa ako ng isang Retarded. Naku Kuya wag na."

Hininto ni Kuya ang kotse sa bahay ni Marco. Napangiti ako ng makita kong ngumiti si Kuya.

Mukhang pareho kami ng iniisip ngayon. Nagkatinginan muna kami bago tumango.

Tinanggal niya 'yong seatbelt ni Marco bago niya binuksan ang pinto.

Dahil natutulog siya ay pinagtulungan namin siya ni Kuya na itulak. Bago namin sinara ang pinto at pinaharorot ng mabilis ang kotse.

Napatingin ako sa likod. Natawa ako ng malakas ng mapansing nakahawak si Marco sa pwet niya habang tinuturo kami at sumisigaw.

Nakipag apir pa ako kay Kuya. Pero ng mapansin ko... Ay agad ko ring pinahiran ang kamay ko. Naalala ko Germs pala 'tong kuya ko!

Hanggang sa makauwi na kami. Nagtungo agad ako sa kwarto ko para maligo. Pero may mapansin akong isang bagay sa kama ko.

Isang kahon. Anong laman nito?

Agad akong lumapit roon at binuksan ito pero halos manlaki ang mata ko ng mapansing may maliit na box pa sa loob nito. Pagbukas nito ay...

Singsing? P-promise ring?

Agad kong kinuha ang papel na nasa box. Bago ito binasa.

'Pag sinuot mo yang SingSing na 'yan ibig sabihin sa 'kin kana. I promise you one thing, I will never hurt you. I am now happily inlove you. I'm already contented and inlove with you. At sana ikaw rin.'

Kanino 'to?

Isusuot ko ba o hindi?

Napabuntong hininga nalang ako bago ito sinuot. Napangiti ako ng mapansing bagay sa 'kin. Ang ganda ng napili niya—kung sino man ang nagmamay ari ng singsing na 'to.

Naligo na ako pagkatapos ay nagbihis. Pagkababa ko ay doon ko na nakita sina Mama at Papa sa sala. Siguro nasa Kusina si Kuya—hindi pa 'yon tapos kumain.

Nagtungo na ako sa kusina. Ayon nand'on nga si Kuya kumakain habang nag cecellphone.

"Pupunta rito si Titus para sabay kaming mag aral. Please lang Gabriella 'wag mong siyang kulitin," pagbasag ni Kuya sa katahimikan.

"Okay," tanging sagot ko lang. "Pupunta rin kasi rito si Marco. May research kami."

Tumango naman siya at patuloy lang sa pagkain.

Nang matapos na kaming kumain ay wala na sila Mama at Papa sa sala. Nasa kwarto na siguro. Sakto namang dumating si Titus.

Ako na ang nagbukas ng gate para papasukin siya pero bago 'yon ay biglang nag ring ang phone ko.

"Oh?" inis na sagot ko at binuksan ang gate.

"Gusto sana kitang dalawin."

"Wala akong sakit para dalawin mo lalong lalo na wala ako sa kulungan."

"Panira talaga 'to." Huhulaan ko nakanguso ang lalaking 'to.

"Naku! Tigil tigilan mo ako Echo."

"Dadalawin sana kita. Kaya lang hindi ko alam kung saan ko ilalapag ang helicopter ko."

Ang yabang! Helicopter talaga?

Sakto namang dumating rin si Marco. Kaya pinapasok ko narin siya.

"Huy! Nasa itaas ako!"

Napatingala ako sa taas. May helicopter nga!

"Baliw ka talaga Echo!" inis na sigaw ko sa kan'ya.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status